You are on page 1of 2

150598

Mia Agnes M. Tacoloy


Filipino 102
GT
Papel sa Honor Thy Father
1. Maglarawan ng isang karakter: kanyang mga kahinaan at kalakasan, nagpapasaya at nagbibigay
satispaksyon.
Si Kaye ang asawa ni Edgar o Egay, at ina kay Angel. Sa simula ng pelikula,
ipinapakita siyang isang mapagmahal na ina at asawa, at nagtutupad ng kanyang mga tungkulin
ukol sa pamilya. Ipinapalabas sa pelikula na isa din siyang matapat na kasamahan sa kanilang
simbahan, ang Simbahan Ni Yeshua. Sa isang tagpuan sa loob ng parokya, maaaring ihambing
ang aktibong pagsang-ayon ni Kaye sa mga payo at pangaralan ng kanilang Obispo katulad ng iba
nilang kasamahan, sa pagkakaiba ng kakulangan ng interes ng kanyang asawa. Ang pag-aaruga ni
Kaye sa kanyang pamilya at ang sariling pananampalataya ang mga kalakasan niya. Subalit,
ipinapakita ng pelikla na hindi maaaring ipagkatiwala kay Kaye ang pagdadala ng kanyang
pamilya sa gitna ng isang malaking suliranin. Nailalabas ang katangiang ito sa eksena kung saan
natatagpuan ni Edgar ang kanyang asawa sa loob ng banyo na may hawak na patalim at hindi
maisaayos ang sarili. Makikitang magkasalungat ang mag-asawa sa pag-iisip ng sa palagay nila
ang tamang kalutasan sa paghahanap ng pera para mabayaran ang utang. Habang desidido si
Edgar na gamitin ang marahas at mas delikadong solusyon, naninindigan si Kaye sa kanyang
paniniwala nab aka sakaling makakatulong ang Obispo. Higit na inirerespeto ni Kaye ang Obispo
at simbahan, habang nawawalan na ng pananampalataya ang kanyang asawa dahil naniniwala si
Edgar na wala nang magagawa ang Diyos sa sitwasyon. Ito ang mga kahinaan ni Kaye.
Maaaring ang pag-aasikaso sa kanilang anak bilang mag-asawa, na maiwas siya sa
kapahamakan, at ang aktibong paglahok sa mga Gawain ng kanilang parokya ang nagpapasaya
kay Kaye. Maaari naming nagbibigay satispaksyon sa kanya ang kaalaman na nasa maayos na
kalagayan sa Angel dahil alalang-alala siya kung hindi; makikita ito sa eksena kung saan nakuha
ng mag-asawang namumuhunan sa Angel, kapalit ng utang nila Edgar at Kaye. Damang-dama din
ang pagkabahala niya sa unang pagkakita niya sa baril ni Edgar; ayaw niyang makilahok sa
marahas na pamamaraan dahil hindi niya gusting mailangay ang kanyang pamilya sa daan ng
kapahamakan. Bukod sa labis na paniniwala niya sa kasabihan ng Obispo na maglalaan si Yeshua,
maaaring sabihin na nagbibigay satispaksyon rin kay Kaye ang pagiging komportable at kuntento
sa kanilang lagay sa buhay. Naipapakita ito sa tila negatibong pagtingin niya sa pamilya ni Edgar
na nasa ibang probinsya, maaaring dahil ito sa katayuan nila na naipapakita sa kabuhayang
pagmimina.

150598
Mia Agnes M. Tacoloy
2. Maglahad ng dalawang tagpuan sa pelikula na labis na nakakuha sa iyo ng atensyon. Ipaliwanag
ang iyong pagpili sa mga ito?
Isang tagpuan na nakakuha ng atensyon ko ang kuwarto sa loob ng simbahan kung saan
nakatago ang nakolektang pera ng simbahan. Umaayon ito sa eksenang ipinapakita ang pagnakaw
ni Edgar at ng kanyang mga kapatid ng pondo ng simbahan. Nabahala ako sa ginawang
pagkasalungat ng isang banal na lugar at ng nangyaring karahasan; napapatunayan nito na
maaaring mangyari ang ganitong sitwasyon sa totoong buhay, na may posibleng magkatagpo ang
relihiyon at karahasan dahil sa paghihirap na dinaranas ng isang tao ukol sa pera, masama o
mabuti man ang intensyon. Bukod dito, nakita ko sa eksena ang munting pagbabago sa karakter
ni Edgar; nang ipapatay na sana ng isang kapatid niya ang kasamahan sa simbahan na nakahuli sa
ginagawa nila, napatitigil ni Edgar ang kanyang kapatid. Sa paningin ko, ipinapakita nito na may
konsiensya pa rin si Edgar, na hindi niya ninais masaktan ang sinuman sa simbahan.
Isang tagpuan na nakakuha din ng atensyon ko ang bahay kung saan nakakuha si Edgar
ng isang baril. Hindi nagdalawang-isip si Edgar na makuha ang armas, kahit pa man wala siyang
pambayad sa sa kanyang kaibigan. Nailalabas dito ang unang pagkakataon kung saan napapakita
sa mga taganood na may potensyal si Edgar na makapatay ng isang tao, na hindi lamang para sa
depensa ang gamit niya sa baril.
3. Bakit pinamagatang Honor Thy Father ang pelikula?
Sa pelikula, maraming maaaring tukuyin ang Father sa pamagat. Maaaring itinutukoy
ditto si Edgar, ang kanyang ama, ang Obispo at si Yeshua, ang kinikilalang Diyos ng mga
pangunahing tauhan. Masasabing isang tungkulin ng anak at ibang miyembro ng pamilya na
kilalanin ang mga mabuting nagawa ng padre de pamilya. Mula sa pelikula, masasabing unang
tungkulin naman ng isang ama na maglaan para sa kanyang pamilya; naipapakita ito sa katauhan
ni Edgar, kung saan nagagawa niyang gamitin kahit ang marahas na solusyon upang maiiwas ang
kanyang pamilya sa kapahamakan. Bilang isang tagapagbigay, masasabing isang ama din si
Yeshua ngunit hindi naipapakita ang kanyang mga handog sa tauhan, kung iyon ay babasehan sa
solusyon ng pera, dahil nakuhang tanggihan ni Edgar ang kanyang pananampalataya at nakawin
ang pera ng simbahan. Naipakita sa isang eksena ang pagpanaw ng ama ni Edgar; sa paggamit ng
kanilang kabuhayan upang maituwid and sitwasyon, maaaring sabihin na nakuhang parangalan
niya ang ama, para sa maling kalalabasan lamang. Gayon pa man, naipapalabas ng pelikula ang
higit na sakripisyo na magagawa ng isang ama hindi para sa kanyang sarili ngunit para sa mga
minamahal. Siguro nailalahad sa pelikula na gumagabay at naglalaan ang ama bilang pinuno ng
pamilya, kahit pa man sa halip ng kawalan ng pananampalataya sa iba.

You might also like