You are on page 1of 5

Pinoy Trivia

Rebolusyon: Binigla o nabigla?


Sinasabing wala sa tamang panahon nang ilunsad ang rebolusyon ng mga Filipino laban sa mga
mananakop na Kastila noong 1896. Kilala nyo ba kung sino ang taong sinasabing nagtaksil" nang
ikumpisal niya sa isang pari ang samahan ng Katipunan.
Agosto 1896 nang ikumpisal umano ni Teodoro Patio kay Fr Marinao Gil ang sekretong samahan ng
mga Katipunero sa Tundo. Pinapaniwalaan na ginawa ito ni Patio bilang paghihiganti sa kapwa
Katipunero na si Apolinario dela Cruz.
Magkasama sina Patio at Dela Cruz sa isang printing press kung saan dito nila lihim na nililimbag ang
rebolusyunaryong pahayagan na Kalayaan." Dahil sa isiniwalat ni Patio,nagsagawa ng pagdakip ang
mga Kastila laban sa mga katipunero at nagsimula na ang marahas na pag-aaklas.
Ngunit may mga salaysay noong 1920s na nagsasabing sinadya ni Patio na ibunyag ang Katipunan
batay sa utos ni Andres Bonifacio upang masimulan na ang armadong himagsikan na kinokontra umano
ng ibang pinuno ng Katipunan.

Gaano kahaba ang Lupang Hinirang


Dahil sa kakaibang rendisyon na ginawa ni Martin Nievera sa pag-awit ng Lupang Hinirang, uminit muli
ang talakayan tungkol sa Pambansang Awit ng Pilipinas. Pero alam nyo ba na hindi pa umabot ng isang
minuto ang haba ng opisyal na bersyon ng kantang ito.
Ang bersyon ni Nievera sa Lupang Hinirang na kinanta niya sa laban nina Pinoy boxing icon Manny
Pacquiao at British Hitman" Ricky Hatton sa Las Vegas noong Mayo 3 ay tumagal ng halos isang minuto
at 30 segundo.
Ngunit sa opisyal na bersyon ng Pambansang Awit na mapakikinggan sa Web site ng National Historical
Institute, tumagal lamang ito ng 55 segundo sa ritmo ng Marcha Filipina Magdalo" na ginawa ni Julian
Felipe noong 1898.

Paboritong libangan ng bilyunaryo


Ang shopping mall tycoon na si G. Henry Sy at ang kanyang pamilya ang kinikilalang pinakamayamang
tao ngayon sa Pilipinas, batay sa talaan Forbes magazine. Alam nyo ba kung ano ang paborito niyang
libangan noong kanyang kabataan.
Taong 1958 nang buksan ni G. Sy ang una nitong tindahan ng sapatos sa Rizal Avenue sa Maynila na
tinawag na Shoemart" at ngayon ay mas kilala bilang SM" mall. Ngayon, mahigit 30 na ang sangay ng
SM mall sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas bukod pa sa mga sangay sa ibang bansa tulad ng China at US.
Isa sa mga kapansin-pansin sa mga mall ng SM ay ang pagkakaroon nito ng lugar para sa ice skating at
bowling lanes. Ang dahilan; paboritong libangan ito ni G. Sy noong kanyang kabataan at nais umano
niyang itong ibahagi sa mga kabataang Filipino.

Binago ang oras


Alam nyo ba na minsan ng binago ng pamahalaan ang tunay na oras sa Pilipinas sa layuning makatipid
ang bansa sa konsumo ng enerhiya at inaangkat na langis sa ibang bansa.
Sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Corazon Aquino ipatupad ang Daylight Saving Time (DST)
noong Agosto 1990. Sa loob ng isang buwan, pinaaga ng isang oras ang mga relo sa bansa upang
magamit ng husto sa mga opisina sa mga pribado at pampublikong kumpanya ang libreng sikat ng araw.

Noong Abril 2006, iminungkahi muli ng Department of Trade and Industry na ipatupad ang DST dahil pa
rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ngunit hindi ito nangyari

Manuel L Quezon
dahil siya ang ngsulong na gumamit na lng ng isang wika ang ating bansa ng sa gayon ay mapadali
ang pagkakaintindihan ng bawat mamamayang pilipino..
dahil sa kanyang panunungkulan bilang pangulo siya ang unang nagpalabas ng batas na bubuo ng
pag-aaral sa mga katutubong wika at ito ang surian ng wikang pambansa, natupad naman ito noong
taong 1937. ang ang layunin nito ay malaman ang mga nangungunap katutubong wika na ginagamit
at nauunawaan ng mga pilipino. upang magkaroon ng isang wikang pambansa ang pilipinas.

Manuel L. Quezon (Biography)


Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang Ama ng Wikang Filipino.
Tinagurian ding Ama ng Republika ng Pilipinas, siya ang naging
unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano
noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang
Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si
Quezon ay itinuturing ng mgaFilipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa,
sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding Ama ng Kasarinlang Pilipino
dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa
pamahalaang Amerikano.
Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19
ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng
Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina
Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa
sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang
bayan.
Tinuruan siya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang 1887; pagkatapos ay
pumasok siya sa San Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong
1889. Namatay ang kanyang ina sa sakit na tuberkulosis noong 1893, bago siya
nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto.
Tomas (UST) noong 1894. Pagdating ng 1898, ang kanyang amang si Lucio at
kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinatay ng mga armadong lalaki noong
pauwi sila ng Baler galing Nueva Ecija, dahil sa kanilang katapatan sa pamahalaang
Espanyol.
Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas
ang Inggles ang isa paayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang
Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng
wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya
ating pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala. -Dr. Jose P. Rizal

Kalian ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika? Noong ika 15 ng Enero 1997 idineklara
ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong Buwan ng Agosto bilang Buwang ng Wika.
Kalian ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika?- Noong ika-23 ng Setyembre 1955,
idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto
kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyon nito ay palaging nagtatapos sa
kaarawan ni Quezon ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang
wika.
Kawaniwang ipinagdiriwang ang Buwang ng Wika sa elementarya, sekundarya at
kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa
pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay,
pagpupulong, talakayan gamit ang wikang Filipino pagsusulat ng sligan at paggawa
ng poster.
Paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa?
Sa mga paaralan, hinihikayat ang lahat na magsalita sa wikang Filipino sa loob man o labas ng klase. Eh
paano sa mga English Speaking Zones? Paano sa mga international schools?
Sa ganitong buwan din ginaganap ang mga balagtasan, patimpalak sa pagtula, debate gamit ang
wikang pambansa, at kung ano-ano pang maisip ng mga gurong ang nais ay makapagdiwang ng isang
makabuluhang Buwan/Linggo ng Wika. Bow.

Ano ang pananaw mo sa pagdiriwang na ito?


Hindi mabilang na mga lengguwahe at dialekto ang binibigkas, naririnig, at sumisimbolo sa bawat lahing
bumubuo sa populasyon ng mundo.
Sabi ng ilan, tuwing Buwan ng Wika, magsalita tayo sa Tagalog. Sabi naman kalahating ilan, bakit sa
Tagalog lang? Paano ang Bisaya, Ilokano, at iba pang dialekto sa Pilipinas?

Sa Filipino daw, hindi sa Tagalog. Madalas nga naman na ito ang nagiging reklamo ng ilan ang mga
hindi Tagalog. Ang Tagalog ay ang dialekto ng mga Pilipinong naninirahan sa Timog Katagalugan at sa
ka-Maynilaan.
Bakit Filipino at hindi Pilipino?
Wala namang pinagkaiba halos sa porma maliban sa unang letra. Dahil ito sa sinasabing pagiging
universalist ng Filipino kaysa sa Pilipino. Dahil sa letrang F na kabilang sa pang-internasyunal na
lengguwaheng Ingles.
Taglish may problema ka?
Ako wala. Ikaw? Depende sa sitwasyon, depende sa hinihingi ng pagkakataon.
Eh sa Beckimese (Bekimon) at Jejemon, may reklamo ka?
Kung ang pagsasalita ng Beckimese o ang tinaguriang lengguwahe ng mga bakla ay isang krimen,
matagal na akong nahatulang nagkasala. Hindi dahil sa ako ay isang babaeng bakla. Ako lang ay nahawa
sa mga taong nakaimpluwensya nang hindi inaasahan.
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. Bata ka pa lang naririnig mo
na ito.
Ano ang sukatan ng pagmamahal sa sariling wika? Sagutin mo sa kung saang wika ka kumportable.

Ang Pinakamahabang Salitang Filipino


Akala ko noon ang pinakamahabang salitang Tagalog ay ang pakikipagsapalaran (18 letters) pero
may mga mas mahaba pa pala roon:
pinakamakapangyarihang (22 letters)
pinakapinagkakatiwalaang (24 letters)
Pero may nabasa ako sa isa pang forum na ang pinakamahabang salitang Tagalog ay ang:
nagsisipagsinungalisinungalingan (32 letters)
Naisip ko tuloy kung may mas hahaba pa dito at tila meron pa nga:
pinakapinagkakaeksklusibueksklusibuhan (38 letters)
Alam kong hindi masyadong ginagamit ang mga super-habang mga salita, ngunit kung tutuusin may
kahulugan ang mga ito kahit inimbento lang.

DR. JOSE RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna
noongHunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora
Alonzo.Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pangaabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18,
1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga
Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.
Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

You might also like