You are on page 1of 1

Ang Sulyap sa Nakaraan

Matagal na panahon na ang lumipas. Marami nang nagyari at marami na rin


ang nagbago. Ngunit kailanman ay di maikakaila na ang nakaraan ang syang naging
daan patungo sa kinabukasan

Sa gitna ng makabagong panahon at ng mga nagtatayugang gusali patuloy


pa ring nakatindig ang mga haligi ng nakaraan, na syang nagsisilbing buhay na
saksi magpahanggang ngayon. Ang mga haliging ito, ang bawat ukit, marka, hagod,
at sira na makikita mula sa mga ito, ang syang tumatayong guro na syang
nagbabahagi ng mga aral at kaalaman tungkol sa mga mahahalagang pangyayari
sa kasaysayan na kanyang nasilayan. Ang mga pananda naman ang syang
tagapagsalin ng mga ukit at marka ng mga haligi, at siya ring nagsisilbing buhay na
salita sa paggunita sa mga ala-ala ng nakaraan.

Naway di malimot sa panahong kasalukuyan ang lahat ng sakripisyo ng


bawat Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay at maging ni Dr. Jose Rizal, mga
bayani na syang pinagaalayan ng haliging patuloy pa ring nakatindig sa haba ng
panahon. Ito ang malinaw na mensaheng nakapaloob sa bawat ukit at guho sa mga
haligi ng Fort Santiago, ang mensaheng dapat ding nakaukit sa ating pagka-Pilipino;
ang ating kasalukuyan at kinabukasan ay siya nating utang sa nakaraan na syang
nagahon sa ating mga Pilipino mula sa maskalunos-lunos na kapalaran.

Ang mga pahina ng libro na syang patuloy na nagtuturo ng kasaysayan ay


hindi sasapat upang matumbasan ang kakaibang pakiramdam at bigat ng emosyon
na nakapaloob sa pagtapak sa tunay na lugar ng kasaysayan.

Ito ang aking natunghayan sa aking pagtapak sa nakaraan, sa loob ng Fort


Santiago sa Intramuros.

You might also like