You are on page 1of 2

Buod ng El Filibusterismo

Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me


Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti, karahasan at karuwagan sa akdang
El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuon- isang
Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit
sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa
mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria
Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno. Bilang
kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang
kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni
Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling
pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde
bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular sa mga prayle. Ang sumunod naman
ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun
kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pagaalsa sa kanyang tahanan. 'Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente - isang
mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. 'Di
naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga
ito na napag-alab ang galit sa pakana ng mgakastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng
kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso.
Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang
magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Juli kaya't
wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa
pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral at mga kasamahan sa pagtataguyod ng AWK sa
pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila'y napagbintangang mga utak ng
pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila. Ang mga nagkalat na paskin ay
siyang naging matibay na patunay laban sa kanila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng
kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay
ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa
kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si Kapitan Tiyago at nang hindi
siya nito pamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon na unti-unti siyang
binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang
pagkalumbay ng huli matapos na malaman na pumanaw na ang nag-iisang dalaga na
nagbibigay-lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit nang magdesisyon si Basilio
na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwang paghihiganti. Dahil sa
mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak

ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago nakung saan nagaganap ang magarbong
salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang
isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya
at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago
siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito ngunit ang
lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na naguutos na isuko ang taong tinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na
mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang
hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang
kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa
kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'ymatuklasan ng hinaharap.

You might also like