You are on page 1of 17

Sapagkat ang Pilosopiya ay

Ginagawa Roque J.
Ferriols, S.J.
Ateneo de Manila
University Pagtanong at Paggawa
Sapagkat nagsisimula tayo ng kurso ng pilosopiya, marahil gusto mong
tanungin: ano kaya ang pilosopiya? Lalong mabuting gawin muna bago
pag-usapan kung ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa. Natututo
tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa pamimisikleta, lumangoy
sa paglalangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse. Ganyan
din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari tayong tulungan ng isang
kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati
lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong magbisikleta,
atbp.
At ano kay ang iniisip ko kapag aking sinasabi na tinuruan akong
magbisikleta ng isang kaibigan? Sa palagay ko'y aking naaalala kung
papaanong pinangatawanan niyang paligiran ako ng isang kalagayan
upang ako'y matauhan na ako ri'y maaring magbisikleta. At pinamumulat
niya sa akin na, upang maisagawa ko itong pagka- maaring ito ay
kailangan kong magsipag at magtiyaga. at kaya kong magsipag at
magtiyaga. Tinuruan akong magbisikleta ng isang kaibigan. Ang ibig
sabihin: Sa kanyang pagpapakita, pagtawag ng pansin, pagsusubaybay,
pagbibigay-loob, pagmamakulit. nagisnan ko na nasa aking sariling
pagpasya kung isasagawa ko itong pagka-maaring ito o hindi. Pinasya
kong isagawa. At niloob kong tupdin ng buong sipag at tiyaga. At sa
wakas nagbibisikleta na ako.
At hawig diyan ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at pati
sa pilosopiya.
Instrumento sa Paggawa ang Kataga
Habang tinuturuan ako ng aking kaibigan, paminsan-minsan siyang
nagsasalita.Nagbibitiw siya ng mga kataga. Hindi siya nagkakabit-kabit ng
mga kataga upang bumuo, halimbawa, ng isang matunog na diskurso uko
sa: Ano ba ang magbisikleta? Kung ganyan ang ginawa niya, hindi pa
sana ako makabisikleta ngayon. Pero marunong sana akong magdiskurso
ukol sa pamimiskleta. Ang mga salita ng nagtuturo ay mga instrumento sa
paggawa. Nakikilalang wasto ang mga salita kapag ang tinuturuan ay
nakapagbibisikleta na.
Ayaw Nilang Lumundag pero, para sa Kanila, Marunong na
Sila

May mga taong gusto raw matutong lumangoy. Nakasuot panlangoy


na sila at sama-sama silang nakatayo sa tabi ng swimingpul. May notbuk
at bolpen ang bawat isa. Nagsasalita ang guro.

"Una sa lahat," aniya, "magsanay ka munang magtampisaw sa


tubig. Tapus, huwag huminga pero idilat ang mata at pagpasailalim ng
tubig. Tapus bastat't dumapa. Huwag matakot.Lulutang ka. Tapus,
matutong gumalaw ng paa.Matutong gumalaw ng kamay. Matutong
huminga.At paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang praktis."
Habang siya'y nagsasalita, masipag nilang sinusulat ang lahat ng
sinasabi niya.
"At ngayon," patuloy niya,
magsimula.Lundagin mo beybe!"

"eto

ang

swimingpul.

Oras

nang

Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila.


"Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo kung
hindi ninyo ginagawa!"
Wala pa rin lumundag.Sulat pa rin sila ng sulat.
"Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng
panahon?"
Dito, may bumaling sa guro: "Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikita
na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto."At pinakita niya ang
kanyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang
salitang hanggan sa huli... hanggan sa "Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita
na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?"
Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit."Biruin mo,
pinagalitan pa
tayo
!"
Pero natutuwa pa rin sila. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang
kanyang
notbuk. Naisulat nila ang bawat sinabi ng guro. Kaya't inaakala nilang
natuto na sila. Ayaw nilang lumundag pero, para sa kanila, e marunong na
sila!
E Kasi Bata
Nagkataon na nagsusulat ako sa bahay ng isang kaibigan na marami
ang anak.
May maliliit na batang naglalaro sa kapaligiran. Guguhit-guhit sila ng krayola
sa papel.

"Marunong ba kayong kumopya ng bulaklak?"


tanong ko. "Oo," tugon nila. Pumitas ako ng isang
bulaklak sa hardin. "Tingnan ninyo kung
madodrowing ninyo ito."

Iyong bulaklak ay may kumpol na mali-liit na ga-palito sa gitna, kulay


lila, matindi, naaabayan ng dalawang dahon, lunti sa kaliwa, lunti sa
kanan. Masipag na yumuko ang mga bata sa kanilang papel. Mamaya'y
tumuwid sila at nagmalaking itinaas ang mga drowing.Maraming bulaklak
ang kanilang iginuhit. Bawat bulaklak ay may gintnag mabilog na matindi
ang kulay, bawat gitnang mabilog ay napapligiran ng malalaking talutot na
matindi rin ang kulay. Sari-sari ang mga kulay. Maganda! Pero hindi nila
kinopya ang pinitas sa hardin.
"Hindi ninyo kinopya ito," sabi ko.
"Bulaklak ang mga ito," anila.
Nangyari yata na sa klase ng drowing ay natutunan na nila ang isang
patakaran sa pagguhit sa bulaklak. Kapag narirnig nilang "drowing" at
"bulaklak", otomatik nang kikilus ang kamay.Gitnang mabilog, malalaking
talutot. Hindi na sila titingin sa bulaklak na iniaalok sa kanila. Hindi na sila
gagawa ayon sa nakikita.
Iba naman ang nangyari isang umaga.Naglalakad akong nagbabasa
ng brebyaryo. Iyong daan ay tumatawid sa kabukiran. Kaaararo lamang ng
masaganang putik ng tag-ulan. Sariwa ang sikat ng araw sa likod ko at
nakikita kong umuuna sa akin ang aking mahabang anino. Nakarinig ako
ng maliksing takbo, at sumipot ang isang maikling aninong umaabay sa
anino ko. May kumalabit sa akin.
"Ano iyon?" tinuturo ng bata ang kanyang anino.
"Ewan," wika ko.
Itinaas niya at kinaway ang kanang kamay. "Tingnan mo. Gumagalaw!"
aniya
"Oo."
"Bakit?"
"Ewan."
Masusi siyang titingin-tingin noong biglang lumiko ang daan at
nahulog sa putik ang aming anino. Nagsimula siyang tumakbo ng sulongbalik-sulong-balik-sulong-balik
habang
palingon-lingon
niyang
pinagmamasdan ang kanyang anino.
"O. Sumusunod." Noong kuwan napagmasdan niyang na sa putik
ang anino.

"Napuputikan
ba?"
"Ewan."
"Bumaba ka. Tingnan mo."

"Ikaw na lang."
Kapag hindi nababara sa otomatik na patakaran ang bata, buhay na
buhay ang kanyang katutubong pananabik matuto. At tingin siya nang
tingin. Tanong nang tanong.At ang tanong ay nagiging bukal ng pagtingin masusing pagtingin.
Pagting
in
Tingin tayo nang tingin. Kailangan lamang nating dumilat at marami
tayong makikita. At ang pagtingin ay isang gawain na ako lamang ang
makagagawa, kung ako nga ang makakakita. Kahit na napanuod na ng
aking matalik na kaibigan ang isang sine, kailangan ko pa rin panuorin.
kung ako nga ang gustong makakita. Kahit na gaano kadikit ang aming
pagkabuklod, hindi siya maaring tumingin sa isang paraan na ako ang
nakakakita. Kung ako ang makakakita, ako lamang ang makatitingin.
Oo. Maari mo akong tulungan tumingin. Maari mong sabihin, "Tingnan
mo, plat ang goma ng Pajero." Hindi ko nakita kanina. Pero ngayon, salamat
sa iyo'y nakikita ko na. O baka meron akong nakitang hindi mo napansin.
"Tumingin ka sa pagitan ng dalawang sanga ng mangga; may
kumpl na tatlo ang bunga." Hindi mo nakita kanina. Ngayo'y tumingin ka.
Pero sa lahat nito, ikaw lamang ang maaring tumingin kung ikaw nga ang
makakakita. Ako lamang ang maaring tumingin kung ako nga ang
makakakita.
At tumingin nga tayo palibhasa'y tigib ang daigdig sa mga
nagpapakita, nagpapamasid. Parang sinasabi ng bawat nilalang, "Tingnan
mo, pagmasdan mo ako." At sabik tayong tumutugon sa kanilang tawag.
At kung may magtatanong, "Ano ba ang tumingin, ang makakita?"
Hindi natin masasabi talaga kung ano. Ang buod ng karansan ay alam
lamang ng taong dumilat at tumingin at nakakita. Hindi niya masasabi,
pero talaga niyang nalalaman at talaga niyang nagagawa. At kung may
magtatanong, "Papaano mong mapapatunay na kaya mong makakita't
tumingin?" Ang masasagot lamang natin (kung hindi bulag ang
nagtatanong) ay, "Dumilat ka!"
PagUunawa
May uring pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin. Halimbawa,
sinasabi natin na 2 + 2 = 4 sapagkat nakikita natin na ganyan nga ang
angkop na pag-iisip. Nakikita natin, sa umuunawang pagtingin, ang pagkadalawa ng dalawa at ang pagka-apat ng dalawang dalawa. Kung may

tatanggi diyan, wala tayo talagang masasabi. Pero hindi rin natin
maipakakaila (kung mananatiling tayong tapat sa katotohanan) na hindi
siya talagang nag-iisip. Sapagkat sa isang kilus ng ating pag-uunawa na
hawig sa kilus ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2 + 2 = 4.

May nagsasalita. Bigla siyang nagbiro. May kislap na lumiwanag sa


ating pag- uunawa at tumawa tayong lahat. Sa biro, meron tayong
talagang nakikita, talagang nauunawaan. Sa tawa, kusang nanginginig ang
katawan, sapagkat pinasabog ng kislap ang pag-uunawa. At kung mag
nagbiro at hindi ko nahuli iyong kislap, wala akong nakitang katatawanan
at hindi tunay na tawa ang aking ibinubuga.
2 + 2 at kislap ng biro. Dalawang halimbawa na hindi gaanong
mahirap makita at maunawaan.
Marami ang mga ibang posibleng
halimbawa. At ang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay: Na
kaya kong umunawa. Na kung titingin lamang ako, ako'y makakaunawa.
Maaring makaunawa ako sa isang sandali ng pagtingin.
O maaring
mangyari na makakaunawa lamang ako pagkatapos ng mahabang panahon
ng pagsikap makakita, at makakita ng malalim at buo. Pero sa lahat, may
kilus ang pag- uunawa.
Tinatablan ng pag-uunawa ang inuunawa.
Kailangang tumingin ng isip.
Isa pang kapansin-pansin sa mga tinutukoy na halimbawa ay na kaya
ko ngang umunawa. Pero ako lamang ang maaring umunawa kung ako
nga ang makakaunawa. Kahit na mahigpit na magkadikit kita sa
pagkakaibigan, hindi mo kayang umunawa sa isang paraan na pagkatapos,
ako ang nakaunawa. Ako lamang ang makapagpapairal sa aking paguunawa kung nais kong umunawa. Ikaw lamang maaring umunawa kung
ikaw nga ang uunawa.
Ang maaring mangyari ay na makipagtulungan tayo upang
makaunawa ang bawat isa. Maari tayong maging guro sa isa't-isa. Ang
guro mong tunay ang lumikha ng kapaligiran upang maging posible na
ikaw ang makakita sa totoo. Ang marunong magturo ay nagbibigay ng
inspirasyon. Inuudyukan kang patalasin ang paningin ng iyong isip, kung
kaya't tatablan ng iyong tingin ang tinuturo ng kanyang daliri.
Pag-Uunawa: Inihambing sa Pagtingin
Mababakasan natin sa paggamit ng wika, na bukal sa taong ihambing
ang pag- uunawa sa pagtingin. Madalas, ni hindi natin pansin na
gumagamit tayo ng ganitong paghahambing. "Hindi ko makita kung bakit
sila tawa nang tawa." "Ang labo ng kanyang sinasabi.""Walang nakakakita
sa katuturan ng iyong mga pag-aargumento." "Magpakita ka nga ng
dahilan kung bakit tama ang ginagawa niya." O maaring mangyari na
biglang nagkablakawt habang may nagbibigay ng talumpati. At
kung
itinuloy pa rin niya, at kung malinaw siyang maglahad, sasabihin natin,
"Maliwanag ang kanyang talumpati," kahit na ang dilim-dilim habang siya'y
nagsasalita.
Tingin ng Mata at ng Isip

Pinagmuni-munihan natin kung papaanong timitingin ang mata at


umuunawa ang isip. Ating pinagmasdan kung papaanong magkahawig ang
galaw ng dalawa; kaya't hindi natin maiwasang ihambing ang isa sa isa;
ihambing, halimbawa ang tingin ng mata sa unawa ng isip; o ihambing
ang liwanag na naggagaling sa araw, sa

liwanang ng isip na tumatalab sa nadarama. Hiwalay nating tinalakay ang


isip at ang mata. Isang patakaran ito ng isip-tao.Hinihiwalay ang nagkakaisa
at iniisa-isa ang hiniwalay upang kahimanawari'y luminaw ang pag-uunawa.
Tamang patakaran ito, sapagkat ganyan ang kailangan ng isip-tao. Madalas
makasusuri lamang tayo sa pamamagitan ng pag-iisa-isa. Ngunit, kapag
nagawa na ito, kailangang alalahanin uli, at muling pagmasdan, na ang
hiniwalay ay nagkakaisa. Kung minsan, nalilimutan natin gawin ito. Ang
dapat sanang pansamantala ay ginagawa nating palagian. Nalilimutan
natin, halimbawa, na hindi mata ang tumitingin. Ikaw ang tumitingin at ako.
Baka hindi na natin mapansin na hindi isip ang umuunawa, kundi ikaw ang
nag-iisip at umuunawa, at ako.
Kung minsan, maaring
gumalaw
na
lamang
ang
ating
pagmumuni-muni sa idea ng pagtingin ng mata at sa idea ng pagtingin ng
isip. Kaya maaring may magsabi na nakikita ng kanyang mata na nagiiskeyting si Petra, pero nakikita naman ng kanyang isip na magaling ang
iskeyting ni Petra. Para bagang ang importante ay tapatan ang hiwalay na
idea ng hiwalay ding idea. Nalilimutan na ang idea ay labi lamang ng
pakikisalamuha sa talagang nangyayari. At na ang importante ay hindi
paglahad ng magagandang pagtatapatan ng mga idea. Ang ganyang
paglalahad ay madalas nagiging otomatik na patakaran na nakakabara sa
wastong pag-uunawa. Ang importante ay pairalin ang pakikisalamuha sa
talagang nangyayari.
Kung palulundagin ko ang aking malay tao sa buong nararanasan,
makikita ko, bilang isang buong nagpapamasid, na nag-iiskeyting si Petra.
Na alam ko na iskeyting ang nakikita kong ginagawa niya, ay kaalaman at
pag-uunawa. Kung sakaling ngayong lamang ako nakakita ng iskeyting,
baka ako malito, at tatanungin ko, "Ano iyon?" Tanong ng pag-uunawang
gustong makaunawa. At kung sakaling pumikit ako, hindi ko malalaman na
magaling ang iskeyting ni Petra. Pero sa dilat na pagtanaw, mauunawaan
ko ang kanyang galing. Ang liwanag ng pag-uunawa ay tumatalab sa
nakikita ng mata. Liwanag ng pag-uunawa ang pagmumuni-muni sa
"ano" at "papaano" at "meron ba". Ang kumikulus ay hindi dalawang
bagay (mata at isip) na sabay gumagawa ng dalawang bagay (tingin at
unawa). Ang gumaganap ay isang buong tao (ikaw o/at ako o/at kung
sino pa) na may maraming komplikadong kilus, ngunit lahat ay
nagkakaisa at bumubuo sa isang simpleng gawain: saluhin ang
nagpapamasid na talagang totoo.
Nagigisnan ng
Buong Daigdig

Buong

Tao

ang

Hindi lamang pagtingin ang nakasangkot. Halimbawa, ang


nangingilatis kung tunay na alahas ang isang bato, ay hindi lamang sinsilip
ang liwanag na tumatalab sa batong iyon, kundi kinakagat rin ang bato
upang matikman at madama sa dulo ng dila kung ano ang katotohanan ukol
sa batong iyon. Natitikman sa mismong alak, ng nangingilatis sa alak, ang

lugar at taon na pinanggalingan ng alak. Natitikman at naaamoy ng


namumulot-pukyutan sa mismong pulot, ang mga bulaklak na pinagkunan
ng mga bubuyog. Kapag hinihipo ng bulag ang pisngi ng kakilalang
kaharap niya,

nadarama niya kung sino iyon. Ang buong pag-uunawa ng tao ay sumasapandama; ang buong katipunan ng pandama ay sumasa-pag-uunawa.
Kaya't nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig.
Nagigisnan ng buong tao ang buong daigdig. Hindi
sabihin ito. Kailangan matauhan ka. Danasin mo.

sapat

na

Pati ang hindi nakakakita ay nakakaunawa sa isang paraan na


maihahambing rin sa pagtingin. Mababasa natin sa talambuhay ni Helen
Keller na noong tatlong taon pa lamang siya'y nagkasakit siya nang
malubha, nabulag at naging bingi. Bata siyang malungkot at masungit.
Madalas nagluluko at nagdadadabog. Noong kuwan pumasok si Miss
Sullivan sa kanyang buhay. Ginawang posible ng gurong ito, na matauhan
si Helen na meron siyang kakayahan na dumama at umunawa sa daigdig.
Isa sa mga itinuro kay Helen ay magsalita sa pamamagitan ng mga
hudyat na "sinusulat" ng daliri sa palad ng kamay. Isang araw, ibig ituro
sa kanya ng guro ang palad ng katagang "tubig". Inilapit sa kanya ang
isang tasang may tubig. Tapus isinulat sa kanyang palad: "tasa". pinahipo
ang tasa. "tubig". pinahipo ang tubig. Nagluluko si Helen noong araw na
iyon at palagi niyang binabaliktad ang dalawa. Sa wakas sumuko na ang
guro para sa araw na iyon, at pinasyang mamamasyal sila. Noong
nakalabas na sila ng bahay, nalanghap ni Helen ang kakaibang hangin.
Narinig niyang may nagdidilig sa hardin. Biglang hinila ng guro ang palad ni
Helen, sinulat ang "tubig", at saka itinapat sa umaagos na tubig. Sabi ni
Helen na nadama niya ang tubig, malmig at lumulundag; sariwa, masaya,
malaya. Sa sandaling iyon, tumalab sa kanya kung ano ang tubig, at
nadama niya paghalina ng daigdig. Sa palagay ko, ito ay isang pag-uunawa
na maihahambing sa pagtingin. Ginulat siya ng guro at natauhan siya na
siya ang maaring umunawa. Kaya rin ng bulag na makita ang kayamanan
ng daigdig. Nagisnan ni Helen, sa kanyang buong katauhan, ang buong
daigdig.
Sinipi mula
Estudyante

sa

Papel

ng

Isang

Sa pagsusulit na ginanap noong 1 Hulyo 1996, may mahalagang


sinulat sa kanyang papel si Michael Ali Domingo Figueroa. Minabuting loob
niyang pahintulutan na sipiin ko sa ating pagmumuni-muni:
"Anim na taong gulang si Jep Jep at tinanggal ang kanyang mata
dahil sa kanser. Nakilala namin siya nang dumalo ang pamilya nila sa
konsiyerto namin (Bukas Palad Music Ministry) sa Mary the Queen Church.
"Matamlay raw si Jep Jep at nagsusuka buong araw dahil sa
chemotherapy niya, ngunit dumalo pa rin dahil para sa kapakanan ng mga
batang may kanser ang konsiyerto. Halus patay raw ang hitsura niya.

"Ngunit noon nagsimula ang musika, tila may nagising na kislap sa


malay ni Jep Jep. Umupo siya ng tuwid sa kanyang upuan, ngumiti,
tumawa, pumalakpak. Lalong lalo na nang awitin ang 'Song of Creation'.
"Bagaman bulag, ginising ng tunog ng musika ang malay tao ni Jep
Jep. Naunawaan niya ang musika, at natuwa siya.
"Magmula noong hanggang namatay siya ilang buwan nang nakalipas,
bumabalik ang sigla sa madilim na mundo ni Jep Jep tuwing tutugtugin ang
mga awit ng Bukas Palad."
Kailangan ang Paniniwala at Kailangang Kilatisin
Pero hindi natin maaring makita, madama o maranasan ang
lahat- lahat. Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo ay nababatay sa
mga hindi natin nakita o naranasan. Ibang tao ang nakakita o nakadanas
at naniwala tayo sa kanila. Alam kong may syudad ng Paris kahit na hindi
ako yumapak doon kailanman. Naniniwala ako sa mga bidahan ng mga
taong sanay tumawid sa mga lansangan ng syudad na iyon. Kinukuha ko
ang gamot na itinalaga ng doktor kahit na hindi ko nakikita kung
angkop nga o hindi. Basta't naniniwala ako. Ganoon rin, naniniwala ako
kagabi noong sinabi nila sa telebisyon na, sa larawang satelayt na
pinakita, iyong parteng minarkahan ng bilog ay pinapatunay na may
mangkok na laba na nabubuo sa Pinatubo. Hindi ako marunong magbasa ng
larawang-satelayt. Naniniwala ako sa marurunong. Ganoon din, hindi ko
masakyan ang eksrey, pero naniniwala ako sa mga marunong gumawa ng
interpretasyon.
Hindi natin maiwasang magtiwala sa ating kapuwa, palibhasa'y
malawak ang daigdig at makitid ang naaabot ng ating karanasan. Ngunit,
kailangan bang maging bulag sa paniniwala? Ang kabaligtaran ang
kailangan: magmatino sa paniniwala. May ilang mga pagmumuni-muni na
maaring makatulong tungo sa isang matinong pagkakatiwala.
Ang taong mapapaniwalaan ay itinuturing natin na tunay na bukal ng
kaalaman at karunungan. Kailangan na siya ay:
1)

Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi niyang


pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kanyang mata; at
gumagawa lamang siya ng interpretasyon kung talaga siyang may
kakayahan, halimbawa, na bumasa sa eksrey o sa larawang-satelayt o
sa kung ano makakagaling sa isang sakit.

2)

Marunong magbunyag sa kanyang nalalaman at nauunawaan: Meron


siyang arte ng pagbunyag, kaya't naibabahagi niya ang kanyang
karanasan sa mga hindi nakadanas ng ganoon; o naibabahagi niya ang
kanyang pagka- eksperto sa mga hindi eksperto. sa antas na ito'y
posible.

3)

Makatotohanan: Hindi nagsisinungaling.

Itong tatlong ito ang kailangan natin kilatisin kung ibig


malaman kung kapani-paniwala ang isang tao.

natin

Hindi ko naranasan at hindi kayang unawain ang ukol sa larawang


satelayt, eksrey, gamot, Paris, atbp. Pero kaya kong danasin at unawain
kung ang nagsasalita sa akin ay mapapaniwalaan. Maari at dapat kong
tingnan, unawain, suriin kung ang taong iyon ay talagan bukal ng
kaalaman at karunungan.Talaga ba siyang marunong; makatotohanan ba
siyang nagbubunyag? Pananagutan ko ang pagkilatis.
Kaya't ganito ang katangian
pagbibigay tiwala sa kanyang kapuwa:

ng

taong

matino

sa

1)

Marunong kumilatis - sa mga bukal ng kaalaman at


karunungan.

2)

Marunong umunawa - sa mga ibinubunyag.

kanyang

Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong makinabang sa


mga ibinubunyag sa kanya. At hindi rin siya maaring sumang-ayon o
tumutol sa mga ibinubunyag. Sapagkat hindi maaring sumang-ayon o
tumutol ang tao, kung hindi niya nauunawaan ang kanyang sinasangayonan o tinututulan.
Mga Komplikasyong: Isang Simpleng Prinsipyo
Hindi palaging simple ang pagrerelasyon ng mga bukal sa mga
naniniwala. Kung minsan parang lambat ng mga nagkandabuhul-buhol
na lubid ang mga relasyon. Halimbawa, papaano kong nalalaman na
pulo ang Luzon? Hindi ko pa nalilibot ang buong isla. May mga bahaging
nakita ko ang tabing-dagat. May mga detalyeng naririnig, nabasa at
pinaniwalaan. May mga mapa na naniwala akong wasto. Sa kasong ito,
ang pagkaugnay ng mga nakita sa mga pinaniwalaan ay angkop na angkop
at hindi mapagdududahan.
Ngunit hindi palaging kasing linaw ng kasong ito ang mga
pagrerelasyon ng mga bukal ng katotohanan. Kung minsan palaging
nagbabago ang mga relasyon at nalulula tayo. Maaring manyari, halimbawa,
na maging bukal ng katotohanan ang isang taong sinungaling. Kung tuso
tayo, baka mabakasan natin ang katotohanan kapag binaligtad natin ang
kanyang mga pinagsasasabi. Ngunit, hindi iyan makukuha sa isang otomatik
na pagbabaliktad. Kailangan laging subaybayan ng masusing pangingilatis.

Madalas ay nakakalito ang mga laging nagbabagong komplikasyon,


ngunit may gabay. Matino itong simpleng prinsipyong ito: Na dalawa ang
palaging kailangan: 1) Na

ang mga bukal na pinaniniwalaan ay nakakabit sa totoo at kinakabit ako


sa totoo. 2) Na kinikilatis ko at inuunawa itong mga pagkakabit na ito.
Abstraksyo
Nakita natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na makaunawa sa
mga detalye ng isang pangyayari, hinihiwalay natin sa ating isip ang
nagkakaisa sa talagang totoo. Ganyan ang ginawa nating noong tinalakay
natin ng isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakita rin natin na
importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na umiiral sa
talagang totoo. Palibhasa'y madalas gamitin itong patakaran ng
paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa talagang totoo, mabuting bigyan
ng pangalan. Ang
nakaugaliang
pangalan
ay abstractio. Katagan
Latin: paghihiwalay. Isusulat kong abstraksyo. Nag-aabstraksyo tayo kapag
nalilimutan natin na bukod tangi at iba ang bawat tao, at tinutuonan lamang
natin ng pansin ang pagkahawig ng lahat ng tao. Abstraksyo rin kapag
gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung may kinalaman ang
plano sa mga bagay na pinagpaplanohan. Inaasahan ko na sa mga
susunod na pagmumuni-muni'y magiging alisto ang mambabasa upang
mahalata niya kung may nagaganap na abstraksyo, at kung ano ang
patakaran ng bawat abstraksyo. Sa ganoon, sana maging alisto siya at
sana isagawa niya, ang palaging pagbalik sa kabuoan ng talagang totoo.
Pambungad sa Metapisika
Ang bungad ng isang bahay ay pinto. binubuksan sa mga dumadaan
ang mga sekretong nakatago sa bahay. Hindi sekereto ng tahanan ang
metapisika, bagkus malalim at malawak na katotohanan na umaanyaya sa
lahat. Ang pambungad sa metapisika ay pintuan na bumubukas sa kalaliman
at kalawakan, sa kaparangan, kabundukan, kalangitan.

Noong nakapasok na siya sa pintuan


Yumapak siya
Sa malawak na lupain
Na palayo ng palayo ang mga
hangganan Sinusukuban ng langit
Na pataas ng pataas ang tuktok
Ang mga laylaya'y palayo ng palayo
Sinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan

You might also like