Professional Documents
Culture Documents
Noli
Noli
Isang Handaan
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Kabanata III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa
tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang
karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay
nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara
ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil
na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dalidaling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng
sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga
taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino,
mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na
nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga
makupad na kalabaw.
Kabanata IX
Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay
sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Biglang
dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
Kabanata X
Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng
isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi
ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita
nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni
Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa
dahil sa utos ni Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Kabanata XVI
Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras
din bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa
sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at
Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas
niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa
siya.
Kabanata XVII
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang
masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio
na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang
parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa
bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday,
Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan
at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa
pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan
dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng
isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang
kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Kabanata XXVIII
Sulatan
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago
nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa
ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San
Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Kabanata XXXI
Ang Sermon
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang
pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na
haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila napakatibay ng pagkayari
at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya,
maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.
Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol
sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni
Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi
pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si
Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang
eskomonyon sa binata.
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing
mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang
lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta
niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa
Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaa
Kabanata XLIII
Mga Balak o Panukala
Kabanata XLIV
Pagsusuri sa Budhi
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Kabanata XLVI
Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa
loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi
magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang
dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga
pumupusta.
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na
nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan
(Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata L
Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya
ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang
nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng
kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno
sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo
sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap
ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may
sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok
na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi
nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap.
Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng
mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay
hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya
ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura
kaya o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Kabanata LII
Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo
at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas
na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya
ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na
minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag
na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang
ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kabanata LIV
Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata LV
Ang Pagkakagulo
Kabanata LVI
Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni
isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik
ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng
bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba
na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang
kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa
kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalaymalay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid
sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw,
ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang
isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na
sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero pinagbawalan sila ni
Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng
kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong
ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay
inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa
bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang
buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni
Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Kabanata LXIII
Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga
ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na
masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong
bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa
tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo
na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa
ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.Nakarating na si Basilio sa
kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang
landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang
katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni
Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Kabanata LXIV
Katapusan