You are on page 1of 2

New-niform

Malapit na ang pagtatapos ng school year 2015-2016 at kasabay nito ang


paglapit ng araw na papasok na ang unang batch ng Senior High School sa Holy
Rosary College (HRC). Nagkalat din ang mga advertisements na nagbibigay-alam
tungkol sa dalawang taong idadagdag ng K-12 curriculum, at kasama ng mga
advertisements na ito ay ang disenyo ng bagong uniporme ng HRC. Bagong
curriculum, bagong pag-aaralan, at siguro, mga bagong guro, dapat na rin ba isabay
dito ang pagpapatupad ng bagong uniporme? Ano ba ang mga magiging epekto
nito sa paaralan at sa mga mag-aaral?
Una, ang bagong uniporme ay dagdag gastos kahit mayroong nang malaking
gastos para sa tuition at miscellaneous fees. Pinahaba ng K-12 ng dalawang taon
ang curriculum ng bansa na ibig sabihin ay dinagdagan nito ang kailangang bayaran
para makapagtapos ng sekondarya. Kung mayroon na ngang pagbabagong ganito,
hindi na makakatulong sa bulsa kung may bagong uniporme na kailangang bilhin at
kailangang suotin halos araw-araw.
Hindi lahat ng pampublikong paaralan ay may kakayahang magkaroon ng
Senior High School. Dahil dito, ang gobyerno ay magbibigay ng subsidy at coupons
sa ilang mga mag-aaral para makapasok sa pribadong paaralan. Isa ang HRC sa
mga paaralang ito. Sa madaling salita, mayroong mga mag-aaral na bibigyan na
nga ng tulong pinansyal para makapasok sa HRC, makakatulong pa ba kung
magkakaroon ng bagong uniporme na ibig sabihin ay dagdag gastos?
Pangalawa, kilala na ang uniporme ng HRC sa lungsod ng Santa Rosa. Ang
uniporme ng HRC ay nakakaiba bluish gray na pants at cream na polo barong para
sa lalaki, at white blouse, plaid ribbon at plaid na palda para sa babae. Madaling
malalaman kung ang mag-aaral ay napasok sa HRC dahil walang kahawig na istura
ang unipormeng ito sa lungsod ng Santa Rosa at kahit sa lungsod ng Bian. Hindi ba
isa ito sa mga dahilan kung bakit may uniporme?
Kung ang habol naman ng bagong unipormeng ito ay distinction para sa
Senior High students ng HRC, maaari namang ibahin na lamang ang kulay ng
panloob ng mga lalaki at ibahin ang disenyo ng ribbon ng mga babae. Maaari din
maglagay ng nakakaibang patch. Samakatuwid, hindi maaaring idahilan ang
tinatawag na distinction para lamang magkaroon ng bagong uniporme.
Huli, hindi naman sagabal sa pag-aaral ang kasalukuyang uniporme ng HRC.
Wala namang malaking problema tungkol sa disenyo ng uniporme - ang mga magaaral pa rin ang nakakakilos, nakakabasa, at nakakapaglakad ng maayos. Ang
dating problema na mainit suotin ang uniporme ay nasolusyonan na ng paglalagay
ng air-conditioning sa mga silid-aralan.
Maayos, maganda, at kilala na naman ang uniporme ng HRC. Kung
magkakaroon pa ng bagong uniporme, maaaring maging gastos pa ito sa mga mag-

aaral. Sa aking pagwakas, sa aking opinyon, wala namang maayos na dahilan na


kakailanganin ng Newniform.

You might also like