You are on page 1of 51

WELCOME!WELCOME!

WELCOME

SEMINAR TUNGKOL SA
HALAMANG GAMOT
HATID NG MAG-AARAL NG:
SAINT ANNE COLLEGE LUCENA INC.
:“Halamang gamot ay likas Tulong nito’y
TEMA ,

walang wakas;Sa sakit tayo’y maliligtas,


Bulsa’y di pa mabubutas”
JANUARY 14, 2011 @ 1:00 PM
Sampalok
• Para sa hika
• -Kumuha ng balat ng puno ng sampalok na
isang talampakan ang haba. Tadtadin at
pakuluan ng 10 minuto sa 3 basong tubig.

Dosis:
• Matanda: 1 tasa pagkatapos kumain at
bago matulog.
• Bata: (sanggol) ½ tasa, 4 na ulit
maghapon pagkatapos kumain at bago
matulog.(2-6 na taon) 2 kutsarita, 4 na ulit
maghapon pagkatapos kumain at bago
matulog.
Abukado
• Para sa Sakit ng Ngipin
• humiwa ng maliit na
piraso ng buto ng
abukado na lalapat sa
butas ng ngipin.
Gamitin pamasak sa
butas ng ngipin. Palitas
2 beses maghapon.
Bayabas
Para sa Pagtatae
• Pakuluan ng 15 minuto ang 10
tinadtad na dahon sa 2 basong
tubig.
Dosis:
• Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon
at bawat pagdumi ng malabnaw.
• Bata: (sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit
maghapon.
• (2-6 na taon) ¼ tasa, 3 ulit
maghapon.
• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit
maghapon.
Ampalaya
Gamot para sa almoranas
• Maghugas at magtadtad ng
mga ugat, bunga, at buto
kumuha ng kalahating tasa
nito at katasin. Haluan ng 2
kutsarang langis ang katas,
Basain ng bulak ang
pinaghalong katas at langis
at ipahid sa almoranas
pagkatapos ng paligo.
Akapulko
Para sa Herpes
• Katasin ang mga dahon. Lagyan ng katas ang mga sugat.
Para sa Alipunga
• magdikdik ng murang dahon at katasin. Lagyan ng katas ang
pagitan ng mga daliri at iba pang bahaging may kapansanan
pagkatapus banyusan ang mga ito ng tubig na may
makabuhay.
Para sa Buni
• Magdurog ng 5 dahon, ikuskos ang katas sa bahaging may  
karamdaman, 3 ulit maghapon
Para sa Bulate
• magsangag ng isang tasa ng mga tuyong buto. Dikdikin ng
pino at haluan ng isang tasang gatas o tubig.
Dosis:
• Matanda: 1 kutsara, 2 oras pagkatapos ng hapunan
• Bata: (7-9 na taon) ¼ na kutasarita, 2 oras pagkatapos ng
hapunan
• (10-12 taon) ½ kutsarita, 2 oras pagkatapos ng hapunan.
• PAHIWATIG: ulitin kung kailangan pagkaraan ng isang
linggo.
Alagaw
Para sa ubo
• pakuluan ng 15 minuto ang isang
tasa ng tinadtad na sariwang dahon
sa 2 basong tubig, salain at pigaan
ng 2kalamasi. Haluan ng 1
kutsarang asukal.
DOSIS :
• MATANDA : ½ tasa bawat 4 na oras.
• BATA : (Sanggol ) 1 kutsarita bawat
4 na oras .( 2-6 taon ) 2 kutsara
bawat 4 na oras. ( 7- 12 na taon ) ¼
na tasa bawat 4 na oras.
Niyog- niyogan
Para sa mga bulate ( tiwa ) 
• kumain ng mga buto nito, 2
oras pagkatapos ng hapunan.
Ulitin kung kailangan,
pagkaraan ng 1 linggo.
DOSIS :
• MATANDA : 10 buto.
• BATA : ( 4-7 na taon ) 4 na
buto ( 8-9 na taon ) 6 na
buto. ( 10 – 12 taon ) 7 buto
Pandan
Para sa pananakit ng pantog
• magpakulo ng isang tasang
tinadtad na sariwang dahon
ng pandan sa dalawang baso
ng tubig sa loob ng 15 minuto.
Dosis:
• Matanda : 1 tasa,tatlong
beses isang araw.
• Bata: (2-6 taong gulang)1/4
tasa,tatlong beses isang araw.
(7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit sa
isang araw.
Lagundi
Para sa Bulutong tubig (pag
nilalagnat)
• Pakuluan ng 15 minuto ang 4 na
kutsara ng tinadtad na tuyong
dahon o 6 na kutsarang
tinadtad na sariwang dahon sa
2 basong tubig.
Dosis:
• Matanda: 1 tasa tuwing 4 na
oras.
• Bata: (sanggol) 1 kutsara bawat
4 na oras
Alugbati
Para sa mga
naknak at pigsa
 
• Magdikdik ng 2
dahon at itapal 2
ulit maghapon.
Luyang Puti
• Gamot sa masakit na
lalamunan dahilan ng
pamamaga bunga ng tinatawag
na tonsilitis. Pampaganda ng
boses, para rin sa minamalat.

Paraan:
Kumuha ng maliit na pirasong
luya at balatan, nguyain at
kainin. Puwede ring kumuha ng
katas nito, ihalo sa tubig at
inumin na parang salabat.
Makahiya
Para sa dayarya
• pakuluan ng 10 minuto ang isang tasa ng
bawat tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.
Dosis:
• Matanda 1 tasa, 3 ulit maghapon at bawat
pagdumi ng malabnaw.
• Bata:(sanggol) 1 kutsara,3 ulit maghapon.
• (2-6 na taon) ¼ tasa,3 ulit maghapon.
• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Para sa Beke
• magligis ng dahon hanggang sa maging
malagkit. Itapal sa namamagang bahagi ng
ilalim ng tainga pagkatapos ng malamig na
pimento. Itapal hanggang 30 minuto, 3 ulit
maghapon.
Gisol
Para sa Beke
• tadtadin ang
mga suwi nito.
Itapal sa beke
ng 30 minuto,
3 ulit
maghapon.
Tanglad
• Para sa dayarya
• Pakuluan ng 10 minuto ang 10 murang
dahon sa 2 basong tubig. Lagyan ng isang
kutsarang asukal at isang maliit na piraso
ng dinikdik na luya.
• Dosis:
• Matanda: 1 tasa, 3 ulit maghapon at
tuwing dudumi ng lusaw, o malabnaw.
• Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit maghapon
at tuwing dudumi nang malabnaw.
• (2-6 na taon) ¼ na tasa, 3 ulit maghapon
at tuwing dudumi ng malabnaw
• (7-12) ½ tasa , 3 ulit maghapon at tuwing
dudumi ng malabnaw.
Kamias
Para sa lagnat
• pakuluan ng 15 minuto ang
3 tasa na tinadtad na
sariwang dahon sa isang
galong tubig. Salain.
Gamitin ang tubig para sa
malamig o mainit na punas
na paligo.
Para sa beke
• magtadtad ng mga bunga at
masahin sa loob ng 30
minuto, 3 ulit maghapon.
Mangga
Para sa rayuma o pananakit ng mga
kasukasuhan 
• Pakuluan ang isang pirasong
tinadtad na balat ng puno. Gamitin
ang pinakulong tubig para sa
mainit na pomento.
Para sa galis-aso 
• Kumuha ng sapat na dami ng dagta
sa puno o sa balat nito at haluang
mabuti ng langis. Pahiran nang
sagana ang bahaging may galis, 2
bese maghapon pagkatapos
maligo at bago matulog sa gabi.
Okra(Buto)
Para sa lagnat
• magsangag ng mga tuyong buto at
dikdikin ng pino. Kumuha ng ½ tasa at
pakuluan ng 15 minuto sa 2 basong
tubig. Palamigin at salain.
Dosis:
• Matanda: 1 tasa, tatlong ulit
maghapon pagkatapos kumain.
• Bata: (sanggol) 1 kutsara, 3 ulit
maghapon pagkatapos kumain
• (2-6 na taon) ¼ na tasa, 3 ulit
maghapon pagkatapos kumain.
• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon
pagkatapos kumain.
Papaya
Para sa talamak at pangmatgalang cystitis
• pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng
tinadtad na mga sariwang dahon at isang
tasa ng tinadtad na hilaw na
bunga sa 4 na basong tubig.
Dosis:
• Matanda: 1 tasa,3 ulit isang araw.
• Bata: (2-6 na taon) ¼ tasa,3 ulit
maghapon.
• (7-12 taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Para sa impatso
• kumain ng hinog na papaya bilang isang
pang himagas,lalo ung kumain ng
marami. Ang papaya ay tumutulong sa
pagtunaw ng protina
Sibuyas
• Pananakit ng lalamunan -> alisan ng
balat ang sibuyas. Ang katas nito ay ihalo
sa pinakuloang suka na kasingdami rin ng
katas ng sibuyas.
• Gamot sa rayuma -> alisin ang balat
ng sariwang sibuyas at ihalo sakasingdami
ring langis ng mustasa. Ito ay mabuting
panghaplos.
• Sakit ng ulo, himatay o pagkalason sa
takbo o mga sugat-> katas ng sibuyas ang
ihalo sa kasingdami ring langis ng
mustasa.
• Pampalusog-> sa mga bata ay
makakapagpalusog ang sibuyas na may
kasamang asukal.
• Pampaalis ng bulate-> ang katas ng
Patola
Para sa Almoranas
• Hugasan at tadtadin
ang 20 dahon at
pakuluan ng 10 minuto
sa 2 galong tubig.
Salain.
• Gamitin itong paligo sa
pigi.
Pinya
Para sa Tiwa(mga bulate)
• kumain ng 2 hanggang 3 hiwa ng
hinog na pinta tuwing matapos
kumain sa loob ng isang linggo.
• PAHIWATIG: Kung ang mga tiwa
ay lumabas sa gabi, alisin ang
mga ito sa pamamagitan ng
kapirasong bulak na binasa ng
langis. Palitan ang mga sapin ng
higaan,mga panloob na
kasuotan, at padyama bago
matulog sa gabi sa loob ng isang
lingo.
Damong Maria
• Panlunas sa karaniwang sakit ng
tiyan.
• Hugasan nang malinis ang halaman
(katawan at dahon) at pakuluan sa
tubig. Gamiting inumin ang tubig na
pinagkuluan.
• An g damong maria ay siyang
ginagawang pampaligo ng mga bagong
panganak upang mainitan ang
katawan. Mabuti rin itong inumin sa
mga sakit ng mataas ang dugo,
diyabetes, sikmura. Mahusay din itong
gamot sa mga peptic ulcer o sakit sa
sikmura, at mga sugat sa bituka.
Kalamansi
Gamot sa Anghit
• magkatas ng mga dahon
ng buyo at haluan ng
katas ng kalamnsi.
 Dosis:
•  Ipahid na parang
deaodorante tuwing
matapos maligo at sa
pagtulog.
Sambong
Para sa mga naknak at pigsa
• Magdikdik ng 5 dahon, itapal dalawang ulit
maghapon
Para sa talamak at pangmatagalang sakit sa pantog
• Pakuluan ng 15 minuto sa isang tasang tinadtad
na sariwang dahon sa 2 basong tubig.
Dosis:
• Matanda: ½ tasa, 3 ulit sa isang araw.
• Bata: (2-6 na taon) 2 kutsara, 3 ulit maghapon
• (7-12 taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon.
Para sa sakit ng ulo dahil sa sinusitis
• Lamukusin ang 5 dahon at idarang na isa-isa sa
apoy, itapal samantalang mainit pa sa noo para
sa frontal sinusitis at sa pisngi para sa maxillary
sinusitis. Palitan ang lumamig na dahon ng
bagong init na dahon hanggang sa magamit na
lahat ang lima. Dalawang ulit gawin sa isang
araw.
Bawang
Para sa alipunga
• Balatan ang isang puso ng bawang at tadtarin.
Kuskusin ang nangangating bahagi, 2 ulit sa
isang araw.
 Para sa Buni
• Balatan at durugin ang isang pusong bawang at
ikuskos sa bahaging may impeksyon hanggang
ito ay mamula. Gawin ito ng 2 ulit maghapon,
minsan sa umaga pagkatapos maligo, at bago
matulog.
 Para sa sakit ng Lalamunan  
• Maghugas ng isang piraso at balatan. Ilagay sa
bibig at panatilihin ng ilang sandal, nguyain ng
dahan-dahan at lunukin ang katas. 
Para sa pananakit ng Ngipin 
• Humiwa ng maliit na piraso na sapat sa butas ng
ngipin. Ipasak sa butas ng ngipin at gawin ito 2
beses sa isang araw.
Tsaang- gubat
• Ginagamit bilang disinfectant ng mga bagong panganak
• Panglunas sa pagtatae
• Dahil sa mataas na flouride content, ginagamit ito bilang
pangmumog upang maisawan ang pagkasira ng ngipin
• Panglunas sa disinterya
• Ginagawang tsaa para sa buong kalusugan ng katawan
• Ang pinakuluang ugat ng tsaang gubat ginagamit na
panglunas sa pagkalason sa gulay
Paraan:
• Hugasan mabuti ang mga dahon at tadtarin ang mga ito.
Pakuluan ang isang tasang tinadtad na dahon ng tsaang
gubat sa dalawang tasa ng tubig. Pakuluan sa mahinang
apoy ng 15 hanggang 20 minutos at salain.
• Uminom ng isang tasang pinakuluang dahon tuwing
lilipas ang apat na oras para sa pagtatae at sakit ng tiyan
• Gamitin din ito bilang pang mumog para makatulong sa
pag-iwas ng pagkasira ng ngipin
Kang-kong
Para sa Tibi
• Ubusin ang 2
tasa ng nilagang
panahon ng
pagkain.
Kantutay
Para sa ubo
• pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa
ng tinadtad na sariwang dahon at
bulaklak sa 2 basong tubig.
Dosis:
• Matanda: ½ na tasa ,3 ulit maghapon
• Bata: (2-6 na taon)2 kutsara,3 ulit
maghapon
• (7-12 taon)1/4 tasa,3 ulit maghapon
Para sa beke
• -magdikdik o magtadtad ng mga
dahon, itapal sa namamagang gladula
sa loob ng 30 minuto 3 ulit maghapon.
Karot
• Ang karot ay gulay na
mayaman sa bitamina,
puwedeng kainin ng
bata at matanda na
nagtatae. 
Paraan: 
Kainin ng sariwa para
sa matanda, lutuin
para sa mga bata.
Kaymito
Para sa dayarya(pagtatae)
• pakuluan ng 15 minuto ang isang tasa ng
tinadtad na dahon sa 2 basong tubig.
Dosis:
• matanda: 3 ulit maghapon at bawat
pagdumi ng malabnaw.
• Bata: (sanggol)7 kutsara,3 ulit maghapon
at bawat pagdumi ng malabnaw.
• (2-6 na taon) ½ tasa,3 ulit maghapon
bawat pagdumi ng malabnaw.
• (7-12 na taon) ½ tasa,3 ulit maghapon at
bawat pagduming malabnaw.
Para sa mga namamagang gilagid at bibig
• pakuluan ng 10 minuto sa 2 basong tubig
ang isang tasa ng tinadtad na sariwang
dahon. Gamitin pang-mumog.
Kugon
Para sa Dayarya(pagtatae)
• -pakuluan ng 15 minuto ang tinadtad
na sariwang ugat sa 2 basong tubig.
Dosis:
• matanda: 1 tasa,3 ulit maghapon at
bawat pagdumi ng malabnaw
• Bata: (sanggol) 1 kutsara,3 ulit
maghapon at bawat pagdumi ng
malabnaw.
• (2-6 na taon) ¼ tasa, 3 ulit maghapon
at bawat pagdumi ng malabnaw.
• (7-12 na taon) ½ tasa, 3 ulit maghapon
at bawat pagdumi ng malabnaw.
Buhok ng mais
Para sa talamak na pananakit
ng pantog.
•  Pakuluan ng 15 minuto ang 2
tasa ng tinadtad na sariwa at
murang buhok ng mais 4 na
basong tubig.
DOSIS :
• Matanda : 1 baso, 3 beses
maghapoon.
• BATA : ( 2-6 na taon ) ½ tasa ,
3 ulit maghapon.
• ( 7- 12 na taon ) 1 tasa,3 ulit
maghapon.
Yerba buena
Para sa sakit ng ngipin
• dikdikin and sariwang dahon
at kunin ang katas. Basain
ang bulak ng konting katas
ng dahon. Ilagay ang basang
bulak sa loob ng butas ng
ngipin.
• Paalala: Ang gamot na ito ay
pansamantalang pantanggal
ng sakit ng ngipin dahil sa
butas. Kumunsulta sa dentist
para sa tamang pagamot.
Sulasi
Gonorrhoea,
sakit na rayuma
at
paakaparalisa,
Paraan:
• Katas galing sa
ugat at dahon
Oregano
Para sa Ubo
•  Pakuluan ng 15 minuto ang isang
tasang tinadtad na sariwang
dahon sa 2 basong tubig.
Dosis:
• Matanda: ½ tasa, 3 ulit
maghapon.
• Bata: ( sanggol) 1 kutsarita, 3 ulit
maghapon.
• (2-6 na taon) 2 kutsarita, 3 ulit
maghapon.
• (7-12 taon) ¼ na tasa, 3 ulit
maghapon.
Mayana
Para sa pagdurugo ng Sugat
•  Hugasan ang mga
murang dahon at katasin.
Lagyan ng ilang patak ang
sugat at itapal ang kinatas
na dahon. Bendahan, wag
mahigpit upang hindi
maintala ang sirkulasyon
ng dugo.
Malunggay
Para sa Tibi
•  Kumain ng isang
tasa ng nilagang
dahon sa panahon
ng pagkain.
Atis
Para sa pagkawala ng malay
• kung ang pasyente ay
humihinga at ang pulso ay
malakas,lumamukos ng
dahon ng atis.
• ipaamoy ito sa pasyente,
ilagay ito sa tapat ng ilong
hanggang magkamalay
ang pasyente.
Bunga
Para sa mga
namamagang gilagid
at bibig.
• Balatan ang 3 bunga.
Dikdikin at pakuluan
ng 10 minuto sa 2
basong tubig gamiting
pang- mumog o
panglinis ng bibig.
Gugo
Para sa balakubak
• Ibabad ang gugo sa isang
palanggana ng malamig na
tubig sa loob ng 30 minuto
bago magsiyampo. Pigain ang
gugo sa tubig at dagdagan ng
katas ng 3 kalamansi. Basaing
mabuti nito ang buhok at
gamitin din itong siyampo.
Banlawang mabuti.
Duhat
Para sa namamagang
gilagid at bibig
• pakuluan ng 10 minuto
ang tinadtad na 10
sariwang dahon sa 2
basong tubig. Gamiting
pang mumog o panlinis
ng bibig.
Gumamela
Para sa mga Naknak at
Pigsa
• Magtadtad ng 5 dahon
at 2 bulaklak, itapal, 2
ulit maghapon.
Para sa lepong
•  mag dikdik ng 5 dahon
at katasin, itapal sa
parte ng nalulugong
buhok.
Madre kakaw
Para sa eksema
• magsangag ng 10
buto at dikdikin.
Itapal sa bahaging
may kapansanan
pagatapos ng
pomento o
pagbabad sa mainit
na tubig.
Kalatsutsi
Para sa Hika
• Magbilot ng 2 tuyong dahon. Gamiting tulad ng sigarilyo,
isa sa umaga at isa sa hapon.
Para sa Herpes
• Katasin ang mga dahon, lagyan ng katas ang bahaging may
kapansanan, 3 ulit maghapon.
 Para sa Galis-Aso
• Pakuluan ang isang tasa ng tinadtad na mga sariwang
dahon at isang maliit na sanga sa kalahating tasang langis
ng niyog sa loob ng 5 minuto. Palamigin at isilid sa isang
bote para sa mga sumusunod na paggamit. Ipahid nang
sagana sa bahaging may kapansanan pagkatapos maligo.
Para sa Pamumutok ng Balat at Dermatitis
• Kumuha ng dagta sa puno at haluan ng ilang patak na
langis. Lagyan nito ang balat na may kapansanan.  
Para sa pangangati ng Balat at Alerdyi
•  Kumuha ng katas mula sa dahon at puno. Haluan ng langis
ng niyog. Pahiran ang may kapansanang balat, 2 ulit sa
isang araw.
Sampaguita
• Para sa lagnat at ubo: Pinakukuluan ang
bulaklak at dahon nito.
• Para sa ulser: Dikdikin ang bulaklak o dahon
at ilagay sa apektadong parte ng tiyan.
• Para sa lagnat at malimit na pagbabaws:
Gumamit ng 3 hanggang anim na gramo ng
pinatuyong dahon o bulaklak at ihalo sa iba
pang gamot.
• Para sa pamumula at pamamaga ng mata:
Pakuluin ang pinatuyong bulaklak at ihugas
sa mata.
• Para sa pilay at bali ng buto: Gamitin ang
ugat at ihalo sa iba pang gamot at ilagay sa
bahaging apektado.
• Para sa pampalasa: Gamitin ang bulaklak na
pampalasa sa tsaa.
Luyang dilaw
Gamot sa balakubak, sa may lagnat na
nabinat, sa may rayuma o nananakit na
kasu-kasuan
• Paraan:
• a) Para sa may balakubak, magdikdik ng
lamang-ugat o suwi (dahon), imasahe
ang katas sa anit at buhok. Hayaan
magdamag at magsiyampu kinabukasan. 
• b) Magdikdik ng suwi, ihalo sa langis ng
niyog. Lagyan ng konting asin at ipahid sa
masakit na parte. 
• c) Kumuha ng 1 kutsaritang luyang dilaw
na pulbos, ihalo sa 1 tasang maligamgam
na tubig. Ipainom sa may lagnat o
nabinat. ½ tasa, 3 ulit maghapon.
Tawa-tawa
Gamot sa dengue
• Narito kung paano ang naghahanda
ng tawa tawa herbal na gamot:
• Kumuha 5-6 buong tawa tawa halaman
• Gupitin na ang mga ugat
• Hugasan mabuti ng malinis
• Punan ang isang palayok ng may malinis na
tubig at pakuluin
• Pakuluan ang tawa tawa ng isang minuto sa
 kumukulong tubig sa mahinang apoy
• Ibuhos ang tubig ng tawa tawa at palamigin
• Hayaan ang biktima ng dengue
ay uminom lamang ng tubig
ng tawa tawa para sa 24oras
• Uminom ng isa hanggang isa’t kalahating
 baso ng tawa tawa bawat oras
Kamantigue
Para sa alipunga
• Magtadtad ng mga bulaklak. Itapal sa
bahaging may kapansanan pagkatapos
mabanyusan ang paa.
Para sa Buni
• Magpisa ng 5 hanggang 10 bulaklak. Ang
dami ay ayon sa impeksyon. Katasin. Itapat sa
may bahaging impeksyon sa loob ng 30
minuto, 2 ulit maghapon.
 Para sa kagat ng ahas
• Magligis ng 10 bulaklak .Itapal ito sa sugat
pagkatapos na mapadugo.
Para sa Pilay sa bukong- bukong at pulsuhan. 
• Magdikdik ng 2 puno na may dahon. Itapal sa
loob ng 30 minuto; 3 beses maghapon.
Bendahan ang tapal.
MALAYANG
TALAKAYAN…..
SALAMAT
PO…….

You might also like