You are on page 1of 1

Francesca Kristine Z.

Cruz
Nasaan na si Maria Clara?

Gabi na nang makauwi ako galing sa eskuwela. Bihira lang ang lumalabas ng bahay kapag ganitong
oras kaya naman laking gulat ko na lamang ng may marinig akong matinis na halakhakan sa may kanto. Hindi
ito karaniwan kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi sumilip. Sa isang sulok, napansin kong
nagkukumpulan ang apat na dalaga sa isang pahabang upuan. Pinagmasdan ko sila ng mabuti at napansin na
nasa mga katorse-anyos pa lang ang mga ito. Madilim na ang paligid. Muli kong tiningnan ang mga dalaga.
Tuloy pa rin sila sa pagtatalo kung sino kina Richard at Gerald ang mas guwapo kaya naman hindi inaalintana
ang dilim at panganib na maaaring kasama nito. Napailing na lang ako habang lumakad palayo.
Sa tuwing makakakita ako ng ganoong eksena, hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa nakaraan.
Naaalala ko pa ang mga kuwento ng lola ko sa akin noon kapag nagiging pasaway na naman ako. Hindi niya
ako pinapayagang lumabas ng bahay noon kapag palubog na ang araw. Ganoon daw kasi ang sabi sa kaniya
ng tatay niya. Hindi raw kasi tama na labas ng labas ang isang babae ng bahay. Dapat raw ay palagi silang
taong-bahay. Kaya naman, kung may balak manligaw sa lola ko noon, kailangan doon lang sila sa loob kasama
ang mga magulang niya. Isa pa, kailangan na palaging pormal at mahinhin ang mga damit niya lalo na kapag
may ibang taong kaharap. Madalas tuloy siya nakasuot ng mahahabang palda at bestida. Hindi rin daw siya
masyado nakapagsasalita noon. Mahigpit siyang pinagbabawalan ng kanyang tatay na sumagot dito kung
hindi naman kinakailangan. At kung kailangan naman niyang magsalita, dapat ay mahina at mahinhin lang
ang kaniyang boses. Kung ikokompara sa mga kababaihan ngayon ang ganitong pag-uugali, malinaw na
makikita ang kanilang pagkaka-iba.
Habang tumatagal ang panahon, pagaan na nang pagaan ang pagdidisiplina ng mga magulang sa
kanilang mga anak. Mas nabibigyan na sila ng kalayaan ngayon upang gawin ang ninanais nila. Ngayon,
malaya na silang nakapaglalaboy at nakakapaglakwatsa. Ayos na din ngayon ang pakikipagrelasyon kahit nasa
murang edad ka pa lang. Minsan nga ay mismong mga magulang pa ang nag-aalok sa’yo ng boyfriend. Isa
pang magandang halimbawa ay ang isyu sa pananamit. Kung noon ay pahabaan ng palda ang kababaihan,
mas in naman ngayon ang mga mini skirt. Hindi na rin uso ang mga tahimik at mahinhin na babae ngayon.
Kapag tahimik ka kasi, tiyak na walang lalapit sa’yo at maiiwan ka na lang mag-isa. Mas okay daw yung mga
maingay at out-going na tipo ng babae. Kung wala ka ng mga katangian na ito, ituturing kang kakaiba ng
lipunan.
Malaki nga ang ipinagbago ng kababaihan noon at ngayon. Naging magandang epekto naman ang
pagkakaroon ng kalayaan ng mga babae subalit, kung pagmamasdan naman ang nangayayari ngayon,
talagang manghihinayang ka dahil sa pang-aabuso na ginawa nila. Bihira na lamang nakikita si Maria Clara.
Gayunpaman, marami pa rin ang patuloy na umaasa na muli siyang masilayan baling-araw.

You might also like