You are on page 1of 3

Eksperimento Blg. 3 Ulat sa Proyektong ELEKTRONIKONG PANTABOY NG ASO Jomil John S. Reyes at Philipp Michael B.

Penoliar BSECE III-1 Setyembre 27, 2011

Lagom ng Proyekto Ang proyektong ito ay isang elektronikong sirkito na pantaboy ng mga hayop tulad ng aso at pusa. Ito ay gumagamit lamang ng bateryang may 9 na boltahe. Itoy naglalabas ng mataas na frequency na naririnig ng mga hayop lamang at di ng mga tao. Ang frequency na ito ay sapat na upang mairita ang aso at mapilitang lumayo. Upang mapatunayan kung epektibo ba ang proyektong ito ay nagrecord ng video ang mga mananaliksik na tinataboy ng proyektong ito ang mga aso. Maghahanda din ng listahan ng mga uri ng aso na maitataboy nito.

Panimula Pinagmulan ng Pag-aaral

Ang proyektong ito ay isang ultrasonic transmitter na may mataas na awtput na nilikha upang maging pantaboy sa mga aso at pusa kaya maaari itong gawing pangdepensa sa mga hayop.

Layunin

Ang aso ay isa sa mga paboritong alagang hayop ng mga tao, itinuturing itong mans best friend. Ngunit marami rin sa atin ang takot dito dahil sa taglay nitong rabis na maaaring mong ikamatay sakaling makagat ka nito. Sa lugar kung saan maraming asong kalye, hindi maiiwasan na mangamba dahil maari ka nilang habulin at kagatin lalo nat di ka kilala ng mga asong ito. Kaya bilang isang solusyon sa mga ganitong sitwasyon, ang proyektong ito ay elektronikong pantaboy ng aso.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Maaaring hindi natin napapansin ngunit ang pakalat-kalat na mga hayop sa lansangan ay isang problema. Maraming panganib ang dala ng mga asong ito lalo na kung sila ay may rabies at basta na lamang nangangagat. Bukod pa ditto ay kung saan-saan sila dumudumi na nagiging dahilan upang hind imaging kaaya-aya ang kapaligiran. Kung kayat nagkaroon ng inisyatibo ang mga mananaliksik na gawin ang proyektong ito upang maiwasan at sa kalaunay mawala na ang mga problemang ito.

Pahina 1 ng 3

Ulat ng Proyekto sa Elektronikong Pantaboy sa Aso Reyes JJS. At Penoliar PMB.

Sakop ng Pag-aaral

Ang saklaw ng proyektong ito ay mga aso lamang. Gayumpaman, hindi ito tiyak na pandepensa sa mga agresibong aso, maaari lamang nitong lituhin ang hayop o himukin na umalis na lamang.

Pagtalakay Metodolohiya

Ang mga materyal na gagamitin sa paggawa ng proyektong ito ay mga sumusunod: Mga Resistor: Pangalan R1 R2 at R3 Mga Capacitor: Pangalan C1 C2 C3 at C4 Mga Transistor: Pangalan Q1 at Q2 Q3 at Q4 Iba pang mga kailangan: Pangalan IC 555 9 na boltaheng baterya Pulang LED On/Off Switch Ultrasonic Transducer (transmitter) Dami 2 1 1 1 1 Dami 2 2 Deskripsyon BD131 BD 132 Dami 1 1 2 Deskripsyon 100nF 1nF 10nF Dami 1 2 Deskripsyon 620 1K

Pahina 2 ng 3

Ulat ng Proyekto sa Elektronikong Pantaboy sa Aso Reyes JJS. At Penoliar PMB.

Matapos ilagay ang mga materyal na gagamitin sa proyektong ito na naaayon sa ayos ng nasa schematic diagram sa isang breadboard upang masubukan ang proyekto ay atin na itong ihihinang sa isang printed circuit board. Matapos hinangin ay maaari na nating subukan kung epektibo ba itong pantaboy ng mga aso.

Pagsusulit at Ebalwasyon

Matapos magawa ang proyekto at mailagay na sa lalagyan nito ay maaari ng subukan ang proyekto upnag malaman kung may mga mali ba rito at kung may dapat pa bang ayusin.

Mga Sanggunian at Apendiks Marian, P. (2009). Electronic Dog Repellent Project. Nakuha noong ika-6 ng Pebrero 2009 Mula sa: http://electroschematics.com/1026/dog-repellent-circuit/

Pahina 3 ng 3

You might also like