You are on page 1of 7

I.

Panimula
Isa sa pinakamahirap na kurso sa unibersidad ng New Era ay ang Civil Engineering, hindi lamang dahil sa taas ng kailangang katangian nito, kundi dahil sa napakaraming asignatura ang may kinalaman sa matematiks. Dahil sa kahirapan ng kursong ito, marami sa mga kabataang teenager ngayon na nag-aaral sa kolehiyo ay nakararanas ng matinding stress o lubhang pagkapagod dahil sa pagpupuyat sa pananaliksik o research sa internet at sa mga libro, paggawa ng thesis, pagbabalik-aral o review at pag-aaral ng mga formula at measurements sa matematiks. Ang stress o lubhang pagkapagod ang isa sa mga dahilan kung bakit ang ibang estudyante ng Civil Engineering ay lumilipat ng ibang kurso o kaya ay sumusuko na lang sa pagaaral dahilan upang makakuha sila ng mababang marka.

II.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga salik at epekto ng stress sa mga mag-aaral ng Civil Engineering. 1. 2. Ano ang stress? Ano ang epekto ng stress sa mga mag-aaral ng Civil Engineering? 3. 4. 5. Paano maiiwasan ang stress sa pag-aaral? Anu-anong epektibong solusyon para sa stress? Nakamamatay ba ang stress? Bakit?

III. Layunin
Karaniwan na sa mga mag-aaral ang tamaan ng stress o lubhang pagkapagod dahil sa sobrang pag-iisip, pagbabasa at pagpupuyat sa pag-aaral, kaya ang layunin ng pamanahunang papel na ito ay maipaalam sa mga mag-aaral ang posibleng sanhi ng stress at kung ano ang mga masamang bunga nito sa mga mag-aaral at sa kanilang kalusugan at pang araw-araw na pamumuhay. Layunin din ng pamanahunang papel na ito na maipaalam ang mga paraan upang maiwasan ang stress at kung paano ito bibigyan ng solusyon.

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pamanahunang papel na ito ay naglalayon na makapagbigay ng impormasyon kaya naman ito ay inaalay sa mga sumusunod.

Sa mga mag-aaral upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa pag-aaral tungkol sa stress. Sa mga guro upang mabigyan sila ng ideya tungkol sa usaping stress at maibahagi sa mga mag-aaral. Sa paaralan upang magbahagi ng reference na magagamit ng mga mag-aaral sa pananaliksik. Sa mga susunod na mananaliksik upang magbigay ng idea sa kanilang topic at kung paano isasagawa ang pamanahunang papel.

V. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw o nakatutok sa mga magaaral ng unibersidad ng New Era sa departamento ng College of Engineering and Technology sa kursong Civil Engineering at ang pag-aaral naman na ito ay limitado naman sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng New Era sa Departamento ng College of Engineering and Technology sa kursong Computer Science.

VI. Depinisyon
Upang lalo pang maging malinaw ang pananaliksik na ito, narito ang ilan sa mga depinisyon na maaaring makatulong sa mambabasa ng pamanahunang papel na ito.

Asignature ito ay ang paksa ng isang pag-uusap o diskusyon o pag-aaral. Civil Engineer isang Engineer nagsanay sa disenyo, bumuo at magpanatili ng pampublikong gawa. Engineering isang disiplina na may kinalaman sa sining o agham na nag-aaplay ng pang-agham na kaalaman sa mga praktikal na problema. Engineer tao na gumagamit ng mga siyentipikong kaalaman upang malutas ang mga praktikal na problema. Formula isang grupo ng mga simbolo na gumagawa ng matematikal na pahayag.

Internet ito ay isang pandaigdigang sistema ng interconnected network computer na gumagamit ng standard na internet protocol suite upang maglingkod sa mga gumagamit nito. Kolehiyo isang institusyon ng mas mataas na edukasyon, nilikha upang turuan ang mga mag-aaral at mahanda sa magandang hanapbuhay. Kurso edukasyon na nagmumula sa isang srye ng mga aralin o mga pagpupulong. Matematiks ito ay ang pag-aaral ng dami, istraktura, espasyo at pagbabago. Measurement proseso ng pagkuha ng magnitude ng isang dami, tulad ng isang metro o ng isang kilo. Research pananaliksik upang malaman sa isang sistematikal at pang-agham na paraan. Stress isang estado ng mental o emosyonal na problema o tensyon. Teenager isang yugto ng pisikal at mental na pag-unlad ng tao na nagyayari sa pagitan ng pagkabata at pagtanda. Thesis isang pahayag sa harap ng pamanahunang papel bilang isang saligan sa isang argument.

You might also like