You are on page 1of 17

Mga Sanhi ng Problema sa Klase ng mga Inhinyerong Mag-aaral Sa Rizal

Technological University

Gonzaga, Alejandro

Lanzuela, Mark Christopher

Rivera, Vincent

Torres, Hector Sugar Rey

Dionisio, Rhandell Aram

Zabuco, Renzo
KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Bilang isang tao, tayo ay may karapatan na mamuhay base sa ating mga

kagustuhan at mithiin sa buhay. Ngunit kaakibat ng pamumuhay natin ay ang mga

problemang humahamon sa tibay ng ating paninindigan at paniniwala na makakamit

natin ang ating mga pangarap sa buhay.

Bawat tao sa mundo ay araw araw kinakaharap ang ibat ibang klase ng problema

na dumadating sa kani-kanilang mga buhay. Ayon nga sa pahayag nina Dela Cruz et.

al. (2006), ang tao ay araw araw na sinusubok ng mga problema at suliranin dahil ito

ang matibay na patunay na tayo ay nabubuhay at patuloy na umuunlad. Binanggit

naman ni Nazareno (2010), ang buhay ay araw araw na pag iisip ng ibat ibang paraan

kung papaano mareresolba ang mga suliranin. Dagdag pa nina Chaplin et. al. (1997),

bilang nabubuhay ay tungkulin nating pagyamanin at paunlarin ang ating mga sariling

kakayanan upang matugunan natin ang kaalamang kailangan upang maresolba ang

mga problema at suliraning ating kakaharapin.

Ang isa sa halimbawa ng mga taong may pinakamabigat na problemang

kinakaharap sa bawat araw ay ang mga magigiting na inhinyerong mag-aaral ng Rizal

Technological University. Bawat isa sa mga estudyante ng henerasyon na ito ay may

kaniya kaniyang dinadalang mabibigat problema. Maaaring ito ay dahil sa pamilya,

personal na relasyon, pinansyal, at kadalasan ay eskwelahan. At ang mga problemang


ito ang nagiging sanhi ng depresyon at nagtutulak sa mga estudyante na

magpakamatay sa kadahilanang hindi na nila kayang pasanin ang bigat na hatid ng

mga patong patong na problema.

Ang paksang ito ay isang isyu na hindi dapat pinapagsawalang bahala at

kailangang bigyan ng matinding atensyon. At dahil dito ay gumawa kami ng aking mga

kamag-aral ng isang pagsasaliksik na nakasentro sa mga bagay na sanhi ng problema

ng mga inhinyerong estudyante ng Rizal Technological University. Ang layunin ng mga

mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mabigyang-linaw ang mga sanhi ng problemang

kinakaharap sa loob ng klase ng mga inhinyerong mag-aaral sa Rizal Technological

University.

Teyoretikal na Batayan

Ayon kina Fraenkel at Wallen (2003), ang paghakbang ng pagtuklas sa mga sagot

ay maaaring dumaan sa ibat ibang paraan tulad ng mga sumusunod: paggamit ng

senso, pagbabahagi ng impormasyon sa iba, pagsangguni sa mga eksperto, lohikal na

pangangatwiran at maagham na pamamaraan.

Ang mga mananaliksik na handa nang lumusong sa pagtuklas ay hindi dapat

mapagod sa gawaing ito. Ito ay isang maingat na proseso. Mas matapat na ilarawan ito

bilang pananaliksik ng may puso. Hindi ito natatapos lamang sa pagkatuklas ng resulta.

Ito ay maaaring magbunsod sa walang katapusan pang pagtuklas.

Ang pananaliksik ay nagsisimula sa katanungan. Ang proseso ng pagtugon ay sa

pamamagitan ng ibat ibang hakbang ng pagtuklas. Susundan ito ng maaaring mga

resulta na magbubukas ng marami pang katanungan para sa mga susunod na kaugnay

na saliksik.
Konseptwal na Batayan

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga sanhi ng suliraning kinakaharap ng mga

inhinyerong estudyante ng Rizal Technological University. Ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng interes na pag-aralan at saliksikin ang pinagmulan at ang suliranin na

nangingibabaw sa mga inhinyerong mag-aaral ng Rizal Technological University upang

magkaroon ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto at kung papaano magagawan

ng paraan ang mga suliranin at problemang ito.

Ayon kay Jordan (1996), walang problema sa ating mundo na hindi natin kayang

lagpasan. Kung may makakaharap ka man na isang napakalaking pader ng problema,

ay huwag na huwag kang lilingon pabalik at huwag mo itong sukuan. Kailangan mo lang

na matutunan kung papaano ito aakyatin, o kung papaano mo ito gigibain. Dagdag pa

ni Einstein (1952), kung hindi ka pa natakot, nasaktan, at nabigo ay hindi ka pa

nakakaranas ng tunay na tagumpay.

1.Ano-ano ang mga sanhi


ng mga problema ng mga
inhinyerong estudyante ng Pakikipanayam sa Mailahad ang mga
Rizal Technological mga mag-aaral na sanhi o dahilan ng
University? kumukuha ng kursong mga problema sa
Civil Engineering. loob ng klase.
2. Ano-ano ang mga
maaaring maging bunga Pagtatanung sa mga Mabigyan ng
ng mga problemang ito? gurong humahawak sa solusyon ang mga
mga Civil Engineering nakitang problema.
Paradimo
3.Paano ng Pag-aaral
masosolusyunan
ang mga problemang ito?
INPUT PROSESO AWTPUT
4.Sa papaanong paraan ito
makakatulong sa
pagpapaunlad ng buhay
ng mga inhinyerong
estudyante ng Rizal
Technological University?
Pigura 1

Tumutukoy sa modelong inilarawan kung paano ginawa ng mga mananalikisik

ang pagkuha ng mga impormasyon at datos sa sanhi ng problema ng mga inhinyerong

estudyante ng Rizal Technological University at kung papaano ito masosolusyunan. Sa

unang kahon ay inilarawan ang ibat ibang sanhi ng problema. Kasunod naman nito ay

ang prosesong ginamit upang maresolba ang mga sanhi ng problema. At sa ikahuling

kahon naman ay ang at ang huling kahon ay ang kalalabasan at magiging awtput ng

pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng mga mananaliksik na tugunan ang mga suliranin ng mga inhinyerong

estudyante ng Rizal Technological University na nabubuo sa loob at labas ng

eskwelahan. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon ding masagot ang mga sumusunod
na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga sanhi ng mga problema ng mga inhinyerong estudyante ng

Rizal Technological University?


2. Ano-ano ang mga maaaring maging bunga ng mga problemang ito?
3. Paano masosolusyunan ang mga problemang ito?
4. Sa papaanong paraan ito makakatulong sa pagpapaunlad ng buhay ng mga

inhinyerong estudyante ng Rizal Technological University?

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga sanhi at magiging bunga ng mga

suliranin kinakaharap ng mga inhinyerong estudyante ng Rizal Technological University.

Ang buong klase at iba pang seksyon ng mga inhinyero ng Rizal Technological

University ang limitasyon ng pag-aaral na ito. Ang mga proseso at paraan ng

pagresolba ng mga suliranin dito ay susubukan ding alamin ng mga mananaliksik.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay mahalaga di lamang sa ibat ibang paaralan,

bagkus pati narin sa mga karaniwang mamamayan ng bansa, guro, mag-aaral at iba

pang manunuri.

Sa mga mag-aaral na Inhinyero. Mahalagang maintindihan ng mga estudyante

ang pinagmumulan ng kanilang mga problema ng sa ganon ay makaisip sila ng mga

paraan kung papaano maisasaayos at mareresolba ang sanhi ng kanilang mga

problema.

Sa paaralan ng Rizal Technological University. Makadaragdag sa

impormasyon tungkol sa pananaliksik sa mga pangunahing nagiging problema ng mga

estudyante sa loob ng paaralan at kung papaano matutulungan ng eskwelahan ang


mga estudyante sa kanilang mga problema.

Sa mga magulang. Malalaman ng mas mabuti ng mga magulang ang

pinagdadaanan ng kanilang mga anak at mapapalawak ang kanilang kaalaman sa kung

paano nila matutulungan ang kanilang mga anak.

Sa mga Guro. Sa larang naman ng pagtuturo, mapapalawak pa ang kaalaman sa

mga problemang kinakaharap ng bawat estudyante, magkakaroon ang guro ng malinaw

na pananaw tungkol sa konsepto ng pag-iisip ng mga estudyante kung papaano nila

sinosolusyunan ang kanilang mga problema, at maituturo nang maayos sa mga mag-

aaral ang kahalagahan ng patnubay ng mga guro sa pagreresolba ng kanilang mga

problema.

Sa mga susunod na mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaaring

maging batayan ng mga susunod na magkaka-interes na saliksikin ang mga sanhi ng

mga problema ng mga inhinyerong estudyante ng paaralan ng Rizal Technological

University. Magiging patnubay din ito sa iba pang mananaliksik upang mapalawak pa

ang kaalaman at kasanayan sa larang ng pagreresolba ng ibat-ibang klase ng

problema ng mga estudyante.

Depinisyon ng mga Termino

Para makatulong na mabigyang liwanag ang mga salitang ginamit sa

pananaliksik, binigyang kahulugan na ang mga sumusunod na katawagan.

Inhinyero. Isang propesyon na naglalayong makatulong, mapabuti, at mapadali ang


buhay ng mga tao.

Komunikasyon. Ang tawag sa pakikipag-usap ng isang tao sa kapwa niya.

Mandaluyong. Isang lungsod sa kalakhang Maynila sa Pilipinas na nasa gitna ng Metro

Manila.

Rizal Technological University. Isang malaking paaralan ng teknolohiya na itinayo sa

Boni Ave., Mandaluyong.

Teknolohiya. Ang paggamit ng siyensya sa industriya ng mga inhinyero para

makaimbento ng mga mahahalagang bagay.

Rizal. Ang tanyag at dakilang bayani na nagbuwis ng buhay para sa Pilipinas.

Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay paglalahad sa mga kaugnay na literatura at pag- aaral na


isinasaayos sa paraang tematiko.

Mga Sanhi at Bunga ng mga Suliranin

Sa pag-aaral at pagtalakay sa Isang Masusing Pagpaplano sa Pagresolba ng

mga Problema ni Cervantes (2008), natuklasan niyang ang sagot sa mga problema na

kinakaharap ng bawat tao ay nagmumula sa kani-kanilang mga sarili at ito ang dapat

nilang umpisahang ayusin at magiging madali na ang pagreresolba sa mga susunod

pang problema. Hindi na rin sila mahihirapan sa pag-iisip ng mga hakbang patungkol sa

pagsasa-ayos ng mga suliraning ito dahil meron silang tiwala sa kanilang sarili at

naguumpisa silang maniwala na walang problema ang hidi nila kayang lagpasan. Di

tulad ng mga taong puro reklamo at pagiging malungkutin na lang ang ginagawa kapag

sila ay nahaharap sa problema at sa bandang huli ay maaari pa itong mauwi sa

pasusuicide.

Sa isinagawang kritika nina Matisse-Bernhardt (2004) sa kanyang

Pinanggagalingan ng Problema ng Bawat Isa, nakita nyang patuloy ang paglaganap ng

pagkalito, pagdududa sa sarili, depresyon at kalungkutan sa maraming tao na

nagbubunga sa mga masasamang gawain tulad ng pagdodroga, pagnanakaw,

pagpatay, at pagiging kriminal. Ito ay dahil sa lumalalang sakit ng ating lipunan kung

kayat ganito na lamang kaapektado ang mga mamamayan nito. Ang isa sa sakit na

iniinda ng ating lipunan ay ang mga drug pusher nagtutulak at naguudyok sa mga

kabataan at mag-aaral na gumamit ng ipinagbabawal na gamut kapalit ng panandaliang

satispaksyon, kasiyahan, at kapayapaan. Hindi lang ito nagdudulot ng hindi maganda


sa kanilang mga katawan, kundi pati na rin sa kanilang kapaligiran at sa komunidad

dahil oras na nasa ilalim at impluwensya na sila ng ipinagbabawal na gamot ay

nakakapag-isip sila ng mga masasamang bagay at maaari silang makapanakit ng ibang

tao at masira ang kanilang buhay at ang kanilang pag-aaral.

Ang isa pang sanhi sa mga problema ng mga mag-aaral ng inhinyero ng Rizal

Technological University ay ang patuloy na pagdami ng kanilang mga assignments,

projects, plates, experiments, major major exams, at thesis. Mas mainam na kung

maagang tatapusin ito nga mga mag-aaral dahil mas mapapadali ng paunti-unti ang

kanilang mga gawain at hindi sila mabibigla at maaapura sa mga deadline ng pasahan

ng mga ito.

Mga Solusyon sa Suliranin at Problema

Sa araw araw na pagpasok ng mga tao sa kani-kanilang trabaho at eskwelahan

ay kalakip din nito ang dinadala nilang problema na kailangan nilang resolbahin at

bigyang pansin upang magkaroon ng sagot ang mga ordinaryong tao at mga mag-aaral

sa mga katanungan sa kanilang isipan at mabigyang sagot ang kanilang mga

pagdududa at pagdadalawang isip patungkol sa kanilang problema na maaaring mauwi

sa hindi maganda o kaaya-ayang sitwasyon.

Maituturing na mahalaga ang edukasyon sa pagreresolba ng mga problema at

suliranin sa buhay ng isang tao sapagkat malakas ang persepsyon na mahalaga ang

kaalaman para makalutas ng isang problema lalo na sa panahon ngayon na mas


nagiging komplikado na ang mundo ng dahil sa globalisasyon. Mapagpatunay naman

sapagkat kailangan pang papaniwalain ang tinawag ni Studdard (2001) na mga nag-

aagam-agam, nagdadalawang-isip, nagdududa na makipaglaban para sa kani-kanilang

mga hinaharap na problema sa gitna pa rin ng kalakaran ng globalisasyon.

Ang isa sa iminungkahing mapaggiit at mapagpatunay na adyenda ng

pananaliksik ay nakatuon sa mga program na makakapagpalawak sa kaalaman ng mga

tao tungkol sa mga pangkaraniwang mga problema at suliranin na kinakaharap araw-

araw ng tao. Ginawang espisipiko ito ni Friedrich (1997) sa panghihikayat na makabuo

ng saliksik sa mga programa sa publikasyon, sa pagsasalin at diseminasyon.

Ang pagpaplanong gumawa at magresolba ng mga problema ay pangkabuoang

proseso ng pagdedesisyon sa paggawa ng mga paraan patungkol sa problema,

pormulasyon ng mga hakbang sa pagsasaayos ng problema upang tumugon sa

kahingian ng paglinang , pagpapayabong at pagpapaunlad ng kaalaman sa

pagreresolba ng mga problema.

Inilarawan ni Hubbard (2004) sa Adyenda ng Pananaliksik sa Pagpaplano at

Pangangasiwa ng mga Suliranin na mapaggiit at mapagpatunay na adyenda ng

pananaliksik ang kalilangan upang maisakatuparan ang maga layunin na kaugnay ng

mga pangkaraniwang problema ng mga ordinaryong tao at mag-aaral sa kanilang

buhay. Binanggit pa niya, maraming institusyong akademiko ang tumitingin sa direksyon

ng patakarang pagreresolba ng mga sanhi ng mga suliranin kaya malaki ang

responsibilidad na meron sila.


Sa kabila ng mga kakulangan sa mga hakbang ng ating gobyerno ukol sa mga

sanhi ng problema ng mga pangakaraniwang tao ay dapat na isaalang-alang nga mga

politiko na hindi mareresolba ang isang napakalaking problema kung hindi ito

uumpisahan sa ugat at sanhi ng mga problemang ito. Dapat lamang na bigyang

atensyon hindi lamang ng mga politiko kundi ng lahat ng tao ang

pinakapinanggagalingan ng problem at suliranin ng bawat isa, ang kanilang mga sarili.

Kung maiisaayos nila iyon ay mas mapapagaan ang problema at makakapag-isi sila ng

mas magandang paraan kung papaano nila lulutasin ang bawat problema.

Ugnayang Mag-aaral Eskwelahan

Hamong maituturing ang konsentrasyon ng mga paaralan sa layuning mapag-

aral at matulungan ang kanilang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang buhay

bago at matapos silang makagraduate sa kanilang unibersidad. Malaki ang potensyal

ng komunikasyon sa pagitan ng mag-aaral at ng paaralan na maging midyum upang

magkaintindihan ng lubos ang magkabilang panig at makabuo sila ng mga hakbang

kung papaano matutulungan ang isat isa. Mataas ang pagtingin ng mga mag-aaral sa

kanilang paaralan kung kayat ganun na lamang kaimpluwensya ang paaralan sa mga

mag-aaral nito. Kaya marami sa problema nga mga mag-aaral ng isang paaralan ang

natutulungan ng kanilang paaralan mismo.

Ang isa sa mga paraang ito ay ang pagbibigay ng payo o counceling sa mga

mag-aaral na dumadaan sa mga problemang kailangan pagtuunan ng pansin bago pa

mahuli ang lahat. Natutulungan nito ng malaki ang mga mag-aaral dahil nagkakaroon
ang mga mag-aaral ng motibasyon at bumabalik ang kanilang mga tiwala sa sarili na

kaya nilang ayusin at magawan ng paraan ang bawat problema at suliraning

kakaharapin ng bawat isa.

KABANATA III

Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito ating matatagpuan ang ibat -ibang uri ng pamamaraan na


ginamit ng mga mananaliksik, paraan ng pagpili ng mga tagatugon at mga

instrumentong ginamit sa pagsasaliksik na ito.Masusing ginamit ng mga mananaliksik

ang mga ginamit sa instrumento at pamamaraan na angkop sa ginawang pag aaral

upang mas maging kapaki-pakinabang ang pananaliksik na ginawa.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito ang ginamit na pamamaraan ay ang paglalarawan.Ang

layunin ng pamamaraan na ito ay tukuyin at alamin ang mga salik kung ano ano ba ang

mga karaniwang sanhi ng problema ng isang mag-aaral sa isang klase o sa isang

paaralan.

Ayon kay Charles bidew (1997) Ito any isang masusing paglalarawan o

imbestigasyon sa mga bagay-bagay na nagbibigay ng isang malinaw at konkretong pag

lalarawan sa nasabing paksa.Ito ay may kinalaman sa mga kondisyon ng mga

ugnayang nagaganap sa paligid, mga epektong nararamdam, o mga kalakarang

nilalang.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang kwalitibong disenyo ng pananaliksik na

tumutukoy sa pagkolekta, pagsusuriat pagbibigay kahulugan sa mga datos sa

pamamagitan ng masusi at mabuting obserbasyos sa mga mag aaral at mga taong

nakapagtapos na ng pag aaral.

Ang pananaliksik na ito ay isa ring pag-aaral ng nilalaman o Content

Documentary Analysis na ginagamit upang pag-aralan ang buhay panliouna at mga

kinakaharap ng mga mag aaral sa kanila kanilang buhay sa kabila ng mga suliranin o

mga problema sa kahit ano mang aspeto at degri.


Pagpili ng Tagatugon

Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyante na nag aaral ng engineering na

mula sa Rizal Technological University upang makakalap at mag karoon ng mga datos

at alamin kung ano ang mga salik sa pagkakaroon ng mga problema mg Mag aaral sa

klase.

Instrumentong Gagamitin

Ginamit ng mga mananaliksik ang Balangkas na interview o ang structured na

interview na angkop gamitin sa pagkalap ng maayos at malinaw impormasyon ukol sa

mga sanhi ng problema sa klase ng mga enhinyerong estudyante sa Rizal

Technological University.

Balidasyon ng Instrumento

Sa pagpapatibay ng napiling instrumento, minabuti ng mga mananaliksik ang

tulong at opinyong ng Guro sa tisisnupang maisaayos ang mga tanong na ibabato sa

mga respondanteng mag-aaral.

Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa Rizal Technological University (Boni

Campus).

Pangalan: __________________ Petsa: ____________


1. Ano-ano ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng suliranin at problema?

2. Ano ang mga kasalukuyang problema na kinakaharap mo ngayon?

3. Sa paanong paraan mo nilulutas at ginagawan ng solusyon ang mga

problemang ito?

4. Ano-ano ang mga bagay na nakakapagpawala ng iyong pokus sa pag-aaral?

5. Sa iyong tingin, nakakaapekto ba ang iyong kapaligiran sa iyong pag-aaral?

6. Ano-ano ang mga pampersonal na problemang iyong kinakaharap sa buhay

na nakakaapekto sa iyong pag-aaral?

7. Ano ang palagay mo sa transportasyon ng ating bansa, at kung ito ba ay

nakakaapekto sa iyong pag-aaral?

8. Sa iyong palagay, malaking epekto ba ang kalidad ng pagtuturo ng isang

guro o propesor sa iyong pag-aaral?

9. Kanino ka unang hmihinhi ng tulong sa pagreresolba ng iyong mga mabibigat

na problema?

TALASANGGUNIAN:
Francisco Duka, 2004. Philosophy of Education. Manila: Rex Bookstore.

Balesteros, 2001. Study and Thinking Skills. Manila: Rex Bookstore.

Sioson, Mortera, Pinca, Velasco, 2015. Pananaliksik sa FILIPINO. Mandaluyong

City: Rizal Technological University Cooperative Store.

Hernandez, 2009. Kritikal na Pagbasa Tungo sa Pananaliksik. Malabon City:

Mutya Publishing House, Inc.

Dale Carnegie, 1990. How to Win Friends and Influence People.

Reading. 2016. Merriam-Webster Online Dictionary, http://www.merriam-

webster.com/dictionary/reading.

Reading. 2016. Wikipedia Online Search Engine, http:// www.wikipedia.com.

You might also like