You are on page 1of 15

Pista. Pamayanan.

Tradisyong Orl Mga Konsepto sa Pag-aaral ng mga Teatro sa Asya Pinal na Kahilingan para sa Theater 162-Theatres in Asia Bryan L. Viray Marso 28, 2008

Theatres in Asia are confusing.

[Ang mga teatro sa Asya ay nakakalito].

Tahasang sinabi ni Prop. Sir Anril P. Tiatco sa kanyang paglalagom na pananalita sa huling araw ng aming aralin hinggil sa mga teatro at/o pagtatanghal sa Asya. Gayunpaman, sa pinakapayak na pag-unawa at pag-aaral ng mga teatro at/o pagtatanghal na ito, tatlong konsepto ang umusbong (1) ang mga pista/piesta [Festival/Festivities], ang pakikisangkot ng (2) pamayanan o komunidad [Community] at ang malaking ambag ng tradisyong orl o pasalita [Oral Tradition]. Alinsunod sa tradisyon, ang mga teatro at/o pagtatanghal sa Asya, katagni ang mga pista ay nagmula o umusbong mula sa mga pamayanan at nagpatuloy sa pamamagitan ng tradisyon orl. Marapat na usisain ang mga nabanggit na tatlong mahahalagang konsepto upang maging malinaw ang ating pag-unawa at tuloy maintindihan kung bakit nakalilito ang mga teatro sa Asya. Susubukan ng pag-uusisang ito na mahawan ang mga madadamong katanungan bagamat hindi nito layuning gawing konkreto o solido sa kabuuan ang paglalarawan sa mga pagtatanghal na ito; sa una pa lamang ay dapat na unawain na natural ang pagiging daynamiko ng mga teatro sa Asya.

Kung sisisirin ang etimolohiya ng Festival, ito ay nagmula sa salitang Latino feste at nagmula din sa salitang festa. Kahalintulad ito ng salitang fest (feast) na nagmula din sa salitang Latino festivus. Ang mga salitang festa at fest ay naitala bilang pangngalan noong 1589 ayon sa Wikipedia at may kahulugang, celebration in honor of God or gods [pagdiriwang sa ngalan ng Diyos o mga diyos]. Binabanggit din dito ang mga halimbawa ng feast sa kalendaryo ng mga Kristiyanoang Feast of the Nativity of Lord (Christmas) at Feast of the Resurrection (Easter Sunday). Halos pareho ang pakahulugan ng mga salitang pista sa Diksyunaryo Ibig sabihin, hindi nalalayo ang karanasang

Filipino Filipino, araw ng pangilin.

Latino (feast) sa karanasang Filipino (pista) kung ang pag-uusapan ay Festival/Festivities. Kaya naman maaari nating gamitin ang pista sang-ayon sa pagbabalangkas ng etimolohiya ng salitang Festival.

Kapwa nabanggit ang mga kahulugang pagdiriwang sa ngalan ng Diyos at araw ng pangilin (o pagsamba), kaya naman minarapat na laliman pa ang pagsisid upang makita na ang salitang festival (pista) ay likas na may kaugnayan sa relihiyon. Yamang hindi nalalayo ang Pilipinas sa tradisyong Kristiyano-Katoliko at halos kayamana na nito ang ibat-ibang pista na ginagawa sa buong taon, binanggit ang ilan sa mga ito at dinama din ang karanasang pumapaloob dito.

Ang Sinulog Festival sa Cebu ay isang pagdiriwang upang pasalamatan ang patron na si Sto. Nio. Gayundin, ang Pahiyas Festival ng mga taga-Lucban, Quezon kung saan mayroon silang pagsasaya bilang pasasalamat sa kanilang patron, San Isidro

Labrador. Tuwing Mayo, natatandaan ko na ako man ay nakiisa sa May Flower Festival sa aming bayan. Kaming mga bata kasama ang mga matatanda ay sama-sama at taontaong nagdarasal at nag-aalay ng bulaklak upang ipagdiwang si Mariang Ina. Mapapansing binigyang diin ang mga salitang pagdiriwang, pagsasaya, sama-sama at taon-taon sapagkat ang mga salitang ito ang para-rating maririnig kung tatanungin mo kung ano ang ibig ipakahulugan sa pista/festival. Gayundin ang sinasabi ng The New English-Filipino Dictionary (Millenium Edition) at UP Diksiyonaryong Filipino. Dapat ding tingnan na palagiang nakatagni sa mga salitang pagsasaya o pagdiriwang ang kanarasang pangrelihiyon ng isang pamayanan. Ang mga nabanggit na Sinulog Festival, Pahiyas Festival at May Flower Festival ay pawing bahagi ng tradisyong KristiyanoKatoliko ang pagkakaroon ng mga santo o patron.

Isang bagay din ang dapat tingnan, ang elemento ng oras o panahon o petsa. Halos lahat ng mga pista/festival ay ginagawa ng palagian, taonn-taon o buwan-buwan. Halimbawa, ang kababanggit na May Flower Festival at Santacruzan tuwing Mayo ay taon-taon ginagawa. Ang Moriones Festival sa Marinduque ay tuwing Holy Week at taon-taon din namamalas. Idagdag natin ang Festival of Light o Diwali/Deepawali ng mga Hindu bilang pagtatapos ng anihan na ginagawa ng anim na araw. Katulad din ng Chinese New Year na taon-taon tuwing Pebrero para pasimulan naman ang isang bagong panahon. Kamakailan, ipinagdiwang ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ang Komedya Fiesta 2008, 1st National Festival. Ginamit dito ang dalawang salitang magkamag-anak, Fiesta at Festival. Sinabi ni Pangulong Emerlinda Roman sa kanyang mensahe, Komedya Fiesta 2008 will be more than a celebration of this art form [Komedya

Fiesta 2008 ay magiging higit pa sa pagdiriwang ng ganitong anyo ng sining] Muli, ginamit din ang salitang fiesta bilang bahagi ng pagsasaya o pagdiriwang. Sa isang news article ng UP Newsletter, The UP Department of Speech Communication and Theater Arts (DSCTA) once again hold its annual Speech and Theatre Festival [Ang UP Departamento ng Komunikasyong Pasalita at Sining Panteatro ay muling gagawin ang taunang Pista ng Pasalita at Teatro], muli tinukoy ang aspeto ng panahon kung saan ginagawa ito taon-taon.

Bukod sa likas na nakatagni ang pista/festival sa usaping pangrelihiyon ng isang pamayanan, tuwiran din itong inilarawan sa Baliatang Kyut ni Marc Logan (www.abscbnnews.com) bilang bahagi ng social celebration o mga pistang-bayan. Nagdiwag ng kaarawan ang bayan ng Koronadal sa South Cotabatoiba naman ang kasayahan sa kanilang kapistahan. Tunghayan ang festival ng Koronadal Nabanggit ang salitang kaarawan na para bagang sinasabing ang pista/festival ay bilang pagdiriwang ng kaarawan. Sa Padre Burgos Quezon, daan daang manok ang nilitson sa pagdiriwang ng Laguing-Manok Festival doon. Dito naman ay binigyang atensyon ang karanasan ng pista sa pagkakaroon ng handaan.

Kaya maaaring iyakap sa pista/festival ang karanasang paulit-ulit na pagsasaya, kaarawan at handaan at sa kalaunan ay nagiging ritwal at tradisyon dahil sa mayroon nang matibay na pagtatatag. Sa paglipas ng panahon ng pagtatatag ay nagkakaroon ng bias sapagkat mayroong konsensus at ginagawa ito ng sama-samaat regular na idinadaos sa isang pook. (UP Diksiyonaryong Pilipino).

Hindi din naman nalalayo sa ganitong nosyon ang pagdiriwang ng mga Muslim sa kanilang Muharram Festival. Ito ay isa ring pista/festival ng relihiyong Islam subalit kaiba ito kung titingnan naman ang aspeto ng emosyon at ang kabuuang feel ng pagdiriwang datapwat tinatawag din itong festival. Ang punto ay bakit ito tinawag na festival gayong ang mga naunang nabanggit na pista/festival ay mayroong pagsasaya at handaan. Ang Muharram Festival ay ginagawa sa unang buwan ng

kalendaryo ng Muslim. Ayon sa aming aralin sa Theatres in Asia habang tinatalakay namin ang tradisyong Islam, ang pistang ito ay pag-aalala sa kabayanihan ni Hazrat Imam Hussain. Ginagawa ito ng mga Muslim sa pamamagitan ng isang dambuhalang

prusisyon kasama ang mga istatwa at banner ni Imam Hussain. Ipinapakita nila ang matinding pagkasakit sa paglalagay ng sugat sa sarili nilang mga katawan gamit ang matutulis na metal. Sinasabi na isa itong malungkot na okasyon at ginagawa upang maranasan din ang paghihirap ng mga martir. Ang karanasang ito ay halos kahawig din ng ritwal ng pagpapako sa krus tuwing Mahal na Araw ng mga Katoliko. Paano ito masasabing isang pista/festival gayong sa simula ng diskusyon ay malinaw ang nosyon ng pagsasaya, pagdiriwang at handaan? Maaari kayang hugutin ang nauna ring

kahulugan ng pista na araw o panahon ng pagdiriwang o selebrasyon, kaarawan at ang puntong ginagawa ito ng sama-sama at regular? Hindi natin maaaring lagyan agad ng tuldok ang pakahulugan sa pista/festival bilang pagsasaya at pagkakaroon ng handaan. Hindi solido ang mga bagay-bagay kung ang pag-uusapan ay kultura at tradisyon. Sabi nga sa araling Antropolohiya 10, culture is all-encompassing and is also adaptive and maladaptive. Maaaring sabihin na para sa mga Muslim, ang karanasan nila ng pagdiriwang sa kanilang Muharram Festival ay madugo at hindi makulay. Dapat ding

isaalang alang ang kasaysayan ng pistang ito. Mahalaga ding usisain ang aspeto ng kasaysayan ng bawat pista/festival upang lalong maunawaan ng tema, gawi at ang kabuuang pagdiriwang nito.

Nais ko ding idagdag na sa aking paggagalugad sa internet ay nasalubong ko ito, (www.tourism.gov.ph) Banwahon Festival [is] an ethnic dance competition [Banwahon Festival ay isang paligsahan ng katutubong sayaw]. Naalala ko din ang BilaBila Festival at Gasang-Gasan Festival sa aming lalawigan kung saan ang kabuuan ng pista ay mismong paligsahan ng sayaw gamit ang makukulay na palamuti at kasuotan kasali ang iba-ibang grupo mula sa mga barangay. Samaktuwid, hindi din nalalayo ang koseptong pista/festival sa paligsahan. Sa isang blog sinabi, kapag sa takilya dapat may awardsiguro wala kayong award sa Metro Manila Film Festival Ginamit din ang salitang festival bilang paligsahan ng mga sine/pelikula at mayroon pang elemento ng premyo dito.

Sa pag-uusisa, ang mga pista/festival ay nakakawing sa mga di maikahon at patuloy na dumadaloy na mga ideya, konsepto at karanasan na umiikot-ikot lamang sa bawat pamayanan o komunidad. Kaya naman, marapat ding usisain ang iba-ibang

diskurso ng komunidad o community na may malaking bahagi din sa pag-aaral ng mga teatro sa Asya.

Ang salitang community ay nagmula sa salitang Latino, communitas na ibig sabihin ay the same [katulad]. Ito ay nagmula sa communis na may salitang-ugat na

munis (performing services) at inugpungan ng panlaping con (together). Samakatuwid, sa pagkakabit nito, communis na ibig sabihin performing services together [sama-samang pagganap ng serbisyo]. Sa salitang pagganap (performing), hiniram ko ang diskurso ni Richard Schechner (2002) ng as performance. Sinasabi niya na sa paggamit ng as performance, ang isang kaganapan (hiniram naman sa diskurso ni Prop. Tiatco tungkol sa konsepto ng pagganap) o perfomance ay hindi maaaring ikahon bilang bahagi ng isang kumbensyon at tradisyon. Sinasabi nito na sa kahit anong gawain ng tao ay makikita ang iba-ibang kaganapan. Performance is everywhereunlimited quantity of information and entertainment comes through the air. Kaya naman ang sama-samang pagganap ng serbisyo ay maaaring tumukoy sa napakaraming anyo ng kaganapan.

Binabanggit sa isang papel, Asian Theatre and Drama: An Overview ang paglalarawan sa mga teatro sa Asya. Sinabi ditto, Asias dance and drama represent a broad range representing communityCommunity members serve as participants and co-performers (De Guzman, Ramirez, Tiatco 2003). Kaya naman talagang litaw ang konsepto ng pamayanan/komunidad sa mga teatro sa Asya. Bilang mga partcipant o coperformers, umaaangat ang papel na ginagampanan ng common [people] and public (Wikipedia). Binanggit ng Emptying the Sea by the Bucketful: The Dilemma in Cambodian Theatre, sa tradisyon ng mga pagtatanghal o pagganap ng yike, hindi propesyonal kundi mga magsasaka ang gumaganap nito habang nagkakasayahan sila at pagkagaling nila sa sakahan (Diamond). Sa pista naman ng nang talung sa timog

Thailand, ang mga tao ay nagpapalipas pa ng gabi para lamang makanood nito (Smithes

and Kerdchouay). Sa pagganap naman ng tradisyonal na hat cheo ng Vietnam, ang mga aktor ay pawing mga village peasants (Ban 1960). Sa mga halimbawang ito, mahihinuha na mayroong elemento ng shared interest (Wikipedia) ang mga tinatawag na participant at co-performer (De Guzman, Ramirez, Tiatco 2003) sa isang komunidad.

Sa paglalarawan sa teatro ni Eli Obligacion, artistic director ng Teatro Balangaw, isang community theater sa isang bayan sa Marinduque, Teatro came forth in the spirit of volunteerism, especially among the young ang the young at heart. Binigyang pansin ko ang salitang voluntereesim dahil sa gayon din ang unang lumalabas kapag pinag-uusapan ang komunidad lalo sa mga samahang panteatro sa isang komunidad. Hindi din nalalayo ang karanasan ng mga taga-Vietnam sa karanasang ito. The Vietnamese theatre has always had the support of the common people (Ban 1960.).

Palagian din naming umuutlaw ang nosyon ng aydentidad o pagkakakilanlan kung pag-uusapan ang komunidad. Hindi maiiwasan ang tendensiyang magkaroon ng Halimbawa, ang mga

paglalahat sa paglalarawan ng mga tao sa isang komunidad.

ilonggo ay sinasabi nilang malambing. Ang mga waray naman ay palaban. Gayundin, may kinalaman ang lokasyon sa pagtutukoy ng isang lugar o pamayanan. Ang Baguio bilang Summer Capital of the Philippines, ang Marinduque bilang Heart of the Philippines, ang Hapon bilang Land of the Rising Sun at marami pang iba. Pakahulugan nga ng Wikipedia, community is a social group sharing an environment with shared interest affecting the identity of the participants.

Sa usaping sosyal at kultural, halos magkatagni ang konsepto nito sa community. Ayon kay Ferdinand Tnnies, isang German Sociologist, community is a cohesive social entityto the presence of a unity of will. Ibig sabihin buo at may kaisahan at pagsang-ayon. Binanggit din iya ang sense of connectedness na kung pagiisipan ay nangyayari dahi lsa proseso ng pagkatuto (learning) upang mahugot ang sinasabi niyang behavior patterns. Ito ay tumpak sa pagsasalarawan naman ng kultura sa aming aralin sa Antropolohiya bilang shared and learned beliefs within a community. Malinaw na pumapasok ang impluwensiya ng pamilya, paaralan, barkada, mass media at pamahalaan na tumutukoy sa pagbubo ng isang komunidad o pamayanan.

Nais ko ding idagdag ang nosyon nina McMillan at Chavis sa sense of community. Nagbigay sila ng isang senaryo upang maipaliwanag ang ayon sa kanilang apat na elemento ng sense of community, ang membership, influence, intergtation and fullfillment of needs at shared emotional connection. Someone puts an announcement on the dormitory bulletin board about the formation of an intramural dormitory basketball team. People attend the organizational meeting as strangers out of their individual needs (integration and fulfillment of needs). The team is bound by place of residence (membership boundaries are set) and spends time together in practice (the contact hypothesis). They play a game and win (successful shared valent event). While playing, members exert energy on behalf of the team (personal investment in the group). As the team continues to win, team members become recognized and congratulated (gaining honor

and status for being members). Someone suggests that they all buy matching shirts and shoes (common symbols) and they do so (influence). (http://en.wikipedia.org/wiki/Community) Talaga namang malaki ang bahaging ginagampanan ng pamayanan community sa pagbubuo ng mga teatro sa Asya. Paano kayang ang mga kaganapan o pagtatanghal na ito ay patuloy na nararansan, napapanood o naririnig hanggang ngayon? Malaki din naman ang ambang ng tradisyong orl/pasalita sa paglaganap at pagpapatuloy ng mga teatro sa Asya.

Binubuo ng dalawang salita ang tradisyong orl (oral tradisyon): ang tradisyon at oral. Ang oral, ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino ay pasalita at ginagawa sa

pamamagitan ng bibig at hindi pasulat. Ang tradition naman ay may kinalaman sa pagsasalin, pagtatatag ng kaugalian o paniniwala na may bisa ng di-nakasulat na batas. Ayon na din sa Wikipedia, oral tradition is transmitting history, literature, etc. without writing system. Tahasang ipinamumukha ang pageksklud sa paraan nang pasulat sapagkat nakatuon ito sa paggamit ng boses bliang midyum ng komunikasyon. Idagdag pa ang puntong pagsasalin sa pamamagitan ng pasalita nang may pagsang-ayon o konsensus.

Naalala ko ang aking English IV class kung saan pina-aralan naming ang The Illiad and the Odyssey ni Homer, isang greek epic poet. Ipinaliwanag sa amin na ang anyo ng libangan noong panahon nina Homer ay pagkukuwento sa isang agora (marketplace). Kahawig ito sa karanasan ng mga Hindu sa kanilang Sanskrit Dramatic

10

Tradition, kung saan ang kagayang poet ni Homer na si Bana ay gumamit din ng ganitong uri ng pamamaraan sa pagbibigkas at pagsasalin ng kanilang mga epiko sa prakrits upang maintindihan ng mga pangkaraniwang Hindu. Ang CI form ng Tsina, romantic expression of long-short verse lines written to be sung to music (Huang Chang) ay dumaan din sa tradisyong orl. Ang tradisyonal na putong sa Marinduque ay isang malapit na karanasan. Talagang halos lahat ng mga taal sa lalawigang ito ay nakaaalam ng awiting ito dahil sa paulit-ulit na naririnig at nararanasan ito. Morion bungi, may tae sa binti, hinabol na pari, takbo pauwi! Ito ay halimbawa ng isang maikling pang-ulit o pang-asar sa mga Morion sa aming lalawigan. Mula pagkabata ay alam na alam na nang marami ito at nagpapatuloy pa din hanggang ngayon. Hindi na kinailangan ng pagsulat, kundi nabuhay siya dahil sa tradisyong oral. Malinaw na kapwa ang mga taga-Kanluran at taga-Asya ay nakaranas ng mahabang tradisyong oral.

Palagian ding nababanggit ang salitang folk kung pinag-uusapan ang tradisyong oral. Dalawang bagay ang lumilitaw kapag inilirarawan ang teatro kaugnay ng Ayon sa Tech Multimedia Music

taradisyong oral: ang folk music at folktales.

Dictionary, folk music [is the] music of the common people that has been passed on by memorization or repetition rather that writing Muli, kaugnay din ang punto ng common, paulit-ulit at pagsasaulo. Iniugnay naman ng Websters Dictionary ang komunidad na may pakana ng tradisyong oral. Traditional and anonymous music that is an experience of the life of the people in a community[they] play together and sing rather than watching others perform. Ganitong-ganito ang karanasan ng mga magsasaka sa bukid kasama ang kanilang mga pamilya (ipinapalagay kong ang pamilya ay

11

kahalintulad na din ng isang komunidad dahil kadalasang magkakamag-anak ang mga tao sa isang komunidad). Isa pang katangian ng folk song ay that when plyed or performed gets peoples lips moving in unison, sabi ng mang-aawit na si Jack Knight.

Sa panimula ng aklat ng Philippine Folk Literature, tuwirang sinabi na ang oral literature ay tinatawag ding folk literature. Pinaliliwanag dito na noong una pa man, lahat ng literatura ay oral. Oral transmission and the absence of any fixed form

constitute the essence of folk literature (Damiana 1987). Ang mga folktales na ito (ang mga mitolohiya, alamat at kwentong-bayan) ay sinasabing oral tale (Wikipedia). The telling of the stories appears to be a cultural and universal form, common to basic and complex society. (Wikipedia) Hindi ito nalalayo sa binanggit ko kanina na mayroong kaisahan sa karanasan ang mga pamayanan kung ang tradisyong oral ang pag-uusapan. Inilarawan ng Nang Yai Puppetry A Dramatic Art Form of Thailand na alinsunod sa tradisyon, ang mga gumaganap sa nang yai ay pawang mga local villagers. Sila ang nagsisilibing mga musician at singers kung saan rin ang storytellers. Nakagawian na din daw na ang pagkatuto ay sa pamamagitan ng pagsasanay mula sa mga nakaraang henerasyon. (Meschke) Others were members of a family or communitytellers came from the all sectors of society slaves, priets, peasants, fishermen, sailors, soldiers, spinners, herb gatherers, troubadours, wandering scholars, housewives,

merchants, innkeepers, hunters, actors, heretics, criminals, bandits, administrators, and scribes. (Zipes 2004)

12

Para bagang katulad na katulad ito sa tinatawag ng mga German, Gemeinschaft, na nagpapahiwatig na commonality within a community. (Ibid.).

Palagian ding kumakawing ang nosyon ng storytelling sa tradisyong oral. Ito rin ang puntong ginamit namin sa Theatre 163 Creative Dramatics sa paglalarawan ng karanasan ng Pilipinas sa storytelling. Binanggit sa Speaking Out Storytelling and Creative Drama for Children, People told stories in all walks of life, and they fit their stories to the situation. Oral storytelling was always functional and purposeful and remains so today. (Ibid.).

Nais kong ihabol ang nosyon ng tradisyong oral na tumutukoy sa kanyang kalakasan at kahinaan kung ang pag-uusapan naman ay kasaysayan. Sa aklat na The Chronology of Oral Tradition, All forms of oral tradition have their strengths and their weaknesses, but it is generally recognized that their greatest deficiency is an inability to establish and maintain an accurate assessment of the duration of the past they seek to recount. Some would consider them timeless and therefore ahistorical. (Henige 1974.).

Sa pagtatapos nais kong ulitin ang mga binanggit kong kataga sa unang bahagi ng papel na ito. Alinsunod sa tradisyon, ang mga teatro at/o pagtatanghal sa Asya, katagni ang mga pista ay nagmula o umusbong mula sa mga pamayanan at nagpatuloy sa pamamagitan ng tradisyon orl.

13

SANGGUNIAN Mga Aklat: Ban Song. The Vietnamese Theatre. Hanoi Foreign Languages Publishing House, 1960. Eugenio Dmaiana L. Philippine Folk Literature. UP Folklorist, Folklore Studies Program, 1987. Erven Eugene Van. Community Theater Global Perspectives. Routledge Taylor and Francis Group, 2001. Henige David P. The Chronology of Oral Tradition. Claredon Press Oxford, 1974. Schechner Richard. Performance Studies an Introduction. Routledge Taylor and Francis Group, 1934. Zipes Jack David. Speaking Out Storytelling and Creative Drama for Children. Routledge New York, 2004. Mga Artikulo at Magasin: Chang Huang Lulu. Performances of Early Chinese Song-Poems. Asian Culture Quarterly. De Guzman Richard, Aileen Ramirez, Sir Anril Tiatco. Asian Theatre and Drama: An Overview. Teater Asya Convention in Asian Theater and Drama, 2003. Diamond Catherine. Emptying the Sea by Bucketful: The Dilemma in Cambodian Theatre. Asian Theatre Journal, vol. 20, no. 2 (Fall 2003). University of Hawaii Press, 2003. Meschke Michael. Nang Yai Puppetry A Dramatic Art Form of Thailand. SPAFA Journal Vol. 16 No. 2. Smithies Michael and Euayporn Kerdchouay. Nang Talung: The Shadow Theatre of Southern Thailand.

14

INTERNET: http://en.wikipedia.org/wiki/ www.abs-cbnnews.com www.tourism.gov.ph

ATBP: Diksyunaryo Filipino Filipino Komedya Fiesta Booklet UP Newsletter UP Diksiyonaryong Pilipino The New English-Filipino Dictionary (Millenium Edition)

15

You might also like