You are on page 1of 6

TSAPTER II REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA Ang niyog (cocos nucifera) ay tinatawag na puno ng puno ng buhay.

Dahilan sa maraming gamit nito. Kilalaang puno nito sa pagkakaroon ng walang katapusang gamit. Lahat ng bahagi nito ay maraming benepisyo simula sa dahon pababa sa ugat nito. Isa sa mga produkto ng niyog ay ang Virgin Coconut Oil na pinaniniwalaang makakapagpagaling ng maraming karamdaman. (Gibe, 2003) Ang Niyog ay hindi isang uri ng mani kundi ito ay isang prutas. Itoy kadalasang tinatawag na puno ng buhay. Bawat bahagi ng puno ng niyog ay may gamit at hindi napupunta sa basura kahit na ito ay dumaan na sa kanyang pamumunga. (http://www.philippineherbalmedicine.org/coconut_tree.htm, 2010) Ang Niyog ay nabubuhay sa kanyang pangalan. At kahit saan mo ilagay sa medisina man o sa pagnenegosyo, mayroon pa ring gamit. Sa ating bansa, umabot na sa kalahati ng mga puno ng niyog ang nauuwi lamang sa pagiging basura, hindi malaman ng mga tao kung ano ang mga prosesong gagawin upang lumabas ang tunay na halaga nito. Ang puno na may prutas na animoy higanteng bola ng ragby ay makikita rito sa atin. Kinikilalang pinakamahusay ang niyog na nanggaling sa ating bansa. Ito ay may taas na 24 hanggang 34 na talampakan na mayroong dahon na halos aabot ng 14 hanggang 17 talampakan. Si Marco Polo ang unang naglarawan dito. Umaabot ng isang taon bago mapakinabangan ito. (Banaag, Beatingo, Benitez,...Picache, 2008) Ang mga bahagi ng niyog na maaaring magamit sa ibat-ibang medisina ay ang niyog mismo, bao ng niyog, bunot ng niyog, gata ng niyog, langis ng niyog at puno ng niyog. Ang malambot na bahagi ay tinatawag na buko. Ang niyog ay ang mas matigas at mas matandang buko. (http://www.tagaloglang.com, 2005) Ang katas ng buko ay magagamit bilang panlinis ng bato ng katawan. Ang tubig o katas ng buko ay naglalaman ng anti-oxidants, asukal, protina, fibers, bitamina, at minerals. Ang mga ugat naman ng niyog ay ginagamit bilang sipilyo noong unang panahon. Ngayon, katas ng pinigang ugat ng niyog ay ginagamit bilang gamot sa sakit na dyesenteryo o ang sakit sa bituka, colon. (http://www.philippineherbalmedicine.org/coconut_tree.htm, 2010) Ang ugat ng niyog ay gamot sa balakubak, ang sabaw ay gamot sa balisawsaw. Ang sariwang sabaw ng niyog o buko ay gamit sa sakit sa bato at balisawsaw o di-normal na pag-ihi, at pampatubo ng buhok. Ang ugat ng niyog ay dinidikdik kasama ang balat ng gugo. (http://www.halamanggamot.com/2009/02/niyog.html, 2008) Ang tinatawag na white meat o laman ng buko at ang tubig nito ay ginagamit bilang gamot sa sakit sa puso, dysentery, lagnat, at sakit sa bato. Ito ay nagagamit din bilang aphrodisiac o pampalakas ng pagtatalik. Ginagamit naman ang langis ng niyog na nagmula sa pinakuluang gatas ng niyog bilang antiseptic at pampagaling sa mga sakit sa balat tulad ng paso, pangangati at pagkakaroon ng ringworms. Ang sariwang katas ng buko ay iniinit at hinahalo sa harinang bigas at nilalagay sa pigsa. Ang fermented na katas naman ng buko ay ginagamit bilang laxative o pampadumi. Ang ugat ay

ginagamit din sa paggawa ng sore throat gargles. Ang puso naman ay ginagamit para sa magandang daloy ng pagkain sa ating katawan at magagamit din ang dinikdik na puso ng niyog sa pagpapawasto ng daloy ng regal sa kababaihan. (http://plantcultures.org/plants/coconut_traditional_medicine.html, 2009) Ang Langis ng Niyog na nakapagpapagaling ng ibat-ibang sakit. Isa si Porfirio Pallan Sorse (2007) sa mga naniniwala sa galing ng langis ng niyog. Bilang pampahid sa katawan, sinabi ni Sorse na nakatatanggal ito ng mga sakit sa kutis kahit pa psoriasis. Kailangan lang lagyan ang apektadong parte nito hanggang sa ito ay mawala. Sinabi rin niya na ang ito rin ang nakakapagpapigil ng pagdudugo at nakakatulog sa pagiwas sa impeksyon. Tulad ni Sorse, sinabi rin ni Norah Kuch (2005) na ang langis ng niyog ay may reputasyon hindi lang dahil sa sustansya na nakukuha rito pati na rin sa dahilan na ito ay mabisang gamot. Ayon kay Kuch mabisa ito sa pagbabawas ng timbang, hypothyroidism, pagpapababa ng cholesterol, sakit sa atay, sakit sa puso, diabetes at iba pa. Sinasabi rin na ang langis ay antimicrobial, antioxidant, antifungal at antibacterial. Ito rin ay sinangayunan ni Kim Evans (2004). Sinabi niya na ang paginom ng coconut oil ay mabisang antiviral, antifungal, at antibacterial agent. Ang disease fighting lipid ng langis ay nagbibigay proteksyon sa maraming problema na dulot ng bakterya o kaya bayrus. Ayon naman kay Elizabeth Walling (2003), ang sikreto daw ng maayos na metabolism ay ang langis ng niyog. Ang langis ay binubuo ng medium chain fatty acid na siyang nakapagpapabilis ng metabolism. Ito ay dahil madali siyang madigest at maging enerhiya ng katawan. Ayon naman kay Dr. Bruce Fife (2006), ang langis na nakukuha sa niyog ay ginagamit sa feeding tubes at IV solutions para gamutin ang mga pasyenteng may matinding karamdaman. Ito rin ay ginagamit sa mga over-the-counter-medications at ito rin ay inihahalo sa pagkain upang maiwasan ang pagkapanis. Sinabi rin niya na ang mga taong kadalasan ay may kasamang niyog ang kinakain ay nakakaiwas sa labis na katabaan, mas batang tingnan at walang masyadong sakit sa puso. Ang likas na taba ng niyog sa pagkain ay patungo sa maayos na mga lipids sa katawan, nangangalaga sa nagagawang sira ng alcohol sa atay, at pinabubuti ang immune systems antipinflammatory response. (Gibe, B., 2003) Pangnutrisyon at pangkalusugang Gawain ng langis ng niyog. y y y y Nagbibigay ng kagyat o madaling mapagkukunan ng enerhiya o lakas. Ginagamit ang monolaurin sa pormulasyon pang sanggol at pagkain ng mga pasyente na dumaranas ng problema sa panunaw at metabolism Umaalalay sa sistema ng resistensiya upang hindi kumapit ang sakit na sanhi ng bakterya, bayrus, at singaw. Tumutulong sa pagsugpo ng diyabetes, labis na katabaan (obesity), sakit sa apdo (gall bladder), lapay (pancreas), osteoporosis; pagpapanatiling malambot, makinis at pinipigil ang wala sa panahong pagtanda at pangungulubot ng kutis; pangangalaga ng balat sa kanser at iba pang mantas; at pagpapababa ng timbang.

Nagbibigay ng pangangalaga sa mga sustansiya na humihikayat ng kanser, antherosclerosis, o sakit sa puso. y Umaalalay sa metabolismong pangkalusugang pagkain. y Tumutustos sa mas kaunting kalorya kaysa ibang taba; y Tumutustos sa mahalagang sustansya na kailangan sa mahusay na kalusugan. (Gibe, B., 2003)

Ang Langis ng Niyog bilang tabang nakapagpapababa ng timbang. Isang kahanga-hangang taglay ng langis ng niyog, na napatutohanan na ng maraming mananaliksik, ay nakapagpapababa ito ng timbang kahit na ito ay isang taba. Ang dahilan muli ay gawa ng nakapagpapalusog na MCFAs. Ang mga fatty acids na ito ay hindi tumatakbo sa daluyan ng dugo tulad ng ibang mga taba, subalit tuwirang pumupunta sa atay kung saan dito agad nagiging enerhiya o lakas, tulad sa mga karbohydrayt. Kaya ginagamit ng katawan ang taba ng langis ng niyog na makagawa ng enerhiya kaysa imbakin bilang taba sa katawan. (Gibe, B., 2003) Sa kinalabasan ng pananaliksik ni Dr. Kabara, sinabi niya na hindi kailanman sakasaysayan ng tao na napakahalagang bigyan din nang kahalagahan ng mga lauric na langis. Ang taba sa langis ng niyog ay kahalintulad din ng sustansiyang nakukuha sa gatas ng ina na may katulad na epektong pinagsamang kahalagahan ng pagkain at gamot (nutriceutical).Sangayon sa kanya, ang monolaurin ay nangangalaga sa bagong silang na sanggol sa mapaminsalang mikrobyo sa kanilang panahon sa buhay habang ang kanilang sistema ng resistensiya ay papalakas pa lamang. (Gibe, B., 2003) MCFAs (medium chain fatty acids). Ang MCFAs na nakukuha sa langis ng niyog ay pinabibilis ang metabolismo ng katawan na tumutunaw ng mas maraming kalorya na nakapagpapababa ng timbang. (Gibe, B., 2003) Lauric Acid. Sa artikulo ni Dr. Enig, Coconut: In support of Goodhealth in the 21st century (2008), sinabi niya na Humigit kumulang 50 porsiyento ng fatty acids sa taba ng niyog ay lauric acid. Ang Lauric acid ay isang medium chain fatty acid (MCFA), na may karagdagang pakinabang na gawain na nagiging monolaurin sa katawan ng tao o hayop. Ang monolaurin ay monoglyceride na panlaban sa bayrus, bakterya at protosowa na ginagamit ng tao o hayop. Winawasak nito ang mga bayrus na nababalot ng lipid membrane tulad ng HIV, herpes, cytomegalovirus, trangkaso, mga bakteryang nagdudulot ng sakit tulad ng listeria, monocytogenes, at heliobacter pylon, at protosowa katulad ng giardia lambia. Ang langis ng niyog ay nagtataglay ng medium chain fatty acids tulad ng lauric (C-12), caprylic (C-10) at myristic (C-14). Sa tatlong ito, ang langis ng niyog ay nagtataglay ng mga 50 porsiyentong lauric acid, at ang sustansiyang mayroong pinakamalaking ginawa upang labanan ang bayrus. Ito ay napatunayan ng butihing ama ng kalihim na si Dr. Conrado Dayrit, M.D., propesor emeritus ng parmakolohiya ng University of the Philippines System (UPS) at naging pangulong National Academy of Science and Technology (NAST) ng Department of Science and Technology (DOST). (Gibe, B., 2003)

Ang pagpapagaling ng langis ng niyog sa sakit na obesity o labis na katabaan. YNA DITO MO ILAGAY YUNG PAGPAPAGALING SA LANGIS NG NIYOG SA OBESITY ETO NALANG KULANG THANKS! PERO GANTONG SPACING NA DI KATULAD NG NASA BABA. FOLLOW MO ETONG TINYPE KO PALTAN MO NLNG.GETS? TY!! (SOURCE, 2010) Ano nga ba ang Obesity? Obesity, ay isang abnormal na akumulasyon ng sobrang taba na nagdudulot ng peligro sa kalusugan. Ito ay nagdudulot ng ibat-bang komplikasyon gaya ng diabetes, sakit sa puso at cancer na siyang nagpapaikli ng life expectancy ng tao. (WHO, 2006) Paano malaman kung Obese. Ang BMI o Body Mass Index, ang pagkumpara sa timbang at taas, ay isang simpleng paraan para matukoy kung ang isang tao ay underweight o overweight. Ayon sa WHO o World Health Organization, masasabing obese ang isang tao kapag nabibilang siya sa braket na may BMI na 30 pataas. Overweight naman kapag ang BMI niya ay 25 o higit pa. (WHO,2006) Mga Sanhi. Ang pangunahing sanhi ng labis na katabaan ay ang hindi tamang balanse ng dami ng calories na pumapasok at lumalabas sa katawan. Ang iba naman ay sanhi ng genes o kaya ay may eating disorder. Malaki rin ang nadudulot ng pagkakaroon ng sedentary lifestyle o ang hindi pagiging aktibo. (WHO, 2006) Mga bunga at Komplikasyon. Ang pagtaas ng BMI ay siya ring pagdami ng mga posibleng komplikasyon. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: y Cardiovascular Diseases- sakit sa puso o stroke. Ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong mundo y Type 2 Diabetes- patuloy na nagiging global epidemic. Dadami pa ang kaso ng mga biktima nito ng 50% sa susunod na 10 taon. y Mucoskeletal disorders- lalo na ang osteoarthritis y Cancer (endomentrial, breast, and colon) y Sa mga bata naman ay mas malaki ang tsansa ng premature death at kapansanan pagtanda. (WHO, 2006) Mga istatistika. Ang obesity ang nangungunang sanhi ng pagkamatay na maaring malunasan o maiwasa. Ngunit, ayon sa tala ng WHO, umabot ng halos 1.6 bilyong tao (edad 15+) ang overweight at halos 400 milyon naman ang obese sa buong mundo noong 2005. Sa mga bata namang edad limang taon pababa ay umabot na sa mahigit 20 milyon ang overweight. Sa taong 2015, tinatayang aabot na sa 2.3 bilyon ang overweight at 700 milyon naman ang obese. Dati rati ay problema lamang ito sa mga bansang mayayaman ngunit ngayon ay apektado na rin ang mga middle at low-income countries.(WHO, 2006) Paano mababawasan ang labis na katabaan. Upang mabawasan ang labis na katabaan at maiwasan ang mga komplikasyong dala nito, may mga ibat ibang paraan na maaring gawin: y Gawing balanse ang timbang. y Limitahan ang pagkain ng matataba. y Limitahan ang pagkain ng matatatmis. y Kumain ng maraming prutas at gulay, lalo na ang mga whole grain. y Piliin ang mga pagkaing may unsaturated fats kaysa sa mga may saturated fats. y Regular na mag-ehersisyo.

y y

Maaari ring ikunsulta sa doktor ang mga dietary drugs kung pwede itong inumin. Ang pinakamatinding maaring panlunas ay ang magpaopera, partikyular ang Bariatric surgery, upang makuha ang mga taba. (WHO, 2006)

Ang Pagsugpo ng Langis ng Niyog sa mga Komplikasyon ng Obesity. Hypertension. Ayon kay Bruce Fife, ang coconut oil ay nagsisilbing antioxidant na lumalaban sa pagkakaroon ng free redicals sa katawan na nagiging dahilan ng Hypertension. Dahil ang coconut oil ay nagsisilbing taga-balanse ng dami ng sikat ng araw (UV rays) na tumatama sa ating balat kapag tayo ay nasa ilalim ng araw. Nilalabanan nito ang sobra sobrang UV rays na pumapasok sa katawan pati na rin ang kakulangan nito. Dahil ditto, sinisira nito ang free-radical reactions at sa gayon, umiiwas sa Hypertension. Ang Hypertension ay isang kondisyon kung saan, mataas ang presyon ng dugo (blood pressure) sa katawan. Ito rin ay nagiging dahilan ng ibat ibang heart disease. Isa sa nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng hypertension ay ang kakulangan sa Vitamin D o ang pagkakaroon ng vitamin D deficiency pati na rin ang pagdami ng free redicals sa katawan. (Bruce Fife, 2008) Vitamin D. Ang vitamin D ay tinatawag din na sunshine vitamin. Ito ay dahil sa nakukuha ang bitaminang ito mula sa sinag ng araw o UV rays. Sinasala ng balat ang UV rays na nanggagaling sa araw at ginagamit ang nasalang Vitamin D upang sirain ang mga free-radical reaction sa katawan Antioxidants.Ang antioxidants ay ginagamit upang pigilan ang oxidation na nagaganap sa mga free radicals na kumakalat sa ating katawan. Nagsisilbi rin itong proteksyon sa ibat ibanf uri ng mga kondisyon. Free-radicals.Masasabing ang free radicals ay dahilan ng mga heart disease at hypertension dahil ito ay mga unstable molecules na kumakalat sa katawan upang sirain ang mga molecules ng katawan. Mabilis itong kumalat at inaatake nito ang malalapit na molecules upang agawan ito ng mga electrons na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga molecules na ito. Nababawasan ang proteksyon ng katawan at nagdudulot rin ito ng ibat ibang sakit pag ito ay sumailalim ng oxidation. Kabilang sa mga sakit na ito ay ang hypertension, heart disease, cancer, skin disease, arthritis, cataracts at pagkawala ng memorya. (Collins, 2007) Diabetes. Sa mga pag-aaral, ang langis ng niyog ay nakakatulong sa pagkontrol ng diabetes. Meron itong saturated fat na nagdadala ng chain fatty acid. Ang fatty acid na ito ay nagpapabilis ng proseso ng digestive system at ginagawang assistive nutrients ang mga pagkain.Ang mga nutrients na ito ay tumutulong sa hormones at insulin upang gumana ng maayos. (Naomi West, 2009) Ano nga ba ang Diabetes? Ang Diabetes ay isang sakit kung saan mataas ang lebel ng blood glucose. Nangagaling ang glucose na ito sa mga pagkain. Ang Insulin ay isang hormone na tumutulong sa glucose na makarating sa cell upang

magkaroon ng enerhiya. Sa Type 1 diabetes, ang katawan ay din a bumubuo ng insulin. Sa Type 2 diabetes, ang pinakakomon, ang katawan ay di ginagamit ng maayus ang insulin. Sa kawalan ng Insulin, ang glucose ay nagtatagal sa dugo. (National Institue of Diabetes and Digestive Kidney, 2008) Sintomas ng Diabetes. Ang mga sintomas ng diabetes ay sobrang pagkauhaw, sobrang pagkagutom, madalas na pag-ihi, medaling mapagod at mabilis na pagbaba ng timbang. (Naomi West, 2009)

You might also like