You are on page 1of 66

`

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

Ikaapat na Markahan: Florante at Laura

Aralin 18 : Florante, Ang Heneral ng Hukbo (Saknong Bilang 258-273) Antas 1

Bilang ng araw/sesyon: 3

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante at Laura

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Mahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?

Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang balita ay nagdaragdag ng impormasyon at kaalaman kayat maging maingat sa paghahatid nito. Kapag nadagdagan o nabawasan ng salita, iba na ang magiging kahulugan nito. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Bilang 258-273 (Aralin 18: Florante, Ang Heneral ng Hukbo)

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangang maging maingat sa paghahatid ng balita?

Ang mag-aaral ay: nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pagbabalita nakapaliliwanag ng salawikaing angkop sa aralin nakapaglalahad kung paano maging mabuting lider sa paaralan at barangay bilang isang kabataan nakapagbabalita tungkol sa ilang isyu/ pangyayari sa bansa sa kasalukuyan

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagbabalita tungkol sa ilang isyu/pangyayari sa bansa sa kasalukuyan Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa kahalagahan nang pagkakaroon ng karanasan sa pamumuno upang maging magaling na lider. Mga Kraytirya: kaugnayan sa paksa; naglalahad ng sariling pananaw; naglalahad ng sariling kongklusyon. pagbabahagi ng sariling saloobin tungkol sa katayuan ng mga tauhan sa aralin. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagpapaliwanag sa salawikaing angkop sa aralin. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng kongklusyon. pagbabahagi ng mga gagawin upang maging mabuting lider. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat pagbibigay ng interpretasyon sa isang balita o impormasyong malapit lamang sa sariling lugar ang pinangyarihan ng kilos. Mga Kraytirya: masining, makatotohanan. pagbabahagi ng mungkahing solusyon sa mga suliraning kinakaharap dulot ng maling pagbabalita. Mga Kraytirya: angkop sa paksa; naglalahad ng ibat ibang solusyon; makatotohanan; napapanahon. Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang pagbabalita batay sa mga kraytirya: A. May kaugnayan sa Paksa B. Napapanahon C. Malikhain D. Masining

Antas 3

A.

Tuklasin :

Ang mga mag-aaral ay: nakasasagot nang wasto sa mga tanong na ibinulong ng kamag-aral (Ito ay pangkatang gawain. Gumawa ang guro ng tanong na ibubulong sa lider ng pangkat. Ibubulong ng lider ang nabunot na tanong sa isang kapangkat. Ang binulungan ay bubulong din sa isa pang kapangkat ang nasabing tanong. . Ang huling bubulungan sa pangkat ang sasagot sa tanong. Sasabihin muna sa guro ang ibinulong sa kaniyang tanong.) nakapagbibigay- halaga sa gawain sa pamamagitan ng pagbibigay interpretasyon sa kinalabasan nito nakapagbibigay-hinuha sa Mahalagang Tanong para sa aralin: Bakit kailangang maging maingat sa paghahatid ng balita? (Maaaring pangkatin ang klase upang pag-usapan ang kanilang mga sagot sa mahalagang tanong na ito na isinulat nila sa manila paper. Pagkatapos, papiliin kung sino sa kanila ang maglalahad ng kanilang napag-usapan.) nakapagmumungkahi ng mga kraytirya para sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang nabuong kraytirya na ipapaskil sa pisara upang malaman ng mga mag-aaral ang paraan ng pagmamarka sa gagawin nilang produkto/pagganap. ) nakapagbibigay ng mga karagdagang kaalaman o impormasyon tungkol sa salitang balita sa tulong ng alinman sa Word Pool, Word Concept, Word Network, Webbing o Word Association at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa tatalakaying paksa sa bahaging Linangin.) Word Pool

balita

B. Linangin Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas na gagawin ng bawat pangkat nakapagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng sumusunod na salita: Salita 1. pangamba 2. bantog 3. banayad 4. kiyas 5. amis Kahulugan __________________ __________________ _________________ __________________ __________________ Kasalungat ________________ ________________ ________________ ________________ ________________

masigasig na nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong: (Itoy mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro) Mga Gabay na Tanong : 1. 2. 3. 4. Anong balita ang kumakalat sa Krotona na nakapagpabago ng saloobin ni Florante? Bakit si Florante ang hinirang ni Haring Linceo na mamuno ng hukbo? Kung ikaw si Florante, tatanggapin mo ba ang malaking hamon na ito sa iyong buhay? Bakit? Bakit kaya ganoon na lamang ang pagtitiwalang ibinigay ng hari kay Florante? Itala ang mga posibleng dahilan ng hari sa tulong ng Sti ck Firgure,Facstorming Web, LAF o List All Factors, Informative Chart o iba pang pamamaraan Stick Figure

Dahilan ng hari kung bakit niya pinagtitiwalaan si Florante

5. Malaking responsibilidad ang pagiging pinuno, makakayanan kaya ito ni Florante? Anong katangian ang dapat niyang taglayin upang maging pinuno? Itala ang mga katangiang ito sa tulong ng Fan Fact Analyzer, Informative Chart, Bubble Map o iba pang pamamaraan.

, Fan Fact Analyzer

6. Kung ikaw si Florante, tatanggapin mo ba ito? Bakit? 7. Ibahagi ang iyong sariling saloobin tungkol sa katayuan ng mga tauhan sa aralin. nakapaglalahad ng mga sunod-sunod na pangyayari gamit ang Fan-fact analyzer 3 4 2 5

Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Tauhan Pagpapahalagang Pilipino

Tagpuan

C. Palalimin : Ang mga mag-aaral ay: malayang nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan nang pagsagot sa mga tanong/gawai 1. 2. 3. 4. 5. Kailangan bang may karanasan sa pamumuno upang magaling na pinuno? Bakit? Paano ka magiging mabuting lider sa inyong paaralan at barangay? Itala ang mga gagawin upang maging mabuting lider. Ipaliwanag ang salawikaing Bihirang balitay magtapat, magkatotoo may marami ng dagdag. Nakatanggap ka na ba ng balitang walang katotohanan? Ano ang naramdaman mo sa taong nagbalita sa iyo ng mali? Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging lider ng bansa, paano ka magiging huwaran?

Sariling Larawan

6. Bigyan ng interpretasyon ang isang balitang malapit lamang sa iyong sariling lugar ang pinangyarihan ng kilos. Ano ang iyong reaksiyon sa balitang ito?

D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ng input ang guro tungkol sa paraan ng pagbabalita.) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagsasagawa ng balita nakapagsasagawa ng pagbabalita tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan (Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang pagbbalita ay tungkol sa ibat ibang larangan tulad ng balitang pampalakasan, balitang showbis, natatanging balita at iba pang mahahalagang isyu) nakapagbibigay ng puna o feedback sa isinagawang pagtatanghal ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback) (Iminumungkahi sa guro na balikan ang Mahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa .) Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Internet Mga kagamitang kakailanganin sa pagbabalita Sipi ng estratehiya Mga kraytirya sa pagtataya ng pagbabalita

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikaapat na Markahan: Florante at Laura Aralin 19 : Si Laura, Ang Venus Bilang ng araw/sesyon: 2 (SAKNONG BILANG 274 - 290) Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Tunay na kagandahan ang kalinisan ng puso. Ang panlabas na kagandahan ay naglalaho. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 274 290 (Aralin 19: Si Laura, Ang Venus) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit higit na mahalaga ang kalinisan ng puso kaysa sapanlabas na anyo?.

Ang mag-aaral ay: nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng paglalarawan nakapagsasalaysay ng mga saknong sa pamamagitan ng madamdaming pagbigkas nakapaglalahad kung paano humanga sa isang tao nakapagbabahagi ang sariling pananaw o paniniwala tungkol sa kagandahan nakapagpapadama ng paghanga sa isang taong hinahangaan dahil sa taglay niyang kagandahan panloob man o panlabas

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Nakapagpapadama ng paghanga sa isang taong hinahangaan dahil sa taglay niyang kagandahan panloob man o panlabas Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad kung paano ipakikita ang pagtanggap sa papuring ibinibigay ng kapwa. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan. pagbabahagi ng pananaw tungkol sa pagkakaroon ng panlabas na kagandahan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya, naglalahad ng mga patunay, naglalahad ng sarili at ibat ibang pananaw. pagbabahagi kung paano humanga sa isang tao, bagay at pook. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat paglalahad ng interpretasyon sa isang saknong ng aralin na iuugnay sa pangyayaring nasaksihan o nabalitaan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pagpapakahulugan. pagbabahagi ng sariling damdamin sa mga taong taglay ang kagandahan, panlabas man o panloob. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan; naglalahad ng ibat ibang damdamin. pagpapaliwanag sa isang sitwasyon sa aralin na maiuugnay sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng sariling kongklusyon; makatotohanan. Antas 3 A. Tuklasin : Ang mga mag-aaral ay: nakikilala ang mga babaeng nagkaroon ng karangalan dahil sa patimpalak pagandahan (Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga beauty queen tulad nina Venus Raj, Precious Lara Quigaman, Ruffa Gutierez, at iba pa. Tanungin ang mag-aaral kung saan sila napabantog.) Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagpapadama ng paghanga batay sa mga kraytirya: A. Angkop sa Paksa B. Orihinal C. Masining

nakapaglalahad ng wasto kung bakit sila ang nagwagi ng karangalan nakapaglalahad ng ibat ibang pananaw ng tao kung bakit higit na mahalaga ang kalinisan ng puso kaysa sa panlabas na anyo ng isang tao (Kapanayamin muna ang tatlong ibat ibang uri ng tao at bigyan ng kongklusyon ang Mahalagang Tanong na ito batay sa nakalap na impormasyon. Maaaring gamitin ang pamamaraang Embedded Circle, Concept Map, Informative Chart o iba pang pamamaran

10

Magulang

Kalinisan ng puso o panlabas na anyo?

Kamagaral

Matalinong mag-aaral

nakapagmumungkahi ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin pagkatapos ilahad ng guro ang aralin (Iminumungkahing tanggapin ang lahat ng panukala ng mga mag-aaral subalit piliin lamang ang angkop na pagganap.) nakabubuo ng mga kraytirya para sa Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin.) nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang kagandahan sa tulong ng Word Network ,Word Association, , at iba pang estratehiyang makatutulong sa paghawan ng sagabal ( Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.)

11

Word Network

kagandahan

B. Linangin: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan nang paglalarawan sa kagandahan at iba pang katangian ni Laura sa pamamagitan ng Webbing, Character Profile, o iba pang angkop na estratehiya Webbing Laura

nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng madamdaming pagbigkas

12

nakapagbibigay -kahulugan sa ginamit na mga tayutay sa akda (Magbigay ng input ang guro tungkol sa tayutay na pagtutulad at pagwawangis bago isagawa ang bahaging ito. Maaari ring pagbigayin ng sariling halimbawa sa mga uring ito ang mga mag-aaral.) napipili ang mga salitang naiiba ang kahulugan na gagamitin sa pagbuo ng pangungusap (Maaaring gawing indibidwal na gawain na sasagutin nila sa kanilang kuwaderno o kaya naman ay ipasasagot sa kanila sa paraang talakayan.) 1. 2. 3. 4. 5. 6. ningning luwalhati makahanap magalit daing linsil liwanag pighati makadakip umirog himutok matuwid kislap ligaya makawala mainis panambitan linis sikat aliw makakuha maasar kasiyahan mali

masigasig na nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong (Itoy mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) (Ang sumusunod na mga gawain ay maaaring gawing kolaboratibo. Bigyan sila ng 15 minuto upang pag-usapan ang mga tanong na nakasulat sa activity card na nakalaan para sa kanila. Ang mga pamamaraan sa bawat pangkat ay mungkahi lamang, maaaring palitan ng guro.) 1. Ilarawan si Laura ayon sa aralin. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa paglalarawan sa kanya?Isulat ang ginamit na paglalarawan sa tulong ng dayagram, Concept Map, Bubble Map o iba pang estratehiya. (Pangkat 1) Dayagram Uri ng Tayutay

Paglalarawan

Paliwanag

2. Kung ikaw si Laura na hahangaan ng mga tao, paano mo ipakikita ang pagtanggap sa papuring ito ? Gawin ito sa pamamagitan n grole playing. (Pangkat 2) 3. Bigyang interpretasyon ang saknong blg. 285 na Kung ano ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak naman kung marapa. Ipakita ito ng pangkat sa pamamagitan ng talk show.(Pangkat 3) 4. Ano-ano ang ginamit na simbolo sa akda ? Bigyang kahulugan ang ipinapahiwatig nito sa tulong ng Interpretative Chart, Concept Map, Treebone o iba pang estratehiya. (Pangkat 4)

13

Interpretative Chart Simbolong ginamit sa akda Ipinapahiwatig na kahulugan

C. Palalimin: Ang mag-aaral ay: nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong: 1. Naniniwala ka bang mas marami ang agad na naaakit sa may magandang panlabas na kaanyuan? Bakit kaya? 2. Paano ka humahanga sa isang tao, bagay, at pook? Isulat sa tsart . Hinahangaan Paano ipinakikita ang paghanga? Tao

Bagay

Pook

14

3. Pumili ng isang saknong sa aralin na bibigyan ng interpretasyon at iugnay sa pangyaysaring nasaksihan o nabalitaan. 4. Ibahagi ang sariling damdamin sa mga taong taglay ang kagandahang panlabas at kagandahan ng kalooban sa tulong ng Bubble Map, Wing Chart, H-Chart o iba pang pamamaraan.

Damdamin sa taong taglay ang kagandahang panlabas

Damdamin sa taong taglay ang kagandahan ng kalooban

5. Ipaliwanag: Kaakibat ng kagandahan ang kataksilan. Naniniwala ka ba rito? Bakit? 6. Pagtalunan sa klase: Alin ang higit na dapat hangaan, kagandahan ng loob o ang panlabas na anyo? nailalahad ang ibat ibang pananaw ng tao kung bakit higit na maganda ang kalinisan ng puso kaysa sa panlabas na anyo (Kapanayamin muna ang tatlong ibat ibang uri ng tao at bigyan ng kongklusyon ang Mahalagang Tanong na ito batay sa nakalap na impormasyon.)

15

D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap nakapagpapadama ng paghanga sa isang taong hinahangaan dahil sa taglay niyang kagandahan panloob man o panlabas (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.) Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Kagamitan sa pakikipanayam Sipi ng estratehiya

16

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikaapat na Markahan: Florante at Laura Aralin 20 : Paghahanda sa Pakikidigma Bilang ng araw/sesyon: 2 (Saknong Bilang 291 304) Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagtatanghal ng madulang sabayang pagbigkas mula ng Florante at Laura sa mga piling bahagi o mga saknong sa Florante at Laura na naglalarawan ng mga kahanga-hangang pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Sa gitna ng mga pakikipagsapalaran ng mga Kristiyano at Muslim na inilalarawan sa Florante at Laura ay matatagpuan ang mahahalagang mensahe/kaisipan at paniniwala hinggil sa pakikipagkapwa-tao, sa katarungan, sa wastong pagsusunuran, sa pamilya at marami pang ibang konsepto na magpapatibay ng mga kinaugaliang pananaw sa buhay noong panahon ng mga Espaol na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Ang manunulat ay pinapanday ng kapaligirang kanyang ginagalawan at ng kanyang karanasan, mabuti man o hindi, na nakatutulong upang makalikha siya ng makatotohanang mga akda na kayang iugnay ng mambabasa sa kanilang buhay. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang pakikipaglaban para sa bayan ay kabayanihang tunay. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 291 - 304 (Aralin 20: Paghahanda sa Pakikidigma) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Bakit kailangang pag-aralan ang Florante at Laura?

Paano nakaiimpluwensiya ang mga karanasan at kapaligiran sa pagiging mahusay ng isang manunulat?

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangang makipaglaban ang isang tao para sa bayan? Ang mag-aaral ay: nakapagbibigay ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa bayan nakapagtatanghal ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbasa masigasig na nakikiisa sa talakayan sa klase nakasusulat ng panuntunan ng isang mabuti at matapang na mamamayan nakabubuo ng mga panukala kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaan/ pag-aalitan

17

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagbuo ng mga panukala kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaan/ pag-aalitan Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa kahulugan ng pag-ibig batay sa ipinakitang pagmamahalan ng mga tauhan sa isat isa at sa bayan. Mga Kraytiryta: naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sariling kongklusyon. paglalahad ng sariling pananaw kung bakit mahalagang makipaglaban para sa bayan. Mga Kraytirya: sapat at angkop ang mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pananaw. paglalahad ng magiging kontribusyon bilang kabataan para sa bayan . Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagbabahagi ng naging damdamin sa mga bayaning nag- alay ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng bayan. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagbibigay ng sariling interpretasyon sa ilang pangyayayri sa aralin na nangyayari rin sa tunay na buhay. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pagpapakahulugan. pagbabahagi ng mga ginawa/naging kontribusyon kung paano pinahahalagahan ang sariling bayan. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa binuong panukala batay sa mga kraytirya: A. Batay sa pananaliksik B. Napapanahon C. Makatotohanan D. Naglalahad ng mga katuwiran E. Masining

Antas 3 A. Tuklasin :

18

Ang mga mag-aaral ay: nakatutukoy ng ilang Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan (Itanong ng guro kung tayo ba ay talagang nakalaya na sa mga mananakop ng bansa. Sabihin sa kanila na ito ay utang natin sa mga bayaning nagbuwis ng buhay. Itanong sa kanila kung sino-sino sila. Maaaring maghanda ng mga larawan. Idikit sa pisara ang larawan ng mababanggit na mga bayani.) nailalahad kung sa paanong paraan nagbuwis ng buhay ang mga nabanggit na bayani (Iminumungkahing isulat sa pisara ang mahahalagang detalyeng ito. Ipatala sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang mahahalagang detalye.) nakapagpapalitan ng opinyon sa Mahalagang Tanong na Bakit kailangang ipaglaban ng isang tao ang kaniyang bayan? (Maaaring gawing kolaboratibo ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang buod nang napag-usapan ng pangkat. Ipapaskil sa pisara ang kanilang sagot at humandang iulat ito sa klase. Maaaring bumuo ng iba pang mahalagang tanong ang bawat pangkat na maiuugnay sa aralin.) nakapagmumungkahi ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin pagkatapos ilahad ng guro ang aralin (Maaaring sa pamamagitan ng LAPP o List All Possible Performances. nakapaglalahad ng nabuong kraytirya para sa Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring kolaboratibo ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin. Hayaang ang mga mag-aaral pa rin ang magsuri sa mga kraytirya sa pamamagitan ng tseklist. ) nakapagbibigay ng mga kaugnay na salita sa salitang pakikidigma sa tulong ng Fruit Bearing Tree, Word Map, Word Association at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.) Word Association

pakikidigma

B. Linangin:

19

Ang mga mag-aaral ay: nakatatanghal ng saknong bilang 291-304 gamit ang iba ibang paraan ng masining na pagbasa (Gawin itong kolaboratibong gawain.) nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ipinakitang pagtatanghal ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) nalilinang ang kaalaman sa talasalitaan sa pamamagitan nang pagbibigay kahulugan sa mga piling salita sa aralin (Maaaring gumawa ng kahong papupuno ng guro sa mga mag-aaral.) piniging hinagpis pinalad himutok pagpanaw

nakikiisa sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin sa pamamagitan ng mga gabay na tanong/gawain: (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ng guro ang sumusunod na mga gawain sa bawat pangkat. Ang mga ito ay mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro ang mga tanong o gawain at ang mga estratehiya sa pagsasagawa/pagsagot.) Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nagtapat si Florante ng kaniyang saloobin kay Laura ? Ilahad ang naging tugon ni Laura sa kanya.Isadula ang bahaging ito.(Pangkat 1) 2. Luha ang pabaon ni Laura sa pag-alis ni Florante. Sa iyong palagay, nakatulong ba ito upang lalong tumapang si Florante sa pakikidigma? Ipaliwanag ang sagot sa tulong ng Flow Chart, Concept Analyzer, Discussion Web o iba pang estratehiya. (Pangkat 2)

Flow Chart Nakatulong ba ang luha ni Laura upang lalong tumapang si Florante sa pakikidigma?

20

Oo

Hindi

Kongklusyon:

3. Kung ikaw si Laura, papayagan mo ba ang mahal mo sa buhay na magbuwis ng buhay para sa bayan? Bakit? Gawin ito sa paraang pakikipanayam. (Imungkahi sa pangkat na ibat ibang katauhan ang gaganapin ng taong iniinterbyu, maaaring ang isa sa pangkat ay gumanap bilang mag-aaral, tanyag na artista, simpleng maybahay at iba pa upang maipakita ang ibat ibang pananaw mula sa ibat ibang tao.) (Pangkat 3) 4. Bakit naawa pa si Florante sa gererong kanyang nasawi? Tama ba ang damdamin niyang ito? Ipakita ito sa pamamagitan ng pakikipagtalo gamit ang popular na wika ng mga kabataan. (Pangkat 4) 5. Ipaliwanag ang kahulugan ng pag-ibig sa ipinakitang pagmamahalan ng mga tauhan sa isat isa at sa bayan. (Pangkat 5)

nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng estratehiyang Story Mapping, Ladder Story, Frame Story o iba pang estratehiya Story Mapping

21

Tagpuan Mga Pangyayari

Mga Tauhan

Wakas

C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: masigasig na nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong/gawain: 1. Kaya mo bang ialay ang sarili mong buhay kapalit ng katahimikan at kalayaan ng bayan? Bakit? Itala ang mga dahilan sa tulong ng Factstorming Web, Discussion Web, Webbing o iba pang pamamaraan.

Factstorming Web

22

Dahilan

Dahilan

Dahilan

Oo

Kaya mo bang ialay ang sarili mong buhay kapalit ng katahimikan at kalayaan ng bayan?

Hindi

Dahilan

Dahilan Dahilan

2. Magtala ng mga maimumungkahing hakbang kung paano maipakikita ang pagmamahal at pagtatanggol sa bayan maliban sa pakikipaglaban. Pumili ng isa sa mga ito at ilahad kung paano mo ito isasagawa. Isagawa ito sa tulong ng Staircase Strategy, Diamond Organizers, Concept Analyzer o iba pang pamamaraan. Paano isasagawa ang isa sa mga mungkahi? Mungkahi 5 _________________________________________ Mungkahi 4 _________________________________________ _________________________________________ Mungkahi 3 _________________________________________ _________________________________________ Mungkahi 2 _________________________________________ _________________________________________ Mungkahi 1 _ 3. Bakit mahalagang makipaglaban ang tao para sa bayan? Isagawa ang bahaging ito sa pamamagitan ng Focus Group Discussion. 4. Sa iyong palagay, nakaaapekto ba ang emosyon o damdamin ng isang tao habang siya ay nakikipaglaban? Sa paanong paraan? Itala ito sa tulong ng Concept Map, Bubble Chart, T-Chart o iba pang estratehiya.

23

T-Chart Sa iyong palagay, nakaaapekto ba ang emosyon o damdamin ng isang tao habang siya ay nakikipaglaban? _____________________ Sa paanong paraan? ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ___________________ 5. Ibahagi ang damdamin sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan sa tulong ng estratehiyang Emotional Webbing, Anchor Mapping o iba pang pamamaraan.

Anchor Mapping

24

Damdamin

Kongklusyon

6. Bigyan ng sariling interpretasyon ang isang pangyayari sa aralin na nangyayari rin sa tunay na buhay. 7. Bilang kabataan, ano ang iyong magiging kontribusyon para sa kalayaan ng bayan? (Gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito. Bigyan ng pagkakataon ang magkakapangkat na magbahaginan ng kanilang ideya. Pumili ng lider na mag-uulat sa napag-usapan ng pangkat. 8. Naniniwala ka ba na malaya na ang mga Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay:

25

nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap nakakabubuo ng mga panukala kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaan pag-aalitan (maaaring indibidwal o pangkatan) nakapagbibigay- puna o mungkahi sa ginawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng peer evaluation (Magbigay rin ng puna o feedback ang guro) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.) Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Mga kraytirya sa Pagsulat ng Panuntunan

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

Ikaapat na Markahan: Florante at Laura

Aralin 21 : Tagumpay sa Unang Pakikidigma (Saknong Bilang 305 - 316)

Bilang ng araw/sesyon: 2

26

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang tagumpay sa anumang laban ay nagbubunga nang labis na kaligayahan. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 305 316 (Aralin 22: Tagumpay sa Unang Pakikidigma) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangang makipaglaban ang isang tao para sa bayan? Ang mag-aaral ay: nakapaglalahad ng sinisimbolo ng mga larawan na kaugnay ng aralin nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pagsasadula nakaguguhit ng larawan ng mga pangyayari sa aralin nakapagpapahayag kung sino sa mga taong nagtagumpay sa buhay ang nais tularan

Antas 2

27

Inaasahang Pagganap: Pagtitipon ng mga larawan at talambuhay ng mga taong nagtagumpay sa buhay

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa naging saloobin at pananaw ng pangunahing tauhan tungkol sa kaniyang naging karanasan. Mga Kraytiryta: naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sariling kongklusyon; kaangkupan sa paksa. paglalahad ng sariling pananaw o paniniwala kung paano tatanggapin o kakaharapin ang tagumpay o kabiguan sa buhay. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pananaw. pagbabahagi ng saloobin tungkol sa kalungkutang maaaring maramdaman kung nasa katayuan ng tauhan. Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagbabahagi kung paano makatutulong ang tagumpay sa kasalukuyang pamumuhay. Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagbabahagi ng mga hakbang na isinagawa sa pag-abot ng mga pangarap. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya, naglalahad ng mga patunay. paglalahad ng mga pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa mga pangyayari sa aralin. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng sarili at ibat ibang ideya. Antas 3

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa tinipong larawan at talambuhay batay sa mga kraytirya: A. B. C. Tumutugon sa layunin Masining na pagkakatipon Wasto ang impormasyon o datos na nakalap

A. Tuklasin : Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng sinisimbolo ng mga larawan (Ang guro ay magpapakita ng larawan o tunay na medalya, tropeo, sertipiko at iba pang simbolo ng tagumpay. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang sinisimbolo ng mga ito. Maaaring magdagdag pa ang mga mag-aaral.)) nakapagbabahagi kung alin sa mga simbolong ipinakita ng guro ang ibig na matamo

28

malayang nakapagbibigay ng ideya o opinyon kung bakit kailangang ipaglaban ng isang tao ang kaniyang bayan (Iminumungkahing ang Mahalagang Tanong na ito ay ipasagot ng bawat pangkat sa limang magkakaibang tao na may ibat ibang katayuan sa buhay, maaaring guro, pulis, tindera, mag-aaral o nars. Ibigay na ito bilang takdang aralin sa bawat pangkat at humandang iulat ito sa klase kinabukasan.) nakabubuo ng mga kraytirya para Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin. Hayaang ang mga mag-aaral pa rin ang magsuri sa mga kraytirya sa pamamagitan ng tseklist.) nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang tagumpay sa tulong ng estratehiyang Ladder-Banner, Brain Drops, Fruits Bearing Tree, Caravan o iba pang angkop na estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.)

tagumpay

B. Linangin: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pagsasadula (Gawin itong kolaboratibong gawain. Hikayatin ang bawat pangkat na pagandahin ang pagsasadula) nakapagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap (Maaaring ipasulat sa kwaderno ang sagot ng mga mag-aaral.) 1. Pumawi sa kanyang lumbay ang pag-aalala kay Laura. 2. Buti na lamang at natimawa ang bayan.

29

3. Paulit-ulit na nagpasalamat ang bayan kay Florante kaya naman di niya maapula ang kaligayahang nadarama. 4. Matabil ang dila ni Hanna kaya iniiwasan siya ng mga taong tahimik. 5. Nililiyag ng hari ng Krotona si Florante. malayang nakikiisa sa talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong: (Ito ay mga mugkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) 1. Bakit nawika ni Florante na kasunod ng katuwaan o kaligayahan ang kalungkutan? 2. Naniniwala ka ba sa paniniwalang ito ni Florante? Bakit? 3. Kung ikaw si Florante, makadarama ka rin ba ng ganoon? Paano mo iwawaksi ang ganoong damdamin? Oo Kung ikaw si Florante, makadarama ka rin ba ng ganoon? Paano mo iwawaksi ang ganoong damdamin?

Hindi

4. Sa tulong ng Diamond Organizer, Wing Chart, Sequence Map o iba pang estratehiya, isalaysay ang ginawang pakikipaglaban atr pagtatagunmpay ni Florante.

5. Sa iyong palagay, karapat-dapat ba ang tagumpay kay Florante? Pangatwiranan. nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan ng mga pangyayari sa aralin

C. Palalimin :

30

Ang mga mag-aaral ay: nakasasagot/nkapagisasagawa ng sumusunod na tanong/gawain: 1. Nakamit mo na ba ang tagumpay na inaasam mo? Paano mo ito nabigyan ng katuparan? Kung hindi pa, ilahad ang pangarapna iyon at ang mga hakbangin upang maabot iyon. Gamitin ang Flow Chart, Lladder o Tree-bearing Fruit sa pagsagot Flow Chart

Nakamit mo na ba ang tagumpay na inaasam mo?

Oo

Hindi

Paano mo ito nabigyan ng katuparan?

Pangarap ______________

Mga Hakbang Upang Maisagawa

2. Ibahagi kung paano nakatulong ang tagumpay na iyong nakamit sa iyong kasalukuyang pamumuhay. 3. Bumuo ng sariling pakahulugan tungkol sa nais ipahiwatig ng mga karanasang inilahad sa akda at sa karanasan ng mga taong kilala sa kasalukuyan. 4. Dugtungan ang sumusunod upang mabuo ang diwang nagpapakilala ng iyong sarili kaugnay ng paksa ng aralin:

31

Pagkatapos kong magtagumpay/mabigo sa isang pagsubok,natuklasan ko na ako pala ay _____________________________________________________________________________ kaya naman ___ _____________________________________________ pa sa aking ________________________________________________________________________________.

5. Maglahad ng mga pangyayari sa aralin at ihambing sa kasalukuyan gamit ang Compare and Contrast Chart, Venn Diagram at iba pang angkop na estratehiya D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ng input ang guro sa gagawing pagtitipon sa larawan. Sabihin sa mga mag-aaral na gawing masining ang gagawing pagtitipon.) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa pagtitipon ng mga larawan at talambuhay ng mga taong nagtagumpay sa buhay nakapagtitipon ng mga larawan at talambuhay ng mga taong nagtagumpay sa buhay nakapagpapahayag kung sino sa kanila ang nais na tularan nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa tinipong larawan (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang kakailanganing pag-unawa.) Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Sipi ng estratehiya Mga Kraytirya sa pagtitipon ng larawan at talambuhay Mga larawan at talambuhay

32

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikaapat na Markahan: Florante at Laura Aralin 22 : Ang Taksil Bilang ng araw/sesyon: 2 (Saknong Bilang 317 - 346) Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Kapahamakan ang ibinubunga ng kataksilan. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 317 346 (Aralin 22: Ang Taksil) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay ba si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit hindi dapat magtaksil sa kapwa? Ang mag-aaral ay: Antas 2 nakapagsusuri ng mga dahilan ng naging damdamin ng bawat tauhan sa mga pangyayari sa aralin nakapaglalahad kung paano ipinakita ng tauhan ang pagmamahal sa kanilang kaharian nakapaglalahad ng pagmamahal sa bayan nakapaghahambing ng kalagayan ng bansa sa panahong naisulat ang akda sa kasalukuyan

33

Inaasahang Produkto/ Pagganap: Paghahambing sa kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang akda at sa kasalukuyan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad ng sariling pananaw kung paano magigingdakila ang isang pinuno. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pananaw. pangangatuwiarn kung sino sa mga naging pinuno ng bansa ang maihahalintulad kay Florante. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat; may batayan ang paghahambing. pagbabahagi kung paano maipakikita ang pagsuporta at pagpapahalaga sa isang mahusay na pinuno. Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagpapaliwanag kung paano ipinakita ng tauhan sa aralin ang pagiging mahusay na pinuno Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay. paglalahad ng saloobin/damdamin sa mga taong nagtaksil sa kapwa at sa bayan Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan. pagbibigay ng sariling interpretasyon sa maaaring dahilan ng pagtataksil ng tao sa kaniyang kapwa. Mga Kraytirya: naglalahad ng sarili at ibat ibang interpretasyon;kaangkupan ng ideya; napapanahon. Antas 3

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ginawang paghahambing batay sa mga kraytirya: A. Naghahambing sa kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang akda at sa kasalukuyan B. Malikhain C. Batay sa pananaliksik D. Makatotohanan

A. Tuklasin: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng naging bunga ng kataksilang nilikha ng serpyente nang akitin nito si Eva na kainin ang ipinagbabawal na prutas (Tanungin muna ang mga mag-aaral kung paano nagsimula ang pagtataksil na nagawa ni Eva.) nakapagbabahagi ng aral na nakuha sa pangyayaring nabanggit nakapagpapalitan ng opinyon sa tanong na Bakit hindi dapat magtaksil sa kapwa? sa pamamagitan ng malayang talakayan, Brainstorming, Focus Group Discussion, Pane Discussion at iba pang estratehiya nakapagmumungkahi ng mga kraytirya sa pagtaya ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin. Hayaang ang mga mag-aaral ang magsuri sa mga kraytirya. )

34

nakapagbibigay ng kahulugan sa salitang taksil sa tulong ng Word Cluster, Word Clining, Word Network, Word Association, Word Concept o iba pang angkop na estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.) Word Cluster

taksil

B. Linangin Ang mga mag-aaral ay: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) nakababasa ng mga saknong sa pamamagitan ng Intonational Reading nakapagpapalitan ng mga puna at mungkahi sa ginawa ng bawat pangkat (Maaari ring magbigay ng puna o feedback ang guro.) nakapagbibigay-kahulugan sa sumusunod na salita gamit ang word webbing

nauutas

iniatas

35

masupil

nagbiktorya

binaka

masigasig na nakikiisa sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin sa tulong ng mga gabay na tanong: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) 1. Paano ipinakita ni Florante ang pagmamahal sa kanilang kaharian? Paano naman nagtaksil si Adolfo? Maaaring gamitin ang Fishbone Map, Compare and Contrast Chart, H-Chart sa pagsagot ng ideya. Paraan nang pagpapakita ni FLorante ng pagmamahal sa kanilang kaharian

Paraan nang pagtataksil ni Adolfo 2. Masasabi bang isang dakilang lider si Florante? Pangatuwiranan. 3. Sino sa mga naging pinuno ng iyong bayan ang maihahalintulad kay Florante? Bakit?

Pagkakatulad

Pagkakaiba

36

Florante at lider ng sariling bayan

4. Kung ikaw ay mamamayang may pagpapahalaga kay Florante, paano mo maipakikita ang iyong respeto sa kaniya? Sagutin ito sa tulong ng MAD o Make a Decision, Think Pair Share,Brainstorming o iba pang estratehiya. 5. Kung ikaw si Florante,paano mo pakikitunguhan ang tulad ni Adolfo o iba pang taksil na kagaya niya? 6. Makatarungan bang sabihing hampas ng langit sa bayan si Adolfo? Bakit? C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: malayang nakikiisa sa talakayan sa tulong ng sumusunod na mga tanong/gawain: 1. Bumuo ng islogan na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Gawin itong masining. 2. Sa iyong sariling pananaw, bakit kailangang maging mabuting pinuno? Sa tulong ng Concept Map, Chain of Ideas o iba pang pamamaraan, sagutin ang tanong na ito. Chain of Ideas

37

3. Ibigay ang ibat ibang dahilan nang pagtataksil ng isang tao. Makatarungan ba ang mga dahilang ito? Ipaliwanag sa tulong ng Balloon Map, Concept Map, Chain of Ideas, Flow Chart o iba pang angkop na pamamaraan.

Dahilan nang Pagtataksil ng isang tao 4. Magbigay ng pangalan ng mga pinuno sa ibat ibang lugar dito sa Pilipinas. Ihalintulad ito kay Florante gamit ang Two-Way Chart, Venn Diagram, Compare and Contrast Chat, H-Chart o iba pang teknik. Two-Way Chart Lider sa Pilipinas Florante

5. Bakit kaya may mga taong nagtataksil sa kaniyang kapwa at sa bayan? Ilahad ang iyong damdamin/saloobin sa kanila.

38

6. Bigyang katuwiran na ang kataksilan ay hindi nagtatagumpay. 7. Ibigay ang ibat ibang dahilan nang pagtataksil ng isang tao. Makatarungan ba ang mga dahilang ito? Ipaliwanag ito sa tulong ng Inverted T-Chart, Flow Chart, Bubble Chart o iba pang angkop na pamamaraan. Inverted T-Chart

5. 4. 3. 2. 1.
Dahilan ng Pagtataksil

Makatarungan ba ang mga dahilang ito? ___ Oo ___ Hindi Paliwanag

D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ang guro ng input tungkol sa Picture Organizer.) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa gagawing paghahambing sa kalagayan ng bansa sa masining na paraan (Picture organizer) nakapaghahambing sa kalagayan ng Pilipinas sa panahong naisulat ang akda at sa kasalukuyan gamit ang Picture Organizer nakapagbibigay ng feedback sa ginawang paghahambing (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa.) Mga Kagamitan Aklat na Florante at Laura Sipi ng estratehiya Mga kraytirya sa paghahambing gamit ang picture organizer

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

39

Aralin 23 : Ang Pagpaparaya ni Aladin Bilang ng araw/sesyon: 2 (Saknong Bilang 347 - 360) Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang pag-ibig ay dakila kapag ang minamahal ay pinalaya, inuuna ang kapakanan at kalagayan ng minamahal kaysa sa sariling kaliigayahan. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 347 360 (Aralin 23: Ang Pagpaparaya ni Aladin) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?

Ikaapat na Markahan: Florante at Laura

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Masasabi bang dakila ang pag-ibig na nagpaparaya? Patunayan.

Ang mag-aaral ay: nakapaglalahad ng ibat ibang uri ng pag-ibig nakapagsasadula ng mga pangyayari sa aralin ayon sa kanilang pagkakaunawa nakapagbabahagi ng sariling pananawtungkoll sa ilang pangyayari sa aralin nakapaglalahad kung paano naapektuhan ng aralin ang sarili nakapagpapalawak ng salitang pag-ibig sa pamamagitan ng Mind Mapping o mga kauri nito

40

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagpapalawak ng salitang pag-ibig sa pamamagitan ng Mind Mapping o mga kauri nito Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa kadakilaan ng pag-ibig ng tauhan na kaniyang nararamdaman sa minamahalat naaiuugnay ito sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sariling kongklusyon. paglalahad ng sariling pananaw kung tama ba ang magparaya para sa minamahal. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; naglalahad ng sarili at ibat ibang pananaw. paglalahad ng saloobin/damdamin sa mga taong nagpaparaya dahil sa labis na pag-ibig. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan; naglalahad ng ibat ibang damdamin. pagbibigay ng katuwiran kung alin ang higit na dakila, ang pag-ibig na nagpaparaya o pag-ibig na ipinaglalaban. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat; may batayan ang nabuong katuwiran; naglalahad ng sapat at angkop na ideya. pagbibigay ng interpretasyon sa simbolo ng wagas na pag-ibig. Mga Kraytirya: makatotohanan; naglalahad ng sariling kongklusyon; may patunay. pagbabahagi kung paano naapektuhan o nabago ng aralin ang paniniwala tungkol sa pag-ibig. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan. Antas 3 A. Tuklasin: Ang mga mag-aaral ay: (Maaaring simulan ng guro ang aralin sa pamamagitan nang pagtatanong sa mga mag-aaral kung alam nila ang kuwento sa Biblya tungkol kay Haring Solomon at dalawang inang nag-aagawan sa dalawang sanggol. Kung hindi pa ay iparinig sa kanila ang kuwentong ito at itanong ang sumusunod na mga gabay na tanong.) Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagpapalawak ng salitang pagibig batay sa mga kraytirya: A. B. C. D. Batay sa pananaliksik Tumutugon sa layunin Malikhain Makatotohanan

41

Mga Gabay na Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. Ilarawan ang dalawang ina sa kuwento. Sinong ina ang nagpakita ng tunay na pagmamahal sa sanggol? Paano natuklasan ni Haring Solomon kung sino talaga ang tunay na ina? Makatarungan ba ang naging hakbang niyang ito? Anong aral ang nakuha mo sa kuwentong ito?

nakapagpapalitan ng opinyon sa tanong na Masasabi bang dakila ang pag-ibig? Patunayan. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng malayang talakayan, Brainstorming, Focus Group Discussion, Pane Discussion at iba pang estratehiya nakapagbibigay ng mungkahing inaasahang pagganap para sa aralin pagkatapos ilahad ng guro ang aralin (Maaaring sa pamamagitan ng LAPP o List All Possible Performances. Iminumungkahing tanggapin ang lahat ng panukala ng mga mag-aaral subalit piliin lamang ang angkop na pagganap.) nakapaglalahad ng nabuong kraytirya para sa Inaasahang Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin. Hayaang ang mga mag-aaral pa rin ang magsuri sa mga kraytirya. ) nabibigyan ng kahulugan ang salitang pagpaparaya sa tulong ng Word Cluster, Word Clining, Word Network, Word Association, Word Concept o iba pang angkop na estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.) Word Network

pagpaparaya

B. Linangin Ang mga mag-aaral ay: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) nakapagsasadula ng mga pangyayari sa aralin ayon sa pagkakaunawa rito nakapagpapalitan ng puna at mungkahi sa ginawa ng bawat pangkat (Maaari ring magbigay ng puna o feedback ang guro.) nauunawaan ang mga salita sa aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang kahulugan sa mga sumusunod na salita gamit ang word webbing

42

natalastas

tantuin

tumahan

pinalad

masigasig na nakikiisa sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin sa tulong ng mga gabay na tanong: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) 1. Bakit pinarusahan ni Sultan Ali-Adab ang kanyang anak na si Aladin ? Makatarungan ba ang parusang iginawad niya rito ? 2. Ano-ano ang simbolong ginamit sa aralin ? Bakit ito ginamit ng may-akda ? 3. Masasabi bang dakila ang pag-ibig ni Aladin kay Flerida? Bakit? 4. Sa iyong pananaw, wasto ba ang pagpaparaya ni Aladin sa ama kahit mahal na mahal niya si Flerida? Ipaliwanag ito sa tulong ng Double Bubble Map, Concept Organizer o iba pang pamamaraan.

Double Bubble Map

Paliwanag

Paliwanag

Oo

Hindi

43

5. Kung ikaw si Aladin, magpaparaya ka ba sa ama? Bigyang katuwiran ang iyong sagot. 6. Ibigay ang kaisipan sa aralin at ang opinyon, saloobin at kongklusyon sa kaisipang ito. Gamitin ang sumusunod na tsart sa pagtatala. Gawing kolaboratibong gawain ito at iulat ng napiling lider sa bawat pangkat. Pangkat Kaisipan Opinyon Saloobin Kongklusyon

C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: malayang nakikiisa sa talakayan sa tulong ng sumusunod na mga tanong/gawain: 1. Nangyayari ba sa tunay na buhay ang katulad ng dakilang pag-ibig na inaalay ng tauhan sa kanyang minamahal? Patunayan ito sa pamamagitan ng nasaksihan/narinig o nabasang katulad ng pangyayaring ito sa aralin. 2. Sa iyong palagay, wasto ba ang magparaya at bigyan ng kalayaan ang minamahal? Pangatuwiranan ang isyong sagot. 3. Kung maging karibal mo sa pag-ibig ay ang iyong mahal sa buhay, magpaparaya ka ba? Bakit? 4. Pagtalunan: Alin ang higit na dakila, ang pag-ibig na nagpaparaya o pag-ibig na ipinaglalaban? Isagawa ang pagtatalo o debateng ito sa pamamagitan ng Oxford-Oregon. (Magbigay ng input ang guro kung paano isasagawa ang debateng ito. Ibigay ang sumusunod na mga krayterya o batayan ng pagmamarka.) Nilalaman ng talumpati Pangangatuwiran Tinig/Paraan ng Pagbigkas Tindig 35% 35% 20% 10%

5. Ilahad kung paano naapektuhan o nabago ng aralin ang iyong paniniwala sa pag-ibig. 6. Patunayan na dakila ang pag-ibig na nagpaparaya sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling karanasan o karanasan ng iba.

44

D.

Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ang guro ng input tungkol sa Mind Mapping)

nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap nakakapagpapalawak ng salitang pag-ibig sa pamamagitan ng Mind Mapping (maaaring indibidwal o pangkatan) nakapagbibigay ng feedback sa ginawa ng mga mag-aaral (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.) Mga Kagamitan Aklat na Florante at Laura Sipi ng estratehiya

45

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikaapat na Markahan: Florante at Laura Aralin 24 : Ang Pagtatagumpay Laban sa Kabuktutan (Saknong Bilang 361 - 372) Bilang ng araw/sesyon: 3

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag.

Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga kabilang ang Florante at Laura? pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Mahalagang Tanong para sa Aralin: Ang paggawa ng kabutihan ay pinagpapala ng Dakilang Lumikha sapagkat ito ay Bakit pinagpapala ang mga taong gumagawa ng kabutihan? naaayon sa Kanyang kalooban. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Ang mag-aaral ay: Saknong Blg. 361 372 (Ang Pagtatagumpay Laban sa Kabuktutan) nakapapaliwanag kung bakit hindi nagtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan nakapagpapahayag sa naging bisang pandamdamin sa sarili at sa ibang tao nakapagsasalaysay ng ilang pangyayaring nasaksihan/ nabasa/ narinig/ napanood tungkol sa taong nagtamo ng kasawian dahil sa paggawa ng di-mabuti sa kapwa nakapagtatanghal ng interpretatibong awit/sayaw na nagpapakita nang pangingibabaw ng kabutihan sa kasamaan

46

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagtatanghal ng interpretatibong awit/sayaw tungkol sa mahalagang kaisipan sa aralin Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag kung bakit hindi nagtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon. paglalahad ng sariling pananaw kung bakit panandalian lamang ang pangingibabaw ng kasamaan. Mga Kraytirya: naglalahad ng pananaw ng ibat ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. pagpapahayag ng bisang pandamdamin sa sarili at sa ibang tao matapos matalakay ang aralin. Mga Kraytirya: makatototohanan; may katapatan; naglalarawan ng pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan sa akda. paglalahad ang ilang pangyayaring nasaksihan/nabasa /narinig /napanood tungkol sa taong nagtamo ng kasawian dahil sa paggawa ng di-mabuti sa kapwa. Mga Kraytirya: makatotohanan; tapat. pagpapahayag kung paano babaguhin ang sarili matapos matalakay ang aralin. Mga Kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. pagbabahagi ng natutuhan sa aralin sa pamamagitan nang pagbuo ng mahalagang kaisipang kaugnay nito. Mga Kraytirya: makatotohanan; may kaugnayan sa paksa; may mga patunay. Antas 3 A. Tuklasin: Ang mga mag-aaral ay: (Ang guro ay magpapanood ng isang bahagi ng pelikula o teleserye na tumatalakay sa pagpapala ng Diyos sa gumagawa ng kabutihan. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga gabay para sa gawaing ito.) akapaglalahad ng paksa at ng kaisipan sa pinanood na bahagi ng pelikula/teleserye nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa pinanood na bahagi ng pelikula/teleserye Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na interpretatibong awit/ sayaw batay sa mga kraytirya: A. Makatotohanan B. Napapanahon C. Malikhain D. Nagpapakita ng kabutihan laban sa kasamaan E. May mga elemento ng interpretatibong awit/sayaw

47

nakapagpapalitan ng opinyon sa mahalagang tanong na Bakit pinagpapala ang mga taong gumagawa ng kabutihan? (Maaaring ipagawa ito bilang kolaboratibong gawain. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na makapagbrainstorming sa loob ng 10 minuto. Ipasulat sa manila paper ang kanilang mga sagot at ipaulat ito sa napiling lider ng bawat pangkat. Ipagamit sa mga mag-aaral ang magkakaibang estratehiya tulad ng Concept Map, Flow Chart, Fish Bone Map, Bubble Map o iba pang angkop na estratehiya.) nakapagbibigay ng mungkahing Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin at kraytirya kung paano ito tatayain pagkatapos ilahad ng guro ang aralin (Maaaring hatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay maglalahad ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin, ang ikalawang pangkat ang bubuo ng mga kraytirya at ang ikatlong pangkat naman ang magtataya kung pang-unawa o pagganapang nabuong kraytirya. Kinakailangang maipabatid ng guro sa klase na mas marami ang kraytirya sa pang-unawa kaysa sa pagganap.) napahahalagahan ang salitang hangarin sa pamamagitan ng Word Development na isasagawa sa pamamagitan nang pagtukoy sa salitang- ugat nito, kahulugang salita/ mga salita at mabubuong salita mula sa salitang ugat (Ito ay mungkahi lamang, maaari pa ring gamitin ang Bubble Map, Word Network, Word Association, Word Concept o iba pang angkop na estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin. hangarin

Salitang-ugat

Kasingkahulugan

Nabuong salita/mga salita

48

B. Linangin: Ang mga mag-aaral ay: masining na nakapagbabasa ng mga saknong 361 372 sa pamamagitan ng Intonational Reading, Reading Relay, Jigsaw Reading o iba pang angkop na estratehiya nalilinang ang talasalitaan sa pamamagitan ng palaisipan sa kahulugan ng mga salitang sasagutin ng pahalang at pababa 1 2 3 4

Pahalang 1 matatap 2 paghikbi

Pababa 1 sinta 2 napahinuhod (pabaligtad) 3 magtanan 4 pumanaw

49

masigasig na nakikiisa sa pagtalakay sa nilalaman ng aralin sa tulong ng mga gabay na tanong: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) Mga Gabay na Tanong : 1. Ipaliwanag kung bakit hindi nagtagumpay ang masamang hangarin ni Sultan Ali-Adab kay Flerida. Pinatutunayan ba nito na hindi nagtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan? 2. Parehong hangarin ng mag-amang Sultan Ali-Adab at Aladin ang pag-ibig ni Flerida. Sa dalawang ito, sino ang may mabuti at sino naman ang hindi mabuti ang hangarin? Kaninong hangarin ang nais mo? Bakit? 3. Paano pinatunayan ni Flerida ang pagmamahal kay Aladin ? Kung ikaw si Aladin ng modernong panahon, nanaisin mo bang magkaroon ng ganitong uri ng pag-ibig ? Bakit ? 4. Sa tulong ng pamamaraang PIN (Positive, Interesting, Negative), ilahad ang mga pangyayaring ginawa ni FLorante na positibo, kawili-wili at negatibo para sa iyo.

Positibo

Kawiliwili

Negatibo

5. Paano iniligtas ni Flerida si Aladin sa kamatayan ? Kung ikaw si Flerida, sa paanong paraan mo naman siya ililigtas sa kamatayan? 6. Magbigay ng mga angkop na salawikain sa mga pangyayari sa aralin at ipaliwanag. nakapagbubuod ng aralin gamit ang Story Frame, Flow Chart, Semantic Webbing, Story Mapping o iba pang estratehiya F1 Tauhan/Tagpuan F2 Banghay F3 Kasukdulan

F4
Kakalasan

F5 Wakas

50

C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: natatalakay ang aralin sa pamamagitan nang pagsagot/pagsasagawa sa sumusunod: 1. Ilahad kung bakit panandalian lamang ang pangingibabaw ng kasamaan. Magsalaysay ng nasaksihang pangyayari kaugnay nito. 2. Ipahayag ang bisang pandamdamin sa sarili at sa ibang tao matapos matalakay ang aralin. 3. May pangyayari ka bang nasaksihan/nabasa/narinig/napanood tungkol sa taong nagtamo ng kasawian dahil sa paggawa ng di-mabuti sa kapwa? Ibahagi ito sa klase. 4. Matapos matalakay ang aralin, itala ang iyong naobserbahan sa sarili sa pamamagitan ng Minute Paper. Gawing gabay ang sumusunod sa paggawa nito. Pangalan: _____________ Taon/Pangkat: _________ Ngayon, natutuhan ko na . . . 1. 2. 3. Subalit nalilito ako sa . . . 1. 2. 3. Gusto ko pang matutunan ang . . . 1. 2. 3. Pagkatapos ng aralin na ito, naramdaman ko na. . . ______________________________________ _______________ Petsa: _______

Lagda

51

D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ang guro ng input tungkol sa pagtatanghal ng interpretatibong awit/sayaw) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa gagawing interpretatibong awit/sayaw nakapagtatanghal ng interpretatibong awit/sayaw na nagpapakita ng pangingibabaw ng kabutihan laban sa kasamaan nakapagbibigay ng feedback sa itinanghal na interpretatibong awit/sayaw (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.)

Mga Kagamitan Aklat na Florante at Laura Mga kraytirya sa pagtatanghal Crossword puzzle Sipi ng mga estratehiya

52

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Aralin 25 : Ang Masayang Pagwawakas Bilang ng araw/sesyon: 2 (Saknong Bilang 373 - 399) Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Lahat ng uri ng tao sa lipunan ang target na mambabasa ng Florante at Laura dahil itoy punong-puno ng mabubuting kaisipan na angkop sa lahat ng tao, gayundin ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Ang pagtulong sa kapwang nangangailangan kahit hindi kaanib ng relehiyon; ang pagaalay ng wagas na pag-ibig sa kasintahan, magulang at bayan; ang pagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok ay ilan lamang sa mga pangyayaring inilahad sa Florante at Laura na nagaganap pa rin sa kasalukuyan. Patunay rito ang mga taong ginagawaran ng karangalan sa pagtulong sa kapwa; mga magsing-irog/mag-asawang itinatanghal sa mga programang pantelebisyon/panradyo at mga taong ginagawaran ng karangalan sa pagtatanggol sa bayan at pamamahal sa magulang. Malimit ding itanghal ang mga taong matatag sa pagharap sa mga pagsubok upang kapulutan ng aral ng mga taong nahaharap sa pagsubok. Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura? Ikaapat na Markahan: Florante at Laura

Mahalagang Tanong para sa Aralin: Sa panahong naisulat ang Florante at Laura, sino ang target na mambabasa nito, ang mga Espanol, masang Pilipino o ang mga ititnuturing na illustrado o intelektuwal? Patunayan. Patunayan na nangyayari pa rin sa kasalukuyan ang mga kaganapan sa Florante at Laura.

53

Walang kamatayan ang akdang Florante at Laura sapagkat patuloy na nananatili at mananatili sa kaisipan ang mga aral nito na inilalapat sa buhay; ang paglalapat nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang paraan upang manatili sa kaisipan at sa diwa ng mambabasa ang nilalaman ng akdang ito. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Saknong Blg. 373 - 399 (Aralin 26: Ang Masayang Pagwawakas) Kulturang Pilipino

Ipaliwanag kung bakit maituturing na isang akdang walang kamatayan ang Florante at laura?

Ang mag-aaral ay: nakapagpapatotoo na ang kapalit ng mga pagsubok sa buhay ay kapayapaan at kaligayahan nakapagbabahagi ng sariling pananaw tungkol sa sinapit ng mga tauhan sa awit nakapaghahambing ng naging damdamin ng iba tungkol sa pagpapasyang pagsanib sa pananampalataya ng iba nakapag-uugnay sa sarili o karanasan ng iba sa ilang pangyayari na may kaugnayan sa mga pangyayari sa wakas ng awit nakapagsasadula ng wakas ng Florante at Laura nagtatanghal ng mga saknong mula sa Florante at Laura na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagtatanghal ng mga saknong mula sa Florante at Laura na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino

Antas 2 Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: paglalahad ng mga pangyayaring nararanasan ng mga tauhan sa pamumuno ng iba pang tauhan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon. pagbabahagi ng sariling pananaw tungkol sa kahalagahan nang paggawa ng kabutihan sa kapwa at sa bayan. Mga Kraytirya: naglalahad ng pananaw ng ibat ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. pagbibigay ng sariling interpretasyon sa ilang mga saknong na kakikitaan ng mahahalagang kaisipan o pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Mga kraytirya: makatotohanan;napapanahon; malikhain. pagpapahayag ng sariling damdamin tungkol sa pagpapasiyang pagsanib sa pananampalataya ng iba.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagtatanghal batay sa mga kraytirya: A. Angkop sa paksa B. Masining C. Napapanahon

54

Mga kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan nang pag-unawa sa damdamin ng iba. pagpapatotoo na ang nagiging bunga ng nararanasang mga pagsubok sa buhay ay kapayapaan at kaligayahan. Mga Kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. pag-uugnay sa sarili o karanasan ng iba sa ilang pangyayari na may kaugnayan sa mga pangyayari sa wakas ng awit. Mga Kraytirya: makatotohanan; napapanahon; may mga patunay; napangangatuwiranan ang mga patunay. Antas 3 A. Tuklasin: Ang mga mag-aaral ay: nakapagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga pangyayari sa buhay ni Derek Redmond matapos ang naranasan sa Barcelona Olympics 1992 (Ipanood sa mga mag-aaral ang video tungkol dito o ipanood ito sa mag-aaral sa youtube. Itoy mungkahi lamang, maaaring ibahin ng guro. Itanong sa mga mag-aaral ang mga gabay na tanong. ) Mga Gabay na Tanong: 1. Anong pangyayari sa buhay ni Derek Redmond ang nagpatalo sa kaniya sa Barcelona Olympics? 2. Sa kabila ng pangyayaring iyon, bakit nakamit pa rin niya ang paghanga ng mga manonood? 3. Anong implikasyon ang iniiwan sa iyo ng pangyayaring iyon? nakapagbibigay ng iba pang karanasan ng taong nagtagumpay sa kabila ng mga pagsubok na naranasan sa buhay nakapagsasagawa ng focus group discussion tungkol sa mahalagang tanong na Bakit kailangang mapagtagumpayan ang anumang pagsubok? nakabubuo ng kraytirya kung paano mamarkahan o tatayain ang Inaasahang Produkto/Pagganap nakapagbibigay ng kahulugan, kahalagahan at simbolo ng pagsubok sa tulong ng estratehiyang Word Network, Word Association, Word Concept o iba pang angkop na estratehiya (Iuugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.)

55

Word Network kahulugan

pagsubok Kahalagahan

B. Linangin: Ang mga mag-aaral ay: masining na nakababasa ng mga saknong blg. 373 399 nalilinang ang kaalaman sa talasalitaan sa pamamagitan ng word clining ___ ___ ___ ___ pumanaw yumao mamatay sumakabilang buhay ___ malaman ___ matutunan ___ mawatasan ___ maunawaan ___ mahabagin ___ maawain ___ pusong mamon

masigasig na nakikiisa sa pagtalakay sa sumusunod na tanong: (Ito ay mga mugkahi lamang, maaring palitan o dagdagan ng guro.) 1. 2. 3. 4. Ilahad ang mga pangyayaring naranasan ng mga tauhan sa pamumuno ng balatkayong lider. Sa iyong palagay,makatarungan ba ang sinapit ng bawat tauhan sa akda?Bakit ? Kung bibigyan ng pagkakataon, ano ang gusto mong kahinatnan nila? Bakit? Ihambing ang naging wakas ng Florante at Laura sa iba gamit ang Venn Diagram, Spider Map, Treebone o iba pang angkop na estratehiya.

56

Spider Map Florante at Laura Ibang Akda

5. Ibahagi ang sariling panaw sa mga pangyayari sa aralin at iugnay ito sa kasalukuyang pangyayari.

57

6. Ano ang kinahinatnan ng bawat tauhan sa aralin? Kung bibigyan ng pagkakataon, paano mo wawakasan ang awit sa bawat tauhan? Maaaring gamitin ang Tree Map, Flow Chart at iba pang pamamaraan A Kinahinatnan sa aralin

Florante at Laura
B Gustong mangyari sa tauhan

Duke Briseo

Sultan Ali-Adab

Florante

Laura

Aladin

Flerida

Konde Adolfo

58

nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng masining na pag-uulat sa mga pangyayari tulad ng Eye Witness Balita

C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong/gawain: 1. Patunayan na ang kapalit ng mga pagsubok sa buhay ay kapayapaan at kaligayahan batay sa sariling karanasan o karanasan ng iba. 2. Piliin ang mga saknong sa aralin na nagpapakita ng mahahalagang kaisipan o pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Ipahayag ang saloobin/damdamin sa mga saknong na may pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino (Ang mga gawaing nakasaad ay maaaring isagawa sa tulong ng Flow Chart, Interpretative Chart, Bubble Chart o iba pang angkop na estratehiya Flow Chart Saknong na kasasalaminan ng kulturang Pilipino Damdamin/ Saloobin Kaisipan Paliwanag/ Kongklusyon

(Maaari pang dagdagan ang kahon.)

59

3. Kung may kakilala,kaibigan, o kapamilya ka na umibig sa hindi kaanib na relehiyon,sang-ayon ka ba na lumipat siya ng ibang relehiyon? Bakit? 4. Angkop ba ang nilalaman ng Florante at Laura sa kulturang Pilipino sa kasalukuyan? Bigyang katuwiran ang iyong sagot. 5. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng ilang pangyayari sa Florante at Laura. D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa isasagawang pagtatanghal nakikibahagi sa pagtatanghal ng mga saknong mula sa Florante at Laura na naglalarawan ng mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawa ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli ay balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.)

Mga Kagamitan Aklat na Florante at Laura Mga Kraytirya sa pagtataya sa pagsasadula Youtube Cd/Vcd sa naging karanasan ni Derek Redmond sa Barcelona Olympic Mga kakailanganing kagamitan sa pagtatanghal

60

`
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

Ikaapat na Markahan: Florante at Laura

Aralin 26:

Pagsusuri sa Kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang Aspekto

Bilang ng araw/sesyon: 2

Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) Kakailanganing Pag-unawa Para sa buong Markahan: Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito. Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito. Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang Aspekto Mahahalagang Tanong para sa buong Markahan: Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura? Naging matagumpay ba si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag. Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura? Ang mag-aaral ay: nakasusulat ng talata na nagpapakita ng kulturang Pilipino malayang natatalakay ang mga saknong na kasasalaminan ng kulturang Pilipino nakapaglalahad ng sariling damdamin at ng iba sa pagkakaroon ng sariling panitikang kasasalaminan ng mga pagpapahalagang Pilipino nakapagsasagawa ng pagsusuri ng Florante at Laura s aibat ibang aspekto

61

Antas 2 Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang aspekto Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapatunay na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga Pilipino ang Florante at Laura sa panahong naisulat ito. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon. pagbabahagi nang pag-unawa sa naging damdamin ng mga nakabasa ng Florante at Laura sa panahong naisulat ito, gayundin ang damdamin ng mga nakabasa nito. sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: makatototohanang mga pahayag; may pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan sa akda; matapat. pagbibigay-kahulugan sa sinasagisag ng mga simbolismo at pahiwatig sa akda kung gagamitin sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: kaangkupan; napapanahon; malikhain ang pamamaraan ng pagpapahayag ng interpretasyon. pagbibigay ng ibat ibang pananaw at ang sariling pananaw kung dapat pa bang pag-aralan ang Florante at Laura sa kasalukuyan. Mga kraytirya: naglalahad ng pananaw ng ibat ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. pagsasalaysay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng ilang pangyayari sa Florante at Laura. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga ideya sa paksa; naglalahad ng sariling kongklusyon; may batayan ang nabuong kongklusyon. pagbabahagi ng magiging kontribusyon bilang kabataan sa pagpapabuti ng kalagayang panlipunan o pagpapatatag ng nasyolismo sa bansa. Mga kraytirya: makatotohanan; tapat; may kaugnayan sa paksa. Antas 3 Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura batay sa mga kraytirya: A.Batay sa pananaliksik B. Tumatalakay sa ibat ibang aspekto (kultural, intelektuwal,historikal, politikal, sosyoekonomiko, aestetiko, at iba pa.) C. Taglay ang mga bahagi ng suring papel

62

A. Tuklasin: Ang mga mag-aaral ay: nakagagawa ng talataan na nagpapakita ng mga katangian ng akdang Florante at Laura nakapag-uulat sa klase ng ginawang talataan na nagpapakita ng katangian ng akda nakapagpapalitan ng opinyon sa mahahalagang tanong na Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura?, Naging matagumpay ba si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Ipaliwanag., at Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?(Iminumungkahing gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito ng aralin. Ang unang mahalagang tanong ay itanong sa 10 kamag-aral (hindi kaklase) at ang ikalawa ay itanong sa isang kilala nilang manunulat. Ibigay na ito bilang takdang aralin sa bawat pangkat. Iulat ito sa klase matapos maisagawa ang pagtatanong/pakikipaayam.) nakabubuo ng kraytirya kung paano mamarkahan o tatayain ang Inaasahang Produkto/Pagganap nakapaglalahad ng hinuha sa sa salitang pagsusuri maaaring sa tulong ng Triple Match, Word Concept, Word Network, Word Association o iba pang pamamaraan ( Maaari itong gawing kolaboratibong gawain. Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Liangin.)

pagsusuri

Pagkain

(Pangkat 1)

Pagdiriwang (Pangkat 2)

Paniniwala (Pangkat 3)

B. Linangin

63

Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng mga saknong na nagpapakita ng mahahalagang kaisipan ng akda batay sa ibat ibang aspekto nakapagpapaliwanag ng kaisipang nakapaloob sa mga saknong batay sa ibat ibang aspekto nakapagbabahagi ng kabuuang katangiang taglay ng tinalakay na akda

C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: natatalakay ang aralin sa pamamagitan ng malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong/gawain: 1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura? Itala ang iyong sagot sa tulong ng Concept Map, Bubble Map, T-Chart o iba pang angkop na estratehiya. Concept Map

Bakit mahalagang pagaralan ang Florante at Laura? 2. Nakaimpluwensiya ba ang akdang ito sa damdamin, pag-uugali at pag-iisip ng mga tao? Patunayan sa pamamagitan ng paglalahad sa sariling karanasan. Punan ang sumusunod upang makumpleto ang diwa ayon sa iyong sariling karanasan.

Ako ay naging ______________________ matapos kong mabasa ang akdang Florante at Laura. Nakaramdam din ako ng ______________ dahil ____________________________. Ang dati kong paniniwala na _____________________________ ay nabago dahil sa akda, naisip ko na _______________________________.

64

3. May sinisimblo ba ang bawat tauhang nilikha ni Balagtas sa Florante at Laura sa panahong naisulat ito? Patunayan. 4. Kung ikaw ay nabuhay sa panahong naisulat ang Florante at Laura, paano mo patutunayan na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga Pilipino ang Florante at Laura? Ilahad sa klase ang iyong naiisip at nadarama sa pamamagitan nang paglalagay sa katauhan ng taong nabuhay noong panahong iyon. 5. Pangatuwiranan na naging matagumpay si Balagtas sa paglalarawan ng mga hinaing, uri ng pamamahala, kasaysayan at kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura. 6. Mabisa bang sandata ang pagsulat/panulat sa paghahatid ng mga hinaing/ paglalarawan ng kalagayan ng isang bansa/tao? Bakit? 7. Bigyang -kahulugan ang sinasagisag ng mga simbolismo at pahiwatig sa akda kung gagamitin sa kasalukuyan. 8. Paano mo mapahahalagahan bilang mag-aaral, bilang anak at bilang Pilipino ang mahahalagang kaisipang natutuhan sa akda? Gamitin sa pagpapahayag ang Concentric Circle, Bubble Map, Discussion Web o iba pang estratehiya Concentric Circle

Bilang Bilang Mag-aaral Anak

Bilang Pilipino

9. Ilahad ang mga naging kontribusyon sa paglutas ng ilang suliraning pampamahalaan, pampananampalataya, pangkaugalian at pampanitikan batay sa pagkaunawa sa akda.

65

10. Ilarawan ang kasiningan ng Florante at Laura. D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ang guro ng input tungkol sa wastong pagsusuri ng akda.) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa pagsusuri ng akda nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.) nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawa ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.)) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.)

Mga Kagamitan Aklat na Florante at Laura Internet Mga Kraytirya sa pagtataya sa pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa ibat ibang aspekto Sipi ng mga estratehiya

66

You might also like