You are on page 1of 2

Cheran Ricardo S. Cabrito Jr.

2010-24459

Hunyo 27, 2012 MP 198

Ibat ibang Gawain, Ibat ibang layunin

Paikut-ikot, Paikut-ikot sa mundong aking ginagalawan. Higit na mas malaki, higit na mas malakas ang mga kung sino mang palakad-lakad sa aking harapan. Kadalasan

binabalewala, at kung pansinin may tinataboy lamang. Maswerte na kung paa lang ng mga higanteng ito ang hahabol sa akin, ngunit ano pa ang mga naglalakihang bato na nagliliparan papunta sa akin. Mga higanteng tao raw kung tawagin sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas kung saan ako nanalagi kasama ang iba pang mga katulad ko. Kung inyo ngang iisipin, ano nga ba ang ilalaban naming apat lamang ang paa sa mga nilalang na ito na sila ring nagpapakain sa amin ng mga tira-tirang pinagdaanan nang kani-kanilang sikmura yan ay kung ikaw pa ay suswertehin. Ano nga ba ang meron sa mga ito na tao kung kanilang tawagan at bakit nga ba ganito sila kumilos sa mundo na siya rin naming inaangkin. Mula pagiging kuting hanggang maging inahin, kitang-kita ang pagbabago ng anyo naming ngunit hindi mo mailantana na pare-parehas din ang galaw namin, bakit ang pumapasok sa Unibersidad ay tila pare-parehas man ang mga itsura ngunit iba-iba naman ang nais gawin.

Madaling sabihin ang galaw na aming nakikita ngunit mahirap intindihin kung ginagawa nila. Sari-saring mga tao nagkukumpol-kumpulan sa ibat ibang sulok ng ibang unibersidad. Mayroon din namang mga tila gustung-gustong nag-iisa na siya namang aking madalas lapitan para manghingi ng akin makakain. Kung sa marami ka lalapit at tiyak na walang awa kang bababuyin, mas mabuti na lang sanang balewalain na lang kaysa kung ano pa ang gawin. Ang mga nag-iisa na aking tinutukoy ay mas may kaunti pang simpatiya sa kung ano ang nais ko hilingin mula sa kanila. Mas nakararami, mas magulo kaya kay tagal-tagal ko na sa lugar na ito ay di ko pa rin maintindihan kung bakit sila ganito at ang konsepto ng kanilang buhay. Marami sa ibat ibang direksyon ang punta. Para bang lahat may gustong gawin na kanya-kanya. Kadalasan mas pinipili ko na lang huwag pansinin at isipin ang mga pakay ng mga ito dahil alam ko na hindi ko rin ito mauunawaan

You might also like