You are on page 1of 2

Pagsusuri sa Tulang Ang Guryon

I. Pamagat ng Akda: "Ang Guryon" Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo't paulo'y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas at sa papawiri'y bayaang lumipad; datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. II. May-Akda: Ildefonso Santos Si Ildefonso Santos ay isinilang sa bayan ng Malabon, sa nayon ng Baritan noong ika-23 ng Enero, 1897. Kaisa-isang anak siya nina Andres Santos at Atanacia Santiago. Nahilig si Ildefonso sa pagsusulat ng mga tula dahil sa kanyang pinsang si Leonardo Dianzon na isang makata na naglalathala sa babasahing Ang Mithi. Si Dianzon ang nakatuklas kay Ildefonso nang mabasa niya ang tula ng pag-ibig na sinulat ni Ildefonso. Si Iigo Ed Regalado ay humanga rin kay Ildefonso. Doon na nagsimula ang kanyang pagsulat ng mga tula. Ginamit niyang sagisag-panulat ang Ilaw Silangan. Natapos si Ildefonso Santos ng kursong edukasyon. Nang simulang ipaturo ang Pambansang Wika, siya ang kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa National Teacher's College. Nagturo rin siya sa Baguio Vocational Normal School. Hindi lamang siya guro, siya ay mahusay na tagapagsaling-wika at makata. Si Ildefonso Santos ay isa sa mga kinikilalang manunulat sa Tagalog noong panahon ng Amerikano. Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya. Isa raw siya sa mahusay at maingat magsulat ng mga tula avon sa mga kritiko. Ang kanyang mga tula ay simple at karaniwan, ngunit puna ng diwa at damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula na mababanggit ay Tatlong Inakay, Gabi, Ang Guryon, Sa Tabi ng Dagat, Ulap at Mangingisda. May mga tanaga rin siyang naisulat tulad ng Palay, Kabibi at Tag-init. Siya ay ama ni Ildefonso P. Santos, Jr. and Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong taong 2000. III. Tauhan: 1. Anak- ang magpapalipad nang saranggola na may mabuting pakikitungo sa magulang 2. Ama- tagapagsalita sa tula at nangangaral sa anak na tanda ng kanyang pagmamahal Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw ay mapapabuyong makipagdagitan; makipaglaban ka, subali't tandaan na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo'y sakaling madaig, matangay ng iba o kaya'y mapatid; kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti't dumagit, saanman sumuot... O, paliparin mo't ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob

IV. Buod/Lagom ng Katha Ang tula ay tungkol sa buhay ng tao. Inalintulad ito sa isang guryon dahil ang guryon ay marupok, hindi gaanong matibay ngunit kapag napalipad mo na ito ng mataas, titingalain ito at hahangaan. Katulad din ng sa buhay ng tao, may mga pagsubok na hindi natin inaasahan. Dapat na maging matatag at may tiwala tayo sa ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap at huwag nating kakalimutang ang ating panginoon. V. Sariling Puna Ang pagpapalipad ng guryon ay tulad din ng pagbalanse sa ating buhay. Ang buhay ayon sa maraming palaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa lamang natin ay marami ng pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan. Kailangang maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap dito. VI. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Kung gaano kataas ang iyong paglipad, ganun din kababa and iyong pagkalagapak. Ang mapagkumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas (Santiago 4:6) Sa anumang pagsubok na dumating sa ating buhay, magpakatatag at dumulog sa Poong Maykapal, tiyak ikay magtatagumpay.

VII. Mungkahi Ang tulang ito ay gumamit ng simpleng lipon ng salita para mas higit na maintindihan ng mambabasa. Sapagkat itoy nakabatay sa Teoryang Imahismo, mayaman sa imahe ang tulang ating nabasa na may karaniwang ideya lamang.

You might also like