You are on page 1of 1

KALUSUGAN: ISANG YAMAN

Iyong kalusugan, napakahalaga


Isang kayamanan, ginto ang kapara
Sa mga gawain magiging masigla
Lahat natatamo kapag malusog ka

Katawang malusog, kaloob ng Diyos


Dapat pagpalain, alagaang lubos
Saganang pagkain at hustong pagtulog
Kailangan tuwina, ng ikay lumusog

Kung ikaw ay malusog ikay mayaman din


Daming kaibigan sa iyoy pumapansin
Sa iyong paligid magandang tanawin
Sa iyong pag aaral, dunong ay kakamtin

You might also like