You are on page 1of 4

KWENTONG BAYAN NG TAGALOG

Maria Makiling
Noong unang panahon, sa pusod ng kagubatan sa may isang napakalawak na lawa,
may dalagang nagngangalang Maria. Tanyag na tanyag siya sa buong kalupaan
dahil sa kanyang angking kagandahan. Walang araw na lumipas na walang
nagtanong sa kanyang kamay sa kasal. Isang araw, kinausap siya ng kanyang ama
tungkol sa bagay na ito. Maria, anak, panahon na upang mamili ka ng iyong
pakakasalan. Tumatanda na kami ng iyong ina at kinakailangan mo ng isang taong
mag-aalaga sa yo. Ngunit ama, wala akong napupusuan ni isa sa mga nanliligaw
sa akin. Wala akong nadaramang pagmamahal mula sa kanila. Tanging ang aking
kagandahan lamang ang kanilang habol. Maria! Makukuyad at magiging
matandang dalaga ka sa lagay na iyan! Ako ang pipili sa iyo kung sa gayon. Isa sa
mga anak ng Datu ng Kalilayan na nagngangalang Banahaw ang iyong maka-iisang
dibdib! Nagdalamhati si Maria dahil dito at nagkulong sa kanyang kubo. Wala
siyang pinapasok kahit sino, maging alalay man o alagad. Isang araw,
napanaginipan niya ang isang solusyon sa kanyang suliranin. Ipapapatay niya ang
anak ng datu. Lumabas siya sa kanyang kubo at nagpanggap siyang masaya na ulit
ngunit lingid sa lahat ng tao, may binabalak siya. Pumili siya ng isa sa
pinakamagagaling na mandirigma ng kanyang ama at inutusan siyang paslangin
ang anak ng datu. Kinabukasan, dumalo sa kanilang bahay si Banahaw. Mag-isa siya
ngunit sa dulo ng kanyang sibat ay ang ulo ng mandirigmang ipinadala ni Maria.
Ang akala ko napakabuti mong tao Maria ngunit nagkamali ako! Isinusumpa kita na
ang lahat ng bagay sa buhay mo ay magkakaroon ng pagkiling laban sa iyo! Sa
wikang ito, umalis ang anak ng datu. Noong unay animoy walang masamang
nangyayari kay Maria ngunit nang lumaon, lumitaw na ang kinalabasan ng sumpa.
Lahat ng manliligaw niya ay nawawala sa daan patungo sa kanilang tahanan. Kung
hindi nawala, may sakunang nangyayari sa kanila. Nagpatuloy ito hanggang wala
nang dumarayo sa kanya dahil sa kanyang sumpa. Ang pinakamasaklap sa lahat ng
epekto ng sumpa, natuklasan ni Maria na hindi siya tumatanda. Nagdaan ang mga
taon at nakita niyang tumanda at namatay ang lahat ng kanyang minamahal sa
buhay. Mula sa kanyang ama, at ina, hanggang sa kanyang iba pang kamag-anak,
naglaho na lamang sa isang iglap ang buong angkan niya hanggang siya na lamang
ang natira. Nang nag-iisa na lamang si Maria, araw-araw siyang nananangis. Wala
na ang lahat ng kanyang minamahal at wala na ring nagmamahal sa kanya. Totoong
bata pa rin siya at ubod ng ganda ngunit buhay mag-isa ang tinakda sa kanya ng
tadhana. Lumaon at hindi na rin makayanan ni Maria ang kanyang pagluluksa para
sa kanyang sarili. Naglakbay siya sa Kalilayan upang hanapin ang taong nagsumpa
sa kanya. Nakarating siya sa Kalilayan ngunit natuklasan niya na matagal nang
patay si Banahaw; nabaon ng isang matinding pagguho ng lupa sa kabundukan.
Naghanap siya ng ibang taong maaaring makatulong sa kanya ngunit wala ni isang
taong may alam sa sumpang iginawad sa kanya. Sa bawat taong tanungin niya,
unti-unting nawalan ng pag-asa si Maria. Nagpatuloy ito hanggang bigla na lang
niya naalala ang kuwento kung paano nakagawa ng maraming maliliit na bundok
ang mga higante sa mga isla sa timog. Dahil dito, nagpadala siya ng imbitasyon sa

mga higante na bumisita sa pangako ng pagkarami-raming kayamanan bilang


kapalit. Binisita siya ng mga higante ngunit nang matuklasan ng mga ito na wala
ang kayamanang ipinangako ni Maria, nagalit sila at binatuhan si Maria ng putik.
Pinagpatuloy nila ito hanggang mabaon na si Maria sa lupa. Huli na nang matauhan
ang mga higante sa ginawa nila kay Maria at agad silang nakaramdam ng pagsisisi
sa kanilang ginawa. Bilang tanda ng paghingi ng tawad kay Maria, inihugis nila ang
bundok na kanilang ginawa sa kanyang anyo.

KWENTONG BAYAN NG MGA KAPAMPANGAN


Bundok Arayat
Noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat
ay wala sa bayan ng Arayat kundi nasa bayan ng Candaba.
Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok para sa mga
mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga Candaba.
Subalit dahil hindi naging maganda ang pag-uugali ng mga tao
noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa bayan
ng Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan
ng bundok sa bayan ng Candaba ay naging isang malalim na
hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba Swamp.
Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang
magpakitang gilas sa kanyang iniirog na si Maria Makiling. Iniibig
din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang
manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila. Isang araw,
habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni
Pinatibo ang matayog na bundok ng Arayat (kung kayat ang
hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang tuktok nito).
Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si
Sinukuan sa kaniyang bayan ay nagalit siya sa kaniyang nakita,
kung kayat dali-dali siyang sumugod kay Pinatubo at ginulo ang
at sinira niya ang napakataas na bundok nito. Kaya ngayon kung
inyong makikita, ang bundok ng Pinatubo ay isang napakahabang
hilera ng mga bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag
iisa lang.

KWENTONG BAYAN NG MGA BISAYA


Ang Bundok Kanlaon
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay
ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad.
Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami
na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit. Kumunsulta
si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing magalay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa
pamiminsala. Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang
balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila
ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta.
Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong
natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting
sila nang ibinugang apoy ng ulupong." Nalungkot ang hari sapagkat maging
si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Tanging si Prinsesa
Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito. Samantala, isang
banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng
binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay
ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisaisa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong
bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam. "Hoy, Langgam! Ako si
Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si
Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin
natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating
kapayapaan." Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring
Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok. Doon

naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa


rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok
naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang
ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila. Samantala, sa
kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay.
Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si
Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak.
Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa
ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan. Nakarating sa bundok si
Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng
lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo
ng ulupong. Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang
kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang
kagitingan ni Khan-Laon. "Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung
wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay
huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos,"
pakiusap ni Khan-Laon. Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang
ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay
masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok
bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

You might also like