You are on page 1of 3

Lanting Region National High School

Masusing Banghay Aralin


Araling Panlipunan Grade 10
Disyembe 2, 2015
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nalalaman ang kahalagahan ng pag-iimpok ng pera;
b. nakaguguhit nang mga simbolo tungkol sa paksang tatalakayin;
c. nakababasa nang may kahusayan at kaayusan.
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Kalayaan sa Kahirapan ni: Martiniano D. Buising
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al.
Pahina: 264-265
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro
A. Paghahanda
1. Panimula
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral

Gawaing Mag-aaral

B. Pagtuklas
1. Pagganyak
Nasubukan na ba ninyo ang mag-ipon?
Palagi ba na kulang ang perang ibinibigay sa
iyo kaya hindi ka makaipon? Kim?
Paano naman kung nakaipon ka, ano ang
ginawa mo sa perang naipon mo? Lester?

Kung malinaw para sa iyo ang gusto mong


mabili o makamit ay hindi malalayo na makakaipon
ka kahit wala halos natitirang pera sa bulsa mo.

Opo Maam.

Maam hindi naman po. Tama lang po Maam.

Maam itinatabi ko po at yung iba inilalagay ko po sa


alkansya.

C. Paglalahad
Ang mga katanungan ko sa inyo ay may
kinalaman sa ating paksa. Basahin ang paksangaralin natin sa araw na ito.
1. Mga Gabay na Tanong
Ngayon, basahin naman natin ang mga
Gabay na Tanong.

D. Paunlarin
1. Pagtalakay
Tunghayan natin ang kuwento.
Basahin ang unang islayd ng unang grupo.

Kalayaan sa Kahirapan ni: Martiniano D. Buising

1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang


katangiang ipinakita ni Jonas? Bakit?
2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa
kuwento? Ipaliwanag
3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang
naipon mong nang sampung (10) taon?

Si Jonas ay isang mag-aaral sa sekondarya. Mayroon


siyang baon na dalawamput limang piso (Php25)
bawat araw.

Ang kaniyang pamasahe ay Php10 papasok


at Php10 rin pauwi. Samakatuwid, mayroon lamang
siyang Php5 para sa kaniyang pagkain at iba pang
pangangailangan.
Upang makatipid, gumigising siya ng maaga
at naghahanda ng kaniyang pagkaing babaunin sa
pagpasok. Kung maaga pa, naglalakad na lamang
siya papasok sa paaralan. At sa uwian sa hapon,
naglalakad rin siya kung hindi naman umuulan o
kung hindi nagmamadali.
May mga pagkakataon na hindi niya
nagagastos ang kaniyang allowance, dahil may
nanlilibre sa kanya ng meryenda, at minsan naman ay
ibinabayad na siya ng kaibigan ng pamasahe. Basta
may natirang pera, inilalagay niya iyon sa kaniyang
savings.
Basahin ang sumunod na islyad ikalawang grupo.
Sa loob ng isang buwan, nakakaipon si Jonas
ng Php100 hanggang sa Php150 daang piso at
idinideposito niya iyon sa bangko. Parang isang
natural na proseso lang para kay Jonas ang pag-iipon,
bilhin ang kailangang bilhin, at wag bilhin ang hindi
kailangan, at ang matitira ay ilalagay sa savings.
Sa tuwing may okasyon at may nagbibigay
sa kanya ng pera bilang regalo, hindi rin niya iyon
ginagastos at inilalagay rin niya sa kaniyang savings
account.
Hindi masasabing kuripot si Jonas, dahil may
mga pagkakataong gumagastos din siya mula sa
kaniyang ipon upang ibili ng pangangailangan sa
paaralan at sa kanilang bahay.
Basahin ang sumunod na islyad ikatlong grupo.

Nakaipon si Jonas ng limang libong piso sa


bangko at nagkataong mayroong iniaalok na
investment program ang bangko sa loob ng sampung
(10) taon. Sinamantala niya ang pagkakataon at sya
ay nag-enrol sa nasabing programa kung kayat ang
kaniyang perang nakatabi bilang investment ay may
kasiguruhang kikita ng interes.
Gayumpaman, nagpatuloy pa rin si Jonas sa
pag-iipon at pagdedeposito sa investment program sa
tuwing siya ay makaipon ng limang libong piso,
hanggang sa siya ay makagraduate ng kolehiyo at
makapagtrabaho. Ang lahat ng kaniyang bonus,
allowance, at iba pang pera na hindi nagmula sa
kaniyang suweldo ay diretso niyang inilalagay sa
investment program.
Dahil may sarili na siyang kita, natuto na rin
siyang ihiwalay ang 20% ng kaniyang kita para sa
savings at ang natitira ay hahati-hatiin niya sa
kaniyang pangangailangan. Kung may sobra pang
pera na hindi nagamit, inilalagay niya pa rin sa
kaniyang savings.

Basahin ang sumunod na islyad ikaapat na grupo.

Makalipas ang sampung taon, ang perang


naipon ni Jonas sa investment program ay umabot na
sa halos isang milyon.
Muli niyang inilagak sa ibang investment
program ang kaniyang pera at kumita na ito ng
humigit kumulang sa dalawampung libong piso
(Php20,000.00) sa loob ng isang buwan.
Malaya na si Jonas sa kahirapan, bukod sa

kaniyang suweldo mula sa trabaho ay may inaasahan


pa siyang kita ng kaniyang investment buwan-buwan.

E. Pagpapalalim
Sagutin natin ang mga katanungan kanina.
1. Sa iyong palagay, kahanga-hanga ba ang
katangiang ipinakita ni Jonas?
Opo Maam, kahanga-hanga siya.
Bakit?
Napakahusay niyang magtipid.
2. Anong aral na maaaring mapulot mula sa
kuwento? Ipaliwanag.

Maam, maging matipid po para makalaya sa


kahirapan.

3. Kung ikaw si Jonas, saan mo gagamitin ang perang


naipon mong nang sampung (10) taon?
Maam, ipapatayo ko po ng bahay at negosyo.
F. Pangwakas na pagtataya
Bawat grupo ay gumuhit ng mga simbolo na
tungkol sa kalayaan sa kahirapan o pag-iimpok ng
pera. Ipaliwanag ito sa harap ng klase.

IV. TAKDANG ARALIN


1. Basahin ang Gawain 5: Babalik ka rin at subukang sagutan ang mga katanungan.
Sanggunian:
1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 265-267

Inihanda ni:
ALMARIE S. MALLABO
Praktis Titser
Sinuri ni:
Gng. SOTERA P. MOLINA
Koopereyting Titser

You might also like