Noong sinaunang panahon, noong wala pang ibang nabubuhay na nilalang
sa mundo, kundi ang mga diyos at diyosa lamang, si Asterino at Yasandra ang isa sa mga mag asawa noon. Pinagkalooban sila na magkaroon ng anak. Mula nung ikatlong buwan ng pagkabuntis ni Yasandra ay lubusang lumala ang pagka-pihikan at iritable ni Yasandra. Asterinoooo! Ikuha mo ako ng pagkain! Gusto ko tinapay! wika ni Yasandra. Masusunod mahal sabi ni Asterino,*nakuha ang pagkain* *mamaya-maya*.Ayoko na nito. A sya! Maitapon na nga. Patuloy na naging ganto ang pamumuhay ng magasawa. Tuwing papakainin si Yasandra ay palagi nalang siya nagtitira, wika niya palaging A sya, ayoko na nito, itapon na. Nagpatuloy ito at naitigil na lamang noong lumabas na ang kanilang anak. Kinalaunan ay natuklasan nila na sa sobrang dami pala ng tinira ni Yasandra ay may tila kalupaan silang nabuo na tagpi tapi, may Malaki at may maliit. Itong kalupaan na itoang simbolo ng pag tiyaga mo sakin kahit na minsan ay sumosobra naako wika ni Yasandra, Ito ang kinalabasan ng pagmamahalan natin sabi ni Asterino. Ano kayat bigyan natin ito ng pangalan? sabi ni Asterino, O sige ba, pero anong pangalan? *Nag iisip*Ah! Ano kaya kung A sya?Sabi ni Asterino. Bakit A sya?. Di mob a naaalala? Yan yung lagi mong nasasabi pag napagdedesisyonan mo nang magtira..Oo nga noh? Sige A sya ang ipapapangalan natin, simbolo ng pagmamahalan at pagsasamahan natin. At kinalaunan ay tinawag din itong Asya. Pinapatunayan lang nito na hindi lahat nang di kagandahan ang pinagmulan ay ibig sabihin nito ay hindi na nito kayang magdulot ng kagandahan.