You are on page 1of 182

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog

Ika-20 Linggo
I.

Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag
na dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na
may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong
pang -unang baitang
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at
bagay
8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at
kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra,
pasok ng unang pangungusap sa talata, at kaayusan
9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento, at iba pa
10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay
11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa tunay na karanasan
12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat,
pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita
sa paaralan, at pamayanan
13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,
pabula, at alamat
14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang
makita ang wastong sagot sa payak na tanong
15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa
radyo, at balitang lokal
16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa
ng maraming kuwento

II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:

Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,


paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan.
2. Pagkilala ng Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng
dagdag na dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento
na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pagaralan.
3. Katatasan:
a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto.
b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa
tekstong pang -unang baitang.
4. Pagbaybay:
a. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga salitang
natutuhan.
b. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan
ng tao, lugar, at bagay.
5. Pagsulat:
Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at
kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas,
malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa
talata at may kaayusan.
6. Pagkatha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento, at iba pa.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.
8. Talasalitaan:
Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa karanasan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,
pabula, at alamat.
b. Pagturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang
makita ang wastong sagot sa payak na tanong.
c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita
sa radyo, at balitang lokal.
2

d. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang


pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa
ng maraming kuwento.
B. Sangunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their
First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis
Malone, 2010)
C. Kagamitan :
Awiting Tagalog (recorded), tsart
D. Paksa :
Ang ating kalinangang pang musika.
E. Pagpapahalaga:
Pagmamahal sa sariling kultura/kalinangan
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng mga larawan
Munti
Karga-karga ng nanay ang anak niyang si Luisa. Sanggol si
Luisa kaya magaan lamang siya.
Duyan
Mahimbing na natutulog sa duyan ang sanggol na si Luisa. Yari
sa yantok o kawayan ang duyan.
Ugoy ng duyan
Madaling makatulog ang sanggol sa ugoy ng duyan.
2. Pagganyak
Iparinig ang awit naTulog Na
Tulog na bunso kong mabait.
Tulog na bunso kong mabait.
Tulog na, tulog na
Ang nanay ay aalis
Tulog na bunso kong mabait.

Itanong: Ano ang inawit ng nanay sa bata?


Sabihin: Marami pang tradisyonal na awiting Tagalog ang ating
rehiyon.
Itanong: May alam pa ba kayong mga awiting Tagalog?
3

3. Pangganyak na tanong
Anong tradisyonal na awiting Tagalog ang nagpapakita ng
pag-aaruga ng isang ina?
4. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa
B.

Gawain habang nagbabasa


Ipabasa ang lathalaing nakasulat sa tsart. Ipabasa ito nang
lahatan, pangkatan at isahan nang may tamang bigkas, wastong
tono, at damdamin.
Ang tanyag na awiting Ugoy ng Duyan ay isinulat ng mga
sikat na kompositor na sina Lucio San Pedro ng Angono, Rizal
at Levi Celerio ng Tondo, Manila. Ang pagmamahal at pagaaruga ng ina ay langit ang katulad. Talagang dakila ang
ating ina.
Pagkatapos basahin ng mga bata ang lathalain, iparinig ang awit
na Sa Ugoy ng Duyan gamit ang CD/VCD.

Ikalawang Araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I Kilalanin Mo!
Isulat sa kartolina ang pangalan ng dalawang sikat na kompositor
ayon sa lathalaing inyong binasa.

Pangkat II Artista Ako!


Isadula ang sinasabi sa awit na Sa Ugoy ng Duyan.
Pangkat III Iguhit Mo!
Iguhit ang nangyari sa bata habang inaawitan ng nanay.
Pangkat IV Wow! Galing!
Pakinggan at sumabay sa pag-awit habang tinutugtog ang
harana.

Aking Bituin
O, Ilaw sa gabing madilim
Wangis moy bituin sa langit
O, tanglaw sa gabing tahimik
Larawan mo neneng, nagbigay pasakit, Ay!
Gising at magbangon sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing;
Buksan ang bintana at akoy dungawin
Nang mapagtanto ang tunay na pagdaing

D. Pagtalakay
a. Ano ang pamagat ng awit na inyong narinig?
b. Sino-sino ang tanyag na kompositor ng Sa Ugoy ng Duyan?
Ilalahad ito ng Pangkat 1.
c. Ano ang inihahatid na mensahe ng awit? Isasadula
ito ng Pangkat II.
d. Anong uri ng pagmamahal ang ibinibigay sa inyo
ng inyong ina?
e. Sa inyong palagay, ano ang nangyari sa bata habang inuugoy
ng nanay ang duyan? Tingnan natin ang iginuhit ng Pangkat
III.
f. Maraming lumang awiting Tagalog ang ating naririnig. Isang
halimbawa ay ang iparirinig sa atin ng Pangkat IV .
Tungkol saan ang awiting Tagalog na ipinarinig sa atin ng
Pangkat IV?
g. Paano ninyo pahahalagahan ang ating mga lumang awitin?
Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Balik-aral
Itanong: Sino-sino ang sikat na kompositor ng awit na Sa Ugoy ng
Duyan? Saan ipinanganak ang mga ito?
Isulat sa pisara ang mga sagot at ipabasa sa mga bata.
Lucio San Pedro

Angono, Rizal

Levi Celerio

Tondo, Manila

2. Pagganyak
Itanong: May kilala ba kayong tanyag na tao sa inyong lungsod? Sa
inyong bayan
Saang larangan sila naging tanyag?

3. Paglalahad
Sabihin: Magbibigay ako ng mga tanong. Isulat ang sagot sa pisara
1. Sino ang inyong guro?
2

Ano ang pangalan ng ating bayan/ lungsod?

3. Ano ang pangalan ng lapis na ginagamit mo?


(Maaari pang magdagdag ng tanong ang guro ukol sa ngalan ng tao,
pook, at bagay)
4. Pagtalakay
Sabihin: Basahin ang nakasulat sa pisara.
Itanong: Alin sa mga ito ang ngalan ng tao?
Alin ang ngalan ng pook?
Alin ang ngalan ng bagay?
Isulat ang mga ito sa loob ng kahon.
Ngalan ng tao

Ngalan ng lugar

Ngalan ng pook

Sabihin: Ang unang kahon ay tumutukoy sa ngalan ng tao, ang


ikalawang kahon ay ngalan ng lugar at ang ikatlo ay ngalan ng
pook. Ito ay mga tiyak na ngalan.
Itanong: Paano isinusulat ang unahang letra ng mga tiyak na ngalan ng
tao, pook, at bagay?
Pagsasanay
Panuto: Basahin ang nakasulat sa flashcards. Ito ay mga tiyak
na ngalan ng tao, pook, at bagay
(Isusulat ng guro ang sumusunod na ngalan sa flashcards)
Adidulas

Batangas

Mang Pedro

Mokia phone

Dr. Jose P. Rizal

Malabon

Paaralang Elementarya ng Taytay

Lito Santos

5. Paglalahat
Itanong: Paano isinusulat ang simulang letra ng tiyak na ngalan
ng tao, pook at bagay?
Ang tiyak na ngalan ng tao, pook at bagay ay nagsisimula sa malaking letra.
Halimbawa: Adidas, Cavite, Dr. Jose P. Rizal
Ikaapat na araw
6. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Magic Box
Maghahanda ang guro ng isang kahong naglalaman ng mga
ginupit na papel na may nakasulat na di-tiyak na ngalan ng bagay.
Tatawag siya ng isang bata upang kumuha ng isang papel at
babasahin ang nakasulat. Magbibigay ng halimbawa ang bata ng
tiyak na ngalan.
Halimbawa:
sapatos

Tiyak na ngalan

Adidulas

Le Vans

Nikee

b. Triads
Bubuo ng pangkat ang mga bata. Ang bawat pangkat ay binubuo
ng tig tatlong bata.Magtatanungan ang tatlong bata.
Unang bata: Sino ang paborito mong artista?
Ikalawang bata: Si Coco Martin ang paborito kong artista. Ikaw,
sino ang paborito mong artista?
Ikatlong bata: Si Sarah Geronimo ang aking paboritong artista.
Ipatala sa unang bata ang sagot ng dalawa pang bata. Iulat ito sa
klase.
c. Abalang Larawan
Magpapaskil sa pisara ang guro ng isang mapa na nagpapakita
ng mga pangunahing lugar sa kanilang rehiyon.

Sabihin: Magbigay ng mga tiyak na ngalan ng lalawigan/bayan ng ating


rehiyon .
7. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Sumulat ng tig limang tiyak na ngalan ng tao, bagay, at pook sa
loob ng kahon.
Tiyak na ngalan
ng pook

Tiyak na ngalan
ng tao

Tiyak na ngalan
ng bagay

8. Paglalapat
Tayo nang Lumikha
Sabihin: Susulat kayo ng isang awit tungkol sa inyong mag-anak. Gamitin ang
tamang bantas, wastong gamit ng malaki at maliit na letra at tamang
ayos ng mga salita. Isulat ito sa malinis na papel. Salungguhitan ang
tiyak na ngalan ng tao, pook at bagay na ginamit.
(Tatawag ang guro ng isang bata upang basahin ang kanyang ginawa.
Maaaring purihin ng guro ang mga batang may maayos at magandang
ginawa. Lahat ng ginawa ng mga bata ay kailangan bigyan ng halaga)
9. Pagtataya
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Basahin at sagutin ang mga
tanong.Isulat ang tiyak na ngalan ng bawat larawan sa
inyong sulatang papel.

Ana

1. Ano ang pangalan ng bata sa larawan?

Maykee
2. Ano ang tatak ng sapatos?
Jollydee

3. Saan kumakain ang mag-anak?

4. Ano ang kinukuha ng bata sa kahon?

Pasig Catholic Church


5. Saang simbahan magsisimba ang mag-anak?
Appendices
Songs
Tulog Na
Tulog na bunso kong mabait.
Tulog na bunso kong mabait.
Tulog na, tulog na
Ang nanay ay aalis
Tulog na bunso kong mabait.
Aking Bituin
O, Ilaw sa gabing madilim
Wangis moy bituin sa langit
O, tanglaw sa gabing tahimik
Larawan mo neneng, nagbigay pasakit, Ay!
Gising at magbangon sa pagkagupiling
Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing;
Buksan ang bintana at akoy dungawin
Nang mapagtanto ang tunay na pagdaing
9

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-21 Linggo
I.

Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag
na dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na
may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong
pang -unang baitang
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at
bagay
8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at
kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra,
pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan
9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa
10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay
11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa tunay na karanasan
12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat,
pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita
sa paaralan, at pamayanan
13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,
pabula, at alamat
14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang
makita ang wastong sagot sa payak na tanong
15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa
radyo, at balitang lokal
16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa
ng maraming kuwento

II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
10

Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,


paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan.
1. Pagkilala ng Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng
dagdag na dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling
kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang
dapat pag-aralan.
2. Katatasan:
a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto.
b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may
wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng
bantas sa tekstong pang -unang baitang.
3. Pagbaybay:
a. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga salitang
natutuhan.
b. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan
ng tao, lugar, at bagay.
4. Pagsulat:
Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at
kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas,
malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa
talata at may kaayusan.
5. Pagkatha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa.
6. Kamalayan sa Gramatika:
Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.
7. Talasalitaan:
Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan nang pagbibigay
kahulugan ayon sa karanasan.
8. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa
kuwento, pabula, at alamat.
b. Pagturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto
upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong.
c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin,
balita sa radyo, at balitang lokal.
d. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan
nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan
ang pagbabasa ng maraming kuwento.
11

B. Sanggunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First
Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone,
2010)
- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010)
- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines
MTB-MLE Consultants
C. Kagamitan:
- Larawan, tsart, flashcard, patpat, graphic organizer
D. Paksa:
Ang ating katutubong sayaw.
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan
a. Patimpalak( Gumuhit ng larawan ng batang lalaki at batang babae
na sumasayaw ng Subli sa stage. Ang stage ay may nakasulat
naPatimpalak)
b. Sublian (Gumuhit ng mga batang lalaki at mga batang lalaki na
sumasayaw ng subli at mga batang naglalaro ng palasebo)
c. Sumbrero(Gumuhit ng larawan ng sumbrero na gawa sa buli)
2. Pagganyak
a. Magpakita ng larawan ng isang lalaki at babaeng sumasayaw.
(Tanungin kung ano ang masasabi nila sa larawan).
b. Film Viewing Ipapanood sa mga bata ang Sublian Dance.
Itanong: Ano ang nais ipabatid ng sayaw na ito?
Sabihin: Marami tayong katutubong sayaw na nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, at pinagmulan ng isang lugar.
Itanong: Ano pang katutubong sayaw ang alam ninyo?
3. Pangganyak na tanong
Ano ang Subli? Paano ito isinasayaw?
4. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa
B. Gawain habang nagbabasa
Babasahinng guronang malakas ang lathalaing nakasulat sa
tsart nang may tamang bigkas at tono.
Babasahin ulit ng guro ang lathalain. Magtanong pagkatapos
basahin ang bawat talata upang mataya ang pang-unawa
ng mga mag-aaral.
12

Ipabasa sa mga bata nang may tamang bigkas at tono nang


pangkatan, dalawahan, at isahan.
Ang Subli
ni Nida C. Santos
Ang Subli ay isa sa mga kilalang sayaw sa Pilipinas at paborito ng mga
taga-Batangas. Ang sayaw na ito ay isang seremonya na itinatanghal bilang
paggalang sa Mahal na Poong Santa Krus. Ang banal na krus ang sentro ng
sayaw na Subli.
Nagmula ito sa baryo ng Dingin, Alitagtag, Batangas. Ang salitang Subli
ay mula sa dalawang salitang Tagalog na subsob at bali. Ang mga mananayaw
ay gumagamit ng isang paa at nakasubsob na may sumbrero. Sa Batangas ay
may Sublian Festival, isang patimpalak sa pagsayaw ng Subli at palaro ng lahi.
Layunin ng Sublian Festival na buhayin ang mga larong kinalakihan ng
ating mga magulang.
Ikalawang Araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
1. Ugnayang Gawain
Pangkat I:Kilalanin Natin!
Bumuo ng Concept Map na tumatalakay sa Subli gamit
ang mga flashcard.

Subli

Pangkat II:Gumuhit Tayo


Gumuhit ng malaking krus sa isang kartolina. Isulat sa
ilalim nito ang, Ang banal na krus ang sentro ng sayaw na Subli.
Pangkat III:Gawin Natin
Gawin ang pangunahing galaw ng Subli.
2. Pagtalakay
a. Anong lathalain ang ating binasa?
b. Ano ang sayaw na ito?
c. Ano-ano ang mahalagang detalye tungkol dito? Pakinggan
natin ang ulat ng Pangkat I.
d. Ano ang sentro ng sayaw na ito?Tingnan natin ang ginawa
ng Pangkat II.
e. Ano ang pangunahing galaw ng Subli?Panoorin natin ang
Pangkat III.
13

3. . Karagdagang Gawain
Sublian Festival
a. Panoorin Natin
Panoorin kung paano sayawin ang Subli.
b. Sundan Natin
Sundan ang guro kung paano sayawin ang Subli.
c. Sayawin Natin
Pagpapakitang sayaw ng bawat pangkat.
Basahin ang sumusunod na pangungusap:
a. Nakapagpapalakas ng katawan ang pagsayaw.
b. Maipakikita ang kultura natin sa pamamagitan ng ibat ibang
sayaw.
Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Balik-aral
Ano ang sayaw na ating napanood at pinag-aralan?
Saan nagmula ang Subli?
Sino-sino sa kamag-aral mo ang nagpakita ng galing sa pagsayaw ng
subli?
Ano ang isinusuot ng mga babae sa sayaw na ito?
(Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.)
2. Pagganyak
Itanong: Paano ninyo isinusulat ang unang letra ng inyong pangalan?
Sabihin: Ating alamin kung paano nagsisimula ang mga salitang
nakasulat sa pisara.
3. Paglalahad
Ipabasa sa mga bata ang mga salitangnakasulat sa pisara.
Halimbawa:
Karen
Danilo
Ben

Dingin
Alitagtag
Batangas

Barot Saya

4. Pagtalakay
Pag-usapan ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay na nasa tsart.
Ipabasa sa mga bata.
Itanong:
Ano ang tinutukoy ng mga salitang nasa Unang hanay?
Ikalawang hanay? Ikatlong hanay?
Ano ang napapansin ninyo sa unang letra ng bawat salita sa
hanay ng ngalan ng tao, sa ngalan ng lugar, sa ngalan ng bagay?
Pagbigayin ang mga mag-aaral ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at
bagay. Ipagamit ito sa pangungusap.
14

5. Paglalahat
Kailan natin masasabi na tiyak ang ngalan ng tao, lugar, at bagay?
Paano natin isinusulat ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay?
Ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay ay nagsisimula sa malaking letra.
Halimbawa: Nicole, Batangas, Adidas
Ikaapat na araw
6. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Usapan ng magkapareha/diyalogo
(Hihikayatin ng guro ang mga bata na magbigay ng ngalan ng
bagay na nasa loob ng bag. Pag-usapan ang mga bagay na ito.)
b. Partner Talk
Pag-usapan Natin
Unang Bata: Karpintero ang tatay ko. Ramon ang pangalan
niya.
Pangalawang Bata: Pulis ang tatay ko. Nestor ang pangalan
niya.
Unang Bata: Mabait si tatay Ramon. Kasama ko siya sa
paglalaro.
PangalawangBata: Pareho pala tayo. Mabait din ang tatay
Nestor ko.
c. Mahiwagang Kahon (Magic Box)
(Naglalaman ang kahon ng mga bagay na may tiyak na ngalan)
Itanong: Ano-ano ang bagay na nasa loob ng mahiwagang kahon?
Ano ang tiyak na ngalan ng bawat bagay na iyong nakita?
Bigkasin at isulat sa pisara ang sagot ng bata.
Ipagamit sa pangungusap ang ngalan ng bagay na nakita ng bata
sa mahiwagang kahon.
7. Malayang Pagsasanay
(Sumulat ng mga tiyak na ngalan sa flashcard.)
Sabihin: Basahin ang mga salita sa inyong flashcard at isulat ito sa
tamang kahon.
Ngalan ng tao
Ngalan ng lugar
Ngalan ng bagay

15

Ikalimang araw
8. Paglalapat
Gumalaw at Sumayaw
Igalaw ang katawan at sumayaw sa saliw ng nilikhang ritmo ng inyong
pangkat.
Ipakita ang inyong lame steps.
9. Pagtataya
Tingnan at pag-aralan ang larawan. Sagutin ang mga tanong upang
mabuo ang mga pangungusap.

Pasig Catholic Church

Maykee shoes

1. Ano ang pangalan ng simbahan?


________________ ang pangalan ng simbahan.
2. Ano ang pangalan ng lapis?
________________ ang pangalan ng lapis.
3. Ano ang pangalan ng batang lalaki.
Si ________________ ang batang lalaki.
4. Ano ang pangalan ng batang babae.
Si ________________ ang batang babae.
5. Ano ang pangalan ng sapatos?
_________________ang pangalan ng sapatos.
Appendices

Story
Ang Subli
ni Nida C. Santos
Ang Subli ay isa sa mga kilalang sayaw sa Pilipinas at paborito ng mga
taga-Batangas. Ang sayaw na ito ay isang seremonya na itinatanghal bilang
paggalang sa Mahal na Poong Santa Krus. Ang banal na krus ang sentro ng
sayaw na Subli.
Nagmula ito sa baryo ng Dingin, Alitagtag, Batangas. Ang salitang Subli
ay mula sa dalawang salitang Tagalog na subsob at bali. Ang mga mananayaw
ay gumagamit ng isang paa at nakasubsob na may sombrero. Sa Batangas ay
may Sublian Festival, isang patimpalak sa pagsayaw ng Subli at palaro ng lahi.
Layunin ng Sublian Festival na buhayin ang mga larong kinalakihan ng
ating mga magulang.

16

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika- 22 Linggo
I.

Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag
na dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na
may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong
pang -unang baitang
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at
bagay
8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at
kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra,
pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan
9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa
10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay
11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa tunay na karanasan
12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat,
pangyayari,usapin,kalalagayan,pahayag sa radio,at lokal na balita
sa paaralan, at pamayanan
13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,
pabula, at alamat
14. Nakatutukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang
makita ang wastong sagot sa payak na tanong
15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa
radyo, at balitang lokal
16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan
nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang
pagbabasa ng maraming kuwento

II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan.
17

2. Pagkilala ng Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng
dagdag na dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling
kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang
dapat pag-aralan.
3. Katatasan:
a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto.
b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may
wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng
bantas sa tekstong pang -unang baitang.
4. Pagbaybay:
a. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga salitang
natutuhan.
b. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan
ng tao, lugar, at bagay.
5. Pagsulat:
Pagsulat nang payak na parirala, pangungusap, talata, at
kuwento nang sinusunod ang wastong gamit ng bantas,
malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa
talata at kaayusan.
6. Pagkatha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.
8. Talasalitaan:
Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa karanasan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa
kuwento, pabula, at alamat.
b. Pagtukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto
upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong.
c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin,
balita sa radyo, at balitang lokal.
d. Pahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang
pagbabasa ng maraming kuwento.
B. Sanggunian:
a. K to 12Curriculum

18

b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and


Write Their First Language (L1): A Guidebook for
Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)
c. Developing Comprehension in Young Readers (Lesson
Plans from RAP)Conventions -Vol. 1)
C. Kagamitan:
a. Lathalain sa paggawa ng pamaypay o abaniko, glue,
scotch tape, bond paper, krayola
b. Tunay na likhang sining tulad ng pamaypay o abaniko
c. Wall dcor, placemat, lalagyan ng prutas at iba pa.
D. Paksa:
Ang ating lokal na sining at kagalingan.
E. Pagpapahalaga :
Tangkilikin ang sariling produkto.
III. Pamamaraan
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid
pamamaypay (sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na
pamaypay na gawa sa sariling lugar)
pulgada
(sa pamamagitan ng pagpapakita ng tamang sukat
gamit ang panukat )
dekorasyon

(sa pamamagitan ng larawan/tunay na bagay)

2. Pagganyak:
Magkaroon ng eksibit ng lokal na likhang sining tulad ng placemat,
fruit tray, fan, wall dcor, pamaypay at iba pa.(Gawin ito isang araw
bago talakayin ang aralin.Ilagay ito sa isang sulok sa loob ng silidaralan.Magpatulong sa mga mag-aaral sa pagsasaayos ng
eksibit.Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang dahilan kung bakit ito
ginagawa na hindi tinutukoy ang aralin.Kung maiaangkop ito sa ibang
asignatura tulad ng Araling Panlipunan ay gawin upang higit na
maging makabuluhan ito.)Kinabukasan sa oras ng asignaturang ito
ipatuon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa eksibit.
Itanong: Nakikita ba ninyo ang mga ito sa ating pamayanan?
Alin sa mga ito ang nakita na ninyo sa inyong
pamayanan?
Kilala nyo ba ninyo ang gumawa ng isa sa mga bagay rito?
Sino-sino sila? Mag-anak ba sila? May kaibigan ka ba sa
mag-anakna ito? Sino?Ano ang masaabi mo tungkol sa
kanya? Alin sa mga nasa eksibit ang ginagawa nila?
Kailan pa sila gumagawa ng mga ito? Sino kaya ang
nagturo sa kanila ?
Gusto mo bang gumawa rin ng isa sa mga nandito sa
19

eksibit? Alin dito ang nais ninyong gawing proyekto? Bakit?


(Ituon sa paggawa ng pamaypay ang nais nilang proyekto)
3. Pangganyak na tanong:
Kung pamaypay ang nais ninyong gawin,anong tanong ang
makapagtuturo sa inyo nang tamang paraan ng
paggawa nito. Buuin ang tanong.
Tanong;
Papaano gumawa ng pamaypay o abaniko?
B. Gawain habang nagbabasa
1.Pagbasa ng guro sa pamaraan ng paggawa ng pamaypay
na nakasulat sa tsart nang tuloy tuloy at may tamang
bigkas ng mga salita,intonasyon at tono.
2.Pagbasa ng guro kasama ang mga mag-aaral na may
tamang bigkas,ng mga salita,intonasyon at tono ngunit
may paghinto sa tamang daluyan ng paghahati upang
magtanong o sumagot sa tanong.
Ang Paggawa ng Pamaypay
ni Nida C. Santos
Kilala ang lugar nina Allan at Aloha sa paggawa ng
magagandang gamit na yari sa kawayan tulad ng pamaypay, dekorasyon
sa bahay, lagayan ng prutas at iba pa. Kahit nasa unang baitang pa
lamang sila ay marunong na rin silang gumawa ng pamaypay at
pandekorasyon gamit ang mga kawayan.
Ating alamin kung paano gumawa ng pamaypay sina Allan at
Aloha.
Paggawa ng Pamaypay
Mga gagamitin:
1. mainipis na piraso ng kawayan na may 7 pulgada ang haba
2. karton
3. plato (katamtaman ang laki)
4. manipis na pisi, 10 pulgada ang haba
5. krayola
6. gunting
Pamamaraan:
1. Bakatin ang plato sa karton.
2. Gupitin ito gamit ang gunting.
3. Guhitan ng nais na disenyo ang bilog na karton gamit ang
krayola.
4. Ilagay ang 7 pulgadang haba ng manipis na kawayan sa
gitnang bahagi ng karton para maging tangkay.
5. Talian ng pisi ang dulong bahagi na nag-iipit sa karton.
20

Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Magbalik-aral sa Paggawa ng Pamaypay. Magkasamang basahing muli
ang pamaraan na nasa tsart) Tukuyin ang gawain sa mga mag-aaral.
Pangkatang gawain
Hatiin ang klase sa 5 pangkat at bigyan ng gawain
Pangkat I Iguhit Natin
Iguhit ang mga produkto sa lugar nina Allan at Aloha na yari sa
kawayan.
Ilarawan ang gamit nito.
Produkto mula sa kawayan
Ginagamit sa

Pangkat II Sundin Natin


Talakayin at ipakita ang paraan ng paggawa ng pamaypay.
Paggawa ng pamaypay
1.
2.
3.
4.
5.

Pangkat III Alamin Natin


Isulat kung ano ang maaaring mangyari kung:
Sinasanay ang mga
bata sa paggawa
ng mga bagay na
yari sa kawayan.
Isulat ang dahilan kung bakit natutuwang bumili ang mga turista ng produkto
natin.
Kaya maraming
turista ang bumibili
ng produkto natin.
21

Pangkat IV Gamitin Natin


Bukod sa mga nabanggit na produktong yari sa kawayan, ano pang mga
bagay ang yari sa kawayan? Iguhit ang mga ito.
Marami pang bagay ang
maaaring gawin mula sa
kawayan

Pangkat V Gawin natin, Ipagmalaki


Kung ikaw si Allan at Aloha, paano mo ipagmamalaki ang mga
produktong gawa natin? Gumawa ng patalastas tungkol sa produkto na
nais mong ipagmalaki
1. Pagtalakay
1.Ano ang mga likhang sining at produkto na ginagawa sa lugar nina
Allan at Aloha?
Pakinggan ang Pangkat I sa paglalarawan nila ng ibat ibang produktong
yari sa kawayan.
2.

Sa edad na anim sina Allan at Aloha at mga batang kasing-edad


nIla ay sinasanay na na maging mahusay sa paggawa ng pamaypay.
Tingnan natin kung paano ang paggawa nito.
Pakinggan natin ang Pangkat II.

3. Kapag patuloy ang pagsasanay at ginagawa ito nang maayos,


maganda ang kalalabasan.Totoo kaya ito
Pakinggan ang ulat ng Pangkat III.
4. Bukod sa pamaypay na inyong ipinakita, ano pang bagay ang gawa
sa kawayan?
Pakinggan ang ulat ng Pangkat IV.
5. Kailangan nating tangkilikin at ipagmalaki ang sariling produkto.
Ang Isang paraan upang mahikayat ang iba sa pagbili ng produkto ay sa
pamamagitan ng patalastas. Tingnan natin kung ano ang ginawang
patalastas tungkol sa mga produktong gawa sa kawayan.
Pakinggan ang ulat ng Pangkat V.
Talakayin ng guro ang isinagawa ng 5 pangkat, Isulat ang mga sagot
sa tsart

22

Pangkat

Gawain

Kasanayang
binigyang pansin

Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Paghahanda:
Anong produkto at pamamaraan ng paggawa nito ang binasa natin?
(Magpakita ng malaking larawan ng isa sa produkto ng Pilipinas)
Sabihin:Bukod sa pamaypay may iba tayong produkto.
Tingnan ang larawan. Alin ang gusto mo sa mga larawang ito? Bakit?
Halimbawa: bag, sapatos, hikaw, pulseras, sinturon, mesa,
silya, silyang umuuga, banig, kabinet
2. Paglalahad
Gamit ang tunay na bagay, ipakikita ng guro kung paano ginagamit sa
pangungusap ang mga panghalip na pantukoy.
Ito ay bag.
Ito ang paborito kong bag.
Ito ay gawa sa kawayan. (Hawak ng guro ang bag)
Iyan ay mesa (Ituturo ng guro ang mesa na malapit sa kinakausap)
Iyan ang mesa na aking ginagamit.
Matibay ang mesa na iyan.
Iyon ang malaking pamaypay.(Ituturo ng guro ang dekorasyon na malayo
sa kanya at sa kausap)
Iyon ang dekorasyon na ibinigay sa akin ng kaibigan ko.
Gawa iyon sa kawayan.
23

Kailangang ilahad din ng guro ang iba pang panghalip na pantukoy; dito,
diyan, doon.
3. Paglalahat
Itanong: Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon?
Kailan ginagamit ang dito? Diyan? Doon?
Panghalip na Pantukoy
Hawak ng nagsasalita
ang bagay na tinutukoy
Itinuturo ng nagsasalita
ang bagay na malapit sa
kinakausap
Malayo ang bagay sa
nagsasalita at sa
kinakausap

Ito

Malapit sa
nagsasalita

Dito

Iyan

Malapit sa
kinakausap

Diyan

Iyon

Malayo

Doon

Ikaapat na araw
4. Pinatnubayang Pagsasanay
Gawain sa Labas
Isama ang mga bata sa labas ng silid-aralan(sa hardin o sa palaruan)
a. Pangkatang gawain
Hayaang pag-usapan ng mga bata ang mga bagay na kanilang
nakita, nahawakan, at narinig sa hardin o sa palaruan gamit ang
panghalip na pantukoy.
b. Dalawahan
Hayaan ng guro na mag-usap ang mga bata ng may kapareha
tungkol sa nakita nila sa labas ng paaralan gamit ang panghalip sa
pantukoy.
5. Malayang Pagsasanay
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panghalip na
pantukoy. Iguhit ang iyong kasagutan.
Ito

Dito

Iyan

Diyan

Iyon

Doon

24

Ikalimang araw
6. Paglalapat
Isulat natin
Sumulat ng awit/ tula/ biro/ bugtong/ o maikling kuwento tungkol
sa pagbili ng pagkain/ damit/ laruan at iba pa sa tindahan, palengke o
mall gamit ang panghalip na pinag-aralan.Tingnan ang tamang gamit ng
bantas, gamit ng malaking letra, tamang pasok, at kaayusan. Isulat ito sa
malinis na papel at salungguhitan ang lahat ng panghalip na ginamit sa
pangungusap. (Hayaang basahin ng isang bata ang ginawa niya sa
klase. Titingnan ng guro kung tama ang ginawa at bigyan ng angkop na
komento. Ipaskil ang sinulat ng mga bata.
7. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan gamit ang tamang
panghalip na pantukoy.
1.

2.

3.

4.

6.

IV. Takda
Magdala ng produktong sariling atin na nasa inyong bahay. Humanda sa
pagpapakita at paglalarawan nito.

25

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-23 Linggo
I. Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag
na dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na
may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
4. Nakababasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto.
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa
tekstong pang -unang baitang
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
7. Nakababaybay nang wasto ng mga panghalip
8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at
kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra,
pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan
9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa
10. Nakatutukoy ng mga panghalip sa pangungusap.
11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa tunay na karanasan.
12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento,
pabula,
alamat,
pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita
sa paaralan, at pamayanan
13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento,
pabula, at alamat
14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang
makita ang wastong sagot sa payak na tanong
15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang
sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa
radyo, at balitang lokal
16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa
ng maraming kuwento

26

II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao,
paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan
2. Pagkilala ng Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng
dagdag na dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento
na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pagaralan.
3. Katatasan:
a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa
antas na 60 salita bawat minuto.
b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa
tekstong pang -unang baitang.
4. Pagbaybay:
a. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga salitang
natutuhan.
c. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng
tao, lugar, at bagay.
5. Pagsulat:
Pagsulat nang payak na parirala, pangungusap, talata, at
kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas,
malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa
talata at may kaayusan.
6. Pagkatha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa
ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.
8. Talasalitaan:
Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay
kahulugan ayon sa karanasan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa
kuwento, pabula, at alamat.
27

b. Pagtukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang


makita ang wastong sagot sa payak na tanong.
c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon,
sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at
balitang lokal.
d. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pagbabasa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng
maraming kuwento.
B. Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan
and Dennis Malone, 2010)
- Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans
from RAP Conventions -Vol. 1)
C. Kagamitan:
Lathalain: Pansit habhab; larawan ng mga sangkap na ginagamit sa
pagluluto ng pansit habhab
D. Paksa:
Ang Ating Paboritong Pagkain: Katutubong Pagkain (halimbawa, bagnet,
diningding, pinangat, kilawin)
E. Pagpapahalaga:
Wastong Nutrisyon
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid
Ibigay ang kasingkahulugan ng sumusunod na salita
(Gamitin sa pangungusap ang bawat salita)
pinakamahusay
ipinagkakapuri
halo-halong sangkap
sangkap
2. Pagganyak:
Sabihin: Anong produkto ang pinag-usapan at ginawa natin noong
isang linggo.Ang isa pang produkto na natatangi at kina
gigiliwan ay mga pagkain.
Itanong: Anong pagkain ang paborito mo? Bakit?
( Gumawa ng paraan ang guro ana sabihin ng isa sa
mga bata na ang paborito ay pansit.Kung wala pa ring
magsabi sabihin ng guro na ang pansit ang paborito
niya.) (Pansit Habhab)
28

Ano ang paborito mong luto ng pansit?


Ano-anong sahog ang inilalagay sa paborito mong luto ng pansit?
3.

Pangganyak na tanong
Itanong: Kung paglulutuin natin ng Pansit Habhab ang iyong
nanay sa iyong kaarawan,paano mo malalaman ang
tamang sahog.
Anong tanong ang itatanong mo sa nanay mo?
Tanong:
Ano-ano ang sahog ng Pansit Habhab?
Sagutin nga natin. Isulat ito sa loob ng mga bilog.

Sabihin: Mamaya tingnan natin kung tama ang mga


isinulat ninyo sa loob ng mga bilog.
4.

Pagbibigay pamantayan sa pagbasa

B. Gawain habang nagbabasa


5.Pagpapakilala ng guro sa lathalain. Magbigay ng ilang
kaalaman kung ano ang lathalain.
6.Pagbasa ng guro sa lathalain na nasa tsart nang tuloy tuloy at
may wastong tono at tamang bigkas ng mga salita.

29

Pansit Habhab
Ang Quezon ay isang lalawigang sakop ng Rehiyon IV-A.
CALABARZON. Dito matatagpuan ang bayan ng Lucban, isang tanyag na
lugar dahil sa Pahiyas Festival at ang ipinagmamalaking masarap na Pansit
Habhab. Ito ay pansit na may halong tinadtad na baboy at mga gulay. Ang
paglalagay ng suka ay nakada dagdag ng sarap sa pagkaing ito.Gayundin
and kakaibang pamaraan ng pagkain nito na pahabhab. Ganito ang wastong
pagluluto ng Pansit Habhab.
1. Hiwain ang karne ng baboy at iprito
2. Igisa ang bawang at sibuyas. Isama ang sayote, carrot, at baguio
beans.
3. Lagyan ng sabaw ng pinakuluang buto-buto ng baboy.
4. Ihalo ang pritong baboy.
5. Ilagay ang Pansit Lucban.
6. Haluin hanggang maluto ang pansit.
7. Ilagay sa dahon ng saging.
8. Lagyan ng suka para mas sumarap.
9. Kainin nang mainit pa.

Ikalawang araw
Magbalik-aral sa lathalaing binasa na tungkol sa Pansit Habhab
ng Lucban, Quezon.
Basahin itong muli.
6. Ugnayang Gawain;
1.Balikan ang hinuhang sagot ng mga bata tungkol sa mga sangkap
sa pagluto ng Pansit Habhab.Iugnay ito sa binasang lathalain upang
malaman kung tama ang kasagutan ng mga mag-aaral.Isulat sa bilog
ang kulang na sagot.Ipabasa ito sa mga bata.
7.Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I Bilhin natin
Sa pagluluto ng Pansit Habhab, kailangan natin ng pansahog.
Gumawa ng listahan ng pansahog sa Pansit Habhab.

Mga Sahog sa Pansit Habhab


___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
Pangkat II Sundin Natin
Isulat ang pamamaraan sa pagluluto ng Pansit Habhab.

30

Paraan ng pagluluto ng Pansit Habhab


Una:
Ikalawa:
Ikatlo:
Ikaapat:
Pangkat III Ipagmalaki Natin
Ang Lucban, Quezon ay naging tanyag dahil sa Pansit Habhab.
Pahalagahan natin ang lalawigan ng Quezon
Bigyan natin ng sertipiko ng pagkilala.Punan ang patlang sa
loob ng Sertipiko ng Pagkilala
SERTIPIKO NG PAGKILALA
Ipinagkakaloob sa lalawigan ng _____________________________
bilang pagkilala sa tanyag na pagkaing _______________________ na
ipinagmamalaki ng mga taga Lucban.
Ipinagkaloob ngayong ika ____, buwan ng __________, 2012 sa Paaralang
Elementarya ng ____________________________________

Pangkat IV Bigyan ng Pangalan


Kung papalitan ninyo ang pangalang Pansit Habhab, anong
pangalan ang inyong ipapalit? Bakit?

_____________________
Pangalan
Dahilan:
1. ______________________________________________
2. ______________________________________________

7. Pagtalakay:
a. Anong lathalain ang binasa natin?
Saang lugar ito pangunahing pagkain?
Ano-ano ang sahog ng Pansit Habhab?
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I
b.

Ano ang nagpapasarap sa pansit habhab?


Paano niluluto ang pansit habhab?
Ang pamamaraan sa pagluluto ay sasabihin sa atin ng
pangkat II
c. Sapagkat ang Pansit Habhab ay katangitanging pagkain at sa
Lucban ,Quezon lamang makikita,ano ang dapat nating
gawin? Tingnan natin kung ano ang ginawa ng Pangkat III.
31

Pagkalooban ng sertipiko ng pagkilala ang Lucban, Quezon


na ibibigay ng Pangkat III.
d.

Kung nais ninyong magnegosyo ng pagkaing tulad ng


pagluluto ng pansit anong pangalan ang ibibigay mo sa iyong
nilutong pansit? Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat
IV.

Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Balik-aral:
Wastong paggamit ng pantukoy na Ito, Iyan, Iyon: Dito,
Diyan, Doon sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga nakikita
ng mga mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan.
3. Aralin:
Pagganyak:
Magpapaskil ng larawan ang guro sa ibat ibang bahagi ng silid-aralan.
Sabihin: Nais kong tumayo kayo at umikot sa loob ng ating silid-aralan.
Hanapin ninyo ang larawan ng mga pagkaing nais ninyong
kainin. Ipakita ito sa klase at ilarawan.
(Bigyan ng pagkakataon na ang lahat ng bata ay makapagsalita
tungkol sa paborito nilang pagkain)
Itanong: Masustansiya ba ang mga paborito ninyong pagkain? Ano-ano
ang magandang dulot nito sa inyong katawan?
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng suman at latik.(Maaring ding ibang pagkain)

Itanong:

Sino sa inyo ang may gusto ng suman at latik?


Ikaw ba ang inuutusang bumili nito?
Lahat ba kayo ay kumakain ng suman at latik?
May baon ka bang suman at latik?
Kung tatanungin mo ang kaklase mo ng baon niya,ano ang
itatanong mo?
Sino sa kasapi ng iyong pamilya na ang paboritong kainin ay
suman at latik? Saan siya bumubili nito araw araw?
Sino-sino pa ang may paborito ng suman at latik sa inyong
mag-anak? Sino-sino ang umuubos sa latik na binili ng tatay.
(Isusulat ng guro ang mga pangungusap ayon sa sagot ng
mga bata )

32

Ipabasa ang sumusunod na pangungusap


a.
b.
c.
d.
e.
f.

Gusto ko ang suman at latik.


Ako ang laging inuutusan ni nanay upang bumili nito.
Lahat kami sa bahay ay kumain ng suman at latik.
May baon akong suman at latik.
Ikaw, ano ang baon mo?
Paborito rin ni tatay ang suman at latik. Bumibili siya sa palengke
araw-araw.
g. Paborito rin ito ni ate at kuya, sila ang palaging umuubos sa
suman at latik na binili ng tatay.
2. Pagtalakay
Ipabasa ang mga salitang may salungguhit
Ako
Ikaw
Siya

Kami
Kayo
Sila

Sabihin: Ang mga ito ay panghalip.


Itanong:
a. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong
nagsasalita?
b. Anong panghalip ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay
ngalan ng iyong kausap?
c. Anong panghalip ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay
ngalan ng taong pinag-uusapan?
d. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan ng ma
higit sa isang taong nagsasalita?
e. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan nang
mahigit sa isang taong kinakausap?
f. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan nang
mahigit sa isang taong pinag-uusapan?
Gabay na dapat tandaan sa paggamit ng mga panghalip:
Ako sa taong nagsasalita
Ikaw sa taong kinakausap
Siya sa taong pinag-uusapan
Kami higit sa isang taong nagsasalita
Kayo higit sa isang taong kinakausap
Sila higit sa isang taong pinag-uusapan
3. Paglalahat
Itanong:Ano ang panghalip?
Ano-ano ang mga panghalip?
Kailan ginagamit ang panghalip na ako/ikaw/siya?
Kailan ginagamit ang paghalip na kami, kayo, at sila?
33

Panghalip Pamalit sa ngalan ng tao


Panghalip
Ako, Ikaw, Siya

Gamit
Pamalit sa ngalan ng isang tao.

Kami, Kayo, Sila

Pamalit sa ngalan ng higit sa isang


ngalan ng tao.

Ikaapat na araw
1. Pinatnubayang pagsasanay
a. Usapang magkapareha
Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na magkuwento tungkol sa
kanilang paboritong pagkain, o paboritong pagkain ng kanilang maganak.
Halimbawa:
Kapareha 1: Paborito ko ang _______.
Palagi akong ipinagluluto ni nanay ng masarap na
______. Ikaw, ano ang paborito mo?
Kapareha 2: Mahilig akong kumain ng minatamis na saging. Tuwing
linggo ay ipinagluluto ako ni nanay nito, kaya mahal na
mahal ko siya.
Kapareha 1: Mahal ko si nanay, mahal ko si tatay. Mahal ko silang
dalawa.

34

b. Lobong Nagsasalita
Sabihin: Isulat ang nawawalang panghalip sa loob ng lobo upang
mabuo ang usapan ng nanay at ng anak.
Pupunta ___ ng
ate mo sa
grocery.
Sasama ka ba?

Opo, sasama ____

Huwag ka
nang
sumama.Hindi
rin sasama sina
tatay at kuya .
____ na ang
magbantay
kay bunso.

____ na lang po ni
ate ang pumunta
sa grocery.
Maglalaro na lang
po ___ ni bunso.

Mag-ingat po ____.
Aalis na _____.

35

c. Pag-isipan agad
Sabihin: Gamitin ang panghalip sa sumusunod na sitwasyon.
1. Nais mong makipagkilala sa iyong bagong kamag-aral,
ano ang sasabihin mo?
2. May dumating na bagong guro sa inyong paaralan, nais
mong tanungin kung siya ang magtuturo sa inyong klase,
ano ang sasabihin mo?
3. Nakita mong basag ang paso sa harapan ng inyong
bahay, may mga batang naglalaro, ano ang itatanong
mo?
2. Malayang pagsasanay
Mahiwagang mga Kahon
Sabihin: Kumuha ng larawan sa loob ng mga kahon . Magbigay ng mga
pangungusap ayon sa larawan gamit ang panghalip.

Ikalimang araw
1. Paglalapat:
Sumulat ng awit/ tula/ biro/ bugtong o maikling kuwento tungkol sa inyong
naging karanasan sa paghahanda o sa pagluluto ng iyong mga
paboritong pagkain.
Gumamit ng wastong panghalip.
Gumamit ng tamang bantas, malaki at maliit na letra at wastong ayos ng
mga salita.
Tatawag ang guro ng bata upang basahin ang kanyang ginawa.
2. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang tamang panghalip

36

a. Ako/ko

b. Ikaw

c. Siya

d. Kami

e. Sila

IV. Takda
Iguhit ang inyong paboritong pagkain at magkuwento tungkol dito.

37

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-24 Linggo
b. Layunin:
1. Nakagagamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipakita ang
pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa isang paksa o mga paksang
tinalakay
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na
dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan
4. Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang
pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang
kita.
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa
pangungusap
7. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento
na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng
unang pangungusap sa talata, at may kaayusan
8. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat
ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling
kuwento at iba pa
9. Nagagamit ang mga salitang pautos sa pagbibigay ng dalawa hanggang
tatlong payak na panuto sa angkop na pamamaraan
10. Nakatutukoy at nakagagamit ng mga salitang magkasingkahulugan,
magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang
kahulugan
11. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi
12. Nakapagpapahayag ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto
upang maipakita ang sagot sa mataas na antas na tanong.
13. Nakasasagot ng mga mataas na antas na tanong tungkol sa mga
pangyayari sa paaralan, pamayanan, kalagayan, usapin, balita sa radyo,
at balitang lokal
II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika :
Paggamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipakita
ang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa isang paksa o mga
paksang tinalakay.
2. Pagkilala ng Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salita sa talaan ng dagdag na
dahon ng aklat.

38

b. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may


matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan.
3. Katatasan:
Pagbasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga
salitang pang-unang baitang na may mataas na antas nang 100
bahagdan sa unang kita.
4. Pagbabaybay:
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan.
b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginamit sa
pangungusap.
5. Pagsulat:
Pagsulat ng payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento
gamit ang wastong bantas, malaking letra, pasok ng unang
pangungusap sa talata at may kaayusan.
6. Paglikha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat
ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling
kuwento at iba pa.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng dalawa
hanggangtatlong payak na panuto sa angkop na pamamaraan.
8. Talasalitaan:
Pagtukoy at paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan,
magkasalungat, magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang
kahulugan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi.
b. Pagpapahayag ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto
upang maipakita ang sagot sa mataas na antas na tanong.
c. Pagsagot ng mga mataas na antas na tanong tungkol sa mga
pangyayari sa paaralan, pamayanan, kalagayan, usapin, balita sa
radyo, at balitang lokal.
B. Sanggunian:
- K to 12Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write - Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)
- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone,
2010)
- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL
Philippines MTB-MLE Consultants
C. Kagamitan:
Larawan, tuntunin sa paaralan, diyaryo

39

D. Paksa:
Pagiging mabuting mamamayan
(Pagsunod sa mga tuntunin sa trapiko, tuntunin sa tamang paraan ng
pagtatapon ng basura, recyling, at curfew)
III.

Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid
a. Pag-awit ng Lupang Hinirang (sa pamamagitan ng kilos)
Itanong sa mga bata kung ano ang tamang kilos kapag inaawit
ang Lupang Hinirang.
b. Wastong pag-aalaga ng halaman(sa pamamagitan ng larawan)
c. Paano ang wastong pag-aalaga ng halaman
d. Palakaibigan(sa pamamagitan ng contextual clues)
e. Magkaibigan sina Mark at Luis. Kaibigan din ni Mark si Tony at
Peter. Palakaibigang bata si Mark.
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng isang paaralan
Itanong: Ano ang ginagawa ng mga bata sa paaralan?
Dapat bang nasa paaralan ang mga batang katulad
ninyo? Bakit?
3. Pangganyak na Tanong
Itanong : Alam ba ninyo ang mga tuntunin sa ating paaralan?
Ano-ano ang mga ito?

B. Gawain habang nagbabasa


a. Basahin ng guro ang mga tuntuning nakasulat sa tsart nang may
wastong bigkas, lakas ng boses, at gamit ng wastong bantas.
b. Babasahin muli ng guro ang mga tuntunin. Gagayahin ng mga bata
kung paano binasa ng guro ang mga tuntunin.
c. Babasahin ng mga bata ang mga tuntunin nang may wastong bigkas,
lakas ng boses, at gamit ng wastong bantas nang pangkatan,
dalawahan at iisahan.
Mga Tuntunin sa Paaralan
May mga tuntunin ang bawat paaralan. Tuntunin ang nagsasabi kung
ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng paaralan. Ang mga
sumusunod ay mga tuntunin ng ating paaralan.
1. Pumasok sa takdang oras.
2. Magsuot ng tamang uniporme.
3. Igalang ang mga kawani ng paaralan tulad ng guro,
punong-guro,diyanitor, guwardiya, at mga kawani sa kantina.
40

4. Gamitin nang wasto ang mga kagamitan sa paaralan .


5. Huwag tapakan o sirain ang mga pananim sa paligid ng
paaralan.
6. Makiisa sa pagpapanatili sa kalinisan ng paaralan.
7. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan.
8. Mahalin at igalang ang kapwa mag-aaral.
9. Awitin nang may paggalang ang Lupang Hinirang.
Ikalawang Araw
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Ugnayang Gawain
Pangkatin ang mga bata at bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: Alamin Mo!
Isulat sa loob ng kahon ang mga tuntuning dapat sundin
ng mga mag-aaral.

Paano mo
ipapakita ang
pagmamahal sa
kaibigan?
withfriends?

Ako
ay______

Saan dapat
itapon ang mga
basura?

Paano mo
ipakikita ang
paggalang sa
mga guro?

Pangkat II: Iguhit Mo


Gumuhit ng larawang nagpapakita ng inyong pagsunod sa mga tuntunin sa
paaralan.

Pangkat III: Pangako


Sa isang kartolina, sumulat ng isang pangako tungkol sa
pagsunod sa tuntunin sa paaralan. Isulat ang inyong pangalan sa
ibaba nito.
2. Talakayan
a. Ano- ano ang tuntunin sa paaralan?
b. Dapat bang sundin ang mga ito? Bakit?
41

Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I.


c. Sumusunod ba kayo sa mga tuntunin sa paaralan?
d. Ano-anong tuntunin ang inyong sinusunod?
Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat II.
e. Bilang mag-aaral, nangangako ba kayong magiging
masunurin
sa mga alituntunin ng paaralan?
Pakinggan natin ang pangako ng Pangkat III.
Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Pagganyak
Sabihin: Kung ang inyong pangkat ay inatasang maglinis ng ating
silid -aralan, paano mo bibigyan ng kanya-kanyang gawain
ang iyong mga kasama? Isusulat sa pisara ng lider ng bawat
pangkat ang dapat gawin.
Halimbawa:
Walisan nang maayos ang sahig.
Itapon ang mga basurang papel sa tamang basurahan.
Punasan nang maayos ang mga bintana at mesa.

2. Paglalahad/Pagtalakay
Itanong: Kung nais mong utusan ang iyong kasama upang walisan
ang paligid ng paaralan paano mo ito sasabihin?
Nakita mong may papel na nakakalat sa ilalim ng upuan ng
iyong kamag-aral, ano ang sasabihin mo?
Inutusan ka ng iyong guro na punasan ang mga bintana, ano
kaya ang sasabihin ng guro?
(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.)
Paano ang tamang pag-uutos? Ano-anong salita ang dapat
gamitin kapag nag-uutos?
3. Paglalahat
Itanong: Anong salita ang ginagamit kapag ang pangungusap ay
nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap.
Ginagamit ang mga salitang Paki, Maaari po ba? at Puwede po
ba? kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos o
pakikiusap.
Ikaapat na araw
4. Pinatnubayang Pagsasanay
A. Hikayatin ang mga batang makiisa sa gawaing pang-isahan
Paggawa ng bangkang papel
a. Kumuha ng isang pirasong papel.
b. Itiklop ang gitnang bahagi ng papel.
42

c. Itiklop nang patatsulok ang kaliwa at kanang bahagi ng papel.


d. Maaari ring tiklupin nang pabaliktad ang ibabang bahagi ng
papel.
e. Itiklop nang patatsulok ang papel at hilahing pabukas upang
maging anyong bangka.
5. Malayang Pagsasanay
Magpasulat sa mga bata ng 5 pangungusap na pautos o pakiusap.
Ikalimang Araw
1. Paglalapat
Sasabihin ko, Sundin Mo!
Humanap ng kapareha. Ang unang bata ay magbibigay ng utos gamit
ang salitang paki, maaari ba? at puwede ba?. Ang ikalawang
bata ang susunod sa mga utos.
2. Pagtataya
A. Basahin ang pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung
ang pangungusap na pautos ay ginamit nang wasto at
malungkot na mukha kung hindi.
1. Pakilagay ang baso sa mesa.
2. Bilisan mo ang paghuhugas, ang bagal mo!
3. Maaari bang damputin mo ang basurang papel sa ilalim ng
upuan?
4. Pakikuha ang lapis ko sa bag.
5. Magpalit ka ng damit.
B. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap na pautos
ayon sa larawan.
Iguhit ang larawan ng 2 batang nagdidilig at nagtatanim ng mga
halaman sa hardin.
3. Kasunduan
Gamitin ang salitang Paki , Maaari po ba?, at Puwede po ba?
sa inyong pang araw-araw na gawain.

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-25 Linggo
I.

Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipaliwanag
ang paksang tinalakay

43

2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na


dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan
4. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono,
pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang unang baitang
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutunan
6. Nakagagamit nang wasto ng mga salitang pautos sa pangungusap.
7. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento
na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng
unang pangungusap sa talata, at may kaayusan
8. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat
ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling
kuwento at iba pa
9. Nakagagamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng apat hanggang
anim na payak na panuto sa ibat ibang pamamaraan (hal. pagluluto ng
kanin).
10. Nakatutukoy ng mga salitang pinaikli. (ako at ikaw akot ikaw, ako ay
babae-akoy babae)
11. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi
12. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang
kuwento, alamat, at iba pa
13. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping
pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radyo
at iba pa
II. Paksa
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipaliwanag ang
paksang tinalakay.
2. Pagkilala ng Salita:
Pagbasa sa unang kita ng mga salita sa talaan ng dagdag na dahon ng
aklat.
Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may mataas
na antas ng mga salita.
3. Katatasan:
Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono,
pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang unang baitang.
4. Pagbabaybay:
Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutunan.
44

Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa


pangungusap.
5. Pagsulat:
Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento na
sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok
ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan.
6. Paglikha
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat ibang
layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at
iba pa.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng apat hanggang anim
na payak na panuto sa ibat ibang pamamaraan (hal. pagluluto ng kanin).
8. Talasalitaan:
Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.
9. Pag-unawa sa Binasa:
Paghinuha sa damdamin ng tauhan ayon sa kanilang kilos at sinasabi.
Pagbanggit ng suliranin at angkop na kalutasan sa binasang kuwento,
alamat at iba pa.
Pagbanggit ng suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping
pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radyo
at iba pa.
B. Sanggunian:
a. K to 12 Curriculum
b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their
First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis
Malone, 2010)
c. Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone,
2010)
d. Language Curriculum Guide by SIL International and SIL
Philippines MTB-MLE Consultants
C. Kagamitan:
Larawan, kuwento, tula, Venn Diagram
D. Paksa
Mga Pagdiriwang sa Ating Pamayanan (pista, pagtitipon)
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid ( sa tulong ng larawan)
45

a.

pista

b.

pansahog

c.

kiping

d.

turista

e.

tradisyon

2. Pagganyak
Itanong: Ano ang karaniwang ginagawa natin kapag pista?
Ano ang mga nangyayari kapag pista?
Paano tayo naghahanda para sa ating mga bisita?
3. Pangganyak na tanong
Bakit naiiba ang Pista ng Pahiyas?
B. Gawain habang nagbabasa
-Pagbasa ng kuwento gamit ang Malaking Aklat.
-Babasahin ito ng mga bata nang may tamang bigkas, tono at diin nang
lahatan, dalawahan, at isahan.
ANG PISTANG NAIIBA
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing
ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Nagpapasasalamat ang mga
magsasaka sa masaganang ani sa kanilang patron na si San Isidro
Labrador. Isinasagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada at
46

prusisyon ng imahe ni San Isidro . Lahat ng bahay sa bayan ay


napapalamutian ng kanilang ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak,
dahon, 'pako,' at 'kiping' na nagpapakulay sa pagdiriwang.
Makukulay na kiping ang pinakatradisyunal at kaakit-akit na palamuti
Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang dahon ng
"caba" at iba pang mga dahon. Kinukulayan ito ng fuschia, pula, dilaw,
berde, at iba pang matitingkad na kulay. Bawat taon, umiikot ang mga
turista sa lugar upang masaksihan ang paglalagay ng mga palamuti.
Naghahanda sila ng maraming pagkain na may ibat ibang sahog. Tradisyon
ng mga taga-Lucban tuwing Pista ng Pahiyas ang magsabit ng produktong
inani sa mga bintana at pinto bilang pasasalamat sa kanilang patron. Kaya
ito ang pistang naiiba sa lahat.
Ikalawang araw
C. Gawain Pagkatapos Bumasa
1. Ugnayang Gawain
Pangkat I: Gawing Makulay
Iguhit at kulayan ang mga nakikita kapag may Pista ng Pahiyas.
Pangkat II: Maging Makata
Punan ang patlang ng angkop na salita o parirala para sa tula.
Ang Pistang Naiiba
Ang pista sa amin ay ________
Nagdaratingan ang mga bisita
Sina tatay at nanay ay ________
Kaya __________ kaagad inihahanda.
Ang pista sa amin ay masaya.
Maging mga_____________.
Dumarating sila.
Sa pista namin na _________.
Pangkat III: Kamera, Aksiyon!
Isadula/ Ipakita ang nagaganap kapag may pista.
Pangkat IV Collage
Gumupit ng mga larawan ng pagkain na inihahanda sa pista
at idikit sa kartolina.
2. Pagtalakay
a. Anong makulay na pista ang ipinagdiriwangsa Lucban, Quezon?
Ano-ano ang makikita sa Pista ng Pahiyas ?
Tunghayan ang ulat ng Pangkat I.
b. Paano natin ipinakikita ang pagiging magiliw sa mga panauhin?
47

Pakinggan ang Tula ng Pangkat II.


c.

Paano pinahahalagahan ng mga tao sa Lucban,Quezon ang


pagdiriwang ng Pista ng Pahiyas?
Panoorin ang pagsasadula ng Pangkat III

d. Ano-ano ang inihahandang pagkain sa pagdiriwang ng pista?


Pakinggan ang pag-uulat ng Pangkat IV.
e. Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa
mahahalagang kaugalian at tradisyon ng iyong pamayanan?
3. Karagdagang Gawain
Ipinagdiriwang ang pista saan mang lugar. Isulat mo ang nais at di
nais sa pagdiriwang nito sa pamamagitan ng Venn Diagram

Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Balik-aral
Itanong: Ano ang nais natin sa pistahan?
Ano -ano ang bagay na ginagamit natin kapag tayo ay
kumakain?
Ano ang ginagawa mo sa mga bagay na ito pagkatapos
kumain?
Ano ang tamang paraan ng paghuhugas ng mga bagay na
ginagamit sa pagkain?
2. Paglalahad
Bumuo ng apat na pangkat.
Ang bawat pangkat ay susulat ng 4-6 na panuto kung paano huhugasan
ang mga gamit sa pagkain. Gamitin ang pangunguasap na pautos.
3. Pagtatalakay
Ano-ano ang mga panuto o direksiyon sa tamang paghuhugas ng mga
gamit sa pagkain?
Pakinggan ang ulat ng bawat pangkat.
4. Paglalahat
Itanong: Ano ang mga salitang ginagamit sa pag-uutos o pakikiusap?
48

May mgasalita na ginagamit sa pag-uutos. Ginagamit ito kung nagsasabi ng


panuto o direksiyon.
Halimbawa: ilagay, pakibigay, maaari ba, puwede ba at iba pa.
Ikaapat na araw
5. Pinatnubayang Pagsasanay
Usapang magkapareha/diyalogo:
a. Humanap ng kapareha.
b. Pag-usapan ng bawat magkapareha kung paano nila aayusin ang
kanilang higaan pagkagising sa umaga.
( Subaybayan ng guro ang pag-uusap ng bawat magkapareha).
Gawin Natin
(Larawan ng isang batang lalaki)
a. Sabihin sa mga bata na kumuha ng lapis at papel.
b. Hayaang mapanood ng mga bata kung paano iginuguhit ng guro ang
larawan ng isang batang lalaki.
c. Ipasulat sa mga bata ang mga panuto habang gumuguhit ang guro.
d. Ipaulat sa mga bata ang mga panuto kung paano
gumuhit ng larawan ng isang batang lalaki.

6. Malayang Pagsasanay
Sumulat ng 4-6 na simpleng panuto tungkol sa pagtitimpla ng gatas.
Ikalimang araw
7. Paglalapat
Mga dapat gawin bago pumasok sa paaralan
Pangkatin ang mga bata sa tatlo.
Pag-usapan ng bawat pangkat ang mga dapat gawin bago pumasok sa
paaaralan gamit ang pautos o pakiusap na salita.
8. Pagtataya
A. Punan ang patlang ng angkop na salitang pautos. Tingnan ang
wastong baybay. Pumili ng angkop na salita sa loob ng kahon.
Magdala
Banlawan

Sabunin Dalhin
Linisin

49

Tamang Paliligo
Maagang gumising si Ana. Inihanda niya ang mga kailangang gamitin sa
paliligo.
_______ ka ng tuwalya sa banyo. Huwag mong kalilimutan. sabi ni
nanay Linda.
Opo, nanay. sagot ni Ana.
Para maging malinis ang iyong katawan, ganito ang gagawin mo.
_________ nang maayos ang iyong katawan. _________ nang maayos
ang iyong ulo at ang buo mong katawan.

B. Karagdagang Gawain
Isulat ang mga salita o parirala sa inyong papel.
( Ididikta ng guro ang mga salita.)
pista
turista
pakibigay Itupi ang papel
gawin
9. Takda
Itanong sa iyong nanay kung paano magluto ng sinaing. Sumulat ng 4-6
na panuto gamit ang mga salitang pautos.

Appendices

ANG PISTANG NAIIBA


Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing
ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Nagpapasasalamat ang mga
magsasaka sa masaganang ani sa kanilang patron na si San Isidro
Labrador. Isinasagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada at
prusisyon ng imahe ni San Isidro . Lahat ng bahay sa bayan ay
napapalamutian ng kanilang ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak,
dahon, 'pako,' at 'kiping' na nagpapakulay sa pagdiriwang.
Makukulay na kiping ang pinakatradisyunal at kaakit-akit na palamuti
Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang dahon ng
"caba" at iba pang mga dahon. Kinukulayan ito ng fuschia, pula, dilaw,
berde, at iba pang matingkad na kulay. Bawat taon, umiikot ang mga turista
sa lugar upang masaksihan ang paglalagay ng mga palamuti. Naghahanda
sila ng maraming pagkain na may ibat ibang sahog. Tradisyon ng mga tagaLucban tuwing Pista ng Pahiyas ang magsabit ng produktong inani sa mga
bintana at pinto bilang pasasalamat sa kanilang patron. Kaya ito ang pistang
naiiba sa lahat.
50

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-26 na Linggo
I. Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakabibigkas ng kuwento, alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa na
may wastong bilis, kawastuhan, diin, at paghahati (paghahati, pagtigil,
diin)
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na
dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan
4. Nakababasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng mga
salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono,
pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang unang baitang
6. Nakababaybay ng mga salitang natutuhan
7. Nakababaybay ng mga salitang kilos na nasa pangungusap
8. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat
ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling
kuwento at iba pa
9. Nakagagamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan
10. Nakatutukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat,
magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan
11. Nakatutukoy ng mga salitang pinaikli
12. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos at
sinasabi
13. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang
kuwento, alamat, at iba pa
14. Nakababanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga usaping
pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan, balita sa radyo
at iba pa
15. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng
maraming kuwento
II. Paksang Aralin:
A. Tema
1. Pabigkas na Wika:
Pagsasabi ng kuwento, alamat, pabula, biro, patalastas, at iba pa
na may wastong bilis, kawastuhan, diin, at paghahati (paghahati,
pagtigil, diin).
2. Pagkilala ng Salita:
51

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag


na dahon ng aklat.
Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan.
Katatasan:
Pagbasa nang kusa, wasto, may diin, at tamang paghahati ng
mga salita sa tekstong pang-unang baitang sa unang kita.
Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong
tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa
tekstong pang -unang baitang.
Pagbabaybay:
Pagbaybay ng mga salitang natutuhan.
Pagbaybay ng mga salitang kilos na nasa pangungusap.
Pagkatha:
Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa ibat
ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling
kuwento at iba pa.
Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit nang wasto ng mga salitang nagsasaad ng kilos sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan.
Talasalitaan
Pagtukoy ng mga salitang magkasingkahulugan, makasalungat,
magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan.
Pagtukoy ng mga salitang pinaikli.
Pag-unawa sa Binasa:
Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos
at sinasabi.
Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa binasang
kuwento, alamat, at iba pa.
Pagbanggit ng mga suliranin at angkop na kalutasan sa mga
usaping pampaaralan at pampamayanan, pangyayari, kalagayan,
balita sa radyo at iba pa.
Saloobin hinggil sa panitikan:
Pagpahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang
pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang
pagbabasa ng maraming kuwento.

B. Sanggunian:
K to 12Curriculum
Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their
First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis
Malone, 2010)
Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from
RAP Conventions -Vol. 1)
Beginning Reading Instructional Guide To Help Teachers.
C. Kagamitan:
Malaking Aklat, larawan, Mahiwagang Kahon, task card
52

D. Paksa:
Ang Ating Pagdiriwang, Paniniwala, Kultura, Kaugalian
E. Pagpapahalaga:
Pagiging maalalahanin at mapagmahal
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang araw
Laro: Maghanda ang guro ng mga flashcard ng salitang natutuhan na ng
mga bata.
Gawin ito nang pangkatan.
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid.
sementeryo- (larawan)
lapida- (larawan)
puntod- (larawan)
kaugalian- (sa pamamagitan ng context clue)
2. Pagganyak
Itanong: Nakapunta na ba kayo sa sementeryo? Ano ang inyong
ginagawa sa sementeryo?
Ano ang dinadala ninyo papunta sa sementeryo? Bakit
kayo pumupunta sa lugar na ito?
Sabihin: Magbabasa tayo ngayon ng kuwento tungkol sa
dalawang bata kasama ang kanilang lola patungong
sementeryo. Ano ang nais ninyong malaman tungkol
dito?
3.Pangganyak na Tanong
Balit pumunta ang lola at mga bata sa sementeryo?
B. Gawain habang nagbabasa:
Pagpapakita sa aklat. Pag-uusap tungkol sa nakikita sa
aklat.
Pagbasa sa pamagat ng kuwento. Pagtalakay tungkol
dito
Pagpapakilala sa may-akda at ang gumuhit ng aklat.
(Malaking Aklat)
Pagbuklat sa mga pahina ng aklat.Maikling pag-uusap
tungkol dito.
Sabihin: Tingnan ang pabalat ng aklat. Ano ang inyong nakikita?
Ito ay isinulat ni ________________________
Iginuhit ni _____________________________
Sino ang sumulat ng kuwento?
Sino ang gumuhit?
Buksan ang bawat pahina ng aklat.
53

Itanong: Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Pagbasa ng guro o ng isang batang nagboluntaryo
sa teksto nang tuloy tuloy.
Pagbasa ng guro at mga bata sa teksto nang may
paghinto at pagtatanong sa kung ano ang
sunod na maaaring mangyari.
Araw ng mga Patay
ni Nida C. Santos
Maagang gumising si Lola Sayong. Naghanda siya ng
kanilang dadalhin papunta sa sementeryo. Kasama niya ang
kanyang dalawang apo na sina Agnes at Angelito. May dala silang
mga kandila at bulaklak. Lola bakit po tayo pupunta ng
sementeryo ngayong araw na ito? tanong ng dalawang bata.
Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ikaisa ng Nobyembre, Araw
ng mga Patay. Inaalaala natin ang mga yumaong mahal sa buhay
tulad ng inyong Lolo Pedring. Magdadala tayo ng magagandang
bulaklak at kandila.Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa
langit.
Pagpasok nila sa sementeryo, maraming tao ang may
dala-dalang mga bulaklak at kandila. Lola Sayong ang dami po
palang pumupunta sa sementeryo kapag araw ng patay at
nagsasama-sama ang pamilya, ang sabi ni Agnes. Kinaugalian
na nating mga Pilipino na alalahanin ang araw ng mga patay
tuwing ganitong petsa. Nagluluto ang pamilya ng ibat ibang
matamis na kakanin tulad ng biko, suman, at binusang pinipig. At
siyempre may kanin at ulam din.
Pagkatapos magkuwentuhan, nagbasa na si Angelito ng
mga pangalan na nakasulat sa bawat lapida ng puntod. Atty.
Danilo Asnar, Arch. Milagros Casao, Dr. Maning Juan, Engr. Lita
Andal. Maraming pangalan ang binasa ni Angelito sa mga lapida
at sabay sambit kay Lola Sayong, Sige Lola sa susunod na taon
sasama muli kami.
Ikalawang araw
Gawain pagkatapos bumasa
4.(Balikan ang kuwentong " Araw ng mga Patay ")
Itanong: Ano ang pangalan ng batang lalaki at babae sa
kuwento?
Saan sila nagpunta?
Sino ang kasama nilang pumunta sa sementeryo?
Ano-ano ang mga dala nila papunta sa sementeryo?
Bakit? Ano ang mahalagang inalaala kapag ika-1 ng
Nobyembre ?
54

Sabihin: Ikuwentong muli ang kuwento.


5. Ugnayang Gawain ( Pangkatang Gawain)
Pangkat I: ILISTA MO
Ano ang mga bagay na inihahanda kung araw ng mga patay?
Ilista mo.
Pangkat II: IGUHIT MO
Ano ang ibig ipakahulugan ng araw ng mga patay?
Iguhit at ilarawan ang mga nangyayari sa araw ng mga patay.
Pangkat III: IPAKITA MO
Ano ang puwede mong gawin sa sementeryo kung wala kang dalang
kandila at bulaklak? Maaari ka bang pumunta sa sementeryo kahit wala
kang dala? Ipakita mo ang maari mong gawin.
Pangkat IV: ISULAT MO
Sumulat ng mga salita na nagpapakita ng kilos sa kuwentong napakinggan.
6. Pagtalakay sa Gawain:
Itanong: Saan nagpunta sina Lola Sayong at ang dalawang bata noong
Ika-1 ng Nobyembre ?
Sino ang dalawang batang tinutukoy sa kuwento?
Ano-ano ang kanilang dinala sa sementeryo?
Ano ang kanilang ginawa sa sementeryo?
Bakit may dala-dala silang mga kandila at bulaklak?
Ano ang inaalala ng mga tao sa araw na ito?
Ano-ano ang inihahanda ng mga tao kung araw ng mga patay?
Pangkat 1,ipakita ninyo.
Itanong:
Marami ba ang tao sa sementeryo?
Ano ang kahulugan ng araw ng mga patay sa mga tao?
Ano-ano ang mga pangyayari sa araw ng mga patay?
Pakinggan at panuurin natin ang Pangakat 2.
Itanong:
Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa sementeryo?
Kung wala kang dalang kandila at bulaklak sa sementeryo,ano
maari mong gawin?
Panoorin natin ang Pangkat 3.
Itanong:
Maraming tao sa sementeryo,ano-ano ang ikinikilos nila?
Tingnan natin kung magkapareho kayo ng sagot ng Pangkat 4.
Talakayin ang ginawang gawain ng bawat pangkat. Isulat
ang mga kasagutan sa tsart. Basahin nang pabigkas nang
wasto.

55

Pangkat

Gawain

Kasanayang
Binigyang-pansin

Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Panimulang Gawain
Maglaro ng Charades.
Pumili ng batang nagboluntaryo na gagawa ng kilos na huhulaan ng
kamag-aral.
Tanungin ang mga bata kung ano ang isinakilos.
Hayaang magbahagi ang mga mag-aral ng sagot sa itatanong ng guro.
Halimbawa:.
Ano ang ginagawa mo kapag araw ng mga patay?
2. Paglalahad
Itanong:
Sa kuwento natin,saan nagpunta ang lola at dalawang bata?
Ano-ano ang ginawa nila sa sementeryo?
Sino sa inyo ang pumupunta sa sementeryo kapag araw ng
mga patay?
Ano ang ginagawa mo sa araw ng pag-aalaala?
Isulat ng guro sa pisara ang sagot ng mga bata.
Mga kasagutan:
1. Nagdarasal kami sa sementeryo.
2. Nagdadala kami ng mga bulaklak sa sementeryo.
3. Nagtitirik ng kandila.
4. Nagkukuwentuhan ang magkamag-anak
5. Nagkakainan ng mga dalang pagkain.
6. Nagbabasa ng mga pangalan na nakasulat sa lapida.
Itanong: Ano-anong salita ang nagsasaad ng kilos? Basahin.
3. Paglalahat
Itanong: Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos?
4. Pinatnubayang Pagsasanay
i. Tingnan ang mga larawan. Ipakilos sa mga bata ang gawain ng
isang katulong sa pamayanan at ipasabi sa isang bata kung ano ang
ginagawa nito.
Halimbawa:

56

ii. Ipakita ang larawan: ( Hayaang pag-aralan ng mga bata ang


larawan. Magtanong tungkol sa larawan)
Halimbawa:

Itanong:Ano ang kanilang ginagawa?


Isulat sa pisara ang mga kasagutan
1. Nagluto si Nanay ng suman.
( Ano ang masasabi mo sa niluto ni Nanay?)
2. Nagdarasal ang mag-anak.
( Ano ang masasabi mo sa mag-anak?)
5. Malayang Pagsasanay
Isagawa ang larong Ikikilos namin, Huhulaan ninyo. Hatiin ang
klase sa dalawang pangkat. Hayaang ipakita ng unang pangkat ang
karaniwan nilang ginagawa sa loob ng silid-aralan. Sasabihin ng
pangalawang pangkat kung ano ang kilos na ginawa ng unang pangkat.
At sa sunod ay magpalitan naman ng gagawin.
Magpakita ng larawan ng mga bata na nasa paaralan. Pagusapan kung ano ang ipinakikita ng bawat larawan.
Halimbawa:

Hayaang makapagbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan tungkol


sa pagdiriwang sa pamayanan gamit ang mga salitang kilos.
57

Ikaapat na araw
1.

Balik- aral
Natatandaan pa ba ninyo ang kuwento tungkol sa Lola Sayong at sa
dalawang bata na nagpunta sa sementeryo?
Ano ang huling ginawa ng dalawang bata noong pumunta sila sa
sementeryo?
Ano ang binabasa nila sa lapida?

2. Paglalahad
Narito ang mga pangalan na binasa ng dalawang bata.
Atty. Danilo Asnar
Arch. Milagros Casao

Dr. Maning Juan


Engr. Lita Andal

Ipabasa sa mga bata ang mga pangalan. Magtatanong ang guro tungkol
sa mga maikling salita na nasa unahan ng bawat pangalan.
Ano ang letra na mababasa sa unahan ng pangalang Danilo Asnar?
Ano ang mga letra na nasa unahan ng pangalang Milagros Casao?
Ano ang mga letra na nasa unahan ng pangalang Maning Juan?
Ano ang mga letra na nasa unahan ng pangalang Lita Andal ?
(Isulat ng guro sa pisara ang mga pinaikli o dinaglat na salita)
Atty. Attorney, tawag sa isang abogado
Arch. Architect, tawag sa isang arkitekto
Engr. Engineer, tawag sa isang inhinyero
Dr - Doktor, tawag sa isang doktor na lalaki
G. - Ginoo tawag sa isang lalaki
Gng.- Ginang tawag sa isang babae na may asawa
Bb.- Binibini tawag sa isang babae na dalaga pa
3. Pagtalakay
Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang Attorney, Architect, Engineer,
Doktor, Ginoo, Ginang, at Binibini? Paano pinaikli ang bawat salita?
Ano ang inilalagay na bantas kapag ang mga ito ay pinaiikli o
dinadaglat?
Ano ang tawag sa mga pangalang pinaikli?
4. Paglalahat
Paano tayo nagdadaglat ng pangalan?
5. Pinatnubayang Pagsasanay
Pag-ugnayin ang mga dinaglat na salita sa mga salitang pantawag .
Lagyan ng guhit.

1. Gng
2. G.
3. Dra.
4. Gob.
5. Kap.

Doktora
Kapitan
Ginoo
Ginang
Gobernador

58

6. Malayang Pagsasanay
Punan ng angkop na salitang dinaglat ang patlang upang maging buo
ang isinasaad ng pangungusap.
1. Nagpapagaling ng mga maysakit si ____ Libio M. Macatangay.
2. Tumutulong sa mahihirap ang namumuno sa aming barangay.
Nangunguna sa pagtulong si ____ Alejandro Ilagan.
3. Dalaga pa ang aming bagong guro. Siya si ____ Melanie Camacho.
4. Namigay ng mga gamit sa paaralan ang pamunuan ng Sangguniang
Panlalawigan. Pinangunahan ito ni ____ Vilma Santos Recto.
5. Maayos kaming inaalagaan ng aking inay na ____ Erlinda Salvo.
Ikalimang araw
1. Paglalapat
B. Likhain Natin:
Lumikha ng awit/ tula/ biro/ bugtong o maikling kuwento tungkol sa iyong
karanasan kapag Araw ng mga Patay. Tingnan ang wastong gamit ng
bantas, malaking letra, tamang pasok, at kaayusan. Isulat sa malinis na
papel at salunguhitan ang lahat ng salitang kilos na ginamit sa
pangungusap. (Ipabasa sa bata ang ginawa at bigyan ng angkop na
komento o papuri. Ipaskil ang kanilang ginawa.)
C. Gamitin Natin
Gamitin sa pangungusap ang mga dinaglat na salita.
1. G.
2. Gng.
6. Bb.
3. Atty.
7. Kgg.
4. Gob.
8. Dr.
5. Kap.
9. Dra.
IV. Pagtataya
Sumulat ng pangungusap gamit ang salitang kilos ayon sa larawan. Isulat ito
sa unang guhit. At sumulat ng pangungusap gamit ang dinaglat na pangalan
ng ayon sa larawan. Isulat sa pangalawang guhit.

1. _____________________
_____________________

2. _____________________
_____________________

3. _____________________
_____________________

59

4. _____________________
_____________________

5. _____________________
_____________________

Takda:
Maghanda ng ikukuwento sa klase tungkol sa iyong sariling karanasan:
1. Araw ng mga Patay
2. Pista
3. Simbang Gabi
Appendices
Stories
Araw ng mga Patay
ni Nida C. Santos
Maagang gumising si Lola Sayong. Naghanda siya ng
kanilang dadalhin papunta sa sementeryo. Kasama niya ang
kanyang dalawang apo na sina Agnes at Angelito. May dala silang
mga kandila at bulaklak. Lola bakit po tayo pupunta ng
sementeryo ngayong araw na ito? tanong ng dalawang bata.
Alam ba ninyo mga apo, ngayon ay ikaisa ng Nobyembre, Araw
ng mga Patay. Inaalaala natin ang mga yumaong mahal sa buhay
tulad ng inyong Lolo Pedring. Magdadala tayo ng magagandang
bulaklak at kandila.Ipagdarasal natin ang kanyang kaluluwa sa
langit.
Pagpasok nila sa sementeryo, maraming tao ang may
dala-dalang mga bulaklak at kandila. Lola Sayong ang dami po
palang pumupunta sa sementeryo kapag araw ng patay at
nagsasama-sama ang pamilya, ang sabi ni Agnes. Kinaugalian
na nating mga Pilipino na ipagdiwang ang araw ng mga patay
tuwing ganitong petsa. Nagluluto ang pamilya ng ibat ibang
matamis na kakanin tulad ng biko, suman, at binusang pinipig. At
siyempre may kanin at ulam din.
60

Pagkatapos magkuwentuhan, nagbasa na si Angelito ng


mga pangalan na nakasulat sa bawat lapida ng puntod. Atty.
Danilo Asnar, Arch. Milagros Casao, Dr. Maning Juan, Engr. Lita
Andal. Maraming pangalan ang binasa ni Angelito sa mga lapida
at sabay sambit kay Lola Sayong, Sige Lola sa susunod na taon
sasama muli kami.

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-27 linggo
I. Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag - aaral ay inaasahang:
1. Nakapaglalahad ng isang kuwento/ alamat/ pabula/ biro/ patalastas at
iba pa na may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto
2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na
dahon ng aklat
3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan
4. Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga
salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100
bahagdan sa unang kita.
5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na
may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng bantas
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
7. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang kilos sa ibat ibang
panahunan na ginagamit sa pangungusap
8. Nakasusulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika
para sa ibat ibang layunin ng pangungusap/ biro/ tula/ awi/ bugtong/
maikling kuwento at iba pa
9. Nakagagamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan sa ibat ibang kaayusan
10. Nakatutukoy at nakagagamit ng mga salitang magkasingkahulugan,
magkasalungat, magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang
kahulugan
11. Nakatutukoy ng mga salitang pinakli
12. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi
13. Nakikinig at nakasasagot sa kuwento, alamat, pabula at iba pa sa
pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining
14. Nakikinig at nakasasagot sa mga usaping pampaaralan at
pampamayanan, pangyayari, balita sa radyo, patalastas at iba pa sa
pamamagitan ng talakayan, larawang guhit, awit, dula-dulaan, at sining
15. Nakapagpapahayag o nakapagpapakita ng pagmamahal sa kuwento
sa pamamagitan pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan
ang pagbabasa ng maraming kuwento
61

II. Paksang Aralin:


A. Tema:
1. Pabigkas na Wika;
-Pagbigkas ng kuwento, alamat, pabula, biro, patalastas at iba pa na
may tamang bilis, kawastuhan at diin, paghahati at hinto.
2. Pagkilala sa Salita:
a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa
dagdag na dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento
na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat
pang pag-aralan.
3. Katatasan:
a. Pagbasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga
salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100
bahagdan sa unang kita.
b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala at pangungusap na
may angkop na tono, damdamin o pahiwatig, at hudyat ng
bantas.
4. Pagbabaybay:
Pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang natutuhan.
5. Paglikha:
Pagsulat nang wasto gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika
para sa ibat ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong,
maikling kuwento at iba pa.
6. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan sa ibat ibang kaayusan.
7. Talasalitaan:
Pagtukoy
at paggamit nang wasto sa mga salitang
magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim bigkas, at mga
salitang marami ang kahulugan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
Paghinuha sa damdamin ng tauhan ayon sa kanilang kilos at
sinasabi.
10. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon:
Pakikinig at pagsagot
sa mga usaping pampaaralan at
pampamayanan, pangyayari, kalalagayan, balita sa radyo,
patalastas at iba pa sa pamamagitan ng talakayan, larawang
guhit, awit, dula-dulaan, at sining.

62

11. Saloobin hinggil sa Panitikan


Pagpapahayag ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pagbabasa-basa
(browsing) at paghiling na dalasan ang
pagbabasa ng maraming kuwento.
B. Sanggunian:
a. K to 12 Curriculum
b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and
Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers
(Susan and Dennis Malone, 2010)
c. Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers
Bright
D. Kagamitan:
Lathalain, larawan at iba pa
E. Paksa:
Ang Ating mga paraan Transportasyon
- tricycle
- bisikleta
- bangka, barko
- dyip , bus, kotse
- LRT

- motorsiklo
- balsa
- pagsakay sa kabayo/kalabaw
- ang ating paa

F. Pagpapahalaga:
Pagtitipon-tipon ng mga kasapi ng mag-anak.
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid
mabilis tumakbo - (sa pamamagitan ng kilos)
nasirang hawakan ng bag - (tunay na bagay)
natanggal na sintas ng sapatos - (tunay na bagay)
masayang naglalaro - (larawan)
2. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan ng dalawang batang nakasakay sa
bisikleta. Hayaang pag-usapan ng mga bata kung ano ang kanilang
nakikita sa larawan. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng kanilang
sariling ideya tungkol sa nais ipahiwatig ng larawan.
3. Pangganyak na Tanong
Sabihin: Tingnan ang larawan sa pabalat ng aklat. Ano ang nais
ninyong malaman tungkol dito?(Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng
tanong)
63

B. Gawain habang nagbabasa


4. Ipakitang muli ang Malaking Aklat na gagamitin sa kuwento. Basahin
ang pamagat ng kuwento at sabihin kung sino ang may akda at
gumuhit ng kuwento.Magbigay ng ilang tanong tungkol sa
impormasyong ipinahayag.
Buksan ang unang pahina ng aklat. Tumawag ng bata at ipabasa
nang pabigkas ang mga pangungusap sa unang pahina.(Ganito rin
ang gawin sa sumusunod na pahina hanggang matapos ito)
Sa ikalawang pagkakataon,ipabasa ulit sa lahat ng mga bata ang
pangungusap sa bawat pahina nang pabigkas. Paghinto,
magbigay ng isa o dalawang tanong ukol sa binasa.
Ipasagot o pagbigayin ng hinuha ang mga bata.
Ikalawang Araw
.
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Muling ipabasa ang kuwentong Sina Pedro at Pablo)
Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito bago isagawa
ang ugnayang gawain.
1. Ugnayang Gawain
Pangkat I: Paborito Namin
Iguhit ang pangunahing tauhan sa kuwento.
Pangkat II: Naramdaman Namin
Iguhit ang naramdaman nina Pedro at Pablo habang sila ay
nagkakarera.
Pangkat III: Ikilos Mo
Isadula ang bahagi ng kuwentong naibigan ninyo.
Pangkat IV: Ang Galing !
Gumawa ng medalya o laso na ihahandog sa batang nanalo sa laro.
Gamitin ang karton, krayola, laso, at gunting.
2. Talakayan
Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa?
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat I
Saan lugar gustong maglaro ng mga bata?
Ano ang nangyari sa kanila sa plasa?
Bakit kaya umulan ng araw na iyon?
Ano ang nangyari sa bisikleta ni Pablo?
Ano ang naramdaman ng dalawang bata habang sila ay
nagkakarera?

64

Ipapakita ito ng Pangkat II


Sino ang nanalo sa karera?
Aling bahagi ng kuwento ang naibigan ninyo?
Isakilos ito ng Pangkat III
Naranasan na ba ninyong manalo sa isang karera o sa isang
paligsahan?
Anong premyo ang natanggap ninyo?
Bakit dapat bigyan ng premyo ang mga batang nanalo sa
paligsahan?
Bigyan natin ng medalya o ribbon si Pablo dahil siya ang
nanalo sa paligsahan.
Isasagawa ito ng Pangkat IV.
Ano-ano pang sasakyan ang ginagamit sa larong karera?
Magpakita ng larawan ng ibat-ibang sasakyan:
Sasakyang Pantubig
Panghimpapawid
bangka
barko
balsa
submarino
yate

Sasakyang Panlupa

kotse
dyip
bus
bisikleta
motorbike
tren
tricycle

Sasakyang

eroplano
helicopter
jet

Talakayin ang kahalagahan ng paggamit ng ibat ibang sasakyan at ang


naidudulot nito sa pag-unlad ng ating bansa.
Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Balik-aral
Muling ipakita ang aklat na ginamit sa kuwentong Sina Pablo at Pedro.
Ipasabi sa mga bata kung ano ang ginagawa ng dalawang bata sa plasa.
Ipasabi sa mga mag-aaral ang kilos na nasa kuwento.
2. Pagganyak:
Sabihin:May kuwento tayong binasa kahapon,ngayon naman may awit
akong iparirinig sa inyo.
Awit: Iparinig ang awit na, Mag-exercise tayo tuwing umaga.
Sabihin sa mga bata na sasabayan nila ng kilos ang bawat binibigkas sa
awit.
Itanong:
65

Tungkol saan ang awit?


Ano-anong kilos ang sinabi sa awit?
Ano-anong kilos ang ginaya ninyo?.

3. Paglalahad:
Sabihin :May mga kilos tayong ginagawa bago pumasok sa paaralan,sa
loob ng paaralan at pag-uwi sa bahay.
Ano-ano ang ginagawa ninyo bago pumasok sa paaralan, sa
loob ng paaralan, at pag-uwi sa bahay?
(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara nang pahanay
ayon sa kilos na pamanahunan tulad ng ginawa na,ginagawa pa
lang,gagawin pa lamang.
4. Talakayan
a.
b.
c.
d.

Ano-anong kilos ang ginawa na?


Ano-anong kilos ang ginagawa pa lang?
Ano-anong kilos ang gagawin pa lang?
Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang
kilos na naganap na?
e. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang
kilos na ginaganap pa?
f. Anong pantig ang idinadagdag sa unahan ng salitang
kilos na gaganapin pa lang?
5. Paglalahat
Ano-ano ang tatlong kaganapan ng salitang kilos?
Ang mga salitang kilos ay may tatlong panahunan. Ito ay ang
sumusunod:
Naganap na
Ginaganap pa
Gaganapin pa lang
Halimbawa:
Salitang-ugat
Kain
Laro
Lakad
Tayo
Ikaapat na araw

Naganap na
Kumain
Naglaro
Naglakad
Tumayo

Ginaganap pa
Kumakain
Naglalaro
Nagkakalad
Tumatayo

Gaganapin pa lang
Kakain
Maglalaro
Magkakalat
Tatayo

6. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Pagbigayin ang mga bata ng mga salitang kilos at sasabihin kung ito
ay naganap na, ginaganap, o gaganapin pa
b. Sumulat ng mga salitang kilos . Isulat ito sa loob ng kahon.

66

Salitang-ugat

Naganap Na

Ginaganap Na

Gaganapin Pa
Lang

1.basa
2.laba
3.kanta
4.sulat
5.sayaw
7. Malayang Pagsasanay
a. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na salitang
kilos:
a.
b.
c.
d.
e.
f.

nakasakay
sumasakay
sasakay
pumila
pipila
pumipila

b. Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pinaikling salita ng


pangalang pantawag.
Ikalimang Araw
8. Paglalapat
Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong karanasan sa pagsakay sa
sasakyan. Gamitin ang ibat ibang kaganapan ng salitang kilos at mga
pinaikling salitang panghalili sa pangalan.
V. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang mga salitang kilos na ipinakikita
sa larawan.

1.

2.

3.

4.

5.

67

VI. Pinagyamang Pagsasanay


Sumulat ng tula, awit o mga nakatutuwang karanasan habang ikaw ay nasa
loob ng sasakyan.

Appendices

Story

SINA PEDRO AT PABLO


ni Elvie E. Seguera
Isang araw, nagpunta sa plasa sina Pedro at Pablo upang maglaro.
Maya-maya ay biglang umulan. Ulan! Ulan! Ulan! sigaw ng dalawang batang
lalaki. Ayan na ang ulan! Naulanan na ang mga punongkahoy! Naulanan na ang
kalsada! Naulanan na ang mga bubong! Pero tayong dalawa hindi nababasa ng
ulan! sabi ng dalawang bata.
Tuwang tuwa ang dalawang bata sa ulan. Ulan huminto ka na! malakas
nilang sigaw. Sa ilang sandali pa ay tumigil na ang ulan. Tinawag ni Pedro si
Pablo para maglaro. May bagong bisikleta si Pedro. Kulay berde naman ang
dalang bisikleta ni Pablo.
Nagkarera ang dalawa. Bilisan mo, Pablo! Bilisan mo pa! kantiyaw ni
Pedro. Bilisan mo rin! Bilisan mo kantiyaw naman ni Pablo. Ngunit napansin ni
Pedro na biglang natanggal ang kadena ng kanyang bisikleta. Biglang lumuwag
ang pedal nito. Hindi siya makapagpadyak nang mabilis. Kahit anong gawin ni
Pedro, ayaw nang umandar ng kanyang bisikleta. Parang maiiwan na siya sa
karera. Sinikap pa rin niya itong ipedal. Nagtaka siya nang biglang tumakbo ito
nang mabilis na mabilis hanggang makarating sa dulo ng paligsahan. Mabuhay,
nanalo ang bisikelta ko! sigaw ni Pedro.

68

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-28 Linggo
I.

Mga Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may
wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin
2. Nakababasa ng batayang salita sa unang kita
3. Nakababasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong
intonasyon, damdamin, at bantas
4. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutunan
5. Nakasusulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata gamit ang
wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian
6. Nakasusulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na may
ibat ibang dahilan
7. Nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan
8. Nakakikilala ng gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw bakat
kalabaw).
9. Nakatutukoy ng katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o
sinasabi
10. Nakatutugon sa mga kuwento, alamat, pabula sa pamamagitan ng
pagtatalakayan, awit, at sining
11. Nakapagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng
pagbuklat ng aklat na kanilang nabasa

II. Paksang Aralin


A. Tema:
a. Talasalitaan:
Pagkilala sa gamit ng mga salitang pinaikli ( baka at kalabaw
bakat kalabaw).
b. Katatasan:
Pagbasa ng mga salitang pang-unang baitang na may wastong
intonasyon, damdamin, at bantas.
c.

Pabigkas na Wika:
Pagkukuwento ng pabula, alamat, patalastas at iba pa na may
wastong paghahati ng parirala, pahinga, at diin.

d. Pag-unawa sa Binasa:
Pag-unawa sa pangyayari sa kuwento.
e. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng mga salitang kilos sa pagsasalaysay ng sariling
karanasan.
69

f.

Pagkilala sa Salita:
Pagbasa ng batayang salita sa unang kita.

g. Pagbaybay:
Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutunan.
h. Pagsulat:
Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, at talata
gamit ang wastong bantas, pasok ng salita, at kayarian.
i.

Pagbuo ng Komposisyon:
Pagsulat ng mga pangungusap, tula, awit, maikling kuwento na
may ibat ibang dahilan.

j. Pagpukaw sa Kamalayan:
Pagtukoy sa katangian ng tauhan sa kuwento ayon sa kilos o
sinasabi.
k. Kagawian:
Pagpapahayag ng pagmamahal sa panitikan sa pamamagitan ng
pagbuklat sa aklat na kanilang binasa.
B. Sanggunian:
K 12 Curriculum
C. Mga Kagamitan:
Tsart ng mga larawan
Illustration board.
D. Pagpapahalaga:
Kahalagahan ng mga Anyong Lupa
E. Paksa: Pangangalaga sa Yamang Lupa
F. Integrasyon: Mga Anyong Lupa - Araling Panlipunan
III. Gawain sa Pagkatuto:
Unang Araw
A.Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid
(Gamit ang Contextual Clues)
a. inaaruga
Ang mga batang mahihirap ay inaaruga ng mag-asawa.
Binibigyan nila ang mga ito ng pagkain.

70

b. bantog
Si Bernardo Carpio ay bantog sa pagiging malakas. Kilala siya
sa buong bayan.
c. himagsikan
Ang himagsikan ng mga Pilipino at Kastila ay nagdulot ng
kaguluhan.
d. mandirigma
Ang aking lolo ay isang matapang na mandirigma.
Nakipaglaban siya laban sa mga Kastila.
e. engkantado
May kapangyarihan ang engkantado na pagalawin ang
dalawang malalaking bato.
2. Pagganyak:
Itanong: Ano ang nangyayari kapag may lindol?
Ano ang dapat nating gawin kapag may lindol?
3. Pangganyak na tanong:
Ayon sa alamat, ano ang sanhing paglindol sa kabundukan ng
San Mateo.
B. Gawain habang nagbabasa
4. Pagbasa ng kuwento:
Basahin ng guro ang kuwento nang tuloy-tuloy.
Muling basahin ng guro ang kuwento mula sa unahang pahina habang
itinuturo ng pointer ang ilalim ng mga pangungusap.
Magtanong ukol sa nilalaman ng bawat pahina.
Magbigay ng
nahihinuhang tanong para sa susunod na pahina. Hayaang magbigay ng
sariling palagay o hinuha ang mga bata. Gawin ito hanggang sa huling
pahina ng kuwento.
Ikalawang Araw
Gawain pagkatapos bumasa
1.

Ugnayang Gawain

Pangkat I: Kilalanin Natin


Gamit ang word map, isulat ang mga katangian ni Bernardo Carpio.

Bernardo
Carpio

71

Pangkat II: Iguhit Mo


Sa isang kartolina, iguhit ang bundok na tinitirahan ng mag-anak ni
Bernardo Carpio. Isulat sa ibaba nito ang, Bundok ng San Mateo.

Pangkat III: Dalangin


Ang mag-asawa ay patuloy na nananalig na magkaroon ng anak. Kayat
palagi silang nananalangin. Sumulat ng isang panalangin para sa mag-asawa.
Bathala,
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Pangkat IV. Artista Ako


Pagdaan ni Bernardo sa magkaparis nanaglalakihang bato ay ginamit ng
engkantado angkanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato
sa pagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.
Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at untiuntingsiyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang
lakasupang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na
lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.
Magdula-dulaan tungkol sa bahaging ito ng
kuwento.
6. Talakayan
a. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano-ano ang kaniyang katangian?
Tunghayan ang ulat ng Pangkat I.
b. Saan naganap ang alamat ni Bernardo Carpio?
Tingnan natin ang gawa ng Pangkat II.
c. Ano kaya ang panalangin ng mag-asawa kay Bathala?
Pakinggan ang ulat ng Pangkat III.
d. Ano ang nangyari kay Bernardo nang magkaharap sila ng
engkantado?
Ano ang sanhi ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo?
Panoorin ang pagdudula-dulaan ng Pangkat IV.
e. Paano kaya natin pangangalagaan ang ating mga
kabundukan?

72

Ikatlong Araw
1. Balik aral:
Sino ang pangunahing tauhan sa alamat?
Saan ito naganap?
Ano-ano ang makikita sa bundok?
Inaasahang tugon (Isusulat sa pisara)
aso at pusa
baka at kalabaw
puno at halaman
2. Paglalahad
Sabihin: Basahin ang mga salitang inyong binanggit. Tingnan kung paano
ko ito isusulat nang maikli.
aso at pusa asot pusa
baka at kalabaw- bakat kalabaw
puno at halaman punot halaman
3. Pagtalakay/Paglalahat
Paano pinaiikli ang dalawang salita? Kailan ito pinaiikli? Anong bantas
ang ginagamit?
4. Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat nang paikli ang pangalan ng mga larawan.

_____________________

______________________

______________________

______________________

______________________

73

5. Malayang Pagsasanay
Lumundag kung wasto ang bawat pinaikling salita.
a. eroplanot barko
b. bangka at bangko
c. ambulansya at kotse
d. tren at motorsiklo
e. kotset motorsiklo
6. Paglalapat
Magbigay ng mga salitang pinaikli at gamitin sa pangungusap.

7.

Pagtataya:
Isulat ang katumbas na pinaikling na salita.
mesa at silya
kutsara at tinidor
timba at tabo
relo at singsing
batya at tubig

Ikaapat na araw
Kasanayang Pangwika
1.Pagganyak:
Ano-ano ang ginagawa ninyo araw-araw?
( Isusulat sa pisara ang sagot ng mga bata.)
Hal.
Ako ay naliligo tuwing umaga.
Ako ay naghuhugas ng pinggan.
Nagdidilig ako ng halaman sa hardin.
Naglilinis ako ng aming bahay.
Nag-aaral ako ng aking aralin.
2. Paglalahad
Ipabasa ang mga sagot ng mga bata.
Itanong:
Ano ang ginagawa ni Rico? ( naliligo)
Ano ang ginagawa ni Tanya? (nag huhugas)
(Magtanong pa tungkol sa sagot ng mga bata.)
74

3. Pagtatalakay:
Ano ang ipinapakita ng mga salita?
Magpabigay pa ng ibang halimbawa.
4. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng kilos?
5. Pinatnubayang Pagsasanay
Sabihin Ko, Ikilos Ninyo
a. Babanggit ng mga salitang kilos ang guro.
b. Isasagawa o isasakilos ito ng mga bata.
6. Malayang Pagsasanay
Kilos Ko, Hulaan Ninyo
a. Tatawag ng bata sa harapan ng klase.
b. Gagawa siya ng kilos at huhulaan naman ng mga kamag-aral.
7. Pagsasanay:
Panuto: Pagtambalin ng guhit ang salitang kilos sa larawan.

umaawit

nagbabasa

nanonood

pumapasok

naglalaba

8. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung ito ay salitang kilos at malungkot na
mukha kung hindi.
_____ 1. natulog
_____ 4. aso
_____ 2. umakyat
_____ 5. umiiyak
_____ 3. ate
75

Ikalimang araw
1. Balik aral
Ihanay sa bawat kolum ang mga salitang kilos. Hayaang pumili ang mga
bata ng isang salita na gagamitin sa pangungusap.
A

2. Paglalahad
Ipakita ang mga batayang talasalitaan na nasa kuwento at ipabasa ang
mga ito.
3. Pinatnubayang Pagsasanay
Laro: Up the Ladder
Pamamaraan:
Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat. Ibigay sa pangkat ang set ng
salita na gagamitin sa laro. Ipadala sa harapan ang salitang ito na
sasabihin ng guro.
Halimbawa:
inaaruga

bantog

himagsikan

engkantado

mandirigma

4. Malayang Pagsasanay
Kopyahin sa papel ang tamang salitang babanggitin ng guro.
a. inaaruga

bantog

bundok

b. himagsikan

ilog

bulaklak

c. bundok

mandirigma

bantog

d. yungib
e. engkantado

gubat
inaaruga

bato
yungib

yungib
kaibigan
engkantado
bantog
himagsikan

5. Paglalapat
Laro: Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Isulat sa drillboard ang
salitang maririnig sa guro.
1. inaaruga
2. bantog
3. himagsikan
4. engkantado
5. mandirigma
6. Pagtataya
Bilugan ang markang / kung wasto ang baybay at ang x kung mali.

76

1. bantog

2. inaaruga

3. engkantado

4. mandirigma

5. himagsikan

Appendices
Ang Alamat ni Bernardo Carpio
Halaw sa KATIG.COM
Noong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila ay
mayroong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo,
Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subalit sila ay mabait,
masipag,matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang
kanilangpagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila aymasaya
sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalo na sa tulad nilangnaghihirap, at
sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ayinaaruga nilang parang
mga tunay na anak habang patuloy silangumaasa na balang araw ay
magkakaroon din sila ng sariling anak
.
Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay
kinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin namagkaroon
ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isangmalusog na sanggol na
lalaki. Bukod doon, biniyayaan din ni Bathala angsanggol ng pambihirang lakas
at kisig simbolo ng lakas ng pananalig atkagandahang loob na ipinamalas ng
kanyang mga magulang
.
Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at
kisig.Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng
sanggol,siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga
magulang.Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio,
isangmatapang, bantog, makisig, at maalamat
na mandirigma sa
bansangEspanya.Tulad ng kanyang mga magulang, si Bernardo ay lumaking
mabait,matulungin, at matatag ang loob.
Dahil
sakanyang
taglay
na
pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili siBernardo na namuno sa
namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.
Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno ni
Bernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa nahuling engkantado na
tutulungan sila nito na masupil si Bernardo.
77

Sa pagdaraanan ni Bernardo patungo sa isang yungib aynaghihintay ang


engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis nanaglalakihang bato.
Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado angkanyang agimat upang pagumpugin nito ang naglalakihang bato sapagnanais na ipitin at patayin si
Bernardo.
Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-unti
siyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakas
upang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat na
lakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.
Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng naguumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhi ito ng
paglindol
sa
kabundukan
ng
San
Mateo.

Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-29 na Linggo
I.

Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagsasabi ng kahalagahan ng pagiging matiyaga upang
magkaroon ng katapat na biyaya mula sa Panginoon
2. Nakapagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga
larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
3. Nakapaglalahad ng kuwento na may tamang bilis, pagbigkas, at diin
4. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may
matataas na antas ng mga salita at mga salitang dapat pang pag-aralan
5. Nakababasa ngtekstona may tatlo hanggangapat na parirala, salita,
atmgapangungusapna may wastong tono, damdaminatgamit ng bantas
6. Nakababaybay nang tama ng mga salitang nagsasaad ng kilos na may
ibat ibang pangyayari na ginamit sa pangungusap
7. Nakasusulat ng simplengpangungusap, parirala, talata, at kuwento na
ma ytamang bantas, gamit ng malaking letra, at wastong pagsulat ng
talata
8. Nakagagamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang ibat
ibang pangyayari sa pagkukuwento ng sariling karanasan
9. Nakikilala ang mga damdaminng tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi
78

II. Paksa
A. Tema
1. Talasalitaan:
- Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga
larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
2. Pabigkas na Wika
- Pagsasabi ng kuwento na may tamang bilis, pagbigkas, at diin.
3. Pag-unawa sa Binasa
- Pagkilala ngdamdaminng tauhan ayon sa kanilang kilos o
sinasabi.
4. Katatasan
- Paggamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang
ibat ibang kaganapan sa pagkukuwento ng sariling karanasan.
5. Pagkilala sa Salita
a. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na
maymatataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang
pag-aralan.
b. Pagbasa ngtekstona may tatlo hanggangapat na parirala,
salita, at mgapangungusapna may wastong tono,
damdaminatgamit ng bantas
6. Pagsulat
a. Pagbaybay nang tama ng mga salitang nagsasaad ng kilos na may
ibat ibang kaganapan na ginamit sa pangungusap.
b.Pagsulat
ng
simplengpangungusap,
parirala,
talata,
at
kuwentonamaytamang bantas, gamit ng malaking letra, at wastong
pagsulat ng talata.
c. Paggamit ng tamang salita na nagsasaad ng kilos gamit ang ibat
ibang kaganapan sa pagkukuwento ng sariling karanasan
B. Sanggunian:
- K-12 Curriculum Guide sa Mother Tongue d.7
- Romanes Yolanda G. Filipino 1 sa Pakikipag-ugnayang Wika at
Pagbasa dd.213-214
C. Mga Kagamitan:
Tsart, mga larawan
D. Pagpapahalaga:
Pagiging masipag at matiyaga
E. Paksa: Ako at ang Aking Pamayanan
III. Gawain sa Pagkatuto:
Unang Araw
79

A. Gawain bago bumasa


1. Paghahawan ng balakid
a. sa pamamagitan ng larawan

abaniko kawayan tungkod simbahan kalsada


b. sa pamamagitan ng pagtatanong
Anong I na ibig sabihin ay ipinanganak?
Anong U na ibig sabihin ay wala nang mga magulang?
Anong T na ang ibig sabihin ay nagtitinda?
Anong B na ibig sabihin ay tungkod?
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang wala nang nanay o tatay?
3. Pangganyak na tanong
Sino ang batang naulila sa kuwento?
Ano ang ginawa niya at ng kaniyang nga kapatid upang mabuhay
at makapag-aral?
4. Pamantayan sa pakikinig ng kuwento
B. Gawain habang nagbabasa
5. Pagkukuwento ng guro sa tulong ng mga larawan (story apron)
Maging Masipag at Matiyaga
ni Minerva C. David
Si Andres Bonifacio ay tinaguriang Ama ng Katipunan. Siya ay
ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Maaga siyang naulila. Sa gulang na labing-apat, naiwan sa kanya
ang lima niyang kapatid. Hindi siya sumuko kahit na maraming hirap ang
dinanas niya. Pinanatili niya ang sipag at tiyaga upang siya ay
magtagumpay.
Araw-araw nangunguha siya ng kawayan sa paligid.
Kuya, anong gagawin natin sa mga kawayang iyan?, tanong ng
kanyang kapatid.
Gagawa tayo ng tungkod, kikinisin natin at babarnisan. Gagawa
tayo ng abaniko.
80

Sige, kami naman ang magtitinda.


Tuwing Linggo, nakapuwesto silang magkakapatid sa kalsada, sa
harap ng simbahan at nagtitinda ng tungkod at abanikong papel.
Nagtiyaga sila sa ganitong uri ng pamumuhay hanggang
makakuha ng trabaho si Andres. Nasuportahan niya ang pag-aaral ng
kanyang mga kapatid. Nabuhay sila nang maayos dahil sa kanyang sipag
at tiyaga.
Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
1. Ugnayang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat sa saliw ng awiting pambata.
Pangkat I: Sino Ako?
Bubuuin ng unang pangkat ang pira-pirasong larawan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa bawat isa.
Pangkat II: Alam Mo Ba Ang Kaarawan Ko?
May mga letra at bilang na nakasulat sa flashcard, ayusin ang
petsa kung kailan ipinanganak si Andres Bonifacio.
Pangkat III: Lights, Camera, Action!
Isadula kung ano ang ginawa ng magkakapatid upang mabuhay
at makapag-aral.
Pangkat IV: Tamad o Masipag
Anong ugali mayroon si Andres Bonifacio? Iugnay ang larawan sa
tamang pag-uugali ni Andres.

tamad

masipag

2. Talakayan
Sino ang batang naulila sa ating kuwento?
Narito ang Pangkat 1 upang ipakita ang kanilang ginawa.
Saan siya ipinanganak? Kailan siya isinilang?
Panoorin natin ang Pangkat 2.

81

Ilang taon siya nang mamatay ang kanyang mga magulang?


Ano ang ginawa niya upang magtagumpay?
Narito ang Pangkat 3 upang ipakita ang maikling dula-dulaan.
Saan sila nagtitinda?
Anong ugali mayroon si Andres Bonifacio at ang kanyang mga
kapatid?
Narito ang Pangkat 4 sa kanilang ginawa.
3. Pagkilala sa Tama at Maling Pahayag
Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang pahayag at M kung
mali.
____ 1. Naulila sa kanyang mga magulang si Andres sa gulang na
labing-apat.
____ 2. Sila ay pitong magkakapatid.
____ 3. Araw-araw ay nangunguha ng sanga ng puno sa gubat si
Andres Bonifacio.
____4. Tuwing Linggo, nagtitinda ang magkakapatid ng suman sa
simbahan.
____5. Si Andres Bonifacio ay isinilang sa Tondo, Maynila.
Ikatlong Araw
1. Balik-aral
Sino ang batang masipag sa ating kuwento?
2. Paglalahad
Ano ang ginawa niya sa kawayan at abaniko?
Pagkatapos nilang kinisin at barnisan, ano ang sunod nilang
ginawa?
(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata)
nagbarnis

nagtinda

nagkiskis

Ano ang inyong napansin sa mga salitang aking isinulat sa


pisara?
(Magpapakita ang guro ng isang larawan gamit ang salita sa ibat-ibang
aspekto)
1. Naglaro ng bola si Lito kahapon.
2. Naglalaro ng bola si Lito araw-araw.
3. Maglalaro ng bola si Lito bukas ng hapon.
Sa unang pangungusap, ano ang ginawa ni Lito? Kailan siya naglaro ng
bola?
Sa ikalawang pangungusap, ano ang ginagawa ni Lito? Kailan siya
naglalaro ng bola?
82

Sa ikatlong pangungusap, ano ang gagawin ni Lito? Kailan siya


maglalaro ng bola?
Ano ang napansin ninyo sa bawat salitang nagsasaad ng kilos?
Ang salitang nagsasad ng kilos ay may katangiang nagsasabi kung kailan
nangyari ito.
(Magbibigay pa ang guro ng ibat ibang halimbawa)
3. Paglalahat
Ano ang tawag natin sa katangian ng kilos na nagsasabi kung kailan ito
nangyari?
4. Pagsasanay
Pangkat 1
Piliin at lagyan ng kahon ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa loob ng
abaniko.

nagtratrabaho
baston
gumagawa

naglilinis
ulila
umuupo

nagtitinda
abaniko
bata

tungkod
uminom

Pangkat 2
Bilugan ang salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap.
1. Ang magkakapatid ay nangunguha ng kawayan sa gubat.
2. Si Andres ay palaging nagkikiskis ng kawayan.
3. Nagtitinda sila ng abaniko at tungkod.
4. Pumasok sa paaralan si Andres.
5. Bumili ng tungkod ang mga tao.
Pangkat 3
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung wasto ang gamit ng kilos sa
pangungusap at ekis (x) kung hindi.
____1. Araw-araw ay tumatakbo si Kuneho.
____2. Ang Pagong ay maglalaro kanina.
____3. Nagtanong si Pagong bago makipaglaro kay Kuneho.
____4. Si Kuneho ay natulog kaya naunahan ni Pagong.
____5. Iinom kagabi ng tubig si Pagong bago matulog.
Pangkat 4
Buuin ang tsart ayon sa panahunan ng salitang kilos.
Salitang-ugat

Ginawa na

Ginagawa pa

Dasal
Luto
83

Gagawin pa
lamang

5. Pagtataya
Isulat sa iyong sagutang papel angtama kung wasto ang gamit ng
salitang kilos at mali kung hindi.
____1. Nakinig kami kagabi sa kuwento ni Lola Sita.
____2. Palaging tutulungan ng nanay ang mga anak.
____3. Araw-araw ay naligo sa sapa ang mga hayop.
____4. Nag-usap sina nanay at tatay kahapon.
____5. Pagdating nila sa ilog, lumalangoy sila para mapreskuhan.
Ikatlong araw
1. Balik-aral
Balikan natin ang kuwento noong unang araw.
Sino ang makapagsasalaysay ng kuwentong iyon?
2. Paglalahad
(Magpakita ng mga larawan. Hayaang bumuo ng pangungusap ang mga
bata)
Tumawag ng isang bata at ipasulat ito sa pisara

Ano ang ginagawa ng mga tao sa simbahan?


(Ang mga tao ay nagdarasal.)
Ano ang napansin ninyo sa unahan ng pangungusap at sa hulihan nito?
(Magbigay pa ng mga halimbawa gamit ang bantas na tuldok at tandang
pananong.)
3. Paglalahat
Ano ang dapat gawin sa unang letra ng mga pangungusap? Sa hulihan
naman, anong bantas ang dapat gamitin kapag nagsasalaysay? Kapag
nagtatanong?
4. Pagsasanay
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Pangkat I
Sumulat ng pangungusap para sa tatlong larawan.

84

1.

2.

3.

Pangkat 2
Isulat nang wasto ang sumusunod:
1. naglaba ng damit ang nanay
2. kailan ka nagsusuklay
3. masarap kumain ng sopas
4. ang mga bata ay nagsulat
5. ano ang ginagawa mo pagkatapos maligo
Ikaapat na araw
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat nang wasto ang sumusunod:
1. sila ay nakaupo sa simbahan
2. dinala sa ospital si ben
3. paano ka umawit
4. madaming nakuhang bayabas si lito
5. bakit siya umiiyak
b. Pagmasdan ang larawan.

Siya ang aking kaibigan, wala siyang pangalan.


Ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya. Magbigay nga kayo ng
pangalan.
Ano ang ginagawa ni Ana?
Anong pagkain ang kanyang kinakain? Ilarawan ito.
(Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata nang patalata.)
Si Ana ay ang aking kaibigan. Kumakain siya ng tanghalian.
Mahilig siyang kumain ng masustansiyang pagkain.
85

Ano ang inyong napansin sa aking pagsulat ng unang pangungusap? sa


ikalawa? sa ikatlo?
Anong bantas ang aking ginamit?
(Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng talata)
Anong tawag natin sa mga pangungusap na may iisang diwa na
pinagsama-sama?
b. Malayang pagsasanay
a. Pangkatin sa apat ang mga bata. Bigyan ang bawat pangkat ng
larawan at sagutan ang mga tanong na nasa activity card upang
makabuo ng talata.

Ano ang kulay ng mansanas?


Ano ang lasa nito?
Masustansiya ba ito?

ilan ang pamaypay?


Saan kaya ito binili?
Kailan mo ito ginagamit?

Ano ang ginagawa ng batang si Ben?


Anong masasabi mo sa kanyang pag-iyak?
Bakit kaya siya umiyak?

Ano ang ginagawa ng bata?


Ano ang ginagamit niya sa pagsesepilyo ng
ngipin?
Bakit kailangang magsepilyo ng ngipin?
c. Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan sa tulong ng pagsagot
sa mga tanong.
Ano ang pambansang prutas?
Ano ang kulay ng hilaw na mangga?
Ano ang lasa nito?

86

Ikalimang araw
Itanong:
Ano ang itinitinda nina Andres sa tapat ng simbahan?
(Ipapakita ng guro ang larawan tungkod at abaniko.)
Ngayon, gagawa tayo ng abaniko o pamaypay na gawa sa papel, pandikit
at krayola.
Ibigay ang pamantayan at paraan kung paano gumawa ng abanikong
papel.
Magmamasid ang guro habang gumagawa ang mga bata ng abanikong
papel .
Ipaskil sa dingding ang kanilang ginawa.
1.Karagdagang pagsasanay
a. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1.

a. naglalakad

b. tumatakbo

2.

a. nagsisimba

b. kumakanta

3.

a. nagwawalis

b. nagtuturo

4.

a. nagsasalita

b. gumagapang

5.

a. nagbabasa

87

b. nagsusulat

b. Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng kilos sa bawat


pangungusap.
1. Nagwawalis ng sahig si Edna.
2. Ang tatay ay nag-iigib ng tubig.
3. Malalim ang baha kaya siya ay naglakad.
4. Masarap maligo sa ulan.
5. Maayos at malinis siyang sumulat ng pangalan.
c. Pangkatin sa apat ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng flashcard
upang bumuo ng isang pangungusap.
d. Magpapakita ang guro ng isang larawan. Bubuo ang mga mag-aaral
ng pangungusap tungkol sa larawan na ipinakita ng guro.
IV.Pagtataya
Iwasto Mo Ako!
Isulat nang wasto ang mga pangungusap.
1. ang bata ay nagbubunot ng damo
2. si ben ay kumakain ng langka
3. lumilipad ang ibon sa parang
4. malalaki ang isdang lumalangoy sa dagat
5. umiinom ng gatas si rosa

88

Appendices
Story
Maging Masipag at Matiyaga
ni Minerva C. David
Si Andres Bonifacio ay tinaguriang Ama ng Katipunan. Siya ay
ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika-30 ng Nobyembre 1863. Ang
kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Maaga siyang naulila. Sa gulang na labing-apat, naiwan sa kanya
ang lima niyang kapatid. Hindi siya sumuko kahit na maraming hirap ang
dinanas niya. Pinanatili niya ang sipag at tiyaga upang siya ay
magtagumpay.
Araw-araw nangunguha siya ng kawayan sa paligid.
Kuya, anong gagawin natin sa mga kawayang iyan?, tanong ng
kanyang kapatid.
Gagawa tayo ng tungkod, kikinisin natin at babarnisan. Gagawa
din tayo ng abaniko.
Sige, kami naman ang magtitinda.
Tuwing Linggo, nakapuwesto silang magkakapatid sa kalsada, sa
harap ng simbahan at nagtitinda ng tungkod at abanikong papel.
Nagtiyaga sila sa ganitong uri ng pamumuhay hanggang
makakuha ng trabaho si Andres. Nasuportahan niya ang pag-aaral ng
kanyang mga kapatid. Nabuhay sila nang maayos dahil sa kanyang sipag
at tiyaga.

89

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-30 Linggo
I. Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon, ideya,
pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari
2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa
na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang may
kawastuhang 95-100 bahagdan
4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan hanggang
limahang parirala na may wastong tono, damdamin, at bantas
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap
7. Nakasusunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at gamit ng
malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento
8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas,
gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at
kaayusan
9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan na nasa pangungusap
10. Nakagagamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy ang
kahulugan ng mga salita
11. Nakikilala na ang dalawang salita na maaaring maging isang tambalang
salita
12. Nakahuhula kung ano ang kuwento, pangyayaring pampaaralan at
pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba pa batay sa
kontekstong kaugnay ng kahulugan nito
13. Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang isip
14. Nakapagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento, alamat, at
iba pa
15. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa pamamagitan ng
masusing pakikinig at pagbibigay ng mga puna
II. Paksang Aralin
A. Tema
a. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang
sitwasyon/suliranin/balita/ pangyayari.
90

b. Pagkilala sa Salita:
Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay,
balita, blogs at iba pa na na may matataas na antas
ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan.
c. Katatasan:
a. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang
nang may kawastuhang 95-100 bahagdan.
b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang
na apatan hanggang limahang parirala na may
wastong tono, damdamin, at bantas.
d. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napagaralan
b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang
naglalarawan na ginamit sa pangungusap.
e. Pagsulat:
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod
ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok
ng unang pangungusap sa talata, at may
kaayusan.
f.

Komposisyon:
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod
ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok
ng unang pangungusap sa talata, at may
kaayusan.

g. Kasanayan sa Wika:
Pagtukoy ng mga salitang naglalarawan na nasa
pangungusap.
h. Talasalitaan:
a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang
matukoy ang kahulugan ng mga salita.
b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring
maging isang tambalang salita.
i.

Pagpukaw ng dating Kaalaman:


a. Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring
pampaaralan at pampamayanan, kalagayan,
gawain, alamat, at iba pa batay sa kontekstong
kaugnay ng kahulugan nito.

91

j.

Pag-unawa sa Binasa
a. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o
kathang isip
b. Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento,
alamat, at iba pa

k. Saloobin hinggil sa Panitikan


Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa
pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng
mga puna
B. Mga Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and
Dennis Malone, 2010)
C. Mga Kagamitan:
Kuwento: Si Gong Galunggong ni Florita R. Matic, NCR
Awit: Tong, Tong Pakitong-kitong
Tula: Sa Ating Kapaligiran ni Florita R. Matic, NCR
Mga bagay, larawan, sagutang papel, asul, at pulang banderitas
D. Paksa:
Mga Likas na Yaman sa Kapaligiran at Pagkain (Mga Yamanglupa at Yamang-tubig)
E. Pagpapahalaga:
Pangangalaga sa sarili/ pag-iingat sa kapaligiran/ pagawaan
III. Gawin sa pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghawan ng Balakid:
Alamin ang kahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng
pangungusap.
nag-aalala
Labis na nag-aalala ang nanay kayat hindi siya mapakali.
magaan
Magaan ang dala niyang kahon kaya hindi siya nahirapan.

92

kapit-tuko
Kapit-tuko si Nena sa kanyang ina para hindi siya
mawala sa palengke.
silid-aklatan
Maraming libro sa silid - aklatan.
tubig-dagat
Maalat ang tubig-dagat kaya hindi ito maaaring inumin.
2. Pagganyak
Itanong:
Ano anong isda ang alam ninyo?
Ilahad at ipagawa ang Semantic Web
Semantic Web
(Hayaan ang mga batang sabihin ang kanilang nalalaman
tungkol sa isda gamit ang semantic web.)

3.Pagganyak na Tanong:
Gawin:Tukuyin ang pamagat ng kuwento. Pag-usapan ito
upang makabuo ng tanong. Gabayan ang mga
mag-aaral.
Tanong: Sino si Gong Galunggong?
B.Gawain habang nagbabasa
1.Gawin; Basahing muli ang pamagat ng kuwento Si Gong
Galunggong. Sabihin na alamin kung sino si Gong
Galunggong.Alamin kung ang kuwento ay may katotohanan o
kathang- isip lamang.
2..Ipakita sa mga bata ang tsart na may kuwentong Si Gong
Galungong. Hayaang basahin ng mga bata ang kuwento
nang tahimik.

93

Si Gong Galunggong
ni Florita R. Matic
Valenzuela City, NCR
Si Gong Galunggong ay isang isda. Sa maalat at malamig na tubig-dagat
siya nakatira. Makulit at malikot ang isdang si Gong Galunggong. Kilos nang
kilos at langoy nang langoy kasama ang iba pang isda. Mahilig silang lumangoy
paitaas at paibaba. Nagtatago rin sila sa magagandang koral at makukulay na
halamang dagat. Kung minsan, sa gilid ng malalaking bato silay naghahabulan.
Isang araw habang namamasyal si Gong Galunggong kasama ang iba
pang makukulay na isda, nakasalubong nila ang isang higanteng isda na may
malalaking mata. Matutulis ang mga ngipin nito at may mamatalim na palikpik.
Bilis, magtago tayo sa bato! sigaw ni Gong Galunggong sa iba pa
niyang kasama.
Ngunit, maliksi ang higanteng isda. Bago pa nakapagtago sa bato sina
Gong Galunggong, nasa harap na nila ang matatalim na ngipin ng mabangis na
higanteng isda.
Inay ko ! Itay ko po! ang sigaw ng takot na takot na si Gong
Galunggong.
Parang kidlat sa bilis na dumating ang nanay at tatay ni Gong
Galunggong. Agad nilang nilapitan ang anak upang iligtas sa panganib.
Ngunit sadyang malaki ang isda at agad na pinalo ng buntot nito ang mga
magulang ni Gong Galunggong sabay langoy palayo sa kanila. Walang malay na
bumagsak ang mga magulang ni Gong Galunggong.
Nag-alala si Gong Galunggong sa nangyari. Naging magaan lamang ang
kanyang loob nang kumilos ang kanyang mga magulang.
Agad na lumapit si Gong Galunggong sa kanyang mga magulang at
nangakong hindi na magiging malikot at makulit.

3. . Ipabasa ang bawat talata ng kuwento nang tahimik at may


paghinto upang makapagtanong ang guro at bata at tuloy
makapagbigay rin ng hinuha.
4. . Ipabasa ang kuwento nang lahatan, pangkatan, dalawahan o
isahan nang may wastong tono, damdamin, bigkas ng salita at
gamit ng bantas.

94

Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
Ugnayang gawain:
Hikayatin ang mga bata na ikuwentong muli ang binasang
kuwento.
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat
pangkat.
Pangkat I: Mag-usap Tayo
Gumawa ng stick puppet at maghanda ng isang diyalogo
gamit ito.

Gumawa ng stick puppetnina Gong


Galunggong at isang kalarong isda gamit
ang sumusunod na kagamitan:
dalawang patpat
cartolina
krayola
gunting
pandikit
Pagkatapos, gumawa ng diyalogo kasama
ang iyong kamag-aral gamit ang stick
puppet na ipinakikilala si Gong Galunggong.

Pangkat II: Sa Ilalim ng Dagat

Gumuhit ng dagat kung saan nakatira si Gong Galunggong


at iba pang isda. Kulayan ang iyong ginawa.Ilarawan ang
tirahan niya at ng iba pang isda.

95

Pangkat III: Iangkop ang Kuwento


Si Gong Galunggong ay isang kuwentong kathang-isip
lamang sapagkat hindi ito maaring mangyari sa tunay na buhay.
May alam ka din bang kuwento na kathang isip o hindi
makatotohanan o hindi nangyayari sa tunay na buhay? Isulat ang
pamagat nito sa angkop na lugar sa Venn Diagram.May alam ka rin
bang kuwento na makatotohan o totoong nangyayari sa buhay ng
tao?Isulat ang pamagat nito sa angkop na bahagi ng Venn
Diagram.Pagkatapos,isulat sa ibaba ng bawat pamagat ng kuwentong
kathang isip o kwentong buhay ang pagkakaiba ng bawat isa.Sa gitna
ng Venn Diagram isulat ang pagkakapareho ng dalawang uri ng
kuwento.(Gabayan ng guro ang pangkat ng mga mag-aaral upang
magawa ang pagsasanay nang wasto.

Makatotohanang
Kuwento

Kathang-isip
Hal.:
Si Gong
Galunggong

___________

Pangkat IV Kung Ako si Gong Galunggong


Kung ikaw ang isdang si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin
kapag nakita mong nasa panganib ang iyong mga magulang? Iguhit ito sa
kahon.

Pangkat V. Pangalagaan ang Dagat


Ang karagatan ay pinagmumulan ng ating mga pagkain.
Isulat sa loob ng bangka ang mga paraan kung paano natin
mapangangalagaan ang ating karagatan.

96

Talakayan
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ipakilalang mabuti ang mga tauhan sa kuwento.
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I.
2. Ilarawan ang paligid kung saan nakatira si Gong Galunggong at iba
pang isda gamit ang mga salitang naglalarawan.
Pakinggan natin ang Pangkat II
3. Nangyayari ba sa totoong buhay ang kuwento ni Gong Galunggong?
Ano ang tawag sa kuwentong ito? Kung ang kuwento naman ay
nagyayari sa buhay ng tao, ano ang tawag sa kuwentong ito? Ano ang
dalawang uri ng kuwento na pinag-usapan natin? Bakit tinatawag ang
kuwento na kathang isip/kuwento na buhay?Anong kuwentong kathang
isip ang alam mo/kuwentong buhay? Pakinggan natin ang sasabihin ng
Pangkat III.
Pagtalakay ng Pangkat III.
4. Bakit nanganib ang mga magulang ni Gong Galunggong.Ano ang
mararmdaman niya?Kung ikaw si Gong Galunggong ano ang
mararamdaman mo kung makita mong nasa panganib din ang mga
magulang mo?Ano ang ginawa ni Gong Galunggong? Kung ikaw naman
si Gong Galunggong ano ang gagawin mo? Pakinggan naman natin
kung ano ang kasagutan ng Pangkat IV sa tanong na
Kung ikaw si Gong Galunggong, ano ang iyong gagawin

97

Pagtalakay ng Pangkat IV .
5. Ang karagatan ay isa sa mga biyaya ng Poong Lumikha. Marami ang
naitutulong ng karagatan sa atin. Magbigay nga kayo ng halimbawa. Ang
mga sinabi ninyo ay kapaki pakinabang sa ating mga tao. Ano ang dapat
nating gawin upang patuloy na magbigay biyaya ang karagatan sa atin?
Katulad din kaya ang sagot ng Pangkat V sa mga isinagot
ninyo?Pangkat V ilahad niyo ang inyong sagot?
Paglalahad ng Pangkat V.
1. Pagpoproseso ng Gawain
(Ang guro ang magpoproseso ng gawain ng Pangkat 1- 5. Isusulat niya
ang mga sagot sa tsart.)
Pangkat

Gawain

Nakatuong Kakayahan

2. Kaisipang Mabubuo:
Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang uri ng kuwento? Ipaliwanag.
2. May buti bang naidudulot ang kalikutan? Bakit?
3. May magagawa ba ang magulang sa anak kung
ang mga ito ay nasa panganib? May magagawa rin
ba ang mga anak kung ang mga magulang naman
ang nasa panganib? Ano ang tawag dito?
4. Kung ang karagatan ay nakatutulong sa tao,
ano ang dapat gawin ng mga tao?
Ikatlong araw
Kasanayang pangwika:
1. Balik-aral:
Pag-usapan ang panahunan ng salitang kilos.
2. Pagganyak:
Pagkilos habang umaawit ng Tong-tong-tong Pakitongkitong
a. Awit
Tong-tong-tong Pakitong-kitong
Tong! Tong! Tong! Tong!
Pakitong-kitong
98

Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap hulihin
Sapagkat nangangagat!
Tong! Tong! Tong! Tong!
b. Tanong:Anong yamang dagat ang tinutukoy sa awit? Ano ang
dapat nating gawin sa karagatan. Anong kilos ang ginawa natin?
3. Paglalahad
Ipabasa ang tula nang may wastong tono at bigkas ng letra
Tula:
Sa Ating Kapaligiran
ni Florita R. Matic,
Valenzuela City- NCR
Sa ating kapaligiran
Maraming mamamasdan
Mayayabong na puno
At luntiang halaman
Hangin na sariwa
At berdeng mga gulay
Sampu ng bulaklak
Na naggagandahan
Isda, hipon, at alimango
Sa ilog at dagat makukuha mo
Pagkaing nagbibigay lakas
Sa isipay pampatalas.
Ating kapaligiran
Sadyang napakayaman
Handog nitoy pagkain
Kaya pangalagaan natin.
4. Pagtalakay.
Ano-anong salitang naglalarawan ang ginamit sa tula?
Basahin ang mga pangungusap at tukuyin ang mga ito.
a. Maraming halaman sa ating paligid.
b. Sariwa at luntian ang mga tanim.
c. Naggagandahan ang mga bulaklak.
d. Berde ang mga gulay.
e. Matalas ang isip ng batang matalino.
Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga salitang
naglalarawan.
Anong salita ang inilalalarawan ng bawat isa ayon sa pangungusap?
(marami, sariwa, luntian, naggagandahan, berde, matalas,
at matalino)
99

5. Paglalahat
Kailan natin ginagamit ang mga salitang naglalarawan?
Ano ang salitang naglalarawan?
Ang salitang naglalarawan ay mga salitang nagsasabi ng
kulay, hugis, laki, bilang at uri ng tao, lugar, bagay, at pangyayari.
Ikaapat Na Araw
1. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Ipalarawan sa mga bata ang kanilang nakikita, naririnig o
nararamdaman habang sila ay nasa silid-aralan. Ipasulat ang
salitang naglalarawang ginamit sa kanilang sagot sa pisara.
Gawin ito nang pahanay.(Hanay para sa nakikita, Hanay sa
naririnig, Hanay sa nararamdaman)
b. Patnubayan ang mga bata upang matukoy ang uri ng mga
salitang naglalarawang .
c. Magsalita Tayo
Humanap kayo ng kapareha. Tukuyin kung sino ang A at B at
sundin ang mga panuto:
1.

Tingnan kung anong kulay ang banderitas na itataas ng guro.

2. Kapag asul na banderitas ang nakataas, ang kapareha A ay


magbibigay ng pangungusap na may salitang naglalarawan at
tutukuyin ng kapareha B kung anong salitang naglalarawan
ang ginamit sa pangungusap.
3. Kapag pulang banderitas naman ang nakataas, ang
kapareha B ang siyang magbibigay ng pangungusap na may
salitang naglalarawan at tutukuyin ng kapareha A kung anong
salitang naglalarawan ang kanyang ginamit.
2. Malayang Pagsasanay
Bilugan ang salitang naglalarawan na ginamit sa bawat pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

Malalaki ang mga isda sa dagat.


Masipag si tatay.
Ang sariwang prutas ay masarap.
Mabango ang bulaklak.
Ang paligid ay malinis.

Ikalimang Araw
1. Paglalapat
Kaya Ko Itong Gawin

100

Basahin at sundin ang mga panuto.


1. Sumulat ng isang sanaysay o kuwento tungkol sa mga pagkaing
nakukuha natin sa karagatan o kayay galing sa mga halaman o
tanim. Maaaring kathang- isip o makatotohanan.
2. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas,
malaking letra, pasok ng pangungusap sa talata at ayos ng talata.
3. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap.
4. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase.
2. Pagtataya
Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa bawat
pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

Sariwa ang isdang uwi ni tatay.


Dapat laging malinis ang paligid.
Ang masustansiyang pagkain ay mabuti sa katawan.
Luntian ang dahon.
Mabango ang bulaklak sa hardin ni Nanay.

3.Takdang Aralin
Gumawa ng poster-slogan tungkol sa mga yamang -dagat at yamanglupa gamit ang mga salitang naglalarawan.
Halimbawa:
Isda ay kay sarap mula sa
malinis na ilog at dagat.

101

Appendices
Story
Si Gong Galunggong
ni Florita R. Matic
Valenzuela City, NCR
Si Gong Galunggong ay isang isda. Sa maalat at malamig na tubig-dagat
siya nakatira. Makulit at malikot ang isdang si Gong Galunggong. Kilos nang
kilos at langoy nang langoy kasama ang iba pang isda. Mahilig silang lumangoy
paitaas at paibaba. Nagtatago rin sila sa magagandang koral at makukulay na
halamang dagat. Kung minsan, sa gilid ng malalaking bato silay naghahabulan.
Isang araw habang namamasyal si Gong Galunggong kasama ang iba
pang makukulay na isda, nakasalubong nila ang isang higanteng isda na may
malalaking mata. Matutulis ang mga ngipin nito at may matatalim na palikpik.
Bilis, magtago tayo sa bato! sigaw ni Gong Galunggong sa iba pa
niyang kasama.
Ngunit, maliksi ang higanteng isda. Bago pa nakapagtago sa bato sina
Gong Galunggong, nasa harap na nila ang matatalim na ngipin ng mabangis na
higanteng isda.
Inay ko ! Itay ko po! ang sigaw ng takot na takot na si Gong
Galunggong.
Parang kidlat sa bilis na dumating ang nanay at tatay ni Gong
Galunggong. Agad nilang nilapitan ang anak upang iligtas sa panganib.
Ngunit sadyang malaki ang isda at agad na pinalo ng buntot nito ang mga
magulang ni Gong Galunggong sabay langoy palayo sa kanila. Walang malay na
bumagsak ang mga magulang ni Gong Galunggong.
Nag-alala si Gong Galunggong sa nangyari. Naging magaan lamang ang
kanyang loob nang kumilos ang kanyang mga magulang.
Agad na lumapit si Gong Galunggong sa kanyang mga magulang at
nangakong hindi na magiging malikot at makulit.
Tumawag ng mga batang magbabasa ng kuwento na may angkop na
intonasyon, damdamin, at bantas. Maaaring gawin nang isahan, dalawahan o
pangkatan ang pagbabasa.
Tanungin ang mga bata tungkol sa kuwento at bigyan sila ng
pagkakataong manghula kung ano ang maaaring mangyari sa kuwento batay sa
kanilang binabasa.
102

Awit
Tong-tong-tong Pakitong-kitong
Tong! Tong! Tong! Tong!
Pakitong-kitong
Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap hulihin
Sapagkat nangangagat!
Tong! Tong! Tong! Tong!

Tula
Sa Ating Kapaligiran
ni Florita R. Matic,
Valenzuela City- NCR
Sa ating kapaligiran
Maraming mamamasdan
Mayayabong na puno
At luntiang halaman
Hangin na sariwa
At berdeng mga gulay
Sampu ng bulaklak
Na naggagandahan
Isda, hipon, at alimango
Sa ilog at dagat makukuha mo
Pagkaing nagbibigay lakas
Sa isipay pampatalas.
Ating kapaligiran
Tunay na mayaman
Handog nitoy pagkain
Kaya pangalagaan natin.

103

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-31 Linggo
I.

Mga Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita o
pangyayari
2. Nakababasa nang wasto ng mga kuwento, alamat, sanaysay,
balita, blogs at iba pa na may mataas na antas ng mga salita at
mga salitang dapat pang pag-aralan
3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na may
kawastuang 95-100 bahagdan
4. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang na apatan
hanggang limahang parirala nang may wastong tono, damdamin,
at bantas
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na
ginamit sa pangungusap
7. Nakasusunod sa wastong paggamit ng pagitan sa mga salita,
bantas, at gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento
8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang
bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa
talata, at kaayusan
9. Nakatutukoy ng mga salitang naglalarawan sa tao, lugar at bagay.
10. Nakagagamit ng kontekstong hudyat sa pangungusap upang
matukoy ang kahulugan ng mga salita
11. Nakakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging isang
tambalang salita
12. Nakakikilala ng antas ng mga salitang naglalarawan ( hal. mas at
pinaka)
13. Nakahuhula kung tungkol saan ang kuwento, pangyayaring
pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain, alamat, at iba
pa batay sa kontekstong kaugnay ng kahulugan nito
14. Nakapagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o kathang
isip
15. Nakapagbibigay ng maaaring maging katapusan ng kuwento,
alamat, at iba pa
16. Nakapagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at
patalastas na nabasa.
17. Nakapagpapakita
ng
pagmamahal
sa
pagbabasa
sa
pamamagitan ng masusing pakikinig at pagbibigay ng mga puna

104

II.

Paksang Aralin
A. Tema
1. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, ideya, pananaw, at iba pa sa isang
sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari.
2. Pagkilala ng Salita:
Pagbasa mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs
at iba pa na may matataas na antas ng salita at mga
salitang dapat pang pag-aralan.
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang
may kawastuang 95-100 bahagdan.
b. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na
apatan hanggang limahang parirala na may wastong
tono, damdamin, at bantas.
4. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan.
b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan
na ginamit sa pangungusap.
5. Pagsulat:
Pagsunod sa wastong pagitan ng mga salita, bantas, at
gamit ng malaking letra sa sanaysay at pagkukuwento
6. Komposisyon:
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang
tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang
pangungusap sa talata, at may kaayusan.
7. Kasanayan sa Wika:
Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan
tungkol sa tao, lugar, at bagay na ginamit sa
pangungusap.
8. Talasalitaan:
a. Paggamit ng konteksto sa pangungusap upang matukoy
ang kahulugan ng mga salita.
b. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging
isang tambalang salita.

105

c. Pagkilala ng antas ng mga salitang naglalarawan ( hal.


mas at pinaka).
9. Pag-unawa sa Binasa
a. Paghula kung ano ang kuwento, pangyayaring
pampaaralan at pampamayanan, kalagayan, gawain,
alamat, at iba pa batay sa kontekstong kaugnay ng
kahulugan nito.
b. Pagsasabi kung ang kuwento ay makatotohanan o
kathang isip.
c.
Pagbibigay ng maaaring maging katapusan ng
kuwento, alamat, at iba pa.
d. Pagbibigay ng buod ng mga lathalain, usapin, blogs at
patalastas na nabasa.
10. Saloobin hinggil sa Wika, Literasi, at Panitikan
Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbabasa sa
pamamagitan
ng masusing pakikinig sa oras ng
pagbabasa ng kuwento at pagbibigay ng mga puna.
B. Mga Sanggunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and
Write Their First Language (L1): A Guidebook for
Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010)
C. Mga Kagamitan:
Tsart, sequence map, larawan ng ibat ibang lokal na produkto,
mga bagay tulad ng basket, sombrero, tsinelas at iba pang
halimbawa ng lokal na produkto
D. Paksa:
Mga Mapagkukunan ng Kabuhayan sa Pamayanan/ Trabaho/
Kalakalan at Industriya (hal. lokal na produkto at industriya,
tiangge)
E. Pagpapahalaga: Pagtangkilik sa sariling produkto
III. Gawain sa pagkatuto:
Unang araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghawan ng Balakid

106

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa


pangungusap.

produkto
Maraming produkto na yari sa aming pamayanan ang ibinebenta
sa bayan.
pamayanan
Binubuo ng pamilya ang isang pamayanan.
materyales
Ang materyales na ginagamit sa paggawa ng ibat ibang produkto ay
galing sa aming lugar.
2.. Pagganyak:
Gawain: Kilalanin Natin
Pangkatin sa apat ang klase.
Ibigay sa bawat pangkat ang isang lokal na produkto.
Hikayatin ang bawat pangkat na pag-aralan ang ibinigay na produkto.
Ipasagot ang sumusunod na tanong:
a. Anong materyales ang ginamit sa produktong nasa inyong
pangkat?
b. Paano ginagamit ang produktong hawak ninyo? Ilagay ang sagot
sa loob ng mga hugis.
Anong lokal na
produktoang hawak
ninyo?

Bakit ninyo nagustuhan


ang produkto?

Paano ito
ginagamit?

107

3.Pangganyak na tanong:
Anong gawain ang una nating isinagawa. Tungkol saan
ang ating tinalakay? May babasahin tayong artikulo na
kaugnay ng ating tinalakay.Ano ang nais ninyong malaman
tungkol dito.(Gabayan ng guro upang makabuo nang
tamang tanong.
Anong mga produkto sa ating Rehiyon ang nakatutulong upang
magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga
mamamayan.
B. Gawain habang nagbabasa
Paglalahad:
Ipakita sa mga bata ang tsart na may artikulo
tungkol sa mga lokal na produkto ng
pamayanan.
Pag-usapan ito sa pamamgitan ng pagbibigay ng hinuha sa
artikulong babasahin.
Pagbasa sa artikulo ng guro nang tuloy-tuloy na
may angkop na intonasyon,damdamin, at bantas.
Pagbasa ng guro sa artikulo nang may paghinto
at pagsagot sa mga tanong ng guro
Tanong: Makatutuhanan ba ang artikulo? Bakit?
Pagbasa ng mga batang basahin nang may
angkop na intonasyon, damdamin, at bantas.
Pagbasa nang isahan, dalawahan o lahatan.
ARTIKULO
AGNES G. ROLLE

108

Ang Rehiyon IV-A CALABARZON ay binubuo ng mga lalawigan at


mga lungsod. Sa bawat lalawigan at lungsod na ito ay makikita ang naiiba at
natatanging mga produktong maipagmamalaki hindi lamang dito sa ating
bansa maging sa ibang bansa.
Ang mga tela at damit na burdado tulad ng sa barong na pina at jusi
na gawa sa Laguna at Batangas ay sadyang tinahi nang maganda at
makulay. Gayun-din ang mga makabagong hikaw, kuwintas at pulseras na
yari sa niyog at water lily ay sadyang kaakit-akit. Mayroon ding mga
produkto para sa pagpapaganda, gamot at pampalusog ng katawan.
Matibay at mura ang mga sapin sa paa tulad ng sapatos at
tsinelas mula sa Liliw Laguna. Marami rin at magaganda ang mga gawang
sombrero, bag, pamaypay at iba pa na yari sa buri. Matitibay din at
magaganda ang mga kagamitan sa bahay tulad ng mesa upuan at iba pa
mula sa Rizal.
Masasarap at masustansya ang mga pagkaing na sa mga
lalawigan lamang sa Rehiyon IV A CALABARZON matitikman tulad ng mga
kakanin. Ang puto ng Binan,buko pie,pulang itlog ng Laguna, Banana chips
at tahong chips ng Cavite,Balaw-balaw ng Rizal (exotic food),pansit habhab
ng Quezon.Ang muscovadong asukal ng Quezon, kapeng barako ng
Batangas at tablea de cacao ng Batangas at Cavite ay masustansya.
Sadyang natatangi ang mga produkto sa CABARZON.

Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
Ipabasang muli ang binasang artikulo.
Ugnayang gawain
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I:Sundin Natin
Gumawa ng isang talata tungkol sa produktong nabaggit
sa artikulo na makikita rin sa inyong lugar. Sundin natin
ang sequence map.

Pangalan ng
produkto

Paano ginawa
ang produkto

Materyales

109

Paano ito
ginagamit

Pangkat II: Atin Ito!


Sumulat ng isang sanaysay batay sa mga tanong sa
ibaba. Isulat sa isang papel at sundin ang pamantayan sa
pagsulat ng sanaysay.
1. Ano- anong produkto ang kilala sa inyong lugar?
2. Ano ang inyong naramdaman nang malaman mong
marami palang produkto ang galing sa inyong lugar?
3. Paano ka makatutulong sa inyong pamayanan tungkol sa
mga produktong ito?
Pangkat III: Ilarawan Natin
Ano ang masasabi mo sa larawan? Isulat ang sagot sa
patlang.
__________________________
__________________________

__________________________
__________________________

__________________________
__________________________

Pangkat IV: Makatotohanan ba o Kathang - isip lamang?


Sabihin kung ang pangungusap ay makatotohanan o kathang-isip
lamang.
1. Ang niyog ay tinatawag na puno ng buhay.
2. Maraming nagagawang bagay sa bawat bahagi ng puno ng
niyog.
3. Ang puno ng niyog ay tirahan ng mga kapre.
4. Matamis ang sabaw ng buko.
5. May mga mata ang buko.

110

6.Talakayan
1. Sabihin :
Ayon sa artikulong binasa natin,maraming produkto
ang makikita lamang sa ating rehiyon. Ano-ano ang mga
ito.?
Alin sa mga produktong nabanggit sa artikulo ang meron sa lugar
ninyo? Pakinggan natin ang Pangkat I.
Pagpapahayag ng Pangkat I
2. Sabihin:
May mga produkto ang mga lalawigan at lungsod na binanggit sa artikulo.Ang mga ito ay doon lamang makikita. Kanila
ang mga produktong ito. Ano-ano ito ? Saan-saan ito
makikita?Sa mga lugar ninyo ay may ganitong produkto rin.
Ang Pangkat II ay magbibigay din ng halimbawa.
Pagpapakita ng Pangkat II
3.Sabihin:
Alin sa mga produkto na nabanggit sa artikulo ang mayroon kayo?
Ilarawan mo ito.Ang Pangkat III ay pumili rin ng produkto na
meron sila. Ipaliliwanag sa atin ng Pangkat III.
Pagpapaliwanag ng Pangkat III
4.Sabihin:
Natatandaan pa ba ninyo ang kuwento na Si Gong Galunggong?
Anong uri ng kuwento ito? Ito ba ay makatotohanan o hindi? Bakit?
Ang artikulong binasa natin, ito ba ay makatutuhanan o hindi?
Bakit? May mga pangungusap ang Pangkat IV na sinagutan.
Alamin natin kung masasabi nila kung ito ay makatutuhanan o
hindi. Pangkat IV Ilahad ninyo.
Paglalahad ng Pangkat IV
7. Pagproseso ng Gawain

111

(Ang guro ang siyang magpoproseso ng gawain ng


Pangkat 1- 5. Isusulat niya ang mga sagot sa tsart.)
Pangkat

Gawain

Nakatuong Kakayahan

Ikatlong araw
Kasanayan sa wika
1. Pagganyak
a. Laro: Ipasa ang Basket!
1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang basket na may
lamang mga bagay.
3. Habang umaawit, ipapasa ang basket sa kasama sa pangkat.
4. Kapag huminto ang awit, kukuha ng isang bagay mula sa
basket ang may hawak nito.
5. Ipakikita ng bata ang bagay na galing sa basket at magsasabi
siya ng salitang maglalarawan sa bagay.
6. Uulitin ang proseso hanggang maubos ang laman ng basket.
2. Paglalahad
Basahin natin ang diyalogo.
Mina: Naku, nagbakasyon kami sa probinsiya ng aking Lola Ensang at
Lolo Sendong!
Roy:

Ano-ano ang nakita mo roon?

Mina: Maraming puno ng niyog sa tabi ng kanilang bahay. Uminom kami


ng sabaw ng buko. Matamis at masarap ito. May matitibay na
gamit din silang gawa sa niyog tulad ng sandok, mangkok, mesa,
at upuan.
Roy:

Ang galing naman! Tiyak na malamig at malinis ang hangin doon.


Sana makarating din ako sa lugar ng iyong lolo at lola.

Mina: Huwag kang mag-alala. Isasama kita roon sa susunod na


bakasyon.
Siguradong matutuwa ka sa makikita mo sa
magandang lugar nina Lola Ensang at Lolo Sendong
.

112

Sagutin ang mga tanong:


1. Saan nagbakasyon si Mina?
2. Ano-ano ang kanyang nakita roon?
3. Anong mga salitang naglalarawan ang tumutukoy sa lugar at
bagay ang ginamit sa diyalogo? (Isusulat ng guro ang sagot ng
mga bata sa pisara at ipababasa ang mga ito sa kanila.)
4. Pagbigayin ng halimbawa ang mga mag-aaral.
3. Paglalahat
Ano ang salitang naglalarawan?
Ang mga salitang naglalarawan
ay mga salitang nagsasabi ng tungkol sa kulay, laki, hugis, bilang at uri
ng tao, bagay, lugar, at pangyayari.

Halimbawa: maputi, matibay, malamig, masaya


Anong mga pang-uri ang maaaring gamitin upang ilarawan ang tao,
bagay, lugar, at pangyayari?
Mga Salitang Naglalarawan
Tao

Bagay

Lugar

Pangyayari

Ikaapat na araw
4. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Ilarawan Mo
Pangkatin sa apat ang klase. Hayaan silang sumulat ng
pangungusap na may salitang naglalarawan sa litratong ibibigay sa
pangkat
Pangkat 1:

Pangkat 2:

113

_______________________

________________________

_______________________

________________________

_______________________

________________________

_______________________

________________________

Pangkat 3:

Pangkat 4:

__________________________

______________________________

__________________________

______________________________

__________________________

______________________________

__________________________

______________________________

b. Umakyat Tayo
Sundin ang mga panuto.
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
2. Kumuha ng kard at gamitin sa pangungusap ang salitang
mababasa rito.
3. Upang marating ang itaas ng hagdan,
kailangang
makapagbigay ng pangungusap ang bawat kasapi ng pangkat
gamit ang salitang nakasulat sa kard.
4. Ulitin ang proseso hanggang ang bawat kasapi ay
nakapagbigay ng pangungusap gamit ang nakasulat na panguri.

114

5. Malayang Pagsasanay

Tingnan ang larawan. Sumulat ng mga pangungusap na may


salitang naglalarawan tungkol dito.

Ikalimang araw
Paglalapat
Halinang Gumawa
Sundin ang mga panuto.
a. Sumulat ng sanaysay o maikling kuwento na naglalarawan
ng paborito mong pagkain.
b. Sundin ang mga tuntunin sa paggamit ng wastong bantas,
malaking letra, tamang pasok ng pangungusap sa talata,
at ayos ng talata.
c. Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan sa paborito
mong pagkain.
d. Basahin ang iyong sanaysay o kuwento sa klase.
e. Ipaskil ang iyong ginawa sa silid-aralan.
IV. Pagtataya
Piliin sa loob ng kahon ang salita upang mabuo ang
pangungusap.
matibay

malinis

masaya

mahaba
matigas

1. __________ sila dahil marami ang kanilang naibentang produkto.


2. Laging sinisigurado ni Roy na ____________ ang paninda nilang
sapatos.
3. ____________ang taling ginamit sa paggawa ng palamuti.
4. _______________ ang upuang gawa sa puno ng niyog.
5. Ilagay ang basura sa tamang lalagyan upang mapanatiling
______________ang paligid.

115

V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng iyong paboritong pagkain na gawa sa inyong lugar. Sumulat
ng talatang may mga salitang naglalarawan tungkol dito.

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-32 Linggo
I. Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng opinyon,
ideya, pananaw, at iba pa sa isang sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari
2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at iba pa
na na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pagaralan
3. Nakababasa ng mga tekstong pang-unang baitang nang may
kawastuhang 95-100 bahagdan
4. Nakakababasa ng apat hanggang limang parirala sa tekstong pangunang baitang
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang naglalarawan na ginamit sa
pangungusap
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
7. Nakagagamit nang tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may
wastong bantas, malaking letra, pasok ng unang pangungusap at may
kaayusan
8. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang bantas,
gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may
kaayusan
9. Nakagagamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing sa tao, bagay, at lugar
10. Nakagagamit ng hudyat mula sa nilalaman upang makita ang kahulugan
ng mga salita
11. Nakakikilala ng mga salitang naglalarawan na maaring gawing tambalang
salita
12. Nakakikilala ng antas ng salitang naglalarawan (hal: mas, pinaka)
13. Nakahihinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa paaralan,
pamayanan, sitwasyon, gawain, alamat, blogs at iba pa
14. Nakapagsasabi muli ng bagong lathalain, balita sa radyo gamit ang
sariling salita na may diin sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
15. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig
nang mabuti habang binabasa ang kuwento at nakapagbibigay ng puna
116

II. Paksang Aralin


A. Tema
1. Pabigkas ng Wika:
Paggamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng
opinyon,
ideya,
pananaw,
at
iba
pa
sa
isang
sitwasyon/suliranin/balita/pangyayari.
2. Pagkilala ng Salita:
Pagbasa ng ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, blogs at
iba pa na na may matataas na antas ng salita at mga salitang
dapat pang pag-aralan
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng mga tekstong pang-unang baitang na may bilis na
95-100 bahagdan
b. Pagbasa ng apat hanggang limang parirala na may wastong
tono, damdamin, at malaking letra
4. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan na
natutuhan
b. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang naglalarawan na
ginamit sa pangungusap
5. Pagsulat:
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may
wastong bantas, malaking letra, pasok ng unang pangungusap at
may kaayusan
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na gumagamit ng wastong
bantas malaking letra, unang pasok ng pangungusap, at may
kaayusan
7. Kasanayan sa Wika
Paggamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing ng tao, bagay, at lugar
8. Talasalitaan
a. Paggamit ng hudyat mula sa nilalaman upang makita ang
kahulugan ng mga salita
b. Pagkilala sa dalawang salita na maaaring gawing tambalang
salita
c. Pagkilala sa antas ng mga salitang naglalarawan (hal mas,
pinaka)
9. Pag-unawa sa Binasa
Paghinuha kung tungkol saan ang kuwentong binasa, pangyayari
sa paaralan at pamayanan, sitwasyon, gawain, alamat, blogs at
iba pa

117

10. Pag-unawa sa Tekstong Impormasyon


Pagsasabi muli ng mga nabasang lathalain, napakinggang balita
sa radyo telebisyon at iba pa gamit ang sariling salita na may diin
sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
11. Saloobin hinggil sa Panitikan
Pagpapakita ng pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna
B. Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their
First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis
Malone, 2010)
- Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from
RAP Conventions -Vol. 1)
C. Mga Kagamitan:
Tula: Kuryente, Bahagi ng Pag-unlad ng Buhay at Ang Ilaw
Mga larawan, kagamitan sa pangkatang gawain
D. Paksa:
Mga pinagkukunan ng enerhiya elektrisidad, gas, kahoy na
panggatong, hangin, araw,
E. Pagpapahalaga:
Pagtititipid ng Kuryente
III. Mga Gawain sa Pagkatututo
Unang Araw
A. Gawain Bago Bumasa
1. Paghahawan ng balakid( sa pamamagitan ng larawan)

computer

bentilador

refregirator

telebisyon

cellphone

Itanong: Saan nakikita ang mga kagamitang nasa larawan?


Ano ang nagpapaandar sa mga kagamitang ito?
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga gawaing ginagawa sa bahay.
Itanong: Tumutulong ka ba sa iyong mga magulang sa paggawa ng
mga gawaing bahay?
Sa paanong paraan ka tumutulong?
118

Gumagamit ka ba ng kagamitang de-koryente?


Ano-anong kagamitan ang ginagamitan ng kuryente?
3. Pangganyak na tanong
Ano ang kahalagahan ng koryente?
Paano ito nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay?
B. Gawain habang nagbabasa
4. Isulat ang lathalain sa tsart.
Ipabasa ito nang lahatan,dalawahan atisahan.
Babasahin ito nang may tamang bigkas, wastong lakas ng boses at
tamang gamit ng bantas.
Kuryente, Bahagi ng Pag-unlad ng Buhay
ni Elvie E. Seguerra
Bakit maginhawa ang pamumuhay ngayon ng isang pamilya?
Umpisahan natin pagkagising sa umaga
Mabilis ang pagluluto ng sinaing ni nanay
gamit ang rice cooker sa bahay
Hindi agad napapanis ang ulam,
sa refrigerator nakalagay
Sa buong maghapon ang pakiramdam ay mainit
Paandarin lang ang bentilador init ay mapapawi
Pagkatapos ng almusal, buhay ay giginhawa
Manood ng palabas sa telebisyong may kulay pa
Hinahanap si ate, sa cellphone ite-text
Si kuya ay abala sa computer nakatutok
Si bunso at si lola sumasayaw
sa tugtog ng radyong may plaka
De kuryenteng termos handa na ang kape ni tatay
Malaking tulong talaga, kuryenteng mahalaga
Pagtitipid sa kuryente ay dapat isagawa
Malawakang brown-out ay mawawala
Buhay ay uunlad pamilya ay sasaya
Ikalawang Araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
Muling ipabasa ang lathalaing nakasulat sa tsart.
5. Ugnayang gawain
Pangkat I: Kuryente ng Buhay
Isulat ang mga kagamitan sa bahay na de-koryente.

Ginagamitan ng kpryente ang..

119

Pangkat II: Gamitin nang Wasto


Paano ang wastong paggamit ng kuryente? Isulat ang sagot sa loob
ng kahon.
Wastong paggamit ng kuryente
Pangkat III: Paghambingin Mo!
Paghambingin ang uri ng pamumuhay ng mag-anak kung may
kuryente at walang kuryente. Isulat sa loob ng dalawang bilog.

may koryente

walang koryente

Pangkat IV: Magtipid Ka!


Bilang isang bata, isulat ang gagawin mo para makatulong sa
pagtitipid ng koryente.
Simula ngayon
1. ______________________________________
2. ______________________________________
3. ______________________________________
4. _________________________________________
5. ______________________________________
Pangkat V: Magbigay pa nga!
Bukod sa kuryente, isulat kung ano-ano pa ang pinanggagalingan ng
enerhiya. Isulat ito sa loob ng kahon.
Iba pang enerhiya
1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________

120

6. Talakayan
a. Ang kuryente ay nagpapagaan ng pamumuhay ng mga tao.
Ano-ano ang gamit ng kuryente?
Pakinggan natin ang pag- uulat ng Pangkat I.

b. May pamamaraan sa tamang pagtitipid ng kuryente.


Ano-ano ang mga ito?
Ipaliliwanag sa atin ng Pangkat II.
c. Napapagaan ang mga gawaing bahay dahil sa kuryente.
Ano ang pagkakaiba sa paggamit ng mga kagamitang dekuryente at walang kuryente.Ihahambing ito ng Pangkat III.
d. Sa iyong sariling paraan, paano ka makatutulong sa pagtitipid ng
kuryente?
Sasabihin ito ng Pangkat IV.
e. Ano-ano pa ang maaaring pagmulan ng enerhiya?
Paano natin ito titipirin?
Iuulat ito sa atin ng Pangkat V?
7. Pagproseso ng Gawain
Ipaliwanag ang iniulat ng mga mag-aaral. Isulat ang sagot sa tsart.
PANGKAT

GAWAIN

TINUKOY NA
KASANAYAN

Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Pagganyak
Ipabasa ang tula
Ilaw
ni Elvie E. Seguerra
Ilaw! Ilaw!
Kay liwanag ng ilaw
Sa madilim na gabi
Ang liwanag ay kawili-wili
Ilaw! Ilaw!
May ibat ibang klase ng ilaw
May lampara, mitsa, at sulo
Nagbibigay- liwanag sa mga pulo
121

Itanong:
a. Ano-ano ang nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim?
b. Alin ang mas maliwanag ang buhay tuwing gabi sa bukid o ang
buhay tuwing gabi sa siyudad?
2. Paglalahad
Ipabasa ang mga pangungusap.
a. Maliwanag ang ilaw sa bahay nina Luis.
b. Mas maliwanag ang ilaw sa bahay nina Allan kaysa kina Luis.
c. Pinakamaliwanag ang ilaw sa bahay nina Anna kaysa sa dalawa.
Ipabasa ang mga salitang may salungguhit.
3. Pagtalakay
Itanong: Paano inilarawan ang ilaw nina Luis?
Sa pangalawang pangungusap, paano inilarawan ang ilaw nina
Allan?
Paano naman inilarawan ang ilaw nina Anna kaysa kina Luis at
Anna?
Ano ang salitang naglalarawan ang ginamit sa unang
pangungusap?
Ano ang salitang ginamit sa paghahambing sa ilaw nina Allan
at Luis?
Ano ang salitang ginamit sa paghahambing sa ilaw nina Anna
at sa ilaw nina Allan at Luis?
Sabihin sa mga mag-aaral na magbigay ng mga salitang
naglalarawan na ginagamitan ng salitang mas at pinaka.
4. Paglalahat
Itanong: Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa tao, pook, at
bagay?
Ano-ano ang antas ng mga salitang naglalarawan?
Ilang tao, pook, at bagay ang pinaghahambing kapag ginagamit
ang panlaping mas?
Ilang bagay, pook, at tao ang pinghahambing kapag ginagamit
ang panlaping pinaka?
Ang salitang naglalarawan ay naglalarawan ng tao, pook, at
bagay.Ito ay ginagamitan ng mas at pinaka
Halimbawa:
maganda
maliit mas maliit
matalino
5.

mas maganda
pinakamaliit
mas matalino

pinakamaganda
pinakamatalino

Pinatnubayang Pagsasanay
a. Gamit ang mga tunay na bagay, sabihin sa mga mag-aaral na
magbigay ng mga salitang naglalarawan sa mga naturang bagay.
Halimbawa: bag, krayola, lapis, payong
122

b. Paghambingin ang dalawang ngalan ng tao, bagay, at pook. Gumamit ng


mas at pinaka sa paghahambing.
ate at kuya
bundok at bukid
sampaguita at gumamela
c. Dadalhin ng guro ang mga bata sa labas ng silid-aralan . Itatala ng mga
bata ang mga bagay na kanilang makikita. Paghahambingin ang mga
bagay gamit ang salitang naglalarawan.
Ikaapat na Araw
6. Malayang Pagsasanay
Panuto: Sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng mga salitang
naglalarawan. Salungguhitan ang ginamit na salitang naglalarawan.
1. Ilarawan ang pisara
2. Ihambing ang pisara sa mesa
3. Ihambing ang walis sa basahan
4. Ihambing ang ruler sa lapis at pambura
5. Ihambing ang tuwalya sa bimpo at panyo.
7. Paglalapat
Sabihin:Nais mong magbenta ng ibat ibang kagamitang de-koryente
Sumulat ng patalastas na nagsasabi ng tamang pagtitipid ng kuryente at
ng wastong paggamit ng mga kagamitang de-kuryente.
Gamitin ang mga salitang naglalarawan.
Bigyan pansin ang gamit ng tamang bantas, gamit ng malaking letra, at
ayos ng pangungusap.
Ipabasa ang ginawang patalastas ng mga bata.
8. Pagtataya
Panuto: Sumulat ng pangungusap na ginagamitan ng mga salitang
naglalarawan sa mga bagay na nasa loob ng kahon.
Salungguhitan ang mga salitang naglalarawan.

123

Ikalimang Araw
1. Paglalahad:
Ipabasa ang dalawang salita. Isulat ang nabuong salita.
hanap + buhay
=
hanapbuhay
bahag + hari
=
bahaghari
anak + pawis
=
anakpawis
balat + sibuyas
=
balatsibuyas
dapit + hapon
=
dapithapon
isip + bata
=
isipbata
2. Pagtalakay/Paglalahat
Ilang salita ang bumubuo sa bagong salita?
Ano ang tawag sa dalawang salitang pinagsama sa iisang salita?
3. Pagsasanay
Ipasulat ang dalawang salita mula sa tambalang salita.
takipsilim
agawbuhay
balatsibuyas
bukaspalad
bahaykubo
5. Pagtataya
Sumulat ng 2salitang maaring maging tambalang salita.
____________ + _____________ = ____________
____________ + _____________ = ____________
____________ + _____________ = ____________
____________ + _____________ = ____________
____________ + _____________ = ____________
IV. Takdang-Aralin
Gumawa ng talaan ng kagamitan sa bahay na de-koryente. Sumulat ng mga
pamamaraan kung paano makatitipid sa koryente.

124

Appendices

Koryente Bahagi ng Pag-unlad ng Buhay


ni Elvie E. Seguerra
Bakit maginhawa ang pamumuhay ngayon ng isang pamilya?
Umpisahan natin pagkagising sa umaga
Mabilis ang pagluluto ng sinaing ni nanay
gamit ang rice cooker sa bahay
Hindi agad napapanis ang ulam,
sa refrigerator nakalagay
Sa buong maghapon ang pakiramdam ay mainit
Paandarin lang ang bentilador init ay mapapawi
Pagkatapos ng almusal, buhay ay giginhawa
Manood ng palabas sa telebisyong may kulay pa
Hinahanap si ate, sa cellphone ite-text
Si kuya ay abala sa computer nakatutok
Si bunso at si lola sumasayaw
sa tugtog ng radyong may plaka
De kuryenteng termos handa na ang kape ni tatay
Malaking tulong talaga, kuryenteng mahalaga
Pagtitipid sa kuryente ay dapat isagawa
Malawakang brown-out ay mawawala
Buhay ay uunlad pamilya ay sasaya
Tula
Ilaw
ni Elvie E. Seguerra
Ilaw! Ilaw!
Kay liwanag ng ilaw
Sa madilim na gabi
Ang liwanag ay kawili-wili
Ilaw! Ilaw!
May ibat ibang klase ng ilaw
May lampara, mitsa, at sulo
Nagbibigay liwanag sa mga pulo

125

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-33 Linggo
I.

Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, ideya, kasipan, pananaw, at iba pa
2. Nakababasa ng tekstong pang-unang sa bilis na 95-100 bahagdan
3. Nakababasa ng apat hanggang limang salita, parirala nang may
wastong tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra
4. Nakababaybay ng wasto ng mga salitang natutuhan
5. Nakababaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng
pangungusap
6. Nakagagamit nang tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may
wastong bantas, malaking letra sa sanaysay at kuwento
7. Nakasusulat ng sanaysay at kuwento na sinusunod ang tamang
bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa
talata, at may kaayusan
8. Nakagagamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing sa tao, lugar, at pook
9. Nakagagamit ng hudyat mula sa nilalaman upang makita ang
kahulugan ng mga salita
10. Nakakikilala ng dalawang salitang maaaring gawing tambalang salita
11. Nakakikila ng antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka)
12. Nakahihinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa
paaralan at pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba pa
13. Nakapagsasabi muli ng bagong lathalain, balita sa radyo gamit ang
sariling salita na may diin sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
14. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwento

II. Paksang Aralin


A. Tema:
1. Pagbigkas ng Wika
Paggamit ng mga kinaugaliang pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, ideya, kasipan, pananaw, at iba pa
2. Pagkilala sa Salita
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at
iba pa na nagtataglay ng mataas na antas ng mga salitang napagaralan na
3. Katatasan
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may
wastong tono ng boses, damdamin, at gamit ng malaking letra.
126

4. Pagbaybay
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan na.
b. Pagbabaybay ng mga salitang naglalarawan ayon sa gamit ng
pangungusap
5. Pagsulat
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita na may
wastong bantas at malaking letra sa sanaysay at kuwento
6. Paglikha
Pagsulat ng sanaysay at kuwento na gumagamit nang wastong
bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap at may
kaayusan
7. Kamalayan sa Gramatika
Paggamit ng angkop na salitang naglalarawan na nagpapakita ng
antas ng paghahambing ng tao, lugar, at pook
8. Talasalitaan
a. Paggamit ng hudyat mula sa nilalaman ng teksto upang makita
ang kahulugan ng mga salita
b. Pagkilala sa dalawang salitang maaaring gawing tambalang
salita
c. Pagkikila sa antas ng salitang naglalarawan (hal. mas, pinaka)
9. Pag-unawa sa Binasa
Paghinuha kung tungkol saan ang kuwento, pangyayari sa
paaralan at pamayanan, kalagayan, gawain, alamat, blogs at iba
pa
10. Pag-unawa sa Tekstong Pampanitikan
Pagsasabing muli ng bagong lathalain, kuwento, alamat at iba pa
gamit ang sariling salita na may diin at wastong pagkakasunodsunod ng pangyayari
11. Saloobin hinggil sa Panitikan
Pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig ng kuwento
B. Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First
Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone,
2010)
- Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from RAP
Conventions -Vol. 1)

127

C. Kagamitan
Kuwento
Larawan ng tao, bagay, at pook
D. Paksa: Pagtitipid ng enerhiya at mga pinagkukunang- yaman
E. Pagpapahalaga: Pagtitipid
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng pahiwatig ng
pangungusap)
poso
Nag-igib ng isang timbang tubig si kuya sa poso.
gripo
Isara ang gripo pagkatapos gamitin upang makatipid sa tubig.
Isahod, palanggana
Ang pinagliguang tubig ay maaaring isahodsa palanggana para pandilig
ng halaman.
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng talon. Pag-usapan kung ano ang nakikita nila sa
larawan.
Itanong: Saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay?
Ano ang kahalagahan at gamit ng tubig sa ating buhay.

3. Pangganyak na mga Tanong


Saan kumukuha ng tubig ang mga tao na kanilang ginagamit?
Bakit mahalaga ang tubig?
Paano tayo magtitipid ng tubig?
B. Gawain habang nagbabasa
Babasahin ng bata ang kuwento na may tamang intonasyon, tono, at diin
ng lahatan, dalawahan o isahan.
128

Magtanong ang guro upang makapaghinuha ang mga mag-aaral tungkol


sa kanilang binabasa.
Si Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro
ni Nida C. Santos
Sa isang barangay, may isang pamilya na nagmamay-ari ng poso. Dito
kumukuha ng tubig ang lahat ng tao sa barangay. Mayroon silang isang anak na
lalaki na ang pangalan ay Mac-Mac. Palagi niyang kasamang maglaro ang
pinsan na si Remo. Naglalaro sila ng tubig sa may poso. Nakita ng kanyang
nanay na nagsasayang sila ng tubig. Sinabihan sila na huwag maglaro ng tubig.
Mahirap kapag nawalan tayo ng tubig,
wala tayong
ipangluluto at
ipanghuhugas ng pinggan, sabi ng nanay niya.
Pagkatapos ni Mac-mac maglaro, sinabihan siya ng kanyang nanay na
maligo. Sumagot si Mac-mac, Opo nanay, maliligo na po ako. Naghanda
naman ang nanay ng damit na isusuot. Pagkalipas ng kalahating oras, nagtaka
ang kanyang nanay kung bakit wala pa siya. Pinuntahan siya ng nanay sa may
poso at nakitang naglalaro ng tubig. Nakita ng nanay na umaapaw na ang tubig
sa timba kaya agad itong lumapit kay Mac-mac, Tama na ang pagligo mo, tama
na Mac-mac! Tapusin mo na iyan, marami ka nang nasayang na tubig. Sana
sinahod mo ng palanggana ang pinagliguan mo para pandilig ng halaman. sabi
ng nanay. Opo nanay. nagmamadaling sumunod si Mac-mac sa kanyang
nanay.
Pagkatapos maligo ay nag-almusal na ang mag-anak. Habang nagaalmusal, Magsepilyo ka ng ngipin pagkatapos kumain, sabi ng tatay kay Macmac. Sinunod ni Mac-mac ang bilin ng tatay. Habang nagsesepilyo, naglalaro na
naman ng tubig sa gripo si Mac-mac. Sinaway siya ng kanyang nanay. Macmac itigil mo ang paglalaro ng tubig sa gripo. Mabuti kung laging may tubig,
isara mo ang gripo kung hindi na ginagamit, paalala ng nanay.
Isang umaga nagising si Mac-mac na maraming tao sa paligid ng
kanilang bahay. Nakita niyang mahaba ang pila at nagtatalo-talo. Ngunit walang
tumutulong tubig sa poso. Naalala niya ang ginagawang pagsasayang ng tubig.
Naisip niyang dapat isara ang gripo habang nagsesepilyo at sahurin ng
palanggana ang tubig na kanyang ipinapanligo. Dahil sa nakita niya, nangako
siya sa kanyang tatay at nanay na magtitipid na ng tubig. Lumapit siya sa
kanyang nanay at tatay at sinabing, Tatay, nanay, simula po ngayon ay di ko na
po sasayangin ang tubig upang di maubos ang tubig sa ating poso at gripo.
Natuwa sina tatay at nanay sa kanilang narinig kay Mac-mac.
Isang hapon, nagkaroon na ulit ng tubig ang kanilang poso. Natuwa si
Mac-Mac. Nasiyahan din ang mga tao sa pagkakaroon muli ng tubig na
magagamit nila sa kanilang pangangailangan at gawain. Simula noon ay nagtipid
na si Mac-mac ng tubig.

129

Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Balikan ang kuwento Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro)
1. Ugnayang Gawain
Pangkatin ang mga bata .Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: Iguhit Natin
Mahalaga ang tubig sa mga bagay na may buhay at walang buhay.
Iguhit kung saan kayo kumukuha ng tubig na ginagamit sa inyong bahay.
Gumamit ng manila paper at ilarawan ang inyong iginuhit.
Pangkat II: Ipalabas Natin
Isadula ang bahagi ng kuwento na nagpapakita ng wastong pagtitipid sa
tubig.
Pangkat III: Ilarawan Natin
Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.
Pangkat IV: Ikuwento Natin
Ikuwentong muli ang kuwentong napakinggan.
IV. Pagtalakay
a. Tungkol saan ang kuwento? Saan kadalasang kumukuha ng ang
mga tao ng tubig na ginagamit sa kanilang pangangailangan?
Ipakikita ng Pangkat I ang kanilang iginuhit.
b. Ngayon na alam na natin ang pinagkukunan ng tubig ng mga tao.
Alin sa bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng pagtitipid ng tubig?
Panoorin natin ang pagsasadula ng Pangkat 2.
c. Ano ang masasabi ninyo sa mga tauhan sa kuwento?
Pakinggan natin ang Pangkat 3 sa paglalarawan nila ng mga
tauhan sa kuwento.
d. Maibabahagi mo bang muli ang kuwentong iyong napakinggan?
Ikukuwento itong muli ng Pangkat 4.
Saan nagmumula ang tubig na ginagamit ng mga tao sa kanilang
tahanan?
Ano-ano ang gamit at kahalagahan ng tubig sa ating buhay?
Paano tayo magtitipid ng tubig?
V.

Pagproseso ng mga Gawain


Talakayin ng guro ang kasagutan ng bawat pangkat. Isulat sa tsart ang
mga kasagutan.
PANGKAT

GAWAIN

KASANAYANG
BINIGYANG PANSIN

130

Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Pagganyak
Sabihin: Basahin ang salitang naglalarawan. Guhitan patungo sa salitang
tao, lugar, at bagay na inilalarawan.
malinis
pula
masipag
. tao
.
mabait
malambot
. lugar .
tahimik
masigla
. bagay .
mahaba
malawak
maganda
2. Paglalahad
Ano ang salitang ginagamit natin sa paglalarawan ng tao? lugar? bagay?
(Isusulat ng guro ang mga salitang naglalarawan na babanggitin ng mga
mag-aaral.
Sabihin: Basahin ang pangungusap.
a. Mas matibay ang lata kaysa plastik.
b. Masipag ang bata na si Fela.
c. Si Le Ann ang pinakamagandasa kanilang magkakaibigan.
Ilahad ng guro ang salitang naglalarawan at kung paano ito ginamit sa
pangungusap.
3. Paglalahat
Sabihin: Ano ang salitang naglalarawan?
Salitang naglalarawan ang ginagamit sa paglalarawan ng tao, lugar, at
hayop.
Payak
maganda
masipag

Pahambing
mas maganda
mas masipag

Pasukdol
pinakamaganda
pinakamaganda

Ikaapat na araw
4. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Sabihin: Sabihin ang aw-aw kung ang nasa larawan ay angkop sa
pangungusap at ngiyaw naman kung hindi.
1.)

halaman

2.)

itim na kotse

3.)

bahay

4.)

5.)

Mataas ang halaman.

Ang kotse ay kulay kahel.

Malaki ang bahay.

bata na bumati sa matanda


pusang mataba

Magalang ang bata.

Payat ang pusa .


131

b. Larawan: A Gallery Walk


Lilibot ang mga bata at guro sa silid -aralan upang mapagmasdan
ang bawat sulok ng silid.
Sabihin: Magkakaroon tayo ng Gallery Walk. Pagmasdan ang bawat
larawan.
(Hayaan ng guro na pag-aralan ng mga bata ang larawan at
magtanong tungkol dito.)
Itanong: Ano ang nakikita mo sa larawan? Ano ang kanilang
ginagawa? Ilarawan ang iyong nakikita. Sabihin ito sa klase at isulat
sa pisara. (Iwasto ng guro kung tama ang baybay ng mga salita,
gamit ng malaking letra, at bantas.)
5. Malayang Pagsasanay
Pinoy Henyo Game:
Tumawag ng isang boluntaryong bata na uupo sa unahan.May
ididikit na salita sa kanyang noo. Para masagot ang Henyong Salita,
ilalarawan ito ng kanyang mga kamag-aral. Tutugon lamang ang
kamag-aral ng Oo, Hindi, o Puwede. Kapag ito ay nahulaan,
tatawag ang guro ng iba pang boluntaryo na uupo sa unahan.
Ikalimang Araw
6. Paglalapat
Ating Likhain:
Lumikha ng awit, tula, biro, bugtong o maikling kuwento tungkol sa
naging karanasan mo ngayong linggong ito. Gamitin ang tamang
bantas, gamit ng malaking letra, tamang pasok ng pangungusap, at
kaayusan. Isulat ito sa malinis na papel at guhitan ang mga salitang
naglalarawan na ginamit sa pangungusap. (Ipabasa sa mga magaral ang kanilang ginawa at bigyan ito ng angkop na komento.Ipaskil
ang sinulat ng mga mag-aral.)
VI. Pagtataya
Paghambingin ang larawan gamit ang salitang naglalarawan. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang payong ay

kay sa lapis.

2. Ang bundok ang _____ sa lahat.

132

3. Ang cake ay_____ kaysa


sorbetes.

4.Si Romar ang

sa tatlo .

5. Ang ilog ay ______ kaysa kanal.

VII. Takdang aralin


Paggawa ng poster: Gumawa ng poster na nagpapakita kung paano ang
tamang pagtitipid ng tubig. Ipakita at ipaliwanag kung ano ang iyong
ginawang poster.

133

Appendix
Si Mac-mac: Ang Batang Mahilig Maglaro
ni Nida C. Santos
Sa isang barangay, may isang pamilya na nagmamay-ari ng poso. Dito
kumukuha ng tubig ang lahat ng tao sa barangay. Mayroon silang isang anak na
lalaki na ang pangalan ay Mac-Mac. Palagi niyang kasamang maglaro ang
pinsan na si Remo. Naglalaro sila ng tubig sa may poso. Nakita ng kanyang
nanay na nagsasayang sila ng tubig. Sinabihan sila na huwag maglaro ng tubig.
Mahirap kapag nawalan tayo ng tubig,
wala tayong
ipangluluto at
ipanghuhugas ng pinggan, sabi ng nanay niya.
Pagkatapos ni Mac-mac maglaro, sinabihan siya ng kanyang nanay na
maligo. Sumagot si Mac-mac, Opo nanay, maliligo na po ako. Naghanda
naman ang nanay ng damit na isusuot. Pagkalipas ng kalahating oras, nagtaka
ang kanyang nanay kung bakit wala pa siya. Pinuntahan siya ng nanay sa may
poso at nakitang naglalaro ng tubig. Nakita ng nanay na umaapaw na ang tubig
sa timba kaya agad itong lumapit kay Mac-mac, Tama na ang pagligo mo, tama
na Mac-mac! Tapusin mo na iyan, marami ka nang nasayang na tubig. Sana
sinahod mo ng palanggana ang pinagliguan mo para pandilig ng halaman. sabi
ng nanay. Opo nanay. nagmamadaling sumunod si Mac-mac sa kanyang
nanay.
Pagkatapos maligo ay nag-almusal na ang mag-anak. Habang nagaalmusal, Magsepilyo ka ng ngipin pagkatapos kumain, sabi ng tatay kay Macmac. Sinunod ni Mac-mac ang bilin ng tatay. Habang nagsesepilyo, naglalaro na
naman ng tubig sa gripo si Mac-mac. Sinaway siya ng kanyang nanay. Macmac itigil mo ang paglalaro ng tubig sa gripo. Mabuti kung laging may tubig,
isara mo ang gripo kung hindi na ginagamit, paalala ng nanay.
Isang umaga nagising si Mac-mac na maraming tao sa paligid ng
kanilang bahay. Nakita niyang mahaba ang pila at nagtatalo-talo. Ngunit walang
tumutulong tubig sa poso. Naalala niya ang ginagawang pagsasayang ng tubig.
Naisip niyang dapat isara ang gripo habang nagsesepilyo at sahurin ng
palanggana ang tubig na kanyang ipinapanligo. Dahil sa nakita niya, nangako
siya sa kanyang tatay at nanay na magtitipid na ng tubig. Lumapit siya sa
kanyang nanay at tatay at sinabing, Tatay, nanay, simula po ngayon ay di ko na
po sasayangin ang tubig upang di maubos ang tubig sa ating poso at gripo.
Natuwa sina tatay at nanay sa kanilang narinig kay Mac-mac.
Isang hapon, nagkaroon na ulit ng tubig ang kanilang poso. Natuwa si
Mac-Mac. Nasiyahan din ang mga tao sa pagkakaroon muli ng tubig na
magagamit nila sa kanilang pangangailangan at gawain. Simula noon ay nagtipid
na si Mac-mac ng tubig.

134

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-34 na linggo
I.

Layunin:
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng damdamin sa paghihinuha (kung ano ang kinalabasan
ng kuwento, pangyayari, gawain, kilos, at mga sitwasyong narinig)
2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs
at iba pa na nagtataglay ng mataas na antas ng mga salitang napagaralan
3. Nakakabasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may wastong
tono, damdamin, at mga salitang nagsisimula sa malaking letra.
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
6. Nakababaybay nang wasto ng mga tambalang salita at nakagagamit
nang tama ang mga bantas at malaking letra sa pagsipi ng mga
idiniktang salita
7. Nakagagamit nang tamang agwat sa pagitan ng mga salita, malaki at
maliit na letra sa pagsulat ng mga idiniktang salita
8. Nakasusulat ng mga idinidiktang payak na salita, pangungusap, parirala,
at talata gamit ang tamang bantas, malaki at maliit na letra, unang pasok
ng pangungusap, at kaayusan ng pangungusap
9. Nakapagbibigay ng mga salitang magkasingkahuluga at magkasalungat
gamit ang salitang naglalarawan
10. Nakagagamit ng mga hudyat mula sa nilalaman ng teksto upang
mailarawan ang kahulugan nito
11. Nakakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang
salita
12. Nakakikilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal:mas, pinaka)
13. Nakahihinuha ng kuwento, pangyayari sa paaralan at pamayanan,
sitwasyon, gawain, alamat, blogs at iba pa batay sa pahiwatig ng
pangungusap
14. Naipahahayag muli ang kuwento, alamat, kuwentong bayan, gamit ang
mga salitang natutunan
15. Nakapagpapakita ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng pakikinig
nang mabuti sa nagbabasa at nagbibigay ng mga puna.

II. Paksang Aralin:


A. Tema:
1. Pagbigkas ng Wika
Paggamit ng damdamin sa paghihinuha (kung ano ang kinalabasan
ng kuwento, pangyayari, gawain, kilos, at mga sitwasyong narinig).
2. Pagkilala ng Salita
Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs
at iba pa na nagtataglay ng mataas na antas ng mga salitang
napag-aralan.
135

3. Katatasan
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may
wastong tono, damdamin, at malaking letra.
4. Pagbabaybay
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan.
b. Pagbaybay nang wasto ng mga tambalang salita, paggamit mga
bantas, at malaking letra sa pagsipi ng mga idiniktang salita.
5. Pagsulat
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, malaki at
maliit na letra sa pagsulat ng mga idiniktang salita.
6. Paglikha
Pagsulat ng mga idinidiktang payak na salita, pangungusap,
parirala, at talata gamit ang tamang bantas, malaki at maliit na
letra, unang pasok ng pangungusap at kaayusan ng
pangungusap
7. Kamalayan sa Gramatika
a. Pagkilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang
salita
b. Pagkilala ng antas ng mga salitang naglalarawan (hal. mas,
pinaka)
8. Pagbaybay
a. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan
b. Pagbaybay nang wasto sa mga tambalang salita, mga bantas,
malaking letra sa pagsipi ng mga idiniktang salita
9. Pag-unawa sa binasa
a. Paghinuha ng kuwento, pangyayari sa paaralan at pamayanan,
sitwasyon, gawain, alamat, blogs at iba pa batay sa pahiwatig na
pangungusap
b. Pagsasabi muli ng kuwento, alamat, kuwentong bayan, gamit ang
mga salitang natutuhan
c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti sa nagbabasa ng kuwento at pagbibigay ng
mga puna.
B. Sanggunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guide for Trainers (Susan and
Dennis Malone, 2010)
136

Beginning Reading Instructional Guide to Help Teachers-Bright


Mind-Part I-II , (Merryland Publishing Corporation, 2006).

C. Kagamitan:
Lathalaing Kuwento: Waste Segregation Program Paligid Ko , Lilinisin
Ko Mga larawan sa kuwento, tsart
D. Tema: Tulungan sa Pamayanan Panatilihing Malinis ang Kapaligiran
(Hal:Tamang pagtatapon ng basura,pagbubukod-bukod ng mga basura)
E. Pagpapahalaga: Pagtutulungan at Kalinisan sa Kapaligiran
III. Gawain sa pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid
(sa pamamagitan ng larawan)
programa
recycle
hindi nabubulok
nabubulok
2. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan ng mga taong naglilinis sa
barangay. Itanong sa mga bata kung ano ang nais ipahiwatig ng
larawan.
3.Pagganyak na Tanong:
Ipabasa ang pamagat ng lathalain sa mga mag-aal.
Pagbuuin ang mga bata ng tanong kaugnay ng lathalain.
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng tanong.
B. Gawain habang nagbabasa
Ipabasa ang lathalain sa mga bata. Ipabasa ito ng isahan at dalawahan
Magkaroon ng dalawang paraan ng pagbasa ng lathalain.
Unang paraan, pagbasa nang tuloy-tuloy.
Pangalawa, pagbasa nang may paghinto at may pagtatanong at
paghihiuha.
Ipabasa ang lathalain sa mga bata nang lahatan,pangkatan dalawahan
o isahan na may pagbibigay pansin sa wastong gamit ng bantas,
tamang taas ng boses at paghahati-hati ng mga salita at parirala.
Ikalawang araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Muling ipabasa ang lathalaing binasa kahapon)
4.Ugnayang Gawain
137

Pangkat I: Paborito Namin


Iguhit ang paboritong bahagi ng kuwento. Ilarawan ang inyong
iginuhit.
Pangkat II: Ginagawa Namin:
Gumawa ng listahan ng mga dapat gawin para sa kalinisan
ng barangay.
Pangkat III: Naramdaman Namin
Iguhit ninyo ang inyong damdamin kapag nakakakita ka na
barangay na naghihiwalay ng mga basurang nabubulok at
hindi nabubulok.
Pangkat IV: Tinutupad Namin
Isasadula ninyo ang tamang paghihiwa-hiwalay ng basura.
5.Pagproseso ng Gawain
Gawain:
Ipaliliwanag ng guro ang ginawa ng mga bata sa
pangkatang gawain.
Magbibigay ang guro ng mga tanong tungkol sa binasa
Simulan ito sa pagsagot sa paganyak na tanong.
Bumuo ng mga tanong na patungo sa pagpapakita
o paglalahad ng ginawa ng bawat pangkat.
Gawin ito hanggang sa huling pangkat.
Punan ng guro mula sa mga mag-aaral ang tsart.
Pagkatapos ay ipabasa ityo nang pabigkas.
PANGKAT

GAWAIN

KASANAYANG
BINIGYANG PANSIN

Ikatlong araw
Kasanayang Pangwika
1. Pagganyak
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang naglalarawan na nagmula sa
lathalaing binasa.
malinis
maganda
masaya
masipag
Itanong: Ano ang tawag natin sa mga salitang ito.
138

2. Paglalahad
Ipabasa ang mga pangungusap.
a. Matiyagang sumuporta ang kapitan ng baranggay dahil masipag ang
mamamayan ng baranggay.
b. Masaya silang naglilinis ng paligid at natutuwa silang makitang malinis
ang kanilang baranggay.
c. Matulungin ang mga kagawad at maawain ang kapitan ng baranggay.
Itanong: Ano-anong ang mga salitang naglalarawan ang ginamit sa
pangungusap?
Nasa anong antas ang mga salita?Bakit?
Basahin ang sumusunod na salita.
matiyaga
masaya
matulungin
Ibigay ang kapareho ng kahulugan ng mga salitang naglalarawan.
Ano ang tawag sa mga salitang magkapareho ang kahulugan.
Magbigay ng iba pang halimbawa.
Sabihin naman ang kasalungat ng mga salitang binasa.
Bakit sila magkasalungat?
Ano ang tawag sa mga salitang magkasalungat?
Magbigay ng halimbawa.
3. Paglalahat
Itanong: Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang naglalarawan?
a. Magkasingkahulugan mga salitang pareho ang kahulugan
Halimbawa
malawak - malapad
tunay
- totoo
malamig - maginaw
maliit
- pandak
b. Magkasalungat - mga salitang magkaiba ng kahulugan.
Halimbawa:
makinis
- magaspang
masipag - tamad
maputi
- maitim
4. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Hatiin sa dalawang pangkat ang mga bata. Ang Pangkat I ay susulat
ng mga salitang may magkasalungat na kahulugan at ang Pangkat II
ay susulat ng mga salitang magkasingkahulugan.
Kasalungat
Kasingkahulugan
maputi
magaling
makinis
malawak
mabango
madikit
mainit
maganda
malalim
banayad
maasim
maliit
matabang
malamig
malambot
bughaw
139

b. Magpasulat sa mga bata ng mga pangungusap na ginagamitan ng


mga salitang magkasalungat at mga salitang magkasingkahulugan.
5. Malayang Pagsasanay
Mahiwagang Kahon
Sabihin: Tingnan ang mga larawan sa loob ng kahon. Isulat ang
salitang naglalarawan sa unang guhit at isulat ang kasalungat na
kahulugan nito sa ikalawang guhit.

1.

---------------------

------------------------

2.

---------------------

-------------------------

3.

---------------------

------------------------

4.

---------------------

------------------------

5.

---------------------

------------------------

Ikalimang Araw
6. Paglalapat
a. Hikayatin ang mga batang sumulat ng isang lathalain tungkol sa
Waste Segregation Program o programa sa wastong pagbubukodbukod ng basura sa kanilang barangay.Pasalung guhitan ang mga
salitang
naglalarawan,ito
may
magkasingkahulugan
o
magkasalungat.Ipabasa ang mga ginamit na mga salitang
naglalarawan.
b. Gumuhit ng isang larawang nagpapakita tungkol sa buwanang paksa
o temang ipinagdiriwang sa paaralan.Sa ilalim ay sumulat ng isang
pangungusap na may salitang naglalarawan.

140

7.Pagtataya
Iguhit ang bituin
sa ibabaw ng guhit kung ang dalawang pares ng salita
ay magkasingkahalugan at iguhit ang tatsulok kung magkasalungat ng
kahulugan.
_______________ 1. masipag tamad
_______________ 2. marunong matalino
_______________ 3. mabilis mabagal
_______________ 4. malinis madumi
_______________ 5. tahimik maingay
_______________ 6. masaya malungkot
_______________ 7. malapad malawak
_______________ 8. madilim maliwanag
_______________10. mataas matangkad
8.Takdang Aralin
Lagyan ng tsek () ang loob ng kahon kung ang dalawang salita ay
magkasingkahulugan
at ekis (x) kung ang dalawang salita ay
magkasalungat.

malinis marumi

maalaga - maaruga

masipag tamad

mabilis - matulin

matigas - malambot

kahali-halina kaakit-akit

payapa - tahimik

matalas - mapurol

mataba - mapayat

matipid - masinop

141

Appendix

Paligid ko, Llinisin ko


ni Elvie E. Seguerra
Noong buwan ng Mayo 2012 may isang baranggay sa bayan ng Taytay
lalawigan ng Rizal ang nagsimula ng programang Paligid Ko, Lilinisin Ko . Ang
kapitan ng baranggay, mga kagawad, at mamamayan ay nagkaisang linisin ang
buong kapaligiran ng baranggay. Ang mga naninirahan dito ay sama-sama sa
paglilinis, pagpuksa ng mga lamok, pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, at
pagtatanim ng mga halaman sa bakanteng lote at harapan ng kalsada. Maging
ang kabataan ay nakiisa rin.
Bawat pamilya sa barangay ay inatasang magkaroon ng tatlong
basurahan na paglalagyan ng basurang nabubulok at hindi nabubulok at
basurang maaari pang gamitin o i-recycle. Naging epektibo ang programang ito
ng barangay. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga
namumuno at mga mamamayan.
Simula noon ang mga tao sa barangay ay natuto nang maghiwa-hiwalay
ng basura ayon sa dapat paglagyan nito. Napanatili ang kalinisan at kaayusan ng
paligid. Naging masigla ang kanilang pamumuhay at naiwasan ang sakit lalo na
sa kabataan. Palaging sumusuporta ang kanilang kapitan. Tuwang-tuwa ang
mga taga-barangay. Mabuhay ang ating barangay! sabi ng masasayang taong
naninirahan sa barangay.

142

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-35 Linggo
I.

Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng mga nakasanayang pandamdamin sa paghihinuha (sa
kinalabasan ng kuwento, pangyayari, gawain, kilos, at sitwasyong
napakinggan)
2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs
at iba pa
3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may tamang
tono, damdamin at gamit ng malaki at maliit na letra
5. Nakababaybay ng mga salitang napag-aralan
6. Nakabaybay nang wasto ng mga tambalang salita na ginagamit sa
pangungusap
7. Nakagagamit ng wastong agwat ng mga salita, malaki at maliit na letra sa
mga salitang idinikta
8. Nakasusulat ng mga idinidiktang payak na pangungusap, parirala, at
talata gamit ang mga bantas, malaki at maliit na titik, unang pasok ng
pangungusap at may kaayusan
9. Nakapaglalahad ng mga salitang mkasalungat at mkasingkahulugan ng
mga salitang naglalarawan
10. Nakapaghihinuha ng mga kuwento, pangyayari sa paaralan at
pamayanan, sitwasyon, gawain, alamat, at blogs
11. Nakasasabing muli ng kuwento, alamat, kuwentong bayan, ayon sa
natutuhang salita
12. Nakapagpapakita ng pagkagiliw sa
pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig sa kuwento at pagbibigay ng puna

II. Paksang Aralin


A. Tema
1.

Pabigkas ng Wika:
Paggamit ng mga nakasanayang damdamin sa paghihinuha (sa
kinalabasan ng kuwento, pangyayari, gawain, kilos, at sitwasyong
napakinggan).

2. Pagkilala ng Salita:
Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain,
blogs at iba pa.
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita, parirala na may
tamang tono, damdamin at gamit ng malaki at maliit na letra.
143

4. Pagbabaybay:
Pagbaybay nang wasto sa mga tambalang salita na ginagamit sa
pangungusap.
5. Pagsulat:
Paggamit ng wastong agwat ng mga salita, malaki at maliit na
letra sa mga salitang idinikta.
6. Paglikha:
Pagsulat ng mga idinidiktang payak na pangungusap, parirala at
talata gamit ang mga bantas, malaki at maliit na letra, unang
pasok ng pangungusap at may kaayusan.
7. Kamalayan sa Gramatika:
Pagbigay ng mga salitang magkasalungat at
magkasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
8. Talasalitaan:
Pahinuha ng mga kuwento, pangyayari sa paaralan at
pamayanan, sitwasyon, gawain, alamat, at blogs.
9. Pag-unawa sa Binasa
a. Paghinuha sa mga kuwento, pangyayari sa paaralan at
pamayanan, sitwasyon, gawain, alamat, at blogs
b. Pagsabing muli ng kuwento, alamat, kuwentong bayan, ayon
sa natutuhang salita
c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig sa kuwento at pagbibigay ng puna
B. Sanggunian
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their
First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis
Malone, 2010)
- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone,
2010)
- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines
MTB-MLE Consultants
C. Kagamitan
Kuwento, mga larawan sa kuwento, tsart
D. Paksa: Pagtulong sa Pamayanan Pagiging Malinis sa Pamayanan (hal.
tamang pagtatapon at pagbubukod ng basura)
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw

144

A. Gawain bago bumasa


1. Paghahawan ng Balakid ( sa pamamagitan ng pahiwatig na
pangungusap)
a. Masayang naglalaro ang mga bata sa ilalim ng puno. Walang
malungkot sa kanila.
b. Mayabong ang dahon ng punong mangga. Malalago at kulay
berde ang mga dahon nito.
c. Masamaang panahon ngayon. Malakas ang ulan at ihip ng hangin.
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang puno na may malalago at mayayabong
na dahon.
Itanong: Ano kaya ang maaaring mangyari sa puno kapag dumating ang
malakas na ulan at malakas na hangin?
3. Pangganyak na tanong
Tanong
Ano ang naging epekto
ng pagkamatay ng puno?

Prediction Chart
Hulang sagot

Tamang sagot

B. Gawain habang nagbabasa


Isulat ang kuwento sa tsart. Ipabasa ito sa mga bata ng lahatan,
pangkatan,dalawahanat isahan.
Bigyang - pansin ang pagbasa ng may tamang taas at baba ng boses,
wastong paghinto sa tamang bantas at pagbasa nang may damdamin.
Ikalawang Araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Ipabasa muli ang kuwentong Ang Puno ng Rambutan.)
4. Ugnayang Gawain
Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: Sa Aming Pamayanan
Gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng ginagawa ninyo sa
pamayanan.
a. pag-aalaga ng mga halaman
b. paglilinis ng ilog
c. paglilinis sa paaralan
d. pagtatanim ng mga punong namumunga
e. paglilinis ng mga kanal
Pangkat II: Ikilos Ninyo
Isadula kung paano ninyo mapapanatiling malinis ang inyong
pamayanan.

145

Pangkat III: Kaya Mo Yan


Punan ng sagot ang bawat bilog.
.

Pagtulong sa
pamayanan

5.Talakayan
a. Anong puno ang tinutukoy sa kuwento?
b. Saan ito nakatanim?
c. Bakit maraming ibon ang naninirahan sa puno?
d. Bakit maraming bata ang naglalaro sa ilalim nito?
e. Ano ang ibinibigay ng puno sa mga taong sumisilong tuwing taginit.
f.

Ano ang nangyari sa puno?

g. Ano ang naging epekto nito sa mga ibon, sa mga batang


naglalaro at mga taong sumisilong tuwing tag-init?
h. Bukod sa mga puno, ano pang mga bagay ang sinisira ng
malakas na ulan at malakas na hangin?
i.

Ano ang nagiging bunga kapag nagkaroon ng malakas na ulan sa


maghapon?

j.

Bakit madaling bumaha sa ibang lugar lalo na sa mga siyudad?

k. May mga lugar na hindi binabaha. Ano kaya ang ginagawa ng


mga tao sa pamayanan upang maiwasan ang pagbaha?
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I
l.

Isasadula ng Pangkat II kung paano nila mapapanatiling malinis


ang kanilang pamayanan.

m. Bilang isang bata, sa paanong paraan kayo makatutulong upang


maiwasan ang pagbaha? Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat
III.
146

Ikatlong Araw
Pinagsanib na Wika
1. Balik-aral
Ipares mo
(Bibigyan ng guro ng flashcard ang mga mag-aaral na may nakasulat
na tambalang salita. Bubuo ng tambalang salita ang mga mag-aaral.
Kapag nabuo na ang salita ay babasahin ito ng mga mag-aaral at
gagamitin sa pangungusap.)
Halimbawa:
anak
hampas
isip
takip
balat

+
+
+
+
+

pawis
lupa
bata
silim
sibuyas

=
=
=
=
=

anakpawis
hampaslupa
isipbata
takipsilim
balatsibuyas

Sabihin: Gamitin ang mga tambalang salita sa pangungusap.


2. Pagganyak
Buuin ang puzzle na nagpapakita ng isang magandang pamayanan.
3. Paglalahad
Ilarawan ang inyong nabuong puzzle. Gamitin ang mga salitang
naglalarawan. (Isulat ang mga sagot ng mga bata sa pisara.)
4. Pagtalakay
Itanong: Ano ang mga salitang naglalarawan ng tao, bagay, pook, at
pangyayari ang ginamit ninyo sa inyong paglalarawan?
Sabihin:
Magbigay ng kasingkahulugan ng mga salitang inyong ginamit.
Hal.
maganda marikit
Magbigay ng kasalungat ng mga salitang inyong ginamit.
Hal.
malungkot - masaya
5. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng tao, bagay,
pook, at pangyayari?

May mga salitang naglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari.


Halimbawa: maganda, malayo, matulis, malungkot
Ang mga salitang ito ay may kasingkahulugan o may kasalungat na
kahulugan.

147
nagalaragway mahimo nga may kabaliskad nga kahulugan nga tinaga

Ikaapat na araw
6. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipabasa ang tula. Ipabasa ito nang may wastong bigkas ng salita at
tamang taas at baba ng boses.
Malinis na Paligid
ni Elvie E. Seguerra
Paligid na malinis, kay gandang pagmasdan.
Bilin ni nanay, paligid ay alagaan,
Kalinisan at kaayusan laging isagawa,
Maruming paligid ay nakababahala.
Paligid mo, linisin mo,
Basuray itapon nang wasto,
Ang maling ginagawa mo,
Ay babalik din sa iyo.
Itanong: Anong salitang naglalarawan ang binanggit sa tula?
Ibigay ang kasalungat o kasingkahulugan ng mga salitang
ito.
7. Malayang pagsasanay
a. Sabihin: Sumulat ng pangungusap gamit ang sumusunod na
salitang naglalarawan.
1. marami
2. mahalimuyak
3. matalino
4. matulin
5. mabagal
Ikalimang Araw
8. Paglalapat
Kumuha ng kapareha. Ilarawan mo ang iyong kapareha gamit ang
mga salitang naglalarawan. Isulat sa papel ang mga salitang
naglalarawan na iyong ginamit at ibigay ang kasalungat o
kasingkahulugan ng mga salita.
A. Pagtambalin ang dalawang salita
Panuto: Pagdugtungin ng guhit ang dalawang salitang may
magkasalungat na kahulugan mula sa hanay A patungo sa hanay B.
A
B
1. malamig
a. pangit
2. tunay
b. mainit
3. mataas
c. malungkot
4. maganda
d. mababa
5. masaya
e. peke

148

B. Hanapin ang kasingkahulugan


Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Malawak ang palaruan sa aming plasa.
(malapad, maikli, mataba)
2. Kaaya-ayang mamasyal sa mga palaruan.
(malungkot, maganda, tamad)
3. Masiglang nagtatakbuhan ang kabataan.
(mahina, mabagal, maliksi)
4. Bughaw ang kulay ng ulap sa langit.
(asul, pula, dilaw)
5. Tunay na masayang mamasyal sa ating plasa.
(malamig, totoo, maliit)
C. Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin ang mga tanong at
bilugan ang letra ng tamang sagot.
Kahit saan ay pinag-uusapan ang pabago-bagong klima. Sa tindi
ng init, maraming halaman ang nalalanta. Maraming tao ang
nagkakasakit.
Hindi lamang ang sobrang init ang pinagtatakhan ng mga tao.
Kung panahon ng tag-ulan, maraming lugar ang binabaha. Maraming ariarian ang nasisira. Maraming tao ang namamatay. May mga lupang
gumuguho.
Sino ang dapat sisihin? Tayo bang mga tao? O sadyang nagbabago na
ang panahon.
Maraming katanungan ang nasa ating isipan. Huwag nating
kalilimutang ito ang ating tirahan, kaya atin itong pangalagaan. Mahalin
natin ang mga likas na yamang bigay sa atin ng Lumikha.
Mga tanong:
1. Ano ang palaging pinag-uusapan ng mga tao?
A. takbo ng panahon
B. pamumuhay ng mga tao
C. ang pag-aaral
2. Ano ang mangyayari kapag sobra ang init ng panahon?
A. mabilis lumago ang mga halaman
B. marami ang naglalaro sa palaruan
C. nalalanta ang mga halaman

149

3. Ano ang nangyayari kapag may baha?


A. marami ang naliligo
B. masayang naliligo sa baha ang mga bata
C. may mga namamatay
4. Sa anong paraan ninyo mapapangalagaan ang ating tirahan?
A. palaging makinig ng balita
B. huwag putulin ang mga punongkahoy at iwasan ang
pagtapon ng basura sa mga ilog at daluyan ng tubig
C. maglaro araw-araw
IV. Gawaing bahay
Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salita. Maaaring itanong sa
nanay ang sagot.
1.
2.
3.
4.
5.

mahina
maulan
malinis
mabango
malakas

Appendix

Malinis na Paligid
ni Elvie E. Seguerra
Paligid na malinis, kay gandang pagmasdan.
Bilin ni nanay, paligid ay alagaan,
Kalinisan at kaayusan laging isagawa,
Maruming paligid ay nakababahala.
Paligid mo, linisin mo,
Basuray itapon nang wasto,
Ang maling ginagawa mo,
Ay babalik din sa iyo.

150

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-36 na Linggo
I.

Layunin
Sa katapusan ng linggo, ang mga bata ay inaasahang;
1. Nakagagamit ng angkop na palagay mula sa kinalabasan ng kuwento,
pangyayayari, gawain, kilos, at sitwasyong narinig
2. Nakababasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, at
blogs na naglalaman ng mga salitang napag-aralan na
3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may angkop
na tono, damdamin, at bantas
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang nababasa na nakalimbag at
nakikita sa paligid
7. Nakagagamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas, malaki
at maliit na letra sa pagsulat ng kuwento, balita, lathalain, at pabula
8. Nakasusulat ng sanaysay, balita, pangyayari, patalastas, gamit ang
wastong bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap, at may
kaayusan
9. Nakakikilala ng pang-abay sa pangungusap
10. Nakagagamit nang wastong pang-abay sa pagbuo ng pangungusap
11. Nakauunawa na ang salitang binibigkas sa paaralan ay mas pormal
kaysa sa mga salitang binibigkas sa tahanan at sa pakikipag-usap sa
kaibigan
12. Nakahihinuha ng mga pangyayari sa kuwento, sa paaralan, mga
sitwasyon, gawain, alamat, at blogs
13. Nakapagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang nasaliksik
14. Nakapagsasabi ng sariling lathalain, patalastas,pangyayari sa paaralan at
iba pa ayon sa kanilang nasaliksik
15. Nakapagpapahayag ng kahulugan ng mga nababasang nakalimbag na
nakikita sapaligid( hal. mga batas-trapiko)
16. Nakapagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at nakapagbibigay
ng puna.

II. Paksang Aralin


A. Tema
1. Pabigkas na Wika:
- Paggamit ng angkop na palagay mula sa kinalabasan ng
kuwento, pangyayayari, gawain, kilos, at sitwasyong narinig
2. Pagkilala ng Salita:
- Pagbasa ng mga kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain at
blogs na nagtataglay ng mga salitang napag-aralan na

151

3. Katatasan:
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may
angkop na tono, damdamin, at bantas
4. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan na
b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang nababasa na
nakalimbag at nakikita sa paligid
5. Pagsulat:
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas,
malaki at maliit na letra sa pagsulat ng kuwento, balita, lathalain,
at pabula
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay, balita, pangyayari, patalastas, gamit ang
wastong bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap, at
may kaayusan
7. Kamalayan sa Gramatika:
a. Pagkilala ng pang-abay sa pangungusap
a. Paggamit nang wastong pang-abay sa pagbuo ng
pangungusap
8. Talasalitaan:
Pag-unawa na ang salitang binibigkas sa paaralan ay mas
pormal kaysa sa mga salitang binibigkas sa tahanan at sa
pakikipag-usap sa kaibigan
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paghinuha ng mga pangyayari sa kuwento, sa paaralan, mga
sitwasyon, gawain, alamat, at blog
b. Pagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang
nasaliksik
c. Pagsasabi ng sariling lathalain, patalastas,pangyayari sa
paaralan at iba pa ayon sa kanilang nasaliksik
d. Pagpahayag ng kahulugan ng mga nababasang nakalimbag na
nakikita sa paligid (hal. mga batas-trapiko)
e. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna
B. Sanggunian:
o K to 12Curriculum
o Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and
Dennis Malone, 2010)
152

o
o

Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone,


2010)
Language Curriculum Guide by SIL International and SIL
Philippines MTB-MLE Consultants

C. Kagamitan:
o Larawan, tsart na may patalastas, larawang ginupit-gupit, pocket
chart
D. Tema: Pagtulong sa Pamayanan-Pagtatanim ng Puno
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid
a. Patalastas (sa pamamagitan ng modelong patalastas)
Magpakita ng halimbawa ng isang patalastas na nakapaskil sa
loob ng paaralan o sa labas ng paaralan. Ipaliwanag ang tungkol
dito.
b. Nara (sa pamamagitan ng larawan o tunay na punong Nara)
Magpakita ng larawan ng Nara o ituro ang tunay na punong Nara
kung mayroon sa paligid ng paaralan. Ipaliwanag ang pagkakaiba
ng Nara sa ibang puno.
c. Layunin ( sa pamamagitan ng pahiwatig na pangungusap)
Abala ang mga bata sa paglilinis ng kanilang silid-aralan. Layunin
nilang manalo sa patimpalak ng may pinakamalinis na silid-aralan.
2. Pagganyak
Pag-aaral sa larawan.
Magpakita ng larawan ng bundok na nakakalbo dahil pinuputol ang
mga punongkahoy ng mga mag-uuling.
Itanong: Ano ang nangyari sa bundok? Bakit nauubos ang mga
punongkahoy?
Ano ang dapat gawin sa mga naputol na punongkahoy?
3. Pangganyak na tanong
Sabihin: Nais mong taniman ng mga puno ang nakalbong bundok,
ngunit hindi mo ito kayang mag-isa. Nais mong humingi ng tulong sa
mga kapwa mag-aaral, paano mo hihikayatin ang mga batang tulad?
B. Gawain habang nagbabasa
Ipabasa sa mga bata ang isang patalastas tungkol sa pagtatanim ng
punong Nara.

153

Ikalawang Araw

4.

C. Gawain pagkatapos bumasa


Ugnayang Gawain
Pangkat I: Puno ng Buhay
Pag-aralan ang larawan ng puno. Isulat ang mga bahagi nito.
(Larawan ng puno)
Pangkat II: Mula sa Puno
Iguhit ang mga bagay na nakukuha sa puno. Kulayan ang inyong iginuhit.
Pangkat III: Sama Kayo
Gumawa ng isang patalastas tungkol sa pagtatanim ng mga gulay sa
paaralan.
Talakayan
Itanong:
1. Tungkol saan ang patalastas?
2. Sino ang inaanyayahang sumama sa pagtatanim ng puno?
3. Kailan gagawin ang pagtatanim?
4. Saan gaganapin ang pagtatanim?
5. Ano ang layunin ng pagtatanim?
6. Sa pagtatanim ng puno kailangang malaman natin ang mga bahagi
nito. Ano-ano ang mga bahagi ng puno?
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I.
7. Naranasan mo na bang magtanim ng puno? Saan ka nagtanim?
8. Ano-ano ang naibibigay sa atin ng mga puno?
Iuulat ito sa atin ng Pangkat II.
9. Nagkaroon ng pagtatanim sa inyong baranggay, nais mong imbitahin
ang iyong kapwa bata na makiisa, paano mo gagawin ang iyong
patalastas? Pakinggan natin ang ginawa ng Pangkat III.
10. Paano napipigilan ng mga puno ang pagbaha at pagguho ng lupa?
11. Dapat bang putulin ang mga punongkahoy? Bakit?
12. Kung makakikita ka ng taong nagpuputol ng puno ano ang sasabihin
mo?

Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga babalang malimit makita sa kapaligiran.
Ipaskil ito sa pisara at ipabasa sa mga bata.
Halimbawa:
Iwasan ang pagputol ng mga puno.
Bawal magtapon ng basura sa ilog.
Bawal manigarilyo sa loob ng sasakyan.
Bawal umihi kahit saang lugar.
154

Ibaon sa lupa ang mga namatay na hayop.


Itanong: Ano ang kahalagahan ng mga babalang ito?
Dapat bang sundin ang mga babalang ito? Bakit?
Sinusunod ba ng mga tao ang mga babalang ito? Bakit?
Kailan ginagawa ang pagsunod sa mga babala tungkol sa ating
kapaligiran?
2. Paglalahad
Basahin natin!
Sa aming barangay, mga taoy nagtutulungan.
Kahit sina lolo at lola sa trabahoy dahan-dahan
Sina Rico, Mila, at Ella, gumigising nang maaga,
Sa paggawa ay sama-sama, araw-araw ay masaya.
Kaya ang buhay namin ay tunay na maginhawa.
3. Talakayan
Itanong:
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.

Ano ang ginagawa ng mga tao sa barangay?


Paano gumawa sina lolo at lola?
Kailan sila gumagawa ng kanilang mga gawain?
Paano gumawa ang mga bata?
Saan naganap ang pagtutulungan?
Kailan ito nangyari?
Paano ginawa ang paglilinis sa barangay?

Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara


dahan-dahan
araw-araw
sama-sama
Sabihin: May mga salitang nagsasabi kung kailan naganap ang
pangyayari, saan naganap ang pangyayari, at paano ginanap ang
pangyayari. Ito ay tinatawag na pang-abay.
Halimbawa :
Kailan
Saan
Paano
kahapon
sa palengke
dahan-dahan
ngayon
sa plasa
mabilis na mabilis
mamaya
nasa bahay
patakbo
kanina
nasa kahon
pagapang
noong isang lingo
sa opisina
pabilisan
bukas
sa halamanan
pataasan
4. Palalahat
Itanong: Ano ang tinutukoy ng pang-abay?

155

Ang pang-abay ay tumutukoy sa panahon, pamamaraan, at


panlunan.
Ang pang-abay na pamanahon ay sumasagot sa tanong na kailan.
Ang panlunan ay sumasagot sa tanong na saan.
Ang pamamaraan ay sumasagot sa tanong na paano.
Sumasagot ito sa tanong na kailan, paano, at saan.
Ikaapat na araw
1. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Basahin ang pangungusap at sipiin ang mga pang-abay.
1. Nasa kahon ang biniling sapatos ni nanay.
2. May dadating na bisita bukas.
3. Pagapang na lumapit ang sanggol sa nanay.
4. Ngayon ang kaarawan ni Liza.
2. May lapis sa ibabaw ng mesa.
b. Sumulat ng mga babala gamit ang mga pang-abay.
1. pagtatapon ng basura
2. paninigarilyo
3. pagputol ng puno
4. mausok na sasakyan
c. Pangkatin sa tatlo ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat
pangkat. Ang bawat pangkat ay susulat ng mga halimbawa ng pangabay.
Unang Pangkat------ pang-abay na panlunan
Ikalawang Pangkat---- pang-abay na pamanahon
Ikatlong Pangkat------- pang-abay na pamamaraan
5. Malayang Pagsasanay
Sabihin: Sumulat ng kuwento ayon sa larawan. Gamitin ang mga pangabay sa pagsulat ng kuwento.
Larawang nagkukuwento
Ipabasa sa mga bata

156

Ikalimang Araw
1. Paglalapat
a. Pipili ang mag-aaral ng kanyang kapareha. Magkukuwentuhan ang
magkapareha tungkol sa kanilang ginagawa bago pumasok sa
paaralan. Tumawag ng ilang piling magkapareha upang ibahagi sa
klase ang kanilang napagkuwentuhan.
b. Hikayatin ang mga batang sumulat ng isang maikling pangyayari sa
kanilang naging karanasan sa paglalaro o pamamasyal.
2. Pagtataya
a. Basahin ang mga pangungusap. Sipiin ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap
1. Palaging pumupunta si Tina sa palengke.
2. Nakalagay sa basket ang kanyang mga pinamili.
3. Alas-otso na ng umaga nang siya ay makauwi.
4. Agad-agad iniluto ni Tina ang kanyang pinamiling gulay.
5. Maingat niyang isinalin ang mga nalutong gulay sa malaking
mangkok.
b. Sumulat ng pangungusap gamit ang sumusunod na pang-abay.
1. tuwing Pasko
2. patakbo
3. nasa bukid
4. sa likod-bahay
5. sa makalawa
Takdang Aralin
Sumulat ng isang talata tungkol sa ginagawa ng iyong guro sa paaralan
araw-araw

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-37 Linggo
I. Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa paglalahad ng sariling tungkulin,
pangarap, at pag-asa
2. Nakababasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba
pa na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napag-aralan na
3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may wastong
tono, damdamin, at bantas
5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
6. Nakababaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid(hal.
batas-trapiko)
157

7. Nakagagamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas, at gamit


ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, at
pabula
8. Nakasusulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas
gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng
pangungusap, at may kaayusan
9. Nakagagamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap
10. Nakauunawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal kaysa
sa wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa kaibigan
11. Nakapagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang nasaliksik
12. Nakapagsasabi ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga pangyayari
sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang nasaliksik
13. Nakapagpapakita ng pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at nakapagbibigay
ng puna
II. Paksang Aralin
A. Tema
1. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na pahayag sa pagsasabi ng
responsibilidad, pangarap, at pag-asa.
2. Pagkilala sa Salita:
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at
iba pa na naglalaman ng mataas na antas ng mga salitang napagaralan na.
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at pariralana may
wastong tono, damdamin, at bantas.
4. Pagbaybay:
a. Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.
b. Pagbaybay ng mga salitang nakalimbag at nakikita sa paligid
(hal: batas-trapiko).
5. Pagsulat:
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, bantas,
at gamit ng malaki at maliit na letra sa pagsulat ng sanaysay,
balita, lathalain, at pabula.
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain, pangyayari, at patalastas
gamit ang wastong bantas, malaki at maliit na letra, pasok ng
pangungusap, at may kaayusan.

158

7. Kamalayan sa Gramatika:
Paggamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap.
8. Talasalitaan:
Pag-unawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal
kaysa sa wikang ginagamit sa tahanan o sa pakikipag-usap sa
kaibigan.
9. Pag-unawa sa Binasa
a. Paglalahad ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang
nasaliksik.
b. Paglalahad ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga
pangyayari sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang
nasaliksik.
c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna.
B. Sanggunian:
- K to 12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First
Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone,
2010)
- Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010)
- Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines
MTB-MLE Consultants
C. Kagamitan: larawan, magic box
D. Tema: Pagtutulungan sa Pamayanan Pagtatanim ng Gulay
III. Gawaing Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng Balakid (sa pamamagitan ng larawan)

halamang ugat

159

Halaman
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng pagkain mula sa halamang ugat.
Itanong: Saan kadalasang tumutubo ang mga halamang ugat.
Madali ba itong tumubo?
Anong mangyayari kapag tumigil na sa pagtatanim ng
halamang ugat ang mga magsasaka? Makapagtatanim ba tayo
ng mga gulay at halamang ugat sa ating tahanan?
3. Pangganyak na tanong
Ano-anong yaman sa lupa ang tinutukoy sa kuwento?
Gawain habang nagbabasa
Ipabasa sa mga bata ang kuwentong "May Yaman sa Lupa.
Hayaan ng guro na magbigay ng hinuha ang mga mag-aaral kung ano ang
susunod na mangyayari at hikayatin sila na magtanong.
Gawain pagkatapos bumasa
4. Ugnayang Gawain
Pangkat I - Sumulat ng maikling tula na may apat na pangungusap
tungkol sa pagtatanim ng gulay.
Pangkat II - Isakilos kung paano natin pangangalagaan ang ating
halamanan o hardin.
Pangkat III - Gumawa ng isang acrostic.
Pangkat IV - Gumawa ng patalastas kung paano
hihikayatin ang mga batang kumain ng gulay.
a. Ano ang sinasabi sa kuwento?
b. Bakit hindi sumasama si Lina sa bukid?
c. Ano ang dumating sa mag-asawang Lino at Mercy?
d. Ano ang nangyari nang hindi umuwi ang mag-asawa?
e. Ano ang ginawa ng magkapatid na Nelson at Lina?
f. Bakit nasabi ni Lina na may yaman sa lupa?
g. Mahalaga ba ang pagtatanim ng mga halamang ugat? Bakit?
Ikalawang araw
(Balikan ang kuwentong May Yaman sa Lupa)
B. Karagdagang Gawain

160

Isakilos Natin
(Pangkatan)
Sabihin: Pumili ng pinakagusto mong bahagi sa kuwento. Isakilos ito ng
inyong pangkat. Maaaring magkaroon kayo ng diyalogo. Gumamit ng
tamang damdamin sa pagsasagawa nito.
Iguhit Mo
(Isahang gawain)
Iguhit ang paborito mong gulay. Magsulat tungkol dito.
Sabihin: Sa pagsulat tingnan ang tamang agwat ng mga salita at tamang
bantas.
Sundan ang gabay na tanong sa pagsulat ng talata.
1. Ano ang paborito mong gulay?
2. Ilarawan ang paborito mong gulay.
3. Anong luto ang iyong gusto sa paborito mong gulay?
4. Bakit gustong- gusto mo ang gulay na ito?
Pagtalakay
Sabihin: Anong makukuha natin sa pagtatanim ng mga halamang ugat at
gulay? Bakit mahalaga ang mga ito?
Ikatlong Araw
A. Kasanayang Pangwika
Panimulang Gawain (mahiwagang kahon na may ibat ibang gulay)
Piliin Mo!
Gusto ko ang gulay na ito sapagkat
(Hayaang sabihin ng mga mag-aral ang dahilan kung bakit nila pinili
ang naturang gulay, prutas, o halamang ugat sa kahon.)
B. Magbalik-aral tungkol sa pang-abay
Itanong: Ano-ano ang pang-abay na ginamit sa paglalarawan ng mga
gulay, prutas, at halamang ugat?
Sabihin: Isulat ito sa pisara.
(Ipabasa sa mga bata)
Paglalahad
Sabihin: Pag-aralan pa natin ang pang-abay
Basahin Natin !
Elvie: Masarap ang dinala mong bukayo.
Agnes: Dala ito ni Nida galing sa Batangas.
Hapon na siya ng dumating dahil mabagal ang bus na
sinakyan niya. Malayo ang lalawigan ng Batangas.
Elvie: Kaya pala.
Agnes: Oo, alam mo magandang lugar ang Batangas. Palagi kaming
nagbabakasyon doon.
161

1. Ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata?


2. Ano ang mga pang-abay na ginamit nila sa kanilang pag-uusap?
Isulat ng guro ang sagot ng mga mag-aaral sa pisara.
Halimbawa:
kahapon, mahina, palagi, maya-maya
Sabihin: May mga salitang naglalarawan sa mga salitang ngalan ng
tao, bagay, lugar, at pangyayari, sa kilos at kapwa salitang
inilalarawan.
Paglalahat
Itanong: Ano ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga
pangngalan, salitang naglalarawan ng pangyayari?
(nagsasabi ng oras, sa pamamagitan ng, at iba pa.)
Mga Pang-abay
mamaya, bukas, mahina, marami, at iba pa

Ikaapat na araw
1. Pinatnubayang Pagsasanay
A. Basahin Natin!
Sabihin: Ano ang mga pang-abay na makikikita sa
pangungusap?
1. Minsan lang pumupunta ang aking kaibigan sa bahay.
2. Marami akong regalong natanggap sa aking kaarawan.
3. Gabi na nang dumating si tatay sa bahay.
4. Bakit mabilis kang maglakad?
5. Agad-agad umalis si Bb. Flor sa Bulacan.
B. Basahin Natin!
Problema mo ba ang pananakit ng iyong katawan, tiyan, at
ulo? Ito na ang gamot na pampahid sa masakit mong katawan,
ulo, at tiyan.
Ano pang hinihintay mo, pumunta ka na sa
pinakamalapit na tindahan. Huwag mong kalilimutan langis ng
niyog ang pangalan.
Itanong: Ano ang mga pang-abay na ginamit sa talatang ating
binasa?
2. Malayang Pagsasanay
Ipakilala Mo
Ipakita ang mga produkto (hal. gatas, pagkain, iba pa).
162

Magpasulat sa mga bata ng isang patalastas gamit ang pang-abay.


(Ipabasa sa mga bata ang patalastas na ginawa.)
Ikalimang Araw
Paglalapat
Pag-usapan ang teleserye na pinanood kagabi at ibahagi sa kamagaral. Tukuyin ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap na
kanyang sinabi.
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang mga salitang pang-abay.
1. Bukas pa ako pupuntang Lucena.
2. Maganda ang boses ni Mona.
3. Nawala ang bola sa madamong lugar ng plasa.
4. Bakit maliliit ang dala niyang mangga?
5. Isa-isang pumasok ang mga bibe sa kulungan .
B. Gamitin ang mga pang-abay na nasa loob ng kahon upang mabuo
ang pangungusap.
madilim-dilim

mahirap

nag-uunahang

palaging

maaga

makuha

Bukas, _________ pa ay pupunta na sa bukid si tatay. Maraming gulay


doon. Mangunguha siya ng kalabasa, talong, sitaw, okra, at labanos.
Sa palengke, ______________bumili ang kanyang mga suki. ________
ubos ang kanyang tindang gulay, kaya __________ siyang nakakauwi.
C. Gamitin ang mga salitang pang-abay sa pangungusap.
1. dagdagan pa
2. mamaya na
3 kahapon
4. walang ibinigay
5. bukas
V. Takdang Gawain
Alamin ang Alamat ng Kalabasa. Isulat ito sa papel.

163

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-38 Linggo
I.

Layunin:

Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapagpapahayag ng angkop na damdamin sa paglalahad ng sariling
tungkulin at pangarap
2. Nakababasa ng mga batayang salita na nasa talaan ng dagdag na dahon
ng aklat
3. Nakababasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, bagong lathalain,
blogs at iba pa na naglalaman ng matataas na antas ng salita at mga
salitang napag-aralan na
4. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
5. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may wastong
tono, damdamin, at bantas
6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan
7. Nakagagamit nang wasto ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap
8. Nakasusulat ng payak na pangungusap, talata, parirala, at kuwento gamit
ang wastong bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap at
may kaayusan
9. Nakasusulat ng pangungusap, talaan, tula, awit, makabuluhang biro,
bugtong, at maikling kuwento
10. Nakagagamit ng pang-abay sa pangungusap
11. Nakagagamit ng mga hudyat mula sa nilalaman upang makita ang
kahulugan ng mga salita
12. Nakahihinuha ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat, pangyayari sa
paaralan at pamayanan, sitwasyon, usapin, balita sa radyo, at mga lokal
na balita
13. Nakagagawa ng hinuha sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
paaralan, sitwasyon, usapin, mga balitang lokal
14. Nakapagsasabi ng mga pangunahing impormasyon sa teksto upang
makahanap ng payak na sagot sa mga tanong
15. Nakapagpapadama ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng
pagbubuklat sa mga aklat at pagbasa sa mga kuwentong nakapaloob
dito.
II. Paksang Aralin
A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
Pagpapahayag nang angkop na damdamin sa paglalahad ng
sariling tungkulin at pangarap.
2. Pagkilala sa Salita:
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, bagong lathalain,
blogs at iba pa na naglalaman ng matataas na antas ng salita at
mga salitang napag-aralan na.

164

3. Katatasan:
a. Pagbasa ng mga batayang salita na nasa talaan ng dagdag na
dahon ng aklat.
b. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
c. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at parirala na may
wastong tono, damdamin, at bantas.
4. Pagbaybay:
Pagbaybay nang wasto sa mga salitang natutuhan.
5. Pagsulat:
a. Pagsulat ng payak na pangungusap, talata, parirala, at kuwento
gamit ang wastong bantas, malaking letra, unang pasok ng
pangungusap at may kaayusan.
b. Pagsulat ng pangungusap, talaan, tula, awit, makabuluhang biro,
bugtong, at maikling kuwento.
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay, bagong lathalain, pangyayari, kuwento, at
patalastas gamit ang wastong bantas, malaking letra, pasok ng
unang pangungusap at may kaayusan.
7. Kamalayan sa Wika:
a. Pagtukoy sa pang-abay na ginamit sa pangungusap.
b. Paggamit ng pang-abay sa pagbuo ng pangungusap.
8. Talasalitaan:
Pag-unawa na ang wikang ginagamit sa paaralan ay mas pormal
kaysa sa wikang ginagamit sa tahanan at sa pakikipag-usap sa
kaibigan
9. Pag-unawa sa Tekstong Pampanitikan:
Pagsasabi ng sariling kuwento at alamat ayon sa kanilang
nasaliksik

10. Pag-unawa sa Tekstong Pang-impormasyon:


a. Pagsasabi ng sariling balita, lathalain, patalastas, mga
pangyayari sa paaralan at pamayanan ayon sa kanilang
nasaliksik.
b. Pagpahayag ng kahulugan sa mga nababasang nakapaskil sa
paligid.
11. Saloobin hinggil sa Panitikan
Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikinig nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna.

165

B. Sanggunian
o K to 12 Curriculum
o Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and
Dennis Malone, 2010)
o Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans
from RAP Conventions -Vol. 1) E- commuter express news.
Silverstream Publishing Co. Makati City: 2008.
C. Kagamitan:Lathalain: Bagsik ng Bagyong Ondoy; larawan ng mga
pangyayari kapag may bagyo
D. Paksa: Paghahanda Kapag may Kalamidad
E. Pagpapahalaga: Wastong pangangalaga sa kalikasan
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain bago bumasa
1. Paghahawan ng balakid
kalamidad
Ang bagyo ay isang kalamidad na nakapipinsala sa mga tao at ari-arian.
paghagupit
Ang paghagupit ng bagyong Ondoy ay nagdulot ng maraming pinsala.
2. Pagganyak
a. Magpakita ng larawan ng isang lugar na binaha. Pag-usapan kung
ano ang nakikita sa larawan.
b. Itanong: Ano ang sanhi ng ganitong kalamidad? Ano ang dapat
nating gawin kapag may dumarating na ganitong kalamidad sa ating
lugar?

3. Pangganyak na Tanong
Ngayon, magbabasa tayo ng balita. Alamin natin kung ano ang dapat
nating ihanda kapag may kalamidad.
B. Gawain habang nagbabasa
(Ang balita ay dapat nakasulat sa tsart.)
Ipabasa sa mga bata ang balita nang lahatan, dalawahan at isahan na
may tamang tono, damdamin, at diin.
166

Bagyong Ondoy, Nagbigay ng aral sa mga Tao


ni Nida C. Santos
Bahagi na ng ating buhay ang pagharap sa mga kalamidad. Ngunit sa
tuwing may paparating na kalamidad, saka pa lamang kumikilos ang ating
pamahalaan. Maging ang mga mamamayan, hindi nila iniisip na malaki ang
magiging epekto sa kanila ng kalamidad.
Nang dumating ang bagyong Ondoy, maraming hindi handa. Dahil
kulang sa paghahanda, malaki ang pinsalang iniwan ng bagyong ito. Mayaman
man omahirap ay apektado. Maraming ari-arian ang nasira at marami ring buhay
ang nawala.
Ikalawang Araw
A. Gawain pagkatapos bumasa
(Balikan ang artikulo Bagyong Ondoy, Nagbigay ng Aral sa mga Tao)
1. Ugnayang Gawain
Pangkat I
Ang bagyo ay nakasisira ng ari-arian ng mga tao.
Itala ang mga epekto ng bagyo sa ating buhay.
Pangkat II
Mga gawain para maging handa sa kalamidad.
Hayaang isadula ng mga mag-aaral ang sitwasyon kapag may
kalamidad. Ano ang mga dapat nating gawin?
Pangkat III
Pangalanan ulit natin
Mag-isip ng kalamidad na naranasan mo at ng iyong pamilya?
Masasabi mo ba kung ano ang kalamidad na inyong naranasan?
Ano ang dahilan ng kalamidad na ito?

Uri ng Kalamidad

Sanhi ng Kalamidad

Pangkat IV
Ipahayag natin
Ipahayag kung ano ang iyong mararamdaman kapag may kalamidad.
Ipahayag din dapat mong gawin upang mailigtas ang iyong buhay.

Bagyo

167

Ipahayag ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang kalamidad na


ito.
Dahil sa paiba-ibang
panahon.

Basahin ang sumusunod na pangungusap, bilugan ang mga sanhi at


salungguhitan ang bunga nito.
Halimbawa:
Malakas ang ulan, mabilis tumaas ang tubig.
Lubog sa tubig ang palibot, walang tao na naglalakad sa
kalsada.
II.

Pagtalakay
Kalamidad hindi inaasahang pangyayari,
hindi gawa ng tao, nananalanta, naninira, at
nagdudulot ng pagkawala ng ari-arian at
buhay.
Ano ang kalamidad? Ano ang dulot nito sa mga tao at ariarian? Pakinggan ang ulat ng Pangkat I
a. Ano ang dapat gawin kapag may kalamidad
na dumating sa ating lugar? Tingnan natin
ang Pangkat II
b. Ano ang ibat ibang kalamidad at ang
dahilan nito?
Pakinggan ang ulat ng Pangkat III
Paano natin mapaghahandaan ang ibat
ibang kalamidad na ating nararanasan?
Pakinggan ang ulat ng Pangkat IV
Tanungin muli.
Ano ang kalamidad?
Paano ito nakaaapekto sa tao?
Paano ito mapaghahandaan ng mga tao?

III.

Pagproseso ng gawain
Talakayin ng guro ang sagot ng bawat pangkat. Isulat sa tsart ang
mga sagot.
PANGKAT

GAWAIN

KASANAYANG
BINIGYANG PANSIN

168

IV.

Karagdagang gawain (mula sa gawain ng Pangkat IV)


Basahin ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang sanhi at
salungguhitan ang bunga nito.
Halimbawa:
a. Malakas ang ulan, mabilis na tumaas ang tubig.
b. Lubog sa tubig ang paligid, walang tao na naglalakad sa
kalsada.

Ikatlong Araw
Kasanayang Pangwika
1. Panimulang Gawain
Ipakita at Sabihin
Pagpasok ng mga mag-aaral sa silid-aralan, magpaskil ng larawang
nagpapakita ng mga kalamidad. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano
ang pagkakatulad ng mga larawan at kung paano nila ito ilalarawan.
Matapos makita ng mga mag-aaral ang larawan at mapag-usapan ang
kalamidad na tinukoy, gawin ang pagbabahagi at pagtalakay sa mga
tanong.
Halimbawa:
a. Sa iyong palagay ang kalamidad ba ay dulot ng kalikasan o gawa
ng tao?
b. Ano ang dapat nating gawin upang mapangalagaan ang ating
kapaligiran at maiwasan ang ganitong mga kalamidad?
2. Paglalahad/Pagtalakay
Maglaro Tayo
Ipakita mo
Sabihin: Sino ang makapagpapakita sa akin ng larawan ng?
(halimbawa paaralang malapit sa simbahan, pusa nasa ilalim ng puno,
ibong nasa itaas ng bubong). Hayaang magbigay ang mga bata ng
pangungusap tungkol sa larawan gamit ang salitang pang-abay na
panlunan.
Isusulat ng guro ang pangungusap mula sa kasagutan ng mga bata.
Sabihin: Basahin ang mga pangungusap.
a. Ang paaralan ay malapit sa simbahan.
b. Ang pusa ay nasa ilalim ng puno.
c. Ang mga ibon ay nasa ibabaw ng bubong.
Ilahad ng guro ang pang-abay na panlunan at kung paano
ito ginamit sa pangungusap.
169

Ilalahad din ng guro ang pang-abay na pamanahon at


kung paano ito ginamit sa pangungusap.
3. Paglalahat
Itanong: Ano ang pang-abay?
Ang pang-abay ay mga salitang sumasagot sa tanong na kailan at saan.
Pang-abay na pamanahon
kagabi
Kahapon
Ngayon
Kahapon

Pang-abay na panlunan
ilalim ng puno
ibabaw ng bubong
sa bahay
sa tabi ng pinto

Ikalawang Araw
1. Pinatnubayang Pagsasanay
a. Usapang Magkapareha/Diyalogo: Hikayatin ang mga bata na
magbahagi ng kanilang karanasan sa bagyong Ondoy gamit
ang mga salitang pang-abay.
Halimbawa:
Kapareha 1: Malakas ang ulan kahapon kaya hindi kami nakapaglaro ng
aking mga kaibigan, ikaw anong ginawa mo kahapon?
Kapareha 2: Oo, tumaas ang baha kaya napasok ng tubig ang loob ng
aming bahay.
Kapareha 1: Gabi na kami nakauwi. Sinundo namin ang tiyo kong galing
sa abroad.
Kapareha 2: Sumama ako kay nanay na mamasyal sa SM. Ginabi kami
sa pamamasyal.
b. Larawan: (Magkaroon ng Gallery Walk kung saan ang guro at
mga mag-aaral ay iikot sa silid-aralan upang tingnan ang mga
larawan.
Sabihin: Ngayon magkakaroon tayo ng Gallery Walk.
(Pag-aralan ng mga mag- aaral ang larawan at magtatanong ang guro na
ang isasagot ng bata ay pang-abay.)
Itanong: Ano ang nakikita mo sa larawan? Mailalarawan mo ba ang
iyong nakikita? Sabihin ito at isulat sa pisara. (Iwasto ng guro ang
tamang baybay, gamit ng malaking letra, bantas at iba pa.
Maaring sagot:
2. Ang mga baka ay nasa ibabaw ng burol.

(Saan naroon ang mga baka?)


Sa ibabaw ng burol.
170

3. Ang bata ay nasa bahay.


(Saan naroon ang bata? )
sa bahay

Malayang Pagsasanay
Magic Box:
Sabihin: Sumulat ng pangungusap gamit ang salitang pang-abay ayon
sa larawan. Isulat ang inyong sagot sa malinis na papel at bilugan ang
lahat ng pang-abay.
Halimbawa:

Ikalimang Araw
Paglalapat
Ating Likhain:
Lumikha ng awit, tula, biro, bugtong o maikling kuwento tungkol sa iyong
karanasan kapag may bagyo. Isulat sa malinis na papel at salungguhitan
ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. (Babasahin ng guro ang
ginawa. Tingnan kung tama at bigyan nang angkop na komento. Ipaskil
ang kanilang ginawa.)
V. Pagtataya
Tingnan ang mga larawan at basahin nang maayos ang mga pangungusap.
Kopyahin ang mga salitang pang-abay na ginamit sa pangungusap.

1. Nagpalipad ng saranggola si Lito kahapon.

2. Nagpunta sa grocery si Ana at ang kanyang


nanay.
171

3. Ngayon ang kaarawan ni Tony.

4. May kambing sa ibabaw ng burol.

5. Natutulog ang aso sa ilalim ng puno.

VI. Takdang Gawain


Tingnan ang larawan. Piliin ang angkop na pang-abay. Pagkatapos gamitin
ito sa pangungusap.

1. A. sa bukid

B. sa bahay

C. sa kusina

2. A. sa plasa

B. sa tindahan

C. sa paaralan

3. A. sa duyan

B. sa mesa

C. sa garahe

172

4. A. sa kusina

B. sa kuwarto

C. sa hardin

5. A. sa basket

B. sa bag

C. sa kahon

Banghay Aralin MTB-MLE 1 Tagalog


Ika-39 na Linggo
I.

Layunin
Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling tungkulin
at pangarap
2. Nakababasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at iba
pa na nagtataglay ng matataas na antas ng salitang napag-aralan na
3. Nakababasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan
4. Nakababasa ng apat hanggang limang salita at parirala sa tekstong
pang-unang baitang
5. Nakababaybay nang wasto gamit ang mga salitang napag-aralan na
6. Nakababaybay ng mga salitang nakapaskil na nababasa sa paligid (hal.
mga batas-trapiko)
7. Nakagagamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, wastong
bantas, at malaking letra sa pagsulat ng sanaysay, balita, lathalain,
kuwento, at pabula
8. Nakasusulat ng sanaysay, balita, pangyayari, kuwento, at patalastas
gamit ang tamang bantas, malaking letra, unang pasok ng pangungusap
at may kaayusan
9. Nakatutukoy ng pang-abay sa pangungusap
10. Nakagagamit nang wasto ang pang-abay sa pangungusap
11. Nakauunawa na ang wikang binibigkas sa paaralan ay mas pormal kaysa
sa wikang binibigkas sa tahanan at sa pakikipag-usap sa kaibigan
12. Nakapagsasabi ng sariling lathalain, patalastas, pangyayari sa paaralan
at pamayanan at iba pa ayon sa kanilang nasaliksik
13. Nakapagpapahayag ng kahulugan ng mga paskil na nakikita sa
kapaligiran(hal. batas-trapiko)
14. Nakapagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng
pakikining nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna
173

II. Paksang Aralin


A. Tema:
1. Pabigkas na Wika:
Paggamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling
tungkulin at pangarap.
2. Pagkilala ng Salita:
Pagbasa ng kuwento, alamat, sanaysay, balita, lathalain, blogs at
iba pa na nagtataglay ng matataas na antas ng mga salitang
napag-aralan na.
3. Katatasan:
a. Pagbasa ng tekstong pang-unang baitang sa bilis na 95-100
bahagdan.
b. Pagbasa ng apat hanggang limang salita at parirala sa
tekstong pang- unang baitang.
4. Pagbabaybay:
a. Pagbaybay nang wasto gamit ang mga salitang napagaralan na.
b. Pagbaybay ng mga salitang nakapaskil na nababasa sa
paligid (hal. mga batas-trapiko).

5. Pagsulat:
Paggamit ng tamang agwat sa pagitan ng mga salita, wastong
bantas, at malaking letra, sa pagsulat ng sanaysay, balita,
lathalain kuwento, at pabula.
6. Paglikha:
Pagsulat ng sanaysay, balita, pangyayari, kuwento, at patalastas
gamit ang tamang bantas, malaking letra, unang pasok ng
pangungusap at may kaayusan.
7. Kamalayan sa Gramatika:
a. Pagtukoy ng pang-abay sa pangungusap.
b. Paggamit nang wasto ng pang-abay sa pangungusap.
8. Pagbaybay:
Pag-unawa na ang wikang binibigkas sa paaralan ay mas pormal
kaysa sa wikang binibigkas sa tahanan at sa pakikipag-usap sa
kaibigan.
9. Pag-unawa sa Binasa:
a. Paglalahad ng sariling lathalain, patalastas, pangyayari sa
paaralan at pamayanan at iba pa ayon sa kanilang nasaliksik
b. Pagpapahayag ng kahulugan ng mga paskil na nakikita sa
kapaligiran(hal. batas-trapiko)
174

c. Pagpapakita ng pagkagiliw sa pagbasa sa pamamagitan ng


pakikining nang mabuti habang nagbabasa ng kuwento at
nakapagbibigay ng puna
B. Sanggunian
- K to12 Curriculum
- Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write
Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and
Dennis Malone, 2010)
- Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans
from RAP Conventions -Vol. 1)
C. Kagamitan:
Lathalain: Mga Dapat Gawin Kapag may Bagyo
Larawan, tunay na bagay
D. Tema: Paghahanda sa Kalamidad
E. Pagpapahalaga: Laging Handa
III. Gawain sa Pagkatuto
Unang Araw
A. Gawain sa Pagkatuto
1. Paghahawan ng Balakid
kalamidad (sa pamamagitan ng larawan)
Ang bagyo ay isang halimbawa ng kalamidad. Mga pangyayaring hindi
natin inaasahan na nakaaapekto sa buhay ng tao.
mag-imbak (sa pamamagitan ng larawan)
Nag-iimbak ang nanay ng mga pagkain bilang paghahanda sa panahon
ng tag-ulan.
Perhuwisyo (sa pamamagitan ng larawan)
Hindi makatulog ang bata dahil sa mga lamok, talagang perhuwisyo ito sa
pagtulog.
2. Pagganyak
Semantic web
Itanong: Anong salita ang maaaring iugnay sa salitang nasa loob ng
bilog? Isulat ang sagot sa loob ng mga bilog.

175

3. Pangganyak na Tanong
Ano-ano ang mga dapat gawing paghahanda kapag may kalamidad?
B. Gawain habang nagbabasa
Isulat sa tsart ang babasahing kuwento.
Ipabasa ang kuwento na may tamang bigkas ng salita at wastong taas at
baba ng boses.
Mga Dapat Gawin Kapag may Bagyo
ni Elvie E. Seguerra
Malaking perwisyo sa buhay at ari-arian ang mga kalamidad tulad ng
bagyo. Ang malawakang paghahanda at kaalaman ang sagot upang maiwasan
ang malagim na perwisyong dulot nito. Dapat maging bukas ang isipan ng mga
tao sa maaaring mangyari kapag dumadating ang ganitong kalamidad.
Narito ang mga dapat tandaan o mga dapat gawin kapag may bagyo.
Bago dumating ang bagyo
1. Ayusin ang mga bubong ng bahay.
2. Mag-imbak ng mga pagkaing madaling lutuin at hindi agad napapanis.
3. Maghanda ng flashlight, kandila, posporo, at de-gas na ilaw.
4. Maghanda rin ng first aid kit na may mga pangunahing gamot.
5. Laging makinig ng balita sa radyo.
6. Maghanda ng mga damit na maaaring dalhin kung kinakailangang
lumikas.
Habang bumabagyo
Dapat maging listo at kalmado para maisagawa ang sumusunod:
1. Manatiling nasa loob ng bahay.
2. Iwasan ang bumiyahe kapag malakas ang hangin at ulan.
3. Palaging makinig ng balita sa radyo. Alamin ang signal na nagsasabi
kung gaano kadami ang bagsak ng ulan at lakas ng hangin.
176

4. Sumunod sa payo ng mga awtoridad kung kinakailangan lisanin


na ang inyong lugar.
Pagkatapos ng bagyo
1. Pakuluan ang iinuming tubig.
2. Tingnan ang mga kawad ng kuryente lalo na kung ito ay inabot ng
tubig.
3. Gawin ang bahagi ng bahay na nasira ng bagyo.
Ikalawang Araw
C. Gawain pagkatapos bumasa
(Muling ipabasa ang kuwentong pinag-aralan kahapon)
4. Ugnayang Gawain
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat.
Pangkat I: Mga Dapat Gawin
Gumawa ng talaan ng mga dapat gawin bago dumating ang bagyo,
habang bumabagyo, at pagkatapos ng bagyo. Isulat ito sa mga loob
ng kahon.
Mga Dapat Gawin

Bago
bumagyo

Habang
bumabagyo

Pagkatapos
ng bagyo

Pangkat II: Signal ng Bagyo, Alamin!


Iguhit ang mga pangyayari kapag may signal ang bagyo.

Signal bilang 1

Signal bilang 2

177

Signal bilang 3

Pangkat III: Paala-ala sa Lahat ng Tao


Gumawa ng panawagan na nagpapaalam sa mga tao na may
darating na bagyo bukas. Gumamit ng ano mang bagay na may
tunog.
Pangkat IV: Emergency Kit sa Bawat Pamilya
Bawat mag-anak ay dapat magkaroon ng sariling Emergency Kit.
Ano-ano ang dapat na ilagay sa Emergency Kit?

EMERGENCY KIT

Pangkat V: Tumulong Ka
Anong tulong ang maaari mong ibigay sa kamag-aral mong binaha?
TULONG NA MAAARI KONG IBIGAY
5. Talakayan
a. Dapat lagi tayong handa kapag may dumating na kalamidad tulad ng
bagyo. Ano-anong paghahanda ang dapat gawin bago dumating ang
bagyo, habang bumabagyo, at pagkatapos ng bagyo?
Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I.
b. Dapat nating malaman ang ibat ibang signal ng bagyo upang maging
handa tayo. Ayon sa inyong karanasan, ano-anong pangyayari ang
nakikita ninyo sa bawat signal ng bagyo?
Sasabihin sa atin ng Pangkat II.
c. Ang pamahalaan sa bawat bayan o siyudad ay may mga programang
nakalaan para sa mga nasalanta ng bagyo, katulad ng maagang
pagpapaalam sa mga taong maaapektuhan. Ang Pangkat III ay
gumawa ng panawagan . Pakinggan natin ang Pangkat III.
d. Ang Emergency Kit ay isa sa mga inihahanda at ginagamit tuwing
may darating na kalamidad. Kung kayo ay pinaghahanda ng
Emergency Kit, ano-ano ang dapat mong ihanda?
Tingnan natin kung ano ang inihanda ng Pangkat IV.
e. Kung may kamag-aral kang naging biktima ng pagbaha, sa paanong
paraan ka makatutulong?
178

Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat V.


Kung isa ka sa naging biktima ng bagyo, at tinangay ng baha ang
inyong tahanan, ano ang gagawin mo?
g. Gumawa ng panalangin, na sana ay walang dumating na sakuna sa
ating bansa.
f.

6. Pagproseso ng Gawain
Ipaliwanag ang ibinigay na sagot ng mga bata sa pangkatang gawain.
Pangkat

Gawain

Kasanayang Binigyang
Pansin

Ikatlong Araw
Pinagsanib na Wika
1. Pagganyak
Laro: Magpapakita ang guro ng mga larawang nagpapakita ng mga dapat
gawin sa panahon ng kalamidad. Magpapaskil sa pisara ang guro ng
TAMA at HINDI TAMA. Kapag ang ipinakitang larawan ay ginagawa
tuwing may kalamidad tatapatan ng mga bata ng salitang TAMA at kung
hindi ay tatapatan nila ang HINDI TAMA.

2. Paglalahad:
Magpakita ng mga pangungusap na ginagamitan ng pang-abay.
a. Masayang naglalaro ang mga bata sa lansangan.
b. Tuwing hapon sila naglalaro.
c. Pagod na pagod sila pag-uwi ng bahay.
d. Sa gabi, nanonood sila ng paboritong palabas sa telebisyon.
3. Pagtalakay:
Ano-ano ang salitang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
4. Paglalahat:
Itanong: Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa pandiwa?
179

Magbigay ng halimbawa ng salita at pariralang tumutukoy sa


pandiwa na sumasagot sa tanong na saan, kailan at paano.
Mga pangyayari
mabilis na nagtago
dumapa sa lupa
umuga ang lupa
kagabi

Pang-abay
(adverb)
Mabilis
sa lupa
Kagabi

Salitang-kilos (verb)
nagtago
dumapa
umuga

Sumasagot sa
tanong na:
Paano
Saan
Kalian

Ikaapat na araw
5. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipapakita ng guro ang mga larawan. Sa ilalim ng larawan ay may
nakasulat na pang-abay. Gagamitin ng mga bata sa pangungusap ang
mga pang-abay.

umuulan nang malakas

nakikinig na mabuti

masayang nanonood

sa ilalim ng mesa
6. Malayang Pagsasanay
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek () ang unahan
ng pangungusap kapag ang salitang may guhit ay pang-abay at lagyan
ng ekis (X) kung hindi.
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.

Maaga pa nang itinayo ng mga tao ang bakod ng kanilang bahay.


Mabilis na nilinisan ng mga tao ang kanal.
Agad-agad na inayos ang mga natanggal na bubong.
Tuwang -tuwa ang mga tao sa nangyari.
Dinadala sa pagamutan ang mga nasugatan.
Nakalagay sa first aid kit ang mga gamot.
Buong araw umulan nang malakas.
180

h. Wala sina nanay at tatay sa bahay.


i. Iwasang lumabas ng bahay kapag may bagyo.
j. Takot si Karen sa kidlat at kulog.
Ikalimang Araw
7. Paglalapat
Sumulat ng kuwento gamit ang mga salitang pang-abay ayon sa larawan.

_______________________
Pamagat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin at kopyahin ang mga pang-abay na nasa loob ng pangungusap.
1. Bumaha sa likod ng bahay nina Lita at Oscar.
2. Mabilis tumaas ang tubig-baha.
3. Malakas ang hangin kahapon.
4. Dinala sa ospital ang mga biktima ng baha.
5. Mabilis na lumikas ang mga biktima ng bagyo.

181

V. Takdang Aralin
Mag-usisa: Sa tulong ng inyong nanay at tatay itanong kung ano ang mga
signal na ginagamit kapag may lindol, sunog, at baha.

Appendices
Mga Dapat Gawin Kapag may Bagyo
ni Elvie E. Seguerra
Malaking perwisyo sa buhay at ari-arian ang mga kalamidad tulad ng
bagyo. Ang malawakang paghahanda at kaalaman ang sagot upang maiwasan
ang malagim na perwisyong dulot nito. Dapat maging bukas ang isipan ng mga
tao sa maaaring mangyari kapag dumadating ang ganitong kalamidad.
Narito ang mga dapat tandaan o mga dapat gawin kapag may bagyo.
Bago dumating ang bagyo
1. Ayusin ang mga bubong ng bahay.
2. Mag-imbak ng mga pagkaing madaling lutuin at hindi agad
napapanis.
3. Maghanda ng flashlight, kandila, posporo, at de-gas na ilaw.
4. Maghanda rin ng first aid kit na may mga pangunahing gamot.
5. Laging makinig ng balita sa radyo.
6. Maghanda ng mga damit na maaaring dalhin kung kinakailangang
lumikas.
Habang bumabagyo
Dapat maging listo at kalmado para maisagawa ang sumusunod:
1. Manatiling nasa loob ng bahay.
2. Iwasan ang bumiyahe kapag malakas ang hangin at ulan.
3. Palaging makinig ng balita sa radyo. Alamin ang signal na nagsasabi
kung gaano kadami ang bagsak ng ulan at lakas ng hangin.
4. Sumunod sa payo ng mga awtoridad kung kinakailang lisanin na ang
inyong lugar.
Pagkatapos ng bagyo
1. Pakuluan ang iinuming tubig.
2. Tingnan ang mga kawad ng kuryente lalo na kung ito ay inabot ng
tubig.
3. Gawin ang mga bahagi ng bahay na nasira ng bagyo.

182

You might also like