You are on page 1of 1

Damit Pambahay-ito ay damit na maluwang at maginhawa tulad ng duster,shorts,tshirt at mga luma gnunit maayos pang damit.

Ito ay karaniwang yari sa telang bulak


o koton
Damit Pantrabaho-ito ay damit yari sa matibay na tela tulad ng maong, na hindi
kaagad kinakapitan ng dumi.Mayroon ding damit pantrabahona ipinapatong
lamangsa kasuotan upang di ito marumihan, tulad ng epron.
Damit Panlaro-ito ay magaan at maluwag upang maging Malaya at maginhawa ang
pagkilos ng katawan.Ang mga halimbawa nito ay kamiseta,t-shirt,shors at bloomer.
Damit Pantulog-ito ay kasuotang manipis,maluwang at maginhawa tulad ng
padyama at nightgown.Ang mga luma ngunit mallinis na damit ay maaari ring
gamiting pantulog.Ang mahalaga ay magpalit ng damit bago matulog.
Damit Pamasok-ito ay ang uniporme na ginagamit sa pagpasok sa paaralan.
Karaniwan ito ay blusa at palda sa babae at polo at long pants o shortsa mga lalaki.
Dahil sa ginagamit ito sa araw-araw. Ang uniporme ay dapat na madaling labhan
,patuyuin, at plantsahin.
Damit Panlakad-ito ay magara at naiiba sa karaniwang damit na isinusuot sa arawaraw.Ito ay ginagamit kapag may okasyon tulad ng pista,handaan,salu-salo o iba
pang pagdiriwang na dadaluhan.
Barong Tagalog at Saya-ito ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino
tuwing may mahahalagang okasyon.
Damit panlangoy-ang swim suit ang kasuotang ginagamit panlangoy sa pool,sa
dagat,at sa ilog.Ginagamit din itong pangrampa sa mga contest ng mga miss
Universe.

You might also like