You are on page 1of 15

EPP 4

ARALIN 2
Wastong Pananamit
Hangad ng bawat isa ang magkaroon ng sarili,
disente at angkop na kasuotan, Ipinakikita nito
kung gaano kahalaga ang damit sa isang tao,
maging matand, bata, lalaki o babae man.

Sa Pagpili ng damit na isusuot sa loob at labas


ng bahay. Kailangang bigyan pansin ang ilang
panuntunan. Dapat bagay ang kulay, guhit,
disenyo at yari nito ayon sa okasyon, panahon,
edad at pangangatawan ng magsusuot.
Kahalagahan ng damit

Kailangan ng lahat ang malinis, disente at


angkop na kasuotan sa araw-araw. Bahagi ng
katauhan at kaanyuan ang pananamit. Dahil
madaling mapansin ang damit, napupuna
kaagad ang suot araw araw
Nakata tawag-pansin ang babaing may damit
na bagay sa kanya, gayundin ang lalaking may
suot na malinis na polo at pantalon.

Ang damit ay nagsisilbing tagapagpakilala sa


panlabas na kaanyuan ng tao.
Angkop na Pananamit
Mahalagang malaman kung ano ang isusuot sa iba't ibang
panahon, okasyon at gawain. Nagdudulot ng kaginhawahan ng
katawan ang pagsu suot ng angkop na kasuotan.

Damit Panggawa at Pambahay

Kailangang maginhawa sa katawan ang mga damit


panggawa o pambahay. Maaaring yari ito sa
matibay na tela tulad ng maong o koton. Maaaring
shorts, dastero T-shirt ang isuot habang
isinasagawa ang mga gawaing bahay.
Damit Pantulog

Karaniwang manipis at magaan ang mga


damit pantulog, tulad ng pajama, nightgown at
daster. Maginhawa rin gamiting pantulog ang
mga pinaglumaang damit. Kailangang ugaliin
ang pagsusuot ng malinis na damit pantulog.
Damit Panlaro
Sumasama sa galaw ng katawan ang mainam na damit
panlaro. Nakadaragdag ito ng kaginhawahan sa
pagkilos at nagiging kasiya-siya ang paglalaro.
Maaaring shorts, T-shirt o jogging pants ang suot na
panlaro.
Damit Pampaaralan

Nagtatakda ng uniporme para sa mga mag-aaral


ang mga paaralang pampubliko at pampribado.
Simple ang tabas nito, matibay ang tela at madaling
labhan. Isa itong paraan ng pagtitipid at madaling
pagpapakilala ng paaralang pinapasukan ng bata.

Damit Pansimba

Simple lamang ang tabas at disenyo ng mga damit


pansimba. May manggas ito at hindi napakaikli o malalim
ang leeg, hapit at naglalantad ng bahagi ng katawang
dapat ay natatakpan. Dapat naaayon ito sa panuntunan
ng relihiyong kinabibilangan ng magsusuot.
Damit Pamparti

Maaaring simple o may palamuti ang kasuotang


pamparti. Hindi kailangang nakasunod ito sa uso.
Ang mahalaga ay angkop ito sa okasyon, panahon
at bagay sa edad at pangangatawan ng
magsusuot.
Damit Panligo

Karaniwang bathing suit, bikini, shorts, sando at


kamiseta ang mga kasuotang panligo. Ang mga
ito ay lapat sa katawan at maginhawang isuot.
Kailangang natatakpan ng damit panligo ang
maseselang bahagi ng katawan.
Damit Pantag-init

Simple lamang ang pagkakayari ng mga damit


pantag-init. Ang mga ito karaniwang maninipis,
magagaan at walang manggas. Maginhawang
isuot ang ganitong mga damit at hindi madaling
pagpapawisan ang nagsusuot.

Damit Pantaglamig

Sa panahon ng taglamig, kailangan ang sweter,


dyaket at makakapal na kasuotan upang hindi
ginawin. Kailangang mapangalagaan ang normal
na temperatura ng katawan nang hindi magkasakit.
Damit Pantag-ulan

Nagbabago na ang klima ng bansa sa mga buwan ng


Disyembre hanggang Pebrero o sa panahon ng tag-
ulan. May mga kasuotang ipi napatong sa damit upang
hindi mabasa o lamigin. Halimbawa nito ang kapote,
dyaket at sweter. Kasabay nito ang paggamit ng payong
na mainam na panangga sa ulan.
Damit Panloob

Kasinghalaga ng damit panlabas ang mga damit panloob.


Nagsisilbi itong panakip at proteksyon sa maseselang
bahagi ng katawan. Kabilang dito ang panty, briefs, bra,
sando,halfslip, kamison, kamiseta at pantylet. Mahalagang
malinis at mabango ang mga ito upang magin hawang
isuot. Kailangang magpalit ng kasuotang panloob araw-
araw.
Mga Sangkap sa Wastong Pananamit

Nakadaragdag sa kagandahan ng kaanyuan ng


nagsusuot ang pag bibigay-pansin sa guhit, kulay, disenyo
at accessories. Ito ay mga sangkap upang bumagay ang
damit sa magsusuot nito.

Ang Guhit

Nababago ng ayos ng guhit ang anyo at katawan


ng nagsusuot ng damit. Maaaring magmukhang
matangkad, balingkinitan, medyo mababa o di-
gaanong payat ang nagsusuot.
Guhit na Patayo

Nagmumukhang matangkad at balingkinitan ang


taong nakasuot ng damit na may guhit na patayo.

Guhit na Pahilis o Diagonal

Nagmumukha ring maliit ang katawan ng taong na


kasuot ng damit na may pahilis o diagonal na guhit,
lalo na kung ang mga guhit ay nagsasalubong sa
gitna, sa kanan o sa kaliwang bahagi ng katawan.
Guhit na Pahalang

Kung nais namang magmukhang mababa, kailangang paha


lang ang guhit ng damit na isusuot. Nakatutulong ang guhit na
pahalang sa mga magsusuot ng damit na nais magmukhang
mataba nang bahagya.
Ang Kulay at Disenyo

Malaki ang nagagawa ng kulay at disenyo ng damit sa kaanyuan


ng isang tao. Ang kulay at disenyo ng kasuotan ay maaaring
mapasaya ang mukha, mapaningning ang mga mata at mapasigla
ang katawan. Maliliit na disenyo ang bagay sa katawang bilugan.
Malalaking disenyo naman ang angkop sa matangkad, baling
kinitan o patpatin.
Ang Accessories

Bukod sa damit, mayroon pang ibang kagamitan para sa ulo. Na


kadaragdag sa kaanyuan ang ilang sangkap tulad ng ipit, panali,
laso at headband.

Mayroon ding mga kagamitan sa leeg gaya


ng kwintas at scarf. Bracelet naman ang
sinusuot sa pupulsuhan at singsing sa darili.
Sa paggamit ng mga pandagdag na
sangkap o accessories, gawing pa nuntunan
ang pagiging simple. Kailangang ang kulay
at uri nito ay angkop sa kulay at disenyo ng
damit.

You might also like