You are on page 1of 5

Iba’t – ibang Uri ng Kasuotan

• Damit Pambahay – Ito ay damit na


maluwang at maginhawa sa katawan tulad
ng duster, shorts, t-shirt, at mga luma ngunit
maayos pang damit. Ito ay karaniwang yari
sa telang bulak o koton
• Damit Pantrabaho – Ito ay damit yari sa
matibay na tela tulad ng maong, na hindi
kaagad kinakapitan ng dumi. Mayroon ding
damit pantrabaho na ipinapatong lamang sa
kasuotan upang di ito marumihan, tulad ng
epron.
• Damit Panlaro – Ito ay magaan at maluwag
upang maging malaya at maginhawa ang
pagkilos ng katawan. Ang mga halimbawa
nito ay kamiseta, t-shirt, shorts, at bloomer.
• Damit Pantulog – Ito ay kasuotang manipis,
maluwang, at maginhawa tulad
padyama at nightgown. Ang ng mga
ngunit malilinis na damit ay maaari luma ring
gamiting pantulog. Ang mahalaga ay
magpalit ng damit bago matulog
• Damit Pamasok – Ito ay ang uniporme na
ginagamit sa pagpasok sa paaralan. Karaniwan,
ito ay blusa at palda sa babae at polo at long
pants o short sa mga lalaki. Dahil sa ginagamit ito
sa araw-araw, ang uniporme ay dapat na
madaling labhan, patuyuin, at plantsahin.
• Damit Panlakad – Ito ay magara at naiiba sa
karaniwanng damit na isinusuot sa araw-araw.
Ito ay ginagamit kapag may okasyon tulad ng
pista, handaan, salu-salo, o iba pang pagdiriwang
na dadaluhan.
• Damit Pantag-init – Ito ay manipis at
nagbibigay ng magaan na pakiramdam sa
katawan kaya isinusuot kapag maiinit ang
panahon. Yari ito sa telang bulak o koton
kaya naiiwasan ang pagkatuyo ng pawis sa
katawan.
• Damit pantaglamig – Ito ay yari sa makapal
na tela o kaya’y galing sa hayop tulad ng
tupa. Ang damit pantag-lamig ay nagbibigay
proteksyon sa katawan upang di ito
makaramdam ng ginaw. Ang mga
halimbawa nito ay dyaket at sweter.
• Damit Pantag-ulan – Ito ay kasuotang yari sa
plastik o goma. Ipinapatong ito sa damit
upang di mabasa ng ulan. Proteksyon din ito
laban sa lamig. Ang mga halimbawa nito ay
kapote at dyaket na pantag-ulan.
• Damit panloob – Ito ay ginagamit upang
magbigay-proteksyon sa katawan lalo na sa
maseselang bahagi nito. Kabilang sa damit-
panloob ang kamison, kamiseta,
sando,salawal,panty, at brief.

You might also like