You are on page 1of 5

MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK

PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA


1. Dapat may kaugnayan ito sa inyong disiplina o sa
personal na interes.

Simple lang ang dahilan kung bakit. Kung kaugnay ito ng


inyong disiplina, siguro naman ay marami na kayong paunang
kaalaman tungkol sa paksang nais ninyong pag-aralan.
Halimbawa, kung ikaw ay isang civil engineering major, pwede ka
ba magsaliksik tungkol sa ship mechanics? Siyempre, hindi.
Mahalaga rin na interesado kayo talaga sa paksang gusto ninyong
isulat para hindi kayo mawalan ng gana na ipagpatuloy ito
kalaunan. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang maaari ay
suhestiyon lang ang binibigay naming guro ninyo.
2. Limitadong panahon

Kamakailan ay may nagtanong sa akin kung bakit


research paper at hindi thesis ang tawag sa proyekto niyong
ito. Ang thesis ay siyang pinal na proyektong dapat ninyo
magawa bago kayo mag-graduate. Umaabot yan ng 100 pahina o
higit pa kaya isang taon ang nakalaan para matapos ito.
Sa kabilang banda, mayroon na lamang kayong dalawang buwan
para matapos ang inyong pamanahong papel (term paper).
Iwasan ninyo ang mga malalawak na paksang baka hindi naman
ninyo mapapanindigan. Halimbawa, Mga Batang Ina sa Cubao,

Quezon City. Talaga bang may panahon ka na mag-panayam ng


mga batang ina sa buong Cubao?

3. Kakayahang Pinansyal
Iwasan ang pagpili ng paksa kung saan mapapagastos
kayo ng malaki. Walang kaso yung paggastos sa pagpapaprint ng
mga sources ninyo galing sa Internet at sa pagpapa-photocopy ng
survey forms. Okay lang din yung gumastos kayo sa pamasahe
para mag-panayam o magsaliksik pero hanggat maaari, sana dito
lang sa Metro Manila o malapit lang kung saan kayo nakatira.

4. Mapagkukuhaan ng Sapat na Datos at Impormasyon


Kung matatandaan ninyo, sinabi ko dati na kapag kayo ay
magpapasa nan g inyong mga panukalang paksa, dapat ay ilagay
niyo rin ang inyong mga paunang reperensya (initial references).
Ito ay upang malaman ko kung saan-saan kayo maaaring
makakuha ng impormasyong may kinalaman sa inyong planong
pag-aaral. Pwedeng galing sa mga aklat, artikulo, thesis, at iba
pang sanggunian. Ang importante, hindi kayo gagawa ng
pananaliksik mula sa wala.

5. Kabuluhan ng Paksa

Ito ang pinakamahalagang tanong na dapat ninyong


masagot sa pagpapanukala ng paksa. Bakit ninyo napili ang
paksang iyan? Meron ba iyang kahalagahan para sa iyo, sa iyong
disiplina, o kaya ay sa pamayanan? Gugustuhin niyo bang
pagbuhusan ng panahon ang isang bagay na wala namang
kabuluhan?

Pagbuo ng Konseptong Papel


Ito ang unang hakbang sa pagsasagawa ng pagsisiyasat. Gabay ito samga
hakbaning nais isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan ngpagsisiyasat.
Nagsisilbi itong outline o istruktura ng kabuuang pag-aaral.Dito nakapaloob ang
mga sumusunod
1. Paksa
: Ano ang paksang nais mong gawan ng akademikong papel? Angpaksa ay
maaaring mga suliranin o isyung napapanahon, mga bagay nakung saan ka
interesado, o mga usaping may kinalaman sa kursongkinukuha mo o mga isyung
kasalukuyang pinag-uusapan sa bansa o salipunan kung saan ka kabilang.
2.Tulak o Rasyunal
. Ito ay tumutukoy sa kaligiran ng suliranin. Mgaimpormasyon ito na may
kinalaman sa paksang nais talakayin. Nag-uumpisa ito sa mga sitwasyon sa
pangkalahatan hanggang sa particularna lokasyon (general to specific). Saan mo
nakuha ang inspirasyonupang piliin ang paksang iyong gustong siyasatin.
3.Layunin
. Ano ba ang gusto mong malaman batay sa paksang napili mo?Ano ang gusto
mong mabigyang linaw? Ano ang gusto mongmapatunayan? Ang layunin ng
paksang nais siyasatin ay puwedengisulat sa paraang patanong.

4.Panimulang haka

. Ito ay panimulang tugon sa nais tunguhin ngpaksang sinisiyasat. Base ito sa mga
layunin inilatag.
5.Metodolohiya
. Ang mga katanungan sa ibaba ang madalas tinutugunanng bahaging ito.a.
Ano ang metodo na karapat-dapat gamitin sa aking pagsisiyasat?(descriptive o
experimental)b.
Sinu-sino ang aking mga respondents (tagatugon) o sinu-sino angmga dapat kong
pagkuhanan ng mga datos?c.
Kalian ko dapat isagawa ang pagsisiyasat o pangangalap ng datos?d.
Anu-ano ang mga instrumentong aking kakailanganin upangmakalap ang mga
kinakailangan kong datos?e.
Ano ang aking gagawin sa mga nakalap na datos. Paano nitomasasagot o
matutugunan ang mga layunin ng pagsisiyasat?
Paggamit ng Iba't ibang Sistema ng Dokumentasyon
Ano ang Dokumentasyon?

ito ay ang maingat na pagkilala sa mga hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa


o mga tala, talang parentetikal, bibliograpiya at listahan ng mga
sanggunian.Dokumentasyon Informational notes - talang impormasyonal Content
Notes -talang pangnilalaman Pagpapalawig ng ideya. Pagbibigay ng crossreference sa loob ng papel. Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya. Pagkilala
sa pinagkunan ng datos o impormasyon. Gamit ng Dokumentasyon

TALABABA-BIBLIOGRAPIYA
Isinasagawa sa pagbanggit ng impormasyong bibliograpikal sa talababa at
bibliograpiya. Footnote-bibliography . TALABABA-BIBLIOGRAPIYA Indensyon
Pagbabantas Pagnunumero ng Tala Paglalagay ng Superscript Pormat ng Talababa

Halimbawa:
Pinakamalaking kontribusyon natin bilang guro natin ang bigyan ang
kabataan ng kakayahang maging panghabam buhay na mag-aaral, pagkat
masasabing nagtagumay tayo kung kaya na nilang humaharap ng solusyon sa mga
suliranin, umaangkop sa mga pagbabago at tumuklas ng baging katotohanan.Bukod
pa rito, sa isang artikulong sinulat ni Freedman ay sinabi niyang, ang guro ay di
dapat na umaasa sa iisang karanasan na mag-aakay sa mga mag-aaral sa iisang
landas ng paglaki.

PARENTETIKAL/SANGGUNIAN
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong bibliograpikal
sa loob g parenthesis na nasa teksto mismo. Kakambal nito ang isang alfabetisadong
listahan ng sanggunian sa katapusan ng papel.
1.

Kung may apat o higit pang awtor, banggitin na lamang ang apelyido ng unang
awtor at sundan ng et. al. at pahina.Kung higit sa isa ngunit hindi lalagpas sa tatlo
ang awtor banggitin ang pangalan ng lahat ng awtor. Pahina na lamang ang
banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto. Pormat ng Talang
Parentetikal
2.
Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor,banggitin na
lamang ang akda. Paikliin kung kailangan. kung ang babanggitin ay bahagi ng
akdang may higit sa isang tomo, banggitin ang tomo: (tutuldok ang maghihiwalay sa
bilang ng tomo at pahina). Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin ang
pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng pahina. Kung may babanggiting dalawa
o higit pang wator na pareho ang huling panagalan.
3.
Kung babanggitin ang talang parentetikal pagkatapos ng isang maikling tuwirang
sipi na gagamitan ng panipi.Ipinoposisyon ito bago ang iba pang bantas tulad ng
tuldok, Tandang pananong, kuwit, kolon at semi-kolon. Inilalagay ang talang
parentetikal pagkatapos ng salita o ideyang hinalaw. Posisyon at Pagbabantas
4.
Sa mahabang tuwirang sipi naman, ang talang parentetikal ay inilalagay
pagkatapos ng tuldok sa tuwirang sipi. Dalawang espasyo ang naghihiwalay sa
talang parentetikal at sa tuldok at hindi na nilalagayan ng anumang bantas
pagkatapos nito.

You might also like