You are on page 1of 2

ANG WIKANG GINAGAMIT PANGARAW-ARAW AT

ANG WIKANG GINAGAMIT SA MGA PAGTATANGHAL


NG DULAANG SIBOL
1. Ang Dulaang Sibol ay isa sa mga grupong pang-teatro ng
Mataas na Paaralang Ateneo de Manila. Binubuo ito ng mga
mag-aaral mula sa ika-8 hanggang ika-12 na baitang, subalit
karamihan sa aking mga piniling katugon ay mula sa Senior
High School lamang at may edad na labinlima hanggang
labingwalong taong gulang. Mula sila sa Social Class A, na
binubuo ng mga taong matataas ang uri, at Social Class B,
na binubuo ng mga taong gitnang uri. Dati, puro lalaki ang
mga kasapi ng Dulaang Sibol. Ngayon, may dagdag na
kakaunting mga babae sa populasyon.
2. Unang-una sa aking mga obserbasyon, hindi maikakaila na
mahilig sila sa musika. Naririnig nga sa labas ng tanghalan
na may kumakanta sa loob. Mapapansin din na karamihan sa
mga kasapi ng Dulaang Sibol ay mapagkaibigan. Mahilig
silang makipag-usap sa ibat ibang mga tao.
Hinggil naman sa wika, impormal o kaswal ang rehistro ng
wikang kanilang ginagamit kapag nakikipag-usap sa kapwaSibolista, habang mas konsultatibo ang rehistro kapag
nakikipag-usap sa aming org moderator na si Sir
Pagsanghan. Karaniwan ay ginagamit ang Ingles sa kaswal
na pakikipag-usap, kay Sir Pagsi o sa mga Sibolista.
Ginagamit ang wikang Filipino para sa malalimang usapan at
pagninilay kasama ni Sir Pagsi, at sa kaswal na diskurso. Sa
pamamagitan ng di gaanong masusing pakikipanayam at
pananaliksik, nalaman ko na mas dalubhasa sila sa wikang
Filipino.
3. Ang mga maitatanong ko lamang ay ito: Saan-saan o kanikanino
nila
nakuha
at
nailinang
ang
kanilang
pagkadalubhasa sa wikang Ingles at/o Filipino? Anu-ano ang

mga dahilan kung bakit pinipili pa rin nila gumamit ng


wikang ito?
4.

Sa pangkalahatan, ang nais ko lang malaman ay ito: maaari


bang nakaaapekto ang paggamit ng Ingles o Filipino arawaraw sa wikang ginagamit sa mga pagtatanghal ng Dulaang
Sibol?

You might also like