You are on page 1of 18

MASAMANG EPEKTO NG PANINIGARILYO SA MGA KABATAAN

SA KALUSUGAN, PAG-AARAL, AT PAKIKIPAG-UGNAYAN

Pananaliksik na iniharap sa Camarines Sur Polytechnic Colleges


Nabua, Camarines Sur

_____________________________
Bilang Bahagi ng Kailangan sa Pagtupad ng mga
Pangangailangan sa Filipino II

______________________________
Isinumite nina:
Jovilou Monte
Pierre Israel
Marnix Catimbang
MID 1-C

March 1. 2011

PASASALAMAT
Taos pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa lahat ng
naging bahagi sa pagtatagumpay ng pananaliksik na ito lalung-lalo na
kina:
Gng.

Napagal,

ang

aming

maganda,

mabait

at

mapagpasensiyang tagapayo, dahil sa kanyang bukal sa loob na


pagbigay ng tulong sa amin at paglaan ng oras para sa ikakatagumpay
ng pag-aaral.
Sa mga mababait at matatalino naming mga kaibigan at
kaklase, na nakasabay namin sa pananaliksik na ito na sa alin mang
paraan any nakakatulong sa amin.
Sa aming mga kapamilya na todo ang suporta sa aming pagaaral at walang sawang umagapay sa amin. Sa kanilang walang
hanggan na pagmamahal at malasakit sa amin na nagsilbing
inspirasyon sa aming pag-aaral.
Higit sa lahat, sa Makapangyarihang Diyos Ama, na nagbibigay
ng liwanag sa aming buhay at gumagabay sa pang-araw-araw naming
gawain.
Mga Mananaliksik

Talaan ng Nilalaman
Kabanata:
I

II

III

Introduksyon

Layunin ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kahalagahan ng pag-aaral

4-5

Mga kaugnyan ng Literatura at pag-aaral

5-6

Metodolohiya

Desiryo g pananaliksik

Mga kalahok sa pananaliksik

Instrumento ng pananaliksik

Pamamaraan ng pagkalap ng Datos

10

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga datos


IV

11

Buod, Kunklosyon at Rekomendasyon

12

Kinalabasan ng pag-aaral

12

Konklusyon

12

Mga rekomendasyon

13

Kabanata I
Intoduksyon
Ang paninigarilyo ay isang bisyo na kung saan ang mga kalalakihan
ang kadalasang gumagawa at gumagamit. Sa panahong ito, malaya ang mga
kabataan na gawin ang paninigarilyo kahit saan, at anumang oras. Ito ay
nakakasama at maaari itong magdulot ng hindi kaaya-aya sa pandinig ng
mga tao sa lipunan at nagbibigay ng mga sakit sa ating katawan. Marami ng
mga kabataan ang pumasok sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay ginawa na
nilang libangan o pampalipas-oras ngunit maraming masasamang epekto ito
sa ating kalusugan, pag-aaral, at pati na sa pakikipag-ugnayan sa iba.
Kabataan ang kadalasang bikitima ng paninigarilyo. Kahit hindi na
gumagamit o gumagawa ang isang tao ng ganitong klaseng bisyo, hindi
maiwasan ang mga dalang epekto nito sa kanya. Ang usok ng sigarilyo ay
naipapasa sa mga taong katabi ng naninigarilyo. Hindi na namamalayan ng
mga tao na ang usok na nalalanghap nila mula sa sigarilyo nakakasama na sa
kanilang katawan. Ang mga masasamang epekto ng paninigarilyo ay
maaring magsimula sa maliit na karamdaman hanggang humantong sa
kamatayan. Ito ay nagdudulot ng hindi maganda sa ating katawan at maging
sa ating kinabukasan.

Layunin ng Pag-aaral
1.) malaman ang ibat ibang pisikal na epekto ng paninigarilyo sa mga magaaral na
naninigarilyo at doon sa mga estudyanteng second-hand smokers
2.)matukoy ang mga sikolohikal na manipestasyon ng paninigarilyo sa mga
estudyante at sa mga mag-aaral na second-hand smokers
3.)bigyang-pansin ang mga dahilan at ugat ng paninigarilyo ng mga magaaral
4.)malaman kung anong kasarian, kung babae o lalake, ang may
pinakamataas na bilang ng mga naninigarilyo
5.)matuklasan ang karaniwang edad ng mga kabataang naninigarilyo
6.)mapausbong ang kaalaman ng mga estudyante sa paksa ng paninigarilyo
at sa pagkilala sa kanilang mga sarili

Paglalahad Ng Suliranin
Ang pananaliksaik na ito ay naglalayong maipabatid sa mga kabataan
ang masamang epekto na maidudulot ng paninigarilyo at ang magiging sanhi
ng kanilang paninigarilyo at ito rin ay naglalayong masagot ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Sinu-sino ang mga kalahok sa pag-aaral?
2. Anu-ano ang masamang epekto ng paninigarilyo sa mga kabataan
sa mga sumusunod:
A. Kalusugan
B. Pag-aaral
C. Pakikipag-ugnayan

Depinisyon Ng Terminolohiya
>Paninigarilyo isang nakakasirang gawain na gumagamit ng isang stik na
may tuyong dahon sa gitna, at sinisipsip ng taong gumagamit nito.
>Epekto ang maaaring maging bunga ng isang bagay, na ang tinatawag
nating epekto.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
1. Administrasyon ng Paaralan:Dahil sa pag-aaral na ito, ito ang
magiging daan upang mas palakasin ng administrasyon ng paaralan
ang kanilang pakikipaglaban sa bisyong paninigarilyo.
2. Guro:Malalaman ng guro kung ano ang dapat gawin, at kailangang
ipatupad sa kanyang silid-aralan na may malaking ginagampanan sa
paghuhubog ng mag-aaral palayo sa paninigarilyo.
3. Magulang:Mapapatnubayan nila ang kanilang mga anak palayo sa
mga bisyo tulad ng paninigarilyo. Habang mas maaga pa ay masaisip
na nila na masama ang paninigarilyo ng kanilang mga anak tungo sa
pag-abot sa kanilang pangarap.
4. Mag-aaral:Mabigyan ng babala ang mga mag-aaral tungkol sa
masamang epekto ng paninigarilyo. Magkaroon ng sapat na
impormasyon tungkol sa paninigarilyo at masamang dulot nito sa
ating kalusugan.
5. Mga Tao:Mahalaga sa tao ang kanyang kalusugan. Dahil sa pag-aaral
na ito, mabibigyan siya ng impormasyon tugkol sa masamang dulot sa

kanya hindi lamang sa kanyang kalusugan, pati na sa kanyang


pakikipag-ugnayan.
6. Empleyado:Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga empleyado dahil
mahalaga ang kalusugan lalo nat sila ay naglilingkod at upang
malaman nila na hindi mabuti ang paninigarilyo pati sa pakikipagugnayan.

Mga Kaugnayan na Literatura Sa Pag-aaral


Ang paninigarilyo ay hindi nagpapaganda ng ating kaanyuan at
nagpapasopistikada o nagbibigay kapangyarihan. Ito ay nagpapahina sa atin at
nagbibigay ng sakit. Nagkakaroon ito ng epekto sa kalusugan. Ang usok mula
sa sigarilyo ay may masamang epekto sa baga at puso ng mga maninigarilyo
at ng mga tao sa paligid nito. Ang paninigarilyo ay maaring maging sanhi ng
sakit sa puso, kanser sa baga, at mga problema na may kinalaman sa paghinga.
Ang gawaing paninigarilyo ay nakakapangit, nakakakulubot ng buhok,
mabahong hininga at nakakabaog. Ito rin ay madalas na sanhi ng atake sa puso
at stroke, pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig,
lalamunan, matres, at pantog, low birth, weight, at birth defects ng sanggol sa
sinapupunan at higit sa lahat katarata at pagkabulag.

Ang paninigarilyo ay magdudulot ng epekto sa pag-aaral. Sapagkat


itoy sanhi ng pagbaba ng marka ng isang mag-aaral dahil sa bisyo. Masama
ang gawaing ito dahil may masamang dulot ito sa katawan. Habang ang isang
mag-aaral o kabataan ay may dinaramdam na hindi maganda lalo na sa
kalusugan, naapektuhan nito ang pag-aaral. Marami ngayon ang lumiliban,
habang nasa klase, naninigarilyo o kahit nasa loob ng paaralan.
Ang pakikipag-ugnayan ay naapektuhan rin ng paninigarilyo. Ang
segunda manong usok na nakakapinsala sa iyong ,mga kaibigan, pamilya, at
mga tao sa paligid. Ito ay ikatlong sanhi ng kamatayan. Nilalagay ka ng
paninigarilyo sa mas malaking panganib na maaaring malaglag ang anak at
mamatay ang sanggol mula sa Sindrome ng Biglaang Pagkamatay ng
Sanggol (Sudden Infant Death Sybdrome). Ang taong naninigarilyo ay
nagdudulot ng epekto sa kapwa. Ang usok na lumalabas sa kanilang bibig o
sa sigarilyo ay nalalanghap ng iba na siyang sanhi ng maraming sakit.

Kabanata II
PARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa
pananaliksik, mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa
pangangalap ng datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay deskriptib-surbey dahil naangkop
ito sa mga estudyanteng may bisyo sa paninigarilyo. Maraming masamang
kalalabasan ang paninigarilyo sa kabataan gaya sa pag-aaral nila, sa
kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao.

Mga Kalahok Sa Pananaliksik


Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa ibat-ibang
tao. 5 na lalake at limang babae. Ang mga estudyanteng ito ang siyang
tumugon ng sagot sa mga tanong na ginawa namin upang
magtagumpay ang aming isinasagawang pananaliksik.

Talahanayan I
Distribusyon ng Kalahok
Kalahok

Bilang

LALAKE
BABAE
KABUUAN

5
5
10

Mga Instrumentong Ginamit Sa Pag-aaral


( Talatanungan)
Ang instrumentong ginamit sa pag-aal na ito ay talatanungan.
Ang mga tanong ay nahahati sa tatlong (3) kategorya. Ito ay ang
kalusugan, pag-aaral, at pakikipag-ugnayan. Bawat kategorya ay may
limang (5) tanong. Sinasagot ang mga kalahok ang mga tanong bawat
bilang sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa bawat kahon. Sa
ibabaw nito ay may nakalagay na oo at hindi, na kung saan doon
sasagot ang mga kalahok na aming napili sa pag-aaral.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan namin


para makakuha ng mga datos na susuporta sa aming tesis.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos


Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa
paggawa ng talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento
para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang
kaangkupan ng mga tanong sa mga problemang nais lutasin ng mga
mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang
sumunod. Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang
pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibinigay ang
tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon.
Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga sagot ng bawat
kalahok at binigyan ng kabuuan.

IV- Talatanungan:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at lagyan ng
tsek ang loob ng box para sa inyong sagot.
A. Kalusugan
1. Nagiging masakitin ka ba simula kang manigarilyo?
2. Naging madalas ba ang pagkakasakit mo nung ikay
naninigarilyo?
3. Nagkaroon ka ba ng problema sa paghinga tuwing naninigarilyo?
4. Madals ba nag pag-uubo mo dahil sa paninigarilyo?
5.Nakapagbibigay ba ng resistensya sa iyong katawan ang
paninigarilyo?
B. Pag-aaral
1. Lumiliban ka ba sa klase para lang manigarilyo?
2. Nawawalan ka na ba ng gana sa pag-aaral nung nagsimula ka ng
manigarilyo?
3. Bumaba ang marka mo nang ikay maninigarilyo?
4. Mas nilalaanan mo ba ng panahon ang paninigarilyo keysa sa pagaaral?
5. Malaya ka bang naninigarilyo sa loob ng paaralan?
C. Pkikipag-ugnayan

1. Dumami ba ang mga kaibign mo nung nagsimula kang


manigarilyo?
2. may mga kaibigan ka bang lumalayo sa iyo tuwing ikaw ay
naninigarilyo?
3. Pinagsabihan ka ba ng mga kaibigan mo na tumigil na sa
paninigarilyo?
4. Naninigarilyo rin ba ang mga kaibigan mo?
5. Pinagagalitan ka ba ng iyong pagmilya dahil sa paninigarilyo mo?

Kabanata III
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA
MGA NAKALAP NA DATOS

Ipinapakita sa Talahanahayan II, ang propayl ng mga kalahok sa pagaaral. Bawat larangan ay may tiglilimang katanungan. Resulta ng aming
pananaliksik, napag-alaman namin na sa larangan ng kalusugan, ay mas
maraming sumagot na nakakasira sa katawan nila ang paninigarilyo. Sa
larangan naman ng pag-aaral, iinapakita rin na nagiging dahilang ang
bisyong ito sa pagbaba ng kanilang mga marka. At sa pakikipag-ugnayan ay
ipinapakita rin na may di kanais nais na epekto ito sa pakikisalamuha nila
sa ibang tao.

Talahanayan II
Propayl ng mga Kalahok sa Ibat Ibang Larangan
Bilang ng mga Tanong

Bilang ng Sumagot ng

Bilang ng Sumagot

OO

ng Hindi

1.

2.

3.

4.

1.

2.

10

3.

4.

10

1.

2.

3.

4.

5.

I. Kalusugan

5.
II. Pag-aaral

5.
III. Pakikipagugnayan

KABUUAN

59

91

Kabanata IV
Pagbubuod, Konklusyon, at Rekomendasyon
Pagbubuod:
Ang paninigarilyo ay pangunahing bisyo na tinatangkilik ng mga
Pilipino ngayon lalo na ng mga kabataan. Ito ay laganap na ngayon sa ating
lugar. Marami sa atin ngayon ang ginagawang libangan o pampalipas-oras
ang bisyong ito. Bagamat nagbibigay kasiyahan sa kanila ang paninigarilyo,
maraming masasamang epekto sa larangan ng ating kalusugan, pag-aaral, at
pakikipag-ugnayan ang dulot nito sa atin. Ito ay nagpapahina sa atin at
nagbibigay ng ibat ibang sakit sa ating katawan. Nang dahil din dito,
bumababa ang marka ng mga mag-aaral na nawiwili na sa paninigarilyo.
Hindi lamang ang taong naninigarilyo ang naaapektuhan ng bisyong ito, pati
na rin ang taong nasa paligid niya. Ang usok na lumabas sa sigarilyo ay
nakakasama sa katawan ng taong nakakalanghap nito.
Konklusyon:
Batay sa aming pananalaiksik, napag-alaman namin na ang
paninigarilyo ay nakakasama sa kalusugan ng isang taong naninigarilyo pati
narin ng sa nakakalanghap ng usok nito. Nakakasama sa rin sa kanila ang

paninigarilyo dahil napapabayaan na nila ang kanilang pag-aaral at


makakaapekto sa pagbaba ng kanilang marka. Napag-alaman rin namin na
dahil sa bisyong ito, nagkakaroonb ng lamat ang pakikipag-ugnayan ng mga
naninigarilyo sa kanilang mga kaibigan. Maraming mga kaibigan nila ang
lumalayo sa kanila sa tuwing silay naninigarilyo.
Rekomendasyon:
Batay sa mga nakalap naming impormasyon sa pananaliksik na ito,
iminumungkahi namin ang mga sumusunod:
1. Kailangang ipatupad sa administrasyon ng paaralan ang batas na
nagbabawal sa lahat ng mga mag-aaral at guro o empleyado ang
paninigarilyo sa loob ng paaralan.
2. Iminumungkahi rin ng mga mananliksik na dapat ay ipatigil o
ipahinto na ang paggawa at pagbenta ng segarilyo ng mga pabrika
upang mawala na ang bisyong ito.

You might also like