You are on page 1of 1

Layunin:

Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Upang malaman ang epekto ng stress at pressure sa Akademikong Kahusayan ng mga estudyante lalo na't online
class o modular na ang gamit ng lahat upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
2. Upang malaman kung ano ba kahulugan ng stress at pressure.
3. Upang malaman paano ba maiiwasan at kung sino-sino ba ang mga taong dapat lapitan kung nakakaramdam ang
estudyante ng sintomas nito.

Bakit ito ang Napiling Paksa?

Naisipan ng mga mananaliksik ang pamagat na Epekto ng Online Pang-akademikong Presyon at Stress sa
Akademikong Kahusayan ng mga estudyante ng AB COMM 1 ng Unibersidad ng Lungsod ng Urdaneta, dahil sa
pandemyang dulot ng Corona virus o Covid-19, kapansin-pansin na mas dumarami ang napapabalita o nakikita natin
sa internet na kung saan mas nahihirapang ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa matinding stress at presyon na
nagiging sagabal sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw kung anu-ano ang
mga pangunahing sanhi o epekto nito sa mga estudyante. Nagdaan na ang isang taon mula ng tamaan tayo ng
pandemyang ito ngunit marami pa rin ang hindi sanay sa bagong pamamaraan natin upang ipagpatuloy ang
nasimulang pag-aaral. Napukaw nito ang interest ng mga mananaliksik kaya nais bilang malaman ang mga epekto
nito sa kalusugan ng lahat at maaaring makatulong sa mga estudyante.

You might also like