You are on page 1of 7

CY 2013

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM


Diliman, Quezon City. Philippines

NOTICE OF COVERAGE:
MGA KATANUNGAN AT SAGOT
Notice of Coverage

Ano ang Notice of Coverage (NOC)?

Ang Notice of Coverage (NOC) ng Department of Agrarian Reform (DAR) o ang


CARPER LAD Form No. 3, ay isang pabatid sulat para sa mga rehistradong may-ari
ng lupa. Nakasaad dito ang mga impormasyon hinggil sa lupaing pag-aari na
napasailalim sa sapilitang pagsakop (compulsory acquisition) ng Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP).

Bakit kailangan ang NOC?

Ang NOC ay isa sa mga mahalagang dokumento para sa pagsisimula ng mga proseso
ng pagsaklaw at pamamahagi ng lupain sa ilalim ng CARP. Isinasaalang-alang nito
ang karapatan ng mga may-ari ng lupain at ang proseso ng pagsaklaw. Layunin nito
na maunawaan ng mga may-ari ng lupain na:

Ang lupain ay saklaw ng CARP at itinalaga ang pagsasagawa ng proseso sa


pagsakop at pamamahagi ng lupa sa ilalim ng CARP;
Mayroon silang ispesipikong karapatan bilang may-ari at ang mga kailangan
nilangg gawin para dito; at
Maisagawa ang mga karapatan sa loob ng itinakdang panahon.

Sino ang rehistradong may-ari ng lupa?

Ang sino mang tao na ang pangalan ay nakasaad bilang may-ari ng lupa sa alin mang
titulo at may katibayan ng pagmamay-ari gaya ng Original Certificate of Title (OCT)
o Transfer Certificate of Title (TCT), o kaya naman ay sa Tax Declaration (TD), ay
siyang kikilalaning rehistradong may-ari ng lupa.

Paano kung ang pangalan na nakarehistro bilang may-ari ng lupa sa OCT o TCT
ay iba sa nakarehistro sa TD?

Kung sakali na ang pangalan ng may-ari ng lupa ay magkaiba sa nakasaad sa titulo


ng lupa (OCT o TCT) at sa Tax Declaration, ang pangalan na nakasaad sa OCT o TCT
bilang may-ari ng lupain ang kikilalaning rehistradong may-ari ng lupa.

Sino ang maaaring padalhan ng NOC sakaling ang lupain ay wala pang titulo?

Kung sakaling wala pang OCT o TCT ang lupain, ang pangalan na nakasaad sa Tax
Declaration bilang may-ari ng lupa ang siyang padadalhan ng NOC ng DAR.

1 Department of Agrarian Reform


Notice of Coverage

Ano ang nilalaman ng NOC?

Ang NOC ay naglalaman ng 3 mahalagang impormasyon:

1. Diskripyon ng lupain
Lawak ng lupain na sakop sa ilalim ng CARP;
Numero ng OCT o TCT at ang huling Tax Declaration;
Pangalan at tirahan ng nakarehistrong may-ari ng lupain; at
Lokasyon ng lupain.

2. Takdang panahon kung kailan dapat maisagawa ang mga sumusunod na


karapatan o pribilehiyo:

GAWAIN TAKDANG PANAHON


Protesta sa pagsakop Sa loob ng 30 araw mula
sa pagkatanggap ng NOC
Paghirang mula sa mga anak na maaaring Sa loob ng 30 araw mula
maging benipisyaryo sa pagkatanggap ng NOC
Paghayag ng lupaing kabilang sa di-sakop Sa loob ng 30 araw mula
(exempted) at di-saklaw (excluded) ng sa pagkatanggap ng NOC
CARP
Paghayag ng lupaing ititira (retention area) Sa loob ng 30 araw mula
sa pagkatanggap ng NOC
Pagsumite ng listahan ng mga magsasaka Sa loob ng 30 araw mula
(nangungupahan, regular na magsasaka, sa pagkatanggap ng NOC
at/o mga kasama) sa kanyang lupain

3. Epekto sakaling ang mga nakasaad na karapatan ay hindi maisagawa sa


itinakdang panahon.

Ang pagkabigo ng may-ari ng lupain na isagawa ang kanyang karapatan at


pribelehiyo sa itinakdang panahon ay mangangahulugan ng pagpa-paubaya
sa mga ito (waiver of rights).

Sino ang awtorisadong maghahatid ng NOC?

Ang NOC ay dapat maihatid ng personal ng sino man sa mga sumusunod na kawani
ng DAR:

MARO - may hurisdiksyon sa lugar kung saan matatagpuan ang lupain o ang
tirahan ng taong awtorisadong tatanggap (person authorized to receive).
Kung ang may-ari ng lupa ay naninirahan sa labas ng Metro Manila ang
MARO ang maghahatid kung saan sya kinikilalang naninirahan;

2 Department of Agrarian Reform


Notice of Coverage

Direktor ng Bureau of Land Acquisition and Distribution (BLAD) - kung nasa


Metro Manila ang tirahan ng awtorisadong tatanggap;
Kawani ng DAR na may awtorisasyon (nakasulat) mula sa MARO o Direktor
ng BLAD.

Sinu-sino ang maaaring tumanggap ng NOC?

Ang NOC ay dapat matanggap ng personal ng mga sumusunod:

Awtorisadong Tatanggap Mga Kondisyon


Nakarehistrong may-ari ng lupa May-ari ng lupa na nakasaad sa TCT o OCT
May-ari ng lupa na nakasaad sa Tax Declaration
kung wala pang titulo (OCT/TCT).
Kapwa may-ari ng lupain Kung ang nakarehistrong may-ari ng lupain ay
higit pa sa isa.
Ama o ina, o sino mang may legal na Kung ang nakarehistrong may-ari ng lupa ay
pangangalaga sa may-ari ng lupa menor de edad.
(natural guardian)
Legal na taga-pangalaga (legal Kung ang nakarehistrong may-ari ng lupa ay
guardian) walang mga magulang.
Kung ang nakarehistrong may-ari ng lupa ay
wala sa katinuan o walang kakayahan.
Sino man sa mga nakarehistrong Kung ang may-ari ay isang organisasyon o
may-ari ng lupa o taong korporasyon na walang legal o juridical
nangangasiwa ng opisina o lugar ng personality.
negosyo
President, Managing Partner, Kung ang nakarehistrong may-ari ng lupa ay
General Manager, Corporate isang korporasyon, sosyohan, o asosasyon na
registered Secretary, Treasurer, or nabuo sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas na may
in-house Counsel legal o juridical personality.
Tagapagpatupad o administrador ng Kung ang pag-areglo ng mga ari-arian ay
ari-arian (Court designated executor kasalukuyang nakabinbin pa sa korte.
or administrator of the Estate)
Lahat ng kinikilalang taga-pagmana Kung ang pag-areglo ng mga ari-arian ay hindi
naman nakabinbin sa korte.
Kung walang taga-pagpatupad o administrador

3 Department of Agrarian Reform


Notice of Coverage

Paano kung ang nakarehistrong may-ari ng lupa na menor de edad ay walang


magulang o legal na taga-pangalaga?

Ang menor de edad o walang kakayahan na rehistradong may-ari ng lupa ay


pagkakalooban ng taga-pangalaga, na kakatawan at pangangalagaan ang interes ng
may-ari ng lupa. Ang DAR ang hihiling sa korte upang magtalaga ng taga-pangalaga.

Sa anong paraan ibinibigay ang NOC?

Una sa lahat at hanggat maaari, ang kopya ng NOC ay dapat maibigay ng Personal sa
nakarehistrong may-ari ng lupa o sa taong awtorisadong tatanggap nito.

Kailan magiging ganap ang Personal Service ng NOC?

Magiging ganap ang personal service o ang pagbigay ng NOC, kapag ang rehistradong
may-ari o ang taong awtorisadong tatanggap nito ay naka-lagda o naka- thumb-mark
sa kopya ng NOC sa harap ng isang saksi, na nakalagda rin.

Ano ang gagawin ng DAR kapag tumangging tanggapin ang NOC ng may-ari ng
lupa o ng awtorisadong tao nito?

Kung sakali, ang may-ari ng lupa o ang awtorisadong tao na tatanggap ng NOC ay
tumanggi o kaya ay wala roon upang tanggapin ang NOC, ang paraan ng pagbibigay
ng NOC ay maaaring isagawa ng DAR sa pamamagitan ng Substituted Service, o kaya
ay ang pag-iwan ng kopya ng NOC sa taong namamahala sa bahay o sa opisina, o sa
alin mang lugar kung saan naroroon ang may-ari ng lupa o ang awtorisadong tao
nito. Ang gawaing ito ay upang masiguro na ang NOC ay makakarating o
maipapabatid sa kinauukulang may-ari ng lupa.

Paano kung ang may-ari ng lupa at ang awtorisadong tao nito ay nakatira na
sa ibang bansa?

Ang NOC ay ipapadala sa pamamagitan ng koreyo (registered mail) at paglathala sa


mga pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon.

Kung ang tirahan ng may-ari ay hindi matukoy, ano ang maaaring gawin?

Ang NOC ay ilalathala sa mga pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon


(general circulation). Ganito rin ang gagawin kung ang substituted service ng NOC ay
nabigo.

4 Department of Agrarian Reform


Notice of Coverage

Sino ang magpapalathala ng NOC sa pahayagan?

Ang Bureau of Land Acquisition and Distribution (BLAD) ng DAR ang


magpapalathala ng lahat ng NOC na nangangailangan paglathala sa pahayagan.
Isinasagawa ito ng BLAD tuwing ika-15 at ika-30 ng bawat buwan o kaya ay mas
madalas kung kinakailangan.

Ano ang patunay na ang NOC ay nalathala na sa pahayagan?

Ang nilagdaang apidabit ng editor-in-chief o circulation/advertising manager ng


pahayagan hinggil sa pagkalathala ng NOC at sa mga kopya nito, ang magpapatunay
sa pagkakalathala ng NOC sa kanilang pahayan.

Sapat na ba ang paglathala ng NOC sa pahayagan?

Hindi. Ang lahat ng NOC na kailangang ilathala sa pahayagan ay dapat ding


nakapaskil sa mga kapuna-punang lugar o sa lugar na malapit sa nasaklaw na lupain.

Dagdag pa rito, ang pinatunayang tunay na kopya (certified true copy) ng NOC ay
dapat ding nakapaskil sa loob ng 7 araw sa bulletin o bulwagan ng munisipyo at
barangay na nakakasakop sa lupain.

Mayroon bang kailangang detalye sa pagpaskil ng NOC?

Opo. Ang paskil ng NOC ay dapat na malinaw na nakikita ng lahat at nakasulat sa


isang materyales na may sukat na 2x3 talampakan. Dapat din na hindi tinatablan ng
tubig (waterproof) at maka-kalikasan ang materyales na gagamitin.

Sino ang nangangasiwa sa pagpaskil ng NOC?

Ang MARO o sinumang pinahintulutang empleyado ng DAR, na may hurisdiksyon sa


nasaklaw na lupain ang syang nangangasiwa sa pagpaskil ng NOC.

Kailan matatapos ang pagpaskil ng NOC?

Ang paskil ng NOC ay tatagal ng di-bababa sa 7 araw, sa mga nakatalagang lugar


nito. Ang Certification of Posting Compliance mula sa BARC Chairman o ng kanyang
awtorisadong kinatawan; at ang sertipikasyon na nagpapatunay ng pagpaskil ng
NOC mula sa opisyal ng lokal na pamahalaan ng munisipyo, lungsod at ng barangay,
ay ang mga katibayan ng pagpaskil at pagtatapos ng pagpaskil ng NOC.

5 Department of Agrarian Reform


Notice of Coverage

Ano ang ituturing na petsa ng pagtanggap ng NOC, kung ito ay ipinaabot sa


pamamagitan ng paglathala sa pahayagan at paskil?

Ang petsa ng pagpaskil o ang petsa ng paglathala, alinman sa dalawa ang may huling
petsa, ay ang ituturing na petsa ng pagtanggap ng NOC.

qqqq

PINAGKUNAN:

DAR Administrative Order No. 7, series of 2011


DAR Administrative Order No. 3, series of 2012
Republic Act No. 6657
Republic Act No. 9700

qqqq

Produced by:
Bureau of Agrarian Reform Information and Education (BARIE)
Communications Development Division (CDD)

6 Department of Agrarian Reform

You might also like