You are on page 1of 4

Dennyse Samentha M.

Orlido MIDTERM PAPER


HUMALIT C33

Ang Regalo ng Taong-Ibon


Ni Alan Derain

Marahil and maikling kwento na ito ay ang isa sa mga kwentong aalalahanin ko.

Maikli lamang ito ngunit, kung itoy iyong dadamdamin at isasapuso, maraming

aral ang iyong pwedeng matutunan. Ang ilan sa aking mga natutunan ay ang

taimtim na pangangalaga sa kalikasan, pagpapahalaga sa mga bagay na simple

at hindi materyal, at pagmamahal ng lubos sa pamilya. Marahil ay hindi

naintindihang lubos ni Atom, ang tagapagsalaysalay ng kwento, kung bakit

kailangang umalis ng kanyang ama. Kung ako ang nasa katayuan ni Atom,

maaaring hindi ko maunawaan ang desisyon ng aking ama na lumayo sa amin.

Iisipin kong mas mahal pa niya ang mga ibong kanyang pinangangalagaan

kaysa sa aming kanyang mga anak. Ngunit, bata lamang si Atom. Hindi niya pa

masyadong nakikita ang kabuluhan ng pagsasakripisyo ng kanyang ama. Sa

aking pang-unawa, nakikita ko ang dedikasyon ng kanyang ama na pangalagaan

ang kalikasan bilang isang uri ng pagmamahalpagmamahal sa likha ng Diyos,

pagmamahal sa bayan, at higit sa lahat, pagmamahal sa kanyang mga anak.

Nais niyang maramdaman pa ng kanyang mga anak ang dampi ng simoy ng

sariwang hangin; masabayan ang mga rumaragasang alon ng dagat, mga ilog, at

iba pang katawang tubig; at makitan pa ang mga puno, halaman, at mga hayop

sa mga kagubatan. Nais niya rin na matutuhan ng mga anak niya na

pahalagahan nila ang mga mumuting bagay gaya nito sa pamamagitan ng

pagdidisiplina sa kung ano ang tama at mali.


Sa mga unang bahagi ng kwento, nabanggit ni Atom na sila ay kasalukuyang

nakatira sa isang baryo. Malayong-malayo sa kinagisnan niyang lugarang

Maynila kung saan naroon ang kanyang mga paboritong pasyalan: Fiesta

Carnival, sa Luneta, sa Manila Zoo, at higit sa lahat, nangungulila siya sa

kanyang mga dating kalaro. Gaya nga ng nasabi ko kanina sa unang bahagi ng

aking sulatin, si Atom ay isang bata lamang. Ang mga bata ay likas na maliit ang

pang-unawa at dahil dito ay hindi niya naiintindihan ang totoong dahilan ng mga

bagay. Gaya na lamang ng laruang kanyang pinapangarap. Ang Voltes V na

laruan ay magara. Pero kapag sinabi mo ang V shape ng mga ibon, marahil ay

tititigan ka lamang ka lamang ng iyong kalaro. Sino nga ba ang magiging

interesado sa mga ibong lumilipad lamang sa himpapawid? Marahil ay kakaunti

lamang. Ngunit, kahit hindi ito lubusang naintindihan ni Atom ay isa ito sa mga

babaunin niyang alaala hanggang sa kanyang pagtanda. Ang Voltes V, maaaring

makalimutan. Ang pagdaan ng mga ibong Egreta Alba o tagak sa Pilipinas ay

minsanan lamang at nakuha nila ang pribilehiyo na masaksihan ang

napakagandang tanawin na iyon.

Sinasalamin ng kwentong ito ang mga pangyayari sa buhay, lalo na sa relasyon

ng bawat isa sa pamilya. Ang tatay ni Atom, halimbawa: si Greg ay mahigpit,

matipid, pala-aral, dedikado sa trabaho kayat naisasakripisyo ang oras para sa

pamilya ngunit mahal na mahal niya ito. Marahil ay maraming bata ang hindi

nakauunawa sa paghihigpit ng kanilang mga ama. Iisipin nila ito bilang isang

pagpapahirap. Hindi rin nila lubusang maiintindihan ang sitwasyon ng kanilang


mga ama. Dahil dito, sila ay napapasama sa ibat-ibang mga masasamang bisyo

o di kaya ay nasasadlak sa maling gawain. Ang istoryang ito ang magpapaunawa

sa ating mga mambabasa na kahit magkalayo y hindi magbabago ang

pagmamahal ng ama sa kanyang mga anak. Maihahalintulad din ang mumunting

kwento ni Greg sa kwento ng mga huwarang OFW na naghahanapbuhay at

nagsasakripisyo sa ibang bansa upang makatulong sa pamilya.

Masasabi natin na ginagampanan ni Greg ang pagiging isang mabuting ama.

Nais niyang maturuan ng tama at madisiplina ang kanyang mga anak na sina

Atom at Amihan kaya siya nagpapataw ng mga kaukulang tuntunin na kanilang

dapat sundin. Minsan, hindi ito naiintindihan ni Atom pero sinusunod niya na

lamang dahil mahal at nirerespeto niya ang kanyang ama. Marahil ay hindi

nakikita ni Atom ang kabutihang maidudulot ng mga alituntunin na ito sa kanyang

paglaki. Bukod dito ay tinuturuan din ni Greg ang kanyang mga anak na mahalin

ang mga likas na yaman ng kalikasan, gaya na lamang ng pag-uuwi niya ng mga

litrato ng mga ibong kanyang pinag-aaralan. Kahit palaging wala si Greg sa tabi

nila, nais niyang matutunan ng kanyang mga anak ang magagandang asal at

mga gawain upang lumaki sila ng matiwasay. Dahil dito, nakikita ko na para

sinisimbolo sila ng ibon: Iiwan ng magulang na ibon ang kanyang mga inakay

upang maghanap ng makakain. Kapag siya ay bumabalik sa kanilang pugad,

isinusubo niya ang nahanap na pagkain sa kanyang mga inakay. Marahil, dahil

sa paghahanap ng makakain, hindi maaaring masakishan ng inang ibon ang

unang paglipad ng kanyang mga inakay. Gaya na lamang ng buhay ni Greg at ng


kanyang mga anak. Ngunit, imbis na pagkain, mga bagong aralin ang

pasalubong ni Greg sa kanyang mga anak. Dahil sa trabaho, hindi rin

nakadadalo si Greg sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nina Atom at

Amihan.

Sa aking palagay, si Greg ay isang napakadedikadong environmentalist.

Naiintindihan ko ang gawain ng isang dedikadong environmentalist, at sa

katunayan, may kilala akong batikang environmentalist sa aking bayang

pinagmulan na matapang na ibinuwis ang buhay sa pakipaglalaban upang

taasan ang kamalayan sa pagpapahalaga sa kalikasan. Naaala ko kay Greg ang

mabuting kaibigan ng aking ama na si Doctor Gerardo Doc Gerry Ortega, ang

environmentalist na aking tinutukoy. Bukod sa pagiging aktibo sa

pagboboluntaryo, si Doc Gerry ay isa ring beterenaryo, manunulat, politiko, at

aktibista. Isinusulong niya ang pagtataguyod sa kapaligiran at ipinagpapatuloy

niya ang kampanyang paglaban sa katiwalian sa pamamagitan ng pagiging isang

komentador sa lokal na radyo. Sa kasamaang palad, dahil sa kanyang

paninindigan na labanan ang laganap na pagmimina sa Palawan ay ipinapatay

siya noong January 24, 2011. Naihalintulad ko si Greg kay Doc Gerry dahil

nakikita ko ang kanilang pagsusumikap na pangalagaan ang kalikasan. Si Greg

ay isa sa mga kakaunting Pilipino na tunay na nagmamahal sa ating mga yaman.

Nakikita ko na ang pagsasakripisyo niya ay tunay na galing sa kanyang puso.

Gaya na lamang sa unang bahagi ng kwento noong may sinita siyang bata na

nais manirador ng ibon.

You might also like