You are on page 1of 4

1.

PAKSA: ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PAGSULAT


2. Panimulang Pagtataya I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa) Ito ay
artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag. A. Pakikinig B. Pagbabasa C.
Pagsasalita D. Pagsusulat
3. 2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay- linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
4. 3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap A.
Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
5. 4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang
isyung nakahain sa manunulat. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
6. 5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat
hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D.
Pangangatwiran
7. II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI. (2
puntos bawat isa) _____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga
impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat. _____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil
sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag- aaral.
8. ____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable. _____ 9. Ginagamit
ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon. _____ 10.
Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng ibat ibang
mga iskolar hinggil sa ibat ibang mga disiplina.
9. Pagganyak Paghambingin ang larawan gamit ang Venn Diagram A. B.
10. Sagutin ang mga tanong: Ano ang masasabi ninyo sa dalawang larawan? Ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad nito. Maaaring Gumamit ng Venn Diagram.
11. Paglalahad Ano-ano nang mga sulatin ang naranasang naisulat ninyo? 1. Sino rito ang nakagawa o nakasulat na ng
tula? 2. Sino naman ang nakasulat ng Blog?
12. Pagtalakay Talakayin ang mga ibat ibang teksto Sino ang marunong magsulat ng Blog?
15. Ang pagsulat ng tula, komiks, editoryal, balita sa pahayagan, tisis, blogs ay kabilang sa akademikong pagsulat.
Lahat nang ito ay ginagamitan nang masusi at kritikal na pag-iisip upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
16. Mga Tanong 1. Sa inyong palagay ano ang dahilan ng mga awtor ng blogs at komiks para magsulat? 2.
Masasabi ba natin na ito ay akdemikong sulatin? Patunayan.
17. Pangkatang Gawain Pangkat 1 Bumuo ng sulatin na tula hinggil sa konsepto ng Pag-ibig Ito ay may dalawang
saknong at gamitan ng Idyoma. _______________ _______________ _______________ _______________ ____
_______________ _______________ _______________ _______________ ____
18. Pangkat 2 Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa Buhay SHS, Handa Ako Sundin ang pamantayan bilang
bahagi ng sanaysay. SIMULA GITNA WAKAS
19. Pangkat 3 Bumuo ng isang Komiks Istrip Hinggil sa Pagpapatawa. Ang komiks ay binubuo ng mga balloons at
kahon. Itoy binubuo ng tatlong eksena lamang.
20. Pangkat 4 Sumulat ng dalawang maliliit na balita hinggil kay pangulong Duterte. Ibalita ito sa klase sa
pamamagitan Mock News Report.
21. Pagtataya Pag-usapan kung may pagkakaiba o pagkakapareho ang mga dahilan ng pagsulat batay sa bawat tekstong
ipinakita. Talakayin sa klase ang presentasyon na ipinakita. At Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.
22. Takdang aralin Magsaliksik at magbasa ng mga sanaysay tungkol sa larangan ng pagsulat.
23. Pamantayan/ rubriks sa pagsulat Unity o kaisahan ng mga datos, pangyayari at iba pa sa buong lathalain. 5
Coherence o pagkakaugnay-ugnay. 5 Emphasis o pagbibigay-diin 5 _____________________ Kabuuan 15
24. Pagganyak : Basahin ang isang sulatin. Ang sakit na Dengue? Marami sa atin ang maaaring nagtatanong kung ano
nga ba ang "Dengue" na siyang pumipinsala sa ating lahat. Ano nga ba ang mga sintomas at sanhi nito? At ano ang
magagawa natin para maiwasan ang lumalaganap na sakit na Dengue sa ating bansa? Ano nga ba ang magagawa natin at
nang ating pamahalaan upang masugpo ang sakit na ito? Ayon sa aking napanuod sa telebisyon ang kaso ng dengue sa
Pilipinas ay nasa nakaka-alarmang estado na ngayon na umaabot na sa pitumpo libo (70,000) ang naitalang nagkaroon ng
dengue at mahigit sa limang daan (500) na ang naitalang namatay na sanhi ng dengue sa taong 2011. Ang karaniwang
biktima nito ay mga batang nasa edad anim pababa at ang sakit na ito ay walang pinipili mahirap man o mayaman. Ang
Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na kung tawgin ay Aedes aegypti at Aedes argypti.Ang
ganitong uri ng lamok ay nabubuhay sa mga lugar o bansa na maraming tubig tulad ng Pilipinas. Sa Pilipinas karaniwang
matatagpuan ang mga lawa at ilog na hindi na dumadaloy dahil na rin sa iresponsableng pagtatapon ng basura ng mga tao.
At dahil dito ang mga lugar na ito ay siyang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng Dengue.
25. Mga tanong : 1. Tungkol saan ang binasa? Anong uri ng teksto ang ito? 2. nagbibigay ba ito ng impormasyon o
nanghihikayat? Note: Ito ay informativ na teksto dahil ito nagahhatid ng impormasyon sa Dengue.
26. Paglalahad Sa pagsulat, taglay nito ang layon at layunin na nais ipabatid sa mga mambabasa. Tunghayan natin
ang ibat ibang sulatin ayon sa layon nito. Note: layunin nitong manghikayat, maghatid ng impormasyon sa bawat
mambabasa. Kung mga mag-aaral ay tumatalima sa mga nakasulat isa kang magaling sa aspeto ng pagsulat.
27. Pagtalakay IMPORMATIB NA PAGSULAT Kilala rin sa tawag na expository writing. Ito ay naghahangad na
makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita, at
teknikal o businesss report Note: Ito ay makatotohanan at ang mga sulatin ay hango sa matibay na ebidensiya, may
pinagkuhanang datos sa mga pinagkakatiwalang tao o ahensiya.
28. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Kilala sa tawag na persuasive writing. Ito ay naglalayong makumbinsi
ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa
na nais maimpluwensyahan ng isang awtor. Halimbawa: editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal at
konseptong papel Note: sa sulating ito ay nakukuha ang loob ng mamabasa para gawin ang dapat. Nakapagbibigay ang
mga sulatin na ito ng aral, kongklusyon at rekomendasyon.
29. MALIKHAING PAGSULAT Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng
maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor
dito ay magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.Ito ay
pangkaraniwang makikita sa mga kadang pampanitikan dahil ang mga manunulat ay gumagamit sila ng matatalinghagang
pananalita gaya ng idyoma at tayutay.
30. PANSARILING PAGPAPAHAYAG Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan.
Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang itoy mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito
ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at ibaNote: Itoy batay sa sarili nilang karanasan at nakaktulong ito sa mga
mambabasa kapag itoy kanilang binasa dahil ang konseptong nais patunayan nito ay subok, dahil itoy kanila nang
naranasan.
31. Sintesis 1. Magbigay ng isang katuturan ng pagsulat. 2. Ano- ano ang mga layunin ng isang makabuluhang
pagsulat? 3. Ano ang kahalagahan ng isang pagsulat? Note: Nakapagbibigay ito ng kaalaman at rekomendasyon na
dapat gawin. Ito ay mahalaga sa atin dahil lubos nating anauunawaan ang wika dahil sa pagsulat at lalong umuunlada ang
ating pang-akademikong gawain lulan ng pagsulat.
32. Pagtataya Pangkatang gawain .Bumuo ng 8 pangkat at gumawa ng isang sulatin batay sa ibat ibang layon nito.
Pangkat 1-2 informativ Pangkat 3-4 mapanghikayat Pangkat 5-6 malikhain Pangkat 7-8 pansariling pahayag.
33. Pagkatapos, maisulat kumuha ng isang mahalagang nilalaman sa sulatin na nagpapakilala sa layon nito. Iawit ito
at lapatan ng musika.
34. Rubrics Unity o kaisahan 5 . Coherence o pagkakaugnay-ugnay 5 Emphasis o pagbibigay-diin 5
______________________________ Kabuuan 15 pts
35. Takdang aralin Magsaliksik sa internet ng isang sulating informative at suriin ito kung bakit nagbibigay ng
impormasyon?
36. Huling araw at pagbuo ng Awtput Pagganyak Panoorin ang isang video presentation.
37. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang pinapaksa nang napanood na video? 2. Paano makabubuo nang maayos na
pagsulat? 3. Mahirap bang gawing ang pagsulat.
38. Pagtataya ( Pagbuo ng Awtput) Bumuo ng isang sulatin at pumili ng sariling layon sa pagsulat. Maaaring ito ay
informativ, mapanghikayat, malikhain, at pansariling pahayag. Ang konsepto ng sulatin ay patungkol sa Mga
Mag-aaral sa SHS
39. Rubrik sa pagatataya Pamantayang Rubrik Kaisahan 5 Nilalaman 5 Pagkakabalangkas 5
_________________ Kabuuan 15
40. Takdang Aralin: 1. Humanap ng ibat ibang kahulugan ng pagsulat sa internet. 2. Ipasulat at Ipatala ang website,
tao, artikulong pinagkunan.

1. Mga Uri ng Pagsulat


2. Akademik Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan. -kritikal na sanaysay -lab report -eksperimento -term paper o pamanahong papel
3. Teknikal isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
-ulat panlaboratoryo -kompyuter
4. Jornalistik saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa
mga pahayagan o magasin. -Referensyal uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil
sa isang paksa. - Bibliography, index, note cards
5. Profesyonal uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon. -police report -investigative report
-legal forms -medical report
6. Malikhain masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring
fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat. -pagsulat ng tula -nobela -maikling katha
Akademikong Sulatin
Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalamansa ibat ibang
larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon
base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.

AKADEMIKONG
SULATIN LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN

Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat


ng akademikong papel para sa
tesis,papel siyentipiko at teknikal,
lektyur at report. Layunin nitong Hindi gaanong mahaba, organisado
mapaikli o mabigyan ng buod ang mga ayon sa pagkakasunod sunod ng
Abstrak akademikong papel. nilalaman.

Ang kalimitang ginagamit sa mga Kinapapalooban ng overview ng akda.


tekstong naratibo para mabigyan ng Organisado ayon sa sunod sunod na
Sintesis buod, tulad ng maiklling kwento. pangyayari sa kwento.

Ginagamit para sa personal profile ng


isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa May makatotohanang paglalahad sa
Bionote kanya. isang tao.

Maipabatid ang mga impormasyon ukol


sa gaganaping pagpupulong o
pagtitipon. Nakapaloob dito ang oras,
petsa at lugar ng gaganaping Organisado at malinaw para
Memorandum pagpupulong. maunawaan ng mabuti.

Layunin nitong ipakita o ipabatid ang


paksan tatalakayin sa pagpupulong na
magaganap para sa kaayusan ng at Pormal at organisado para sa
Agenda organsadong pagpupulong. kaayusan ng daloy ng pagpupulong..

Makapaglatag ng proposal sa
proyektong nais ipatupad. Naglalayong Pormal, nakabatay sa uri ng mga
Panukalang mabigyan ng resolba ang mga prolema tagapakinig at may malinaw ang ayos
Proyekto at suliranin. ng ideya..

Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng


isang paksang naglalayong Pormal, nakabatay sa uri ng mga
manghikayat, tumugod, mangatwiran at tagapakinig at may malinaw ang ayos
Talumpati magbigay ng kabatiran o kaalaman. ng ideya.

Ito ay ang tala o rekord o


pagdodokumento ng mga Ito ay dapat na organisado ayon sa
mahahalagang puntong nailahad sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong
Katitikan ng Pulong isang pagpupulong. napag-usapan at makatotohanan.

Ito ay naglalayong maipaglaban kung


ano ang alam mong tama. Ito ay Ito ay nararapat na maging pormal at
nagtatakwil ng kamalian na hindi organisado ang pagkakasunod-sunod
Posisyong Papel tanggap ng karamihan. ng ideya.

Ito ay uri ng sanaysay kung saan


nagbabalik tanaw ang manunulat at Isang replektib na karanasang
Replektibong nagrereplek. Nangangailangan ito ng personal sa buhay o sa mga binasa at
Sanaysay reksyon at opinyon ng manunulat. napanood.

Organisado at may makabuluhang


Kakikitaan ng mas maraming larawano pagpapahayag sa litrato na may 3-5
Pictorial Essay litrato kaysa sa mga salita. na pangungusap.

Lakbay Sanaysay Ito ay isang uri ng sanaysay na Mas madami ang teksto kaysa sa mga
makakapagbalik tanaw sa paglalakbay larawan.
na ginawa ng manunulat.

You might also like