Professional Documents
Culture Documents
Ang Mga Maranao
Ang Mga Maranao
Ayon kay Casan Alonto sa kanyang Perspective on Maranao Society (1974), may
mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga Maranao. Ang isang teoryay batay sa epiko
ng mga Maranao na Bantugan o Darangan. Sinasabing ang unang mga naninirahan dito
sa kapaligiran ng Lanao ay pinangungunahan ng isang nangangalang Butuanon
Kalinan na buhat sa dakong Silangan na siyang tinatawag na Bombaran (kung saan
sumisilang ang araw). Ang isa pang teoryay ang migrasyon ay patungo sa dakong
pasigan ng Katimugang Mindanao, sa dakong Iranon. Ang mga Iranon o Ilanon na
natagpuan nang naninirahan sa kapaligiran ng lawa ay napangasawa ng mga bagong
dating.
Prinsipe Bantugan
(Ikatlong Salaysay ng Darangan)
Magaling din silang maghabi ng tela at banig, paglililok ng kahoy, tanso, pilak, at
ginto. Kilala din sila para sa pagbebenta ng banig na dayami, ibat-ibang gamit sa bakuran,
kumot, at ilang uri ng produktong metal.
Ang isa pang kalakal ay ang bras na ginagawa sa Tugaya. Ang mga itoy binubuo
ng mga gong, sarimanok, kulintang, lalagyan ng buyo, lalagyan ng alahas, malalaking
hugis na paso na may adorning tinatawag na okil na disenyo. Ang okil o okirr ay
tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na halamang baging na disenyo na ginagamit
bilang motif sa sining at kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. (Ang
mga kalakal na nabanggit ay makikita sa mga malalaking tindahang panturista sa
malalaking Lungsod ng Luzon, Visayas at Mindanao.)