You are on page 1of 3

Region I

La Union Schools Division


San Juan District
CABAROAN ELEMENTARY SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST HEALTH


2017-2018

BATAYANG KASANAYAN AYTEM BILANG PORSYENTO


Natutukoy ang mga impormasyong nakikita sa
food label 2 1,2 10%
Nasusuri ang mga nutrition facts sa food labels
Nabibigyang halaga ang date markings at advisory
statements sa food labels 2 3,4 10%
Natutukoy ang kahalagahan ng pagsunod sa
tamang paggamit at pag-iimbak ng pagkain 3 5,6,7 15%
Nailalarawan ang mga nakahahawang sakit 3 8,9,10 15%
Nailalarawan ang pagdaloy ng mga nakahahawang
mga sakit sa pamamagitan ng chain of infection 3 11,12,13 15%
Natutukoy ang ibat ibang gamit ng gamot sa 2 14, 15 10%
medisina
Naiisa-isa ang maaaring maging panganib sa
maling paggamit ng gamot 1 16 5%
Nautukoy ang ibat ibang uri ng kalamidad at
sakuna na maaaring mangyari sa kanilang
komunidad 2 17,18 10%
Nauunawaan ang epekto ng ibat ibang uri ng
kalamidad sa ari-arian at buhay ng tao
Naiuugnay ang paghahanda at angkop na tugon sa
oras ng kagipitan sa pagsanib at pagpapanatili ng
buhay
Naisasabuhay ang tamang kamalyang nauukol sa 2 19,20 10%
kahalagahan ng paghahanda at pag-iingat sa
pagsanib ng buhay
KABUUAN 20 20 100

KEY ANSWER
1. B
2. D
3. D
4. B
5. B
6. D
7. C
8. B
9.B
10. C
11.B
12. A
13. D
14.D
15. A
16.D
17.D
18.D
19.D
20.C
Region I
La Union Schools Division
San Juan District
CABAROAN ELEMENTARY SCHOOL

DIAGNOSTIC TEST HEALTH


2017-2018

A. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa mga impormasyong makikita sa pakete ng pagkain?
a. Food Web b. Food labels c. Food Groups d. Nutrition Facts
2. Ito ay isang talaan kung saan nakasaad ang uri at sukat ng mga sustansiyang makukuha sa
pagkaing nasa loob ng pakete.
a. Food Web b. Food labels c. Food Groups d. Nutrition Facts
3. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa Food Labels?
a. Upang malaman ang lasa
b. Upang malaman kung kailan ito ginawa
c. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin
d. Upang malaman kung kailan masisira, ginawa at mga nutrisyong makukuha rito
4. Ito ay sukat ng enerhiyang maaaring makuha sa isang serving ng pagkaing nasa pakete.
a. sodium b. calories c. sugar d. protein
5. Nagbibigay ito ng impormasyon kung paano gamitin at itago ang pagkain upang mapanatili
ang magandang kalidad nito. Karaniwan itong nakikita sa likod ng pakete.
a. Best Before Date b. Direction for use and storage. c. Expiration Date d. Nutrition Facts
6. Ano ang kahalagahan ng pagbasa ng direction for use and storage?
a. upang malaman ang sustansyang taglay ng pagkain
b. upang mapili ang masasarap lamang na pagkain
c. upang matukoy ang pinagmulan ng mga pagkain
d. upang malaman ang wastong paggamit at pagtatago ng pagkain
7. Ano ang dapat gawin sa mga sumusunod na pagkain bago inumin?

a. lutuin b. balatan c. kalugin d. pakuluan


8. Alin ang HINDI nagpapakita ng pag-iingat sa pagkakaroon ng sakit?
a. pagpapabakuna b. pagsalo sa kinakain ng may sakit c. paggamit ng mask at gloves kapag
nag-aalaga ng may sakit d. pagkonsulta nang regular sa doktor
9. Alin ang dapat mong gawin kung may katabi kang walang patid ang pag-ubo na walang takip
ang bibig at ilong?
a. tatakpan ko ang bibig niya b. aalis sa tabi ng umuubo
c. pahihiramin siya ng panyo d. itutulak siya palayo sa akin
10. Ito ang lugar kung saan nagpaparami ang mikrobyo? Anong element ng kadena ng impeksiyon ang
tinutukoy nito?
a. infectious agent b. portal entry c. reservoir d. portal of exit
11. Alin ang madaling panirahan ng mga mikrobyo?
a. malinis na pangangatawan b. maruming gamit c. mabangong damit d. mabahong prutas
12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng portals of entry and exit?
a. sugat sa balat b. paghinga c. pakikipaglaro d. pagsubo ng pagkain
13. Ano ang dapat isagawa upang makaiwas sa sakit?
a. iwasang makisalamuha sa ibang tao
b. lagyan ng screen ang mga bintana ng bahay
c. payuhan ang may sakit na manirahan na lamang sa ospital
d. ugaliing maghugas ng kamy bago at pagkatapos gumamit ng palikuran
14. Ano ang mabuting dulot ng pag-inom ng bitamina?
a. Galak at saya b. Mataas na grado c. Lungkot at ligaya d. Lakas ng katawan
15. Komunsulta si Janet sa doktor. Masaki tang kaniyang ulo. Alin sa mga sumusunod na gamot
ang inireseta sa kaniya?
a. Analgesic b. Antihistamine c. Anti-allergy d. Antacid
16. Paano natin maiiwasan ang maling pag-inom ng inaakalang gamot?
a. Itapon lahat ng mga gamot sa basurahan b. Hayaang nakakalat ang mga gamot sa sala
c. Tanggalin ang mga nakasulat sa pakete d. Ihiwalay ang mga gamot sa mga kemikal na
panlinis bahay
17. Sina Mang Raul ay nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Ano ang dapat niyang gawin?
a. mamasyal sa paligid b. gumawa ng malaking bahay
c. makipag-usap sa kapitbahay d. alamin ang ligtas na lugar para lumikas
18. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol. Ano ang iyong gagawin?
a. tawagin ang nanay b. sumigaw at umiyak c. tumalon sa bintana
d. sumilong sa matatag na gamit
19. Niyaya ka ng mga kaibigan mo para maligo sa tabing dagat kahit may bagyong paparating.
Ano ang gagawin mo?
a. awayin sila b. balewalain sila
c. sumama sa kanila pero di masyadong lalayo d. pagsabihan sila na huwag tumuloy dahil
mapanganib
20. Ayon sa balita, may namumuong bagyo sa Pilipinas, ano ang dapat gawin?
a. ipagwalang bahala
b. yayain si Inay na mag-shopping
c. antabayanan ang susunod na balita tungkol sa bagyo
d. pumunta sa tabing dagat at matyagan ang galaw ng alon

You might also like