You are on page 1of 2

IDYOMA

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay


hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang
lugar. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

1. buto't balat - payat na payat


2. may pakpak ang balita - mabilis kumalat ang balita
3. anak araw- maputi
4. nagmumurang kamatis - nagpapabata
5. amoy lupa - matanda
6. babaeng mababa ang lipad - bayarang babae
7. pasan ang daigdig - maraming problema
8. namumula ang pisnge - kinikilig
9. busilak ang puso - matulungin
10. nangangamote - di makaisip ng maayos
11. may balat sa pwet - malas
12. naglahong bula - di na nagpakita
13. bakal na kamay - mahigpit
14. sakal sa leeg - sunod-sunuran
15. kutis singkamas - maputi
16. nagdadalawang isip - nalilito
17. malapad ang noo - matalino
18. malaki ang hinaharap - maganda ang kinabukasan
19. singkit ang mata - maliit ang mata
20. nagsunog ng kilay - nagaaral ng mabuti
21. malaki ang tenga - mahaba ang buhay
22. malusog ang puso - maraming nagmamahal
23. ilista sa tubig - utang
24. salubong ang kilay - galit
25. bungkokan ang kilikili - maitim ang kilikili
Tayutay

Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

1. Ikaw ay tulad ng bituin.


2. Ang puso mo ay gaya ng bato.
3. Ang gerilya ay tulad ng makata.
4. Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
5. Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
6. Ang pag-ibig mo ay parang tubig walang lasa.
7. Ang mga pangako mo ay parang hangin.
8. Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
9. Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad
ang pakpak.
10. Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.

Ang metapora o pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang


dalawang bagay na pinagtutlad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa
at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag,
katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na ihinhahambing.

1. Ang daigdig ay isang tanghalan kung saan bawat isa sa atin ay may
gampanin.
2. Isang blankong papel ang aking isip ngayon
3. Ang buhay ay isang gulong, patuloy sa pag-ikot
4. Sina ate at kuya ay mga aso't pusa.
5. Si Pamela ay isang bitwing kaylayo sa akin.
6. Si Elena ay isang magandang bulaklak.
7. Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.
8. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
9. Si Inay ay ilaw ng tahanan
10. Si Miguel ay hulog ng langit.

You might also like