You are on page 1of 2

Doce Pares ng Fransiya

Ang Dose Pares sa Francia (Twelve Peers of France) ay isang korido (Awit at Korido/ Philippine metrical
romance) na hindi alam ang may akda at petsa ng pagkalimbag hango sa alamat ni Carlo Magno at ng
labingdalawang Pares, ang tanyag na mga kabalyero ng Fransiya.

Lagom

Ang koridong ito ay pinahabang pagsasalaysay ng buhay at pakikipagsapalaran ni Haring Charlemagne at


ng kanyang dose pares na umiikot sa apat na eksena:

(1) Ang pagkabawi ni Charlemagne ng Herusalem sa mga Moro at ang regalo ni Patriyarka Aaron kay
Charlemagne na koronang tinik ni Kristo bilang pasasalamat sa kanilang tulong.

(2) Ang kampanya ni Charlemagne laban sa mga Turko sa ilalim ni Balan na pinatingkad ang laban sa
pagitan ni Fierabras at Oliver, ang pagkagapi ni Oliver at ng iba pang pares, ang romantikong eksena ni
Floripes at Gui de Borgoa, at ang pagkatalo ni Balan;

(3) Ang kampanya ni Charlemagne laban sa mga Moro na sinimulan sa utos ni apostol Santiago na
nagpakita sa hari sa panaginip; at

(4) ang huling labanan sa Roncesvalles kung saan ang karamihan sa mga pares ay namatay dahil sa
pagtraydor ni Galalon.

Bersiyon

Ang Doce Pares ay isa sa pinakatanyag na korido sa Pilipinas. Mayroon itong bersiyon sa Tagalog (Manila:
P. Sayo, 1947, 122 pahina), Pampango (Manila:[Philippine Book Company, 1951, 125 pahina),Bicol (2
edisiyon: Naga City: Cecilio Press, walang petsa at Nueva Caceres: Imprenta y Libreria Mariana, 1926),
at Hiligaynon (Iloilo: La Panayana]], 1934).

May dalawang bersiyong Tagalog na nakita. Isa, ang pinag-aralan ni Dr. Eugenio limbag ng P. Sayo na ang
buong pamagat ay Salita at Buhay ng Doce Pares sa Francia na Kampon ng Emperador Carlo Magno
hangga nang Ipagkanulo ni Galalon na Nangapatay sa Roncesvalles. Ang pangalawa, na pareho ang
pamagat nagkakaiba lamang ang pagbabaybay at iba ang naglimbag, ay nasa ''Checklist of Philippine
Linguistics in the Newberry Library.'' na may buong pamagat at impormasyon na: Salita at buhay nang
doce pares sa Francia campon nang Emperador Carlo Magno hangang sa ipagcanealo ni Galalong
mapatay sa Roncesvalles. [Manila, Amigos del Pais?, n.d.], 155 pages, 16 cm.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Doce_Pares_ng_Fransiya

You might also like