You are on page 1of 2

Pagbati

Wilhelmino M. Sy-Alvarado
Araw ng Barangay Tanod
29 Agosto 2017

(Kilalanin at batiin ang mga panauhin)

Magandang araw sa inyong lahat!

Ang paglalaan ng sarili sa isang dakilang layunin, lalo nat may kinalaman sa
pagsusulong ng kagalingan at kapakinabangan ng lipunan ng walang sapapat na
kapalit ay isang katangi-tanging gawaing marapat lamang kilalanin at pahalagahan.
Ang mga ganitong uri ng pagpapakasakit para sa bayan ay hindi lamang mahalagang
sangkap ng pangangasiwa ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan, bagkus ay
tuwirang ding nagbibigay kahulugan sa buhay ng bawat indibidwal na naglalaan ng
kanyang oras para sa layuning ito. Sa salita nga ng ating pambansang bayani, Dr.
Jose P. Rizal, sa katauhan ni Simoun, sa kanyang obrang El Filibusterismo, aniya,

Walang halaga ang buhay na hindi nauukol sa isang layuning dakila,


parang isang bato sa linang, sa halip na maging sangkap ng isang
gusali.

Malaon na nating nababatid na walang kakayahan ang anumang pamahalaan,


gaano may kalawak ang kapangyarihang saklaw nito, na mag-isang balikatin ang
tungkuling pangasiwaan ang bawat pangangailangan ng lipunan at ng kanyang mga
mamamayan, sapagkat ang bagay na ito ay nangangailangan ng pakikibahagi ng
ating mga mamamayan, lalot higit sa larangan ng kaayusan at kapayapaan.

Sa matagal na panahon, mula nakalipas hanggang sa kasalukuyan, hindi


maitatanggi ninoman ang malaking bahaging ginagampanan ng ating mga kapatid
na barangay tanod sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng ating mga
pamayanan. Ang pagsusulong ng layuning ito ay hindi biro, at nangangailangan ng
dalisay na pangunawa sa kalagayan ng pamayanan at matinding sakripisyo, kung
isasaalangalang ang mahabang panahong kinakailangan upang magampanan ng
mahusay ang sinumpaang tungkulin.

Kadalasay nalalagay ang oras na dapat ay ilaan nila sa pamamahinga o sa


piling ng kanilang pamilya ay kanilang itinatakda upang magmatyag at tiyakin ang
kapayapaan at katahimikan ng ating mga mamamayan. Sa marubdob na pagtupad
ng tungkuling ito, ang kanilang kaligtasan at maging ang kanilang buhay ay malimit

1
na nalalagay sa panganib. Hindi ring maiwawasang, kalimitang malagay sila sa
tampulan ng pulaan, sa pagtindig nila para sa katuwiran at pagtataguyod nila ng
payak na katarungan. Dagdag pa rito ang hindi matatawarang hirap na kanilang
sinusuong habang nakalantad sa nakapapasong init ng araw o pagbugso ng malakas
na ulan, sa tuwing maiaatas sa kanilang balikat ang pangangasiwa sa daloy ng
trapiko.

Kaya nga po, lubos na naniniwala ang inyong lingkod, na kung susuriin nating
mabuti, ang pahayag ni Dr. Rizal, maituturing nating mga matitibay na bato ang ating
mga pinagpipitaganang barangay tanod, na inukol sa pundasyon ng isang dakilang
edipisyo na tinatawag nating lipunan. Sa diwa pong ito ay buong karangalan akong
nagpupugay at taimtim na ring nagpapasalamat sa ating magigiting na barangay
tanod sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon para sa pagtataguyod ng
pangkalahatang kabutihan ng ating lalawigan.

Bilang pangwakas ay hayaan ninyong, halawin ko ang ilang salita mula sa


pahayag ng dating pangulo ng Estados Unidos, upang bigyang parangal an gating
magigiting na barangay tanod sa mabunying araw na ito na itinakda sa kanilang
karangalan, aniya,

There is no higher religion than human service. To work for the common good
is the greatest creed.

Maraming salamat po.

Mabuhay ang mga barangay tanod!

You might also like