You are on page 1of 1

Repleksyon

Bago gumawa ng script para sa aming napiling kuwento, inasahan ko na hindi ito magiging
madali. Una ay dahil hindi ako bihasa sa pagsusulat ng mga kuwento at pangalawa, hiwa-hiwalay
ang aming paggawa. Inasahan ko na magkakaroon ng mga pagkukulang ang bawat isa sa amin
ngunit naisip ko rin na dapat magtulungan sa pagbuo ng isang magandang script. Sa aking isipan,
inisip ko na kung paano magagawa ng grupo ang script nang maayos at may pagkakaisa.

Sa bahagi ng kuwento na aking napiling lumikha ng script, inisip ko muna ang sitwasyon
ng mga karakter at ang kanilang nararamdaman o emosyon. Mahalaga ito uoang mabigyan nang
maayos na istorya ang mga karakter. Mahalaga rin ang malalim na pananaliksik sa mga
kasalukuyang pangyayari lalo na sa mga tungkol sa "war on drugs" dahil ito ang paksa ng
kuwento. Habang ginagawa ang script, nadarama ko ang karakter na aking isinusulat. Inisip ko na
ako ang nasa sitwasyon. Dahil dito, naging mas madali sa akin ang pagsusulat ng script. Nagawa
ko nang maayos ang draft ng aking script at sa tingin ko, kaunti na lang ang mga kailangang
baguhin dito.

Nakatulong ang worksyap upang mas mapaganda ng bawat isa sa amin ang aming isinulat
na script. Maganda ang dinulot ng mga puna at komento upang umayos at mas presentable ang
ginawang script. Malaki ang naitulong ng pakikinig sa opinyon ng mga ka-grupo at ng propesor
dahil nakita nila kung ano-ano pa ang mga kailangang baguhin o ayusin sa scriot. Mahalaga para
sa akin na nakatanggap ako ng komento mula sa aking propesor, isang batikang manunulat na
may malayo nang narating. Tinanggap ko nang buong puso ang mga komento ng aking mga ka-
grupo at ng propesor. Nang dahil sa worksyap, mas naging maayos ang aming isinulat na script.

Ang pinakamahirap na bahagi ng proyektong ito ay ang pag-shoot ng mga scenes na aming
isinulat. Dahil sa aming pagkakaiba sa schedule at iba pang aspeto, nahirapan kaming ipagtugma
ang oras at araw ng pag-shoot. Sa mga ibang araw, wala ang ilang miyembro, ngunit hindi iyon
naging hadlang sa aming paggawa. Naging matagumpay ang aming pag-shoot kahit na may mga
dumating na problema sa aming grupo. Maayos ang pakikitungo ng isa't isa sa amin sa bawat isa
at nagkaroon kami ng maayos na relasyon. Sa kabuuan, maganda ang naging kalabasan ng aming
proyekto.

You might also like