You are on page 1of 2

Ano Ang Kulturang Popular?

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung
anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng
lahat ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa
mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula
sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang
popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang
katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika
at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang
tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang
pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing?

May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga:

1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante

Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.


Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso ang buhok, magkaroon ng
kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda. Maaari rin namang gamitin ito ng mga
negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala
silang magagandang cellphone, camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng
mga produktong ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na
ito. Ang produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular
kinalaunan.

2. Latak

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal at sa orihinal.
Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga kustal at kasuotan na
mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng mga damit at bag na mura
hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

3. Pangmasa o komersyal na kultura

Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga mumurahing
gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass production. Ang
kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga kagamitan na nabili ng mga
tao sa murang halaga.

4. Ginagawa ng tao

Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring ng isang
sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga tao, unti-unti itong
napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay maaaring ginagawang pang
hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

5. Larangan ng gahum

Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na tingin natin sa
isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung ano man na ginagamit sa
kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda, nakahihigit at nakatataas para sa
ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa ating sariling bansa dahil unti-unti nitong
nakikitil ang ating sariling industriya dahil walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto.
Dahil dito, sinasabing mas napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa
sa sarili nating kultura.

6. Pagkalusaw ng mga hangganan

Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong


mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa para magkaroon ng iisang
kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang mataas at mababang kultura, ang sariling
kultura, comersyal at popular na kultura. Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit
at nagiging isa.

Ang kulturang popular ay isang kulturang maaaring sabayan at sakyan ng tao. Sa kabilang
banda, maaari rin namang tayo rin ang magpa-uso at gumawa ng kulturang ito. Ngunit dapat
natin isaisip na ang kulturang popular ay hindi maiiwasang magbago kaya marapat lang na
panatilihin pa rin natin at wag kalimutan ang kulturang "unique" at sariling atin. Hindi dapat natin
ito hayaang matabunan ng kulturang popular --kulturang nagbibigay depenisyon sa
kasalukuyang panahon.

You might also like