You are on page 1of 2

Nanay-

Anak (ate)-
Anak-
Anak (bunso)-
Tatay-
Lola-
Lolo-
Kasambahay-
Kapitbahay-
Anak nung kapitbahay-
Tagapagsalaysay-

Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang mga kapitbahay sila na
ata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.
Ate: Yaya, pwede ba to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali nalang.
May tumama sa bubong
Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?
Anak: Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan
Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan. Paki tignan mo
naman kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate: Ano po yun?
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa lakas ng hangin
tumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.
Ate: Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila. Salamat.
Sa loob ng bahay
Lolo: Sino daw iyon, apo?
Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag dumating na sila
mama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso: Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang
Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay: Oh siya kain na tayo
May kakatok
Bunso: Ako na!
Bubuksan ang pintuan
Bunso: Sino po sila?
Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay ninyo. Natamaan po ng anak ko ang inyong
bububong dahil sa kakulitan niya. Pwede bang makausap ang magulang mo tungkol dito?
Bunso: Sige po. Pasok po.
Sa kainan
Nanay: Ukol saan po ang gusto inyong sabihin?
Kapitbahay: Tungkol po sa bububong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita kung may nasira man o
nabutas ngunit babayaran ko naman ito.
Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sakin. Tinignan ko po at nasira ang bububong ngunit di naman ito
nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?
Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kayat hindi naman kami mapapamahal. Sainyo
na lamang ang para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.
Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang perang para sa pagpagawa ng
inyong bubong. Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.
Anak ng kapitbahay: Maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.
Anak ng kapitbahay nods
Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang Ladesma kayat sila ang
tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.

You might also like