You are on page 1of 3

Nakakapagtaka

Joey s. balino

Noong una tayong nagkita, di na ako nagtaka,


Di na ako nagtaka sa biglang pagkaramdam nang kaba,
yung unang tingin mo na aking biglang iwasan
kahit gustong-gusto na agad kitang titigan,
yung mga ngiti mong nakakabukod-tangi, nakakabighani,
at ikaw na unang kita ko palang, dina ako nagtaka,
kung biglang humiling na sana ikaw at ako na ang itinadhana,
humiling sa sana ikaw at ako ay hindi lang minsanang magkakatagpo.

At tama nga, yung unang pagikita nagging dalawa, nagging tatlo at naging madalas,
Magkaibigan na tayo, yun ang alam mo,
Kaya lagi mo akong nilalapitan pag malungkot ka,
Lagi mo akong hinahanap ang presensya ko kapag mag-isa ka.
Dahil dun, umasa akong siguro nararamdaman mo din yung kaba sa tuwing tayo ay nagkikita
Umasa ako na umaasa Karin na sana ikaw at ako ay hindi basta pinagtagpo,
Habang tumatagal, di na ako nagtataka kung bakit sobrang bils na nang pagtibok nitong puso,
Di na ako nagtataka kung bakit ang lalim na ang pagkagusto ko sayo,
Di na malabo sa akin itong kung bakit hinahanap hanap ka na nang aking mga mata
kahit di ka nito kayang titigan o tingnan man lang,
Malinaw na sa akin, na mahal na kita,
malinaw na sakin kung bakit humiling na sana sakin ka itinadhana.

Habang tumatagal di na ako nagtaka kung bakit gusto nang sumabog itong puso,
Di na ako nagtaka na gugustuhin din nito na sabihin ang nararamdaman niyo,
Ang sabihin kung gaano kasaya pag kasama ka,
Kung gaano ko kagustong angkinin ang iyong bawat tingin,
Kung gaano ako nabibighani sa iyong mga ngiti.
Di na ako nagtaka na gusto nitong puso na sabihin
kung gaano ito kasigla kapag malapit ka na
Hanggang sa isang araw na di ko na kayang buhatin itong pakiramdam,
Kayat sinabi ko na ang nararamdaman,
Sinabi ko na sayo ang nararamdamang pag-ibig,
Na sa tuwing malapit ka na ang lakas ng kabog ng aking dibdib
at parang wala na akong naririnig,
Na sa bawat nakikita kita kulang pa ang limang Segundo na pagsulyap sayo,
Na sinabi kong ang hirap magpanggap bilang iyong kaibigan
kung ang turing ko na sa iyo ay pang ka-ibigan,
Sinabi ko na mahal kita, sobrang mahal na kita

Di na ako nagtaka kung ng lumuwas ang mga luha sa iyong mga mata,
Inisip ko siguro dala iyon ng galak at saya,
Inisip ko na siguro naiyak ka lang kase pareho pala tayo nang nararamdaman,
Iniisip ko na baka dahil mahal mo rin ako,
Pero mali pala ako, hindi mo ako mahal gaya ng aking inaalay,
Na pasensya na si ako kase hanggang pangkaibigan lang ang kaya mong ibigay,
Na sinabi mong may mahal kang iba, na mayroon ka na palang itinadhana.

Nakapagtataka nung sinabi mong iyon mas mabilis na naman ang pagtibok nitong puso,
Mas mabigat na naman ang dinadala nito,
Na parang naging mas tahimik ang paligid,
Nakapagtatakang sobrang nasaktan ako kahit wala naman akong sugat,
Nakapagtatakang gusto kong umiyak na lang ng umiyak,
Nakapagtatakang nasasaktan ako, nasasaktan ng todo-todo.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon di alam na mas may sasakit pa pala doon
Yung dating ikaw at ako, marami nang nagbago.
Di ko na nakikita yung pagngiti mo sa akin,
Di ko na maramdaman na kahit isang beses di mo ko kayang tignan,
Na nakapagtatakang ikaw at ako ay palayo na nang palayo,
Palabo na nang palabo,
Na dumating tayo sa punto na parang ikaw at ako ay hindi pinagtagpo,
Na parang nakalimutan natin bigla ang isat isa.
Na parang bigla kang naging buwan kung aking titingnan,
Na kaya kitang titigan at ngitian, ang mamangha sayo sa malayo.
Ang ibulong na lang sa hangin ang mga nais sabihin.
Na parang iniwan mo akong mag-isa sa islang puno ng memorya,
Na iniwan mo na ako mag-isa.
Na nawala yung pag-asang masabi kong mahal kita deretso sa mga mata mo,
na ipagsigawan na ikaw yung pinakanais-nais kong matamo,
Na yung mga masasayang pinagdaan ay tipong masasayang na lang.
Na ikaw at ako ay balang araw, di na nakapagtatakang di na ulit magtatagpo.

You might also like