You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA HEKASI 6

I. Layunin:

Sa tulong ng mga larawan at iba pang kasanayan, ang mga mag-aaral sa ika-anim
na baitang na may 80% tagumpay ay inaasahang:

a. ilarawan ang mga uri at kahulugan ng kaunlaran;


b. gumuhit ng larawang nagpapakita ng kaunlaran; at
c. napapahalagahan ang pagsisikap ng mamamayan at ng pamahalaan upang
umunlad ang bansang Pilipinas.

II. Paksang Aralin: Paraan ng Pagtataguyod sa Kaunlaran ng Bansa

Sanggunian: Yaman ng Pilipinas 6 p. 165 – 168

Kagamitan: larawan, istripa ng mga salita, dayagram at iba pa

Pagpapahalaga: Pagbibigay – halaga sa kabuhayan / kaunlaran ng isang bansa

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay

Magpakita ng larawan. Tumayo kung ito ay nagpapakita ng kaunlaran, at maupo


naman kung hindi ito nagpapakita ng kaunlaran.

2. Pagwawasto ng takdang – aralin

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Sino ang kasapi ng Executive Board ng United Educational, Scientific and Cultural
Organization (UNESCO) noong 1952?
2. Sino ang pangulo ng World Health Organization (WHO) noong 1952?
3. Sino ang naging UN Rapporteur on the Freedom of Information at namuno sa
sesyon ng karapatang pantao noong 1965?
3. Balik – aral

Basahin ang mga salitang nakasulat sa istripa at ibigay ang mga kahulugan nito.

 UNICEF
 UNESCO
 ASEAN
 MAPHILINDO
 WHO

B. Panlinang na Gawain

1. Paghahanda

a. Pag – alis ng sagabal

Pagtugmain ang hanay A sa mga kahulugan sa hanay B.

A B
1. Matiwasay a. inilagay
2. Etniko b. panatag, mapayapa
3. Demokratiko c. ang tawag sa mga taong sama
4. Inilagak samang naninirahan sa isang lugar na
may sariling wika, kaugalian,
tradisyon, at paniniwala
d. ang lahat ng mga mamamayan ay
pantay-pantay sa harap ng batas ano
man ang katayuan nila sa buhay o
tungkuling hinahawakan sa
pamahalaan.

b. Pangganyak

Magpakita ng mga larawan sa iba’t – ibang bansa na may maunlad at


hindi maunlad na pamumuhay.

 Ano ang inyong nakita sa mga larawan?


 Ito ba ay maunlad o hindi?
 Bakit ninyo nasasabi iyan?
c. Pagpapaliwanag sa layunin

Pag – aralan natin ngayon ang tungkol sa mga paraang pagtataguyod sa


kaunlaran ng ating bansa.

d. Paglalahad

Bigyan kahulugan ang salitang kaunlaran. Ibigay ang mga sangkap o salik
na naglilinang sa buong kahulugan ng kaunlaran ng isang bansa.

 Kaunlarang Pangkabuhayan
 Kaunlarang Pangkultua
 Kaunlarang Pampulitika

2. Mga Gawaing Pangkatan

a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.


b. Bigyan ng Gawain ang bawat pangkat

 Pangkat 1 – Kaunlarang Pangkabuhayan


 Pangkat 2 – Kaunlarang Pangkultura
 Pangkat 3 – Kaunlarang Pampulitika

c. Pag – ulat sa bawat pangkat.

3. Pagtatalakay / Paglalapat

1. Ibigay ang tatlong uri ng kaunlaran.


2. Ano ang kaunlaran?
3. Paano mo masasabi na ang isang bansa ay maunlad?
4. Bakit minimithi ng mga mamamayan ng isang bansa ang maunlad na
kabuhayan?
5. Gaano ka importante ang edukasyon sa pag – unlad ng ating bansa?
6. Sa palagay mo magiging maunlad ba ang bansang Pilipinas?

4. Paglalahat

Ipakita ang kahulugan ng kaunlaran sa pamamagitan ng paggamit ng Dayagram.


Halimbawa:

1. Malagong kabuhayan 1. Maunlad na pulitika 1. Mayamang kultura


2. Mataas na GNP / 2. May demokratikong 2. May pinagyamang element
Per Capita Income uri ng pamahalaan element ng sining, panitikan,
sayaw, musika, asal,
paniniwala at pagpahalaga

5. Pagsasanay

I. Isulat ang B sa patlang kung ang pangungusap ay pangkabuhayan, K


kung pangkultura at P kung pampulitika.

_______ 1. Pagtayo sa karapat – dapat na kandidato.


_______ 2. Pagpapahalaga sa mga sagisag ng Pilipinas.
_______ 3. Pagtanim ng mga gulay sa bakuran.
_______ 4. Pagtatayo ng mga industriyang pantahanan.
_______ 5. Pagdaraos ng palatuntunan tungkol sa wika.

II. Tingnan kung ang mga sumusunod ay tamang pagpapahalaga. Lagyan ng


puso ( ) kung tama at ekis ( X ) kung mali.

_______ 1. Pagtangkilik sa sariling produkto.


_______ 2. Magtapon ng basura sa ilog.
_______ 3. Pagtatanim ng sama ng loob sa kapwa.
_______ 4. Paggalang sa mga matatanda.
_______ 5. Pagpapahalaga sa sariling kultura.

6. Pagtataya

Sa isang buong papel, sumulat ng maikling talata tungkol sa kahulugan ng


kaunlaran.
IV. Takdang Aralin

Sa pahina 168 nang inyong aklat sa HEKASI, sagutan ang pagsubok A at B. Isulat ang
inyong sagot sa inyong mga kuwaderno.

Ipinasa ni:

Arbelle Jane Flores


Student Teacher

Ipinasa kay:

Mme. Antoinette Reambonanza


DASES - Mentor

You might also like