You are on page 1of 2

Ang kapwa ay importanteng parte sa pang araw-araw na buhay ng isang tao.

Ang kapwa ang nagiging sandigan, kaagapay at kasama sa mga masasaya at malulungkot na

araw. Ang kapwa ay nagsisilbing representasyon sa pagsasama at pagtutulungan ng mga

Pilipino. Ayon kay Virgilio Enriquez, ito ay ang ekwalidad at pag-iisa ng identidad ng mga

tao. Ang kapwa ay ang sentro ng ating pagiging Pilipino. Idinagdag ni Clemente (2008) na

ang pagaaral ng “kapwa” ay nakakatutulong upang malutas ang mga tanong tungkol sa

impluwensiya ng kultura sa paguugali, pagkilos at pagiisip ng isang tao.

Kaugnay sa kapwa ay ang pagtulong. Ang pagtulong ay likas na sa ating mga

Pilipino. Makikita natin sa pagtulong ang pakikipag-kapwa ng ating mga kababayan. Ang

pagtulong ayon kay Eisenberg, N., at Mussen, P. H. (1989), ay ang boluntaryong aksyon

upang makatulong at mabigyan ng benepisyo ang isang tao, may kapalit man o wala.

Binanggit nila Batara et al. (2016) na ang mga Pilipino ay matulungin parin kahit sa mga

taong hindi nila kilala (outgroup).

Pe-Pua, R., & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology): A

Legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology(3), 49-71.

Clemente, J. A., Belleza, D., Catibog, E. V. D., Laguerta, J., Solis, G., & Yu, A. (2008). A
look into the value system of Filipino adolescents. Philippine Journal of Psychology, 41(2),
1-32.

Batara,J.L.,Franco,P.S.,Quiachon,M.A.,Sembrero, M.A. (2016).Effects of Religious Priming


Concepts on Prosocial Behavior Towards Ingroup and Outgroup. Europe's Journal of
Psychology, Vol. 12(4), 635–644,
Eisenberg, N., & Mussen, P. H. (1989). The Roots of Prosocial Behavior in
Children.Cambridge: Cambridge University Press

You might also like