You are on page 1of 1

Leyva, Allicia T.

AB- Psychology 2-1 eve

/Mga bagong konsepto

Sa pagpapalawig ng sikolohiyang pilipino sadyang masalimuot para sa karamihan upang


maintindihan ang pakatao o “personhood” ng mga Pilipino. Sa konseptong inilatag ni Eriquez na
pumapatungkol sa “kapwa” bilang mahalagang paguugali ng mga pilipino, ito’y naging daan sa
comprehensibong paglalathala ng pagkatao ng mga Pilipino. Inilahad ni Enriquez sa kanyang akdang
“Indigenous Personality Theory” ang mga maling konsepto, pagkakaintindi at pagpapaliwanag sa mga
salitang Filipino na naglalarawan ng mga kaugalian ng mga pilipino bilang tao. Sinasabi ni Enriquez sa
kanyang pagaaral ang pagkatao ng mga pilipino ay umiikot sa salitang “kapwa” na naglalabas ng iba’t
ibang relatibong salita, katulad ng hiya, utang na loob, at pakikisama na ibinibilang niya sa
“accomudative surface value” ng mga Pilipino. Ito rin ang mga salitang binigyan ng interpretasyon ng
mga dayuhang mananaliksik. Ang mga pagpapaliwanag ng mga salitang ito ay ‘di sinang-ayunan ni
Enriquez, dahil kung iyong pagaaralang mabuti sadyang napaka komplekado ng mga salitang ito na dapat
lamang gamitan ng tamang termino at tamang pagpapaliwanag. Dahil sa komplikadong deskriptibo ng
mga katangian ng mga Pilipino mas idinitalye ni Yacat (2012) ang mas comprehensibong pagaaral at
pagpapalawak ng salitang “kapwa” bilang mahalangang pagkatao ng mga Pilipino. Binigyan diin niya rin
dito ang tamang paggamit ng salitang kapwa at pakikipagkapwa, at kung paano ito relatibo sa salitang
pakikipagkapwa-tao at pakikiramdam. Sa mas malawak na pag aaral ni Yacat nadiskubre niya na ang
mga antas ng “social interaction” sa dalawang kategorya na “ibang tao” at “hindi ibang tao” sinusukat
nito kung gaano kalapit ang isang tao sa tinuturing niyang kapwa-tao.

Mga konseptong mahirap aralin

Dahil sa komplikadong pag-iisip at pagkatao nating mga pilipino, sadyang nahirapan akong
maintindihan ang iba’t ibang termino o salita na naguugnay sa ating pagkatao na animo’y iisa lamang ang
ibig pakahulugan nito. Ang konseptong hangang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa aking kaisipan ay
ang kaugnayan ng mga salitang na nakapaloob sa table ni Enriquez na pumapatungkol sa mga katangian
at pag-uugali ng mga pilipino, paano ito nakabilang sa kanyang kinabibilangan.

Mga “insight”

Sa pagaaral o sa pagbasa ko sa sinulat ni Yacat patungkol sa pagaaral ni Enrequez ay napag alaman


ayon saknya, ang metodolohiyang ginamit ni Enriquez ay isa lamang Philosophical “speculation” at
hindi sistematikong interpretasyon. Sa pag aaral din Yacat gamit ang FSRQ ay natuklasan ko na mas
matibang o mas mataas ang antas ng romantikong relasyon kung ikukumpara sa relasyong pagkakaibigan
para sa mga pilipino, kaakibat ng resultang ya’n ay sinasabi niyang nakahiwalay ang interaksyon ng mga
tao (“kapwa”) sa facebook sa Ibang -tao at hindi ibang-tao sa konsepto ni Yacat.

Reflection

Sa masalimuot na panimula ng pag-aaral sa tunay na pagkatao ng mga pilipino at pati na ang mga kapwa
nating katutubo o etniko na nagtataglay ng iba’t ibang kultura dito sa Pilipinas ay sadyang mahirap bumuo ng
kongkretong tanong upang makuha ang tamang sagot sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sa pagsulat ng mga
batikang mga sikolohista ng Sikolohiyang Pilipino na sina Enriquez at Yacat patungkol sa ating mga pilipino nabuo
ang aking pagnanais na mas lalong maintidihan ang aking sarili at malaman kung saan at kanino talaga ako
kabilang. Ang pagiging pilipino ay sadyang kamangha-mangha na animo’y tayo lamang ang may taglay nito, mga
gawi at pag-uugaling nakagagalak na ipagmalaki. Ngunit kung gayo’n nga na tayo lamang ang may taglay ng mga
katangiang ito. Matatangap parin ba ng Universal psychology ang mga katangiang ito ay kabilang nga sa pagkatao
ng tao? Maituturing ba na normal lamang ang mga paguugaling ito sa isang tao? at kung hindi, dapat ba itong ibahin
o ayusin?

You might also like