You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kagawaran ng Paaralang Gwadrado
Master ng Artes sa Filipino
M.H. Del Pilar Campus

T.S.T
(Tanong- Sagot- Tanong)

Kasaysayan, Lipunan at Sikolohiyang Pilipino

ipinasa ni Armina Jane D. Baltores


ipinasa kay: Dr. Joseph Reylan B. Viray
P aano binalangkas ni Enriquez ang pagpapahalagang Pilipino?
-Binalangkas niya ito sa paayong paimbabaw na binubuo ng hiya, utang na loob at
pakikisama; kaugnay na kilos na binubuo ng biro, lambing at tampo; palabang paimbabaw na
binubuo ng lakas/ sama ng loob, at pakikibaka, Binigyang empasis niya sa pagbabalangkas na
ito ang kapwa bilang “buod na pagpapahalaga” na kaugnay ng pakiramdam bilang
pagpapahalagang tulay ng sarili at iba at kagandahang-loob bilang pagpapahalagang tulay ng
sarili at lipunan. Iniugnay sa mga nabanggit ang mga pagpapahalagang panlipunan tulad ng
karangalan, katarungan, at kalayaan. Bukod pa rito, tiningnan ni Enriquez na may dalawang
kategorya ang kapwa na salalayan ng pakikipagkapwa: hindi ibang tao (kabilang sa atin o
tagaloob) at ibang tao (tagalabas) na tungtungan din sa pagtutunguhan sa makapilipinong
pananaliksik.

A no ang pinagtuunan ng pansin ni Krupskaya Añonuevo sa kanyang pag-aaral ukol


sa saloobin at pananaw ng mga kabataan sa wika?
-Ang pinagtuunan niya sa kanyang pag-aaral ay ang pinag-ugatan ng paggamit ng wikang
Filipino at wikang Ingles, gayundin ang usapin ng bilinggwalismo.
Sa kanyang pagsisiyasat sa mga saloobin ng kabataang Pilipino, lumitaw ang dalawang
paglalarawan sa mga wikang ito. Ang Filipino ay kadalasang iniuugnay sa konsepto ng
“kapamilya” habang ang Ingles naman ay iniuugnay sa konsepto ng “kaibigan.” Sa usapin ng
paggamit, nakita ang pagbabalangkas ng Filipino bilang wika ng pagpapahayag ng damdamin
at pakikipag-ugnayan. Ang wikang Ingles naman ay kadalasang ginagamit sa akademikong
diskurso ng pagbabasa at pagsusulat, gayundin sa panonood ng mga palabas.

G aano ba kahalaga na mapag-aralan ang Sikolohiyang Pilipino?

-Napakahalaga na mapag-aralan ang Sikolohiyang Pilipino sapagkat marami itong


naitutulong o maitutulong sa isang tao at ilan nga riyan ay ang;
Una dahil sa Sikolohiyang Pilipino nabibigyan ng Sikolohiyang tulong ang mga
kababaihan, mga kabataan at ang mga taong may espesyal na pangangailangan sa tulong ng
mga ibinibigay na payo ni Elizabeth Protacio-Marcelino at ang iba pang mga sikolohista.

Pangalawa malaki ang naitutulong nito sa ating ekonomiya dahil ito ang ginagamit ng mga
industriya para sa kanilang marketing strategy, consumer behavior at management style na
tugma sa kanilang empleyado.
Pangatlo malaki ang maitutulong nito upang makilala mo ang iyong sariling pagkakakilanlan ,
madali mong mauunawaan ang iyong pagka-pilipino at malalaman mo kung ano ang pinagkaiba
mo sa iba pang lahi.
Pang-apat matututuhan mo ang mga Filipino values katulad ng utang na loob, hiya,
pakikisama, pakikipag-kapwa at iba pa.
Panglima maiintindihan mo ang ibang tao kung bakit mas gusto nilang tangkilikin ang
produkto ng iba o colonial mentality at kung bakit mas gusto nilang gayahin o idolohin ang ibang
lahi.
Pang-anim mas lalawak din ang iyong pagtanggap sa anumang sexual identity na meron ang
isang tao.
Ilan lamang iyan sa mga aral na maitutulong sayo ng Sikolohiya at ni Virgilio Gaspar
Enriquez bilang Ama ng Sikolohiyang Pilipino.

You might also like