You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kagawaran ng Paaralang Gwadrado
Master ng Artes sa Filipino
M.H. Del Pilar Campus

ANOTASYON
(Journal)

ipinasa ni Armina Jane D. Baltores


ipinasa kay: Prof. Jenalyn Lai
Pagsusuring Moral sa mga Piling Tagpo
Sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo

Paranas, Clarissa Mae E.


Sumaoang, Nixon Paul J.
Niña Jesusa G. Reyes
Master sa Sining (Filipino)
LG996 2020 P193-215

Ang pag-aaral ay isang pagsusuring Moral sa mga Piling tagpo sa Noli Me Tangere at

El Filibusterismo. Layunin nito na ipakita na sa paaralan ay hindi lamang nakatuon ang pansin sa

pagpapatalino ng mga mag-aaral; kundi nililinang din ang kanilang moral na karakter, pagkatao,

disiplina, civic conscience at tungkuling pangmamamayan sa tulong ng panitikan. Ginamit ang

Teorya ng Moral nap ag-unlad ni Lawrence Kohlberg sa pagsusuri ng ilang piling tagpo sa

nasabing nobela.

Nasuri ang mga sumusunod na kabatiran sa isinagawang pag-aaral; una hindi

makakailang naging salamin ng lipunang ginagalawan ang mga panitikang nabuo sa partikular

na panahon. Pangalawa, isa sa mga ginamit na estratehiya ni Rizal para palabasin ang kaniyang

kabuoang moralidad sa mga tagpo ay ang pagsalungat sa mismong moral na ahente sa kaniyang

nobela, Pangatlo, ang mga isinulat ni Rizal ay may posibilidad na hamunin at subukin ang

tradisyonal na kaugalian at panuntunan ng Pilipinas pati na rin ang pagkukunwari ng lipunang

Pilipino. Panghulí, base sa kabuoang puntos ng sampung pilíng tagpo, ang pangangatwirang

moral ni Rizal ay nasa Antas 4 ng Eskala ni Kohlberg. Dahil sa mataas na pangangatwirang moral

na nakapaloob sa mga akda ni Rizal na masalimuot, komplikado, at malalim, hindi lámang dapat

tingnan o gamítin ang mga ito bílang mga materyal sa pag-aaral ng Filipino, o sa pag-aaral ng

kritisismo sa politika at lipunan, ngunit higit pa, bílang mga materyal para sa pag-aaral ng etika at

moralidad, lalo na sa konteksto ng Pilipinas.

You might also like