You are on page 1of 2

Ang bilis ng panahon

Parang unang araw lang ng klase kahapon

Tapos ang isa’t isa ay iiwan na natin ngayon

Napakaraming ala-ala na nabuo

Ang dami nating inayos na gulo

At napakaraming guro na napataas natin ng dugo

Dahil sa katigasan natin ng mga ulo

Madalas tayong napapagalitan

At madalas tayong napag-iinitan

Dahil sa walang humpay nating kulitan

Ngunit isa iyan sa mga ala-alang tiyak na hindi natin makakalimutan

Nagsisi ako noong una

Kung bakit sa silid na ito ako napunta

Akala ko hindi ako magiging masaya

Akala ko wala akong mararamdamang tuwa

Akala ko wala akong mapapala

Akala ko lang pala

Ngunit mali pala

Dumaan ang mga araw

Lahat ng nasa isip ko ay natunaw

Ang lahat ay naging malinaw

Na hindi pala kumpleto ang araw

Kapag hindi ko kayo natatanaw

Sa loob ng sampung buwan


Hindi ko na mabilang ang mga nagawa nating kalokohan

Hindi ko na mabilang kung ilang tuwa na ang ating pinigilan

Ang mga ganitong eksena ay hindi ko na masisilayan

Dahil sa susunod na taon

May kanya-kanya na tayong pagkakaabalahan

May kanya-kanya nang pakikisamahan

At hindi na makakasama ang mga taong nakasanayan

Napakadaming memories

Ang panigurado nating mamimiss

Lalo na ang mga klase nating nakakainis

Mga nanghihingi lagi ng papel tuwing may quiz

You might also like