You are on page 1of 2

Langga, Vanessa T.

Paksa: Literatura: Mitolohiya

Pamagat: Komparatibong pag-aaral sa pagtangkilik hinggil sa filipino o banyagang mitolohiya ng mga

Mag-aaral na nasa ikalawang taon ng kursong Agham Pampulitika sa Unibersidad ng Caloocan City.

Dahilan

Napili ng mananaliksik itong klase ng pag-aaral sapagkat upang malaman kung ang mga mag-

aaral ba sa kursong Agham Pampulitika ng Unibersidad ng Caloocan City ay tinatangkilik ang mitolohiya

ng ating bansa o sa mga banyaga. At upang malaman din kung ano nga ba ang mas nakapupukaw ng

interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng isang mitolohiya.

Kahalagahan

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung sinusuportahan ba ng mga mag-

aaral ng kursong Agham Pampulitika ang mitolohiya ng Filipino o ang sa mga banyaga. Isa pa ay upang

maipalaganap ang kahalagahan ng mitolohiya man o ia pang klase ng literatura sa tao, mag-aaral at

gayon din sa bansang kanyang kinabibilangan.

Sanhi at Bunga

Ayon sa isang sanggunian, sa mga paaralan ng Pilipinas hindi binibigyang detalye kung sino-sino

ang karakter sa mitolohiya ng Filipino kung kaya’t kaunti o ang masama pa ay walang alam o kilala ang

mag-aaral sa kung sino ang mga diyos at diyosa na mayroon ang mga ito. Ngunit sa kabilang banda
naman ay mas nakikilala pa ang mga karakter ng diyos at diyosa sa mitolohiya ng mga banyaga, at mas

pokus ang pagkilala sa mga ito kung kayat ito ang mas kilala ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

Bilang rekomendasyon ng mananaliksik ukol ditto ay dapat ang mga estudyante ng nasabing

paaralan ay mamulat sa iba’t ibang mga ‘seminar’ at ‘book fair’ ng mga mitolohiya ng Filipino sapagkat

maaari rin itong magamit bilang inspirasyon sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Isa pa ay nararapat

din na pag-tuunan ng pansin ng mga guro ang pag-hahasa sa mga estudyante sa pagturo ng

mitolohiyang Filipino bago ang Ingles sapagkat ito ang ating sariling uri ng literatura, hindi ang sa Ingles,

at sanayin silang magbasa at tangkilikin ang gawang sariling atin.

You might also like