You are on page 1of 70

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus

Filipinolohiya sa
Pambansang
GEED 10113
Kaunlaran
BSBAHRM 1-2/1-4
Ginoong Jeffrey Nabo Lozada
Propesor
Yunit 2 –
Filipinolohiya: Isyu at
Istruktura ng/sa Wikang
Filipino
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Paksa 8: Laban para sa
Wika ay Laban ng
Bayan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Isang malaking insulto at kahihiyan ang naging desisyon ng Korte Suprema
na katigan ang utos ng Commission on Higher Education (CHEd) na gawing
opsiyonal na lamang ang Filipino at Panitikan bilang mga asignatura sa
kurikulum sa kolehiyo.

Sa bansang ito lamang yata hindi priyoridad ang pagkatuto ng sariling


mamamayan ng kanilang wika. Ang naging pagpapasya na ito ay isang
halimbawa ng ating neokolonyal at imperyalistang pag-iisip.

Tanging sa Filipinas lang pangalawa ang sariling wika–ang kaluluwa ng


isang bayan–at mas tinitingala pa ang mga maalam sa wikang Ingles o
Espanyol kaysa sa Filipino.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Mabilis tanungin ng iilan: Ano naman kung gawing optional ang
Filipino sa kolehiyo, gayong aaralin din naman ito sa Senior High
School?

Sa makitid ang utak, nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan


ay marahil may punto ito. Ngunit para sa totoong nauunawaan ang
kontribusyon ng wika sa pagkatuto ng mga mag-aaral, ang sagot
ay ito: Ang wikang Filipino, bilang parte ng ating kultura, ay
nagpapatibay ng ating identidad bilang mga Filipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Sa pangunguna ng kontra-wika at kontra-kulturang CHEd, ang
pagbaba ng Filipino bilang isang pagpipilian na asignatura ay
pagbaba ng pagtingin ng mismong mamamayan ng bansa sa sarili
nilang wika.Nakapanggagalaiting isipin na mismong CHEd ang
kontra-wika at kontra-kultura na siyang nangunguna sa pagbaba
ng tingin ng mga mamamayan sa sarili nilang wika sa
pamamagitan ng pagbaba ng Filipino bilang isang asignaturang
puwedeng pagpili-pilian lang.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Marahil ay hindi na nakagugulat na ang ganitong pagtingin ng mga lider ng
bansa sa ating wika ay naipapakita sa kung papaano nila tratuhin ang mga
nagluklok sa kanila sa kapangyarihang pinag-gaganid-ganiran nila: Imperyor
sa banyaga at hindi inuuna ang kapakanan ng sariling mamamayan.

Hindi na rin kataka-taka kung bakit ang mismong lider ng bansa ay bahag
ang buntot pagdating sa paglaban ng ating soberanya sa West Philippine
Sea. Lahat ito ay binubuo ng pag-iisip na bilang mga Filipinong kilala sa
mundo bilang “hospitable,” dapat palaging mas inuunang isipin ang
kapakanan at karapatan ng dayuhan kaysa sa sariling kababayan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ano ang magiging epekto nito sa milyon-milyong Filipinong mag-aaral? Lalaki
silang bawas ang pagpapahalaga sa sariling wika dahil nga naman hindi na nila
ito aaralin pagtungo sa kolehiyo.

Ayos nang kabisaduhin at isapuso ang gramatiko at diksiyon sa wikang


Ingles. Ayos nang hindi alam ang pagkakaiba ng paggamit ng “ng” at “nang” o
na ‘di kaya naman ay marami sa ating mga diyalekto at lennguwahe ay unti-
unting namamatay na. Tutal, tila ang layunin lang naman ng edukasyon sa
bansang ito ay pagtapusin ng kolehiyo ang mga mag-aaral ‘di para matuto
ngunit para maging “marketable” na empleyadong magre-remit ng dolyar mula
sa ibang bansa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung mahina o mababa man ang tingin ng Filipino sa kaniyang
sarili ay dahil hindi matibay ang pundasyon ng kaniyang
identidad–ang kultura niya ay pinaghalong Espanyol at
Amerikano. Nasaan ang pagiging Filipino? Kaninong
responsibilidad ang paghubog sa kaniyang pagkatao, pagka-
Filipino? Hindi ba’t nasa sa mga kolehiyo at unibersidad din at sa
mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng CHEd?

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ditosa Unibersidad, ayon sa huling ulat ay bagamat tuloy ang Filipino at Panitikan bilang
mga asignatura sa kolehiyo ay wala pang pinal na pasya ang Academic Senate na binubuo
ng mga dekano ng iba’t-ibang kolehiyo at iba pang opisyal ng UST.

Karapat-dapat lamang na himukin ng mga Tomasino ang administrasyon na panatilihin ang


mga nasabing asignatura sa kurikulum. Isa itong laban na hindi dapat isuko, sapagkat ang
kultura’t kalinangan ng bawat Tomasino ang nakasalalay rito.

Sa mga nakaraang taon, naipakita na ng Tomasino na kaya niyang labanan ang pagbabalik
ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps at ang patuloy na patayan sa kampanya ng
gobyerno laban sa droga. Marahil ay kaya niya ring tumindig para sa kaniyang wika, sa
kaniyang kultura at sa kinabukasan hindi lang niya ngunit ng sarili niyang bayan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Paksa 9: PiliFilipino: Isang Teorya
ng Wika

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
PiliFilipino: Isang Teorya ng Wika
 
PanayamProfesoryalCecilio M. Lopez saWika at Panitikang Filipino
ni Dr. Rhod V. Nuncio
(Sipimulasababasahingpapel ng panayamsa Y407 Pamantasang De La Salle, Marso 30, 9:30-
11:00 n.u.)
 

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
PiliFilipino – ito ang inihahaing panimulang teorya upang suriin
ang paimbabaw, malaliman at kaibuturan ng wika. Ang tatlong
bahagdang ito ng wika ang magiging punto ng analisis at
pagdadalumat. Hango ito sa sinabi ni N. Chomsky (sa Searle
1971) na mayroong surface structure (paimbabaw) at deep
structure (ubod) ang wika. Ang sa akin naman, may pumapagitna
sa dalawang level na ito, ang middle structure na tatawagin kong
lalim ng wika. Ito ang nawawala sa kayarian ng wikang Filipino
(WF). Sa madaling salita, walang lalim ang wika dahil walang
gramatikang nakaugat sa internal na himpilan ng ating
kamalayan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Tanging ang malakas at dominanteng paimbabaw na puwersa na
mula sa iba’t ibang direksyon, ideolohiya, adbokasi ang
kasalukuyang nagiging sandigan at batayan sa pagbabagong
pangwika. Sa ngayon hangga’t di matutugunan ang kakulangan
sa lalim at ubod ng WF, ang paimbabaw na level ng wika ang
tumatayong stratehiya sa pagpili, pagpilipit at pagpipilit na
lumabas ang kakanyahan ng wika. Ang tanong nga lang,
hanggang kailan ito tatagal? At aasa lang ba ang lahat sa politikal
at ideolohikal na bangayan ng mga makawika ang hinihintay na
pagkagulang ng WF? Ika nga’y matira ang matibay!

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Katulad ng nabanggit, paimbabaw ang debelopment ng wikang Filipino. May
tatlong pananaw tungkol dito:

a.) Kasalukuyang nililinang pa rin ang wika mula sa pinagbatayang wikang


Tagalog at ang nakalululang hamon na paglinang nito mula sa mga katuwang
na wika sa bansa,

b.) Mabilis na paglaganap ng Taglish sa iba’t ibang domain ng kaalaman at


praktika,

c.) Interbensyon ng gahum (estado, iskolar, media) na nakakaapekto sa


menu ng pagpili, pamimilit at pagpilipit sa wikang Filipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
PAIMBABAW NA WIKA

Ang puwersa ng pagbabagong wika ng WF ay hindi nakatarak sa


kognitibong kakayahan ng tao kundi sa samutsaring timpla (o gimik) at
interbensyon ng mga institusyon, grupo at mga polisiyang bitbit ng mga ito.
Bakit hindi nagmumula sa kognisyon o sa mental na proseso ng paglikha
ng wika? Dahil madalas at sa maraming pagkakataon ang internal na lohika
at istruktura ng pag-iisip natin ay nakakapit sa banyagang padron, sa
banyagang wika – Ingles. Pansinin:

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang makabagong alpabetong Filipino ay binibigkas ayon sa Ingles.
May implikasyon ito sa ponetika dahil nabaligtad ang prinsipyo ng
“kung ano ang bigkas, siya ang baybay”. Imbis na phonocentric (una
ang tunog kasunod ang baybay) naging graphicentric (kung ano ang
letra sa Ingles, ito ang baybay). Kung kaya’t mamimilipit sa
pagbigkas ang maraming batang mag-aaral ng WF kung ito ang
prinsipyong susundin sa ponetika ng WF. Ang “bahay” ay
bibigkasing “bey-hey”.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pagbaybay ng mgahiramnasalita at paglahoknitosasintaktikanganyo ng
pangungusap ay nakakilingsa Ingles. Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang
friend mo. So, yabang! MarahilsamgaManileno o
elistangnamimilipitmagFilipino o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax
sapalabuuan ng pangungusap. Laganap din itosa broadcast media, showbiz,
advertisement, interbyusamgapolitiko at kabataang cosmopolitan kuno ang
oryentasyonsakasalukyan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pagbaybay ng mga hiram na salita at paglahok nito sa
sintaktikang anyo ng pangungusap ay nakakiling sa Ingles.
Hal. Nakaka-turn-off naman ‘yang friend mo. So, yabang!
Marahil sa mga Manileno o elistang namimilipit magFilipino
o mag-Ingles, ito ang makabagong syntax sa palabuuan ng
pangungusap. Laganap din ito sa broadcast media,
showbiz, advertisement, interbyu sa mga politiko at
kabataang cosmopolitan kuno ang oryentasyon sa
kasalukyan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang tinatawag na code-switching ng mga dalubwika (Sibayan,
Baustista, Cruz) ay totoo namang di code-switching dahil ganito
naman ang kaayusan at kayarian ng pangungusap sa mga wikang
lubos-lubos ang panghihiram ng mga salita. Wala nang switching
na nagaganap dahil lantaran na itong lumilitaw sa mga diskursong
gamit ang WF. Syntactic-semantic substitution ang nagaganap
dahil ang paggamit ng i-, pag-, mag-, nag-, kaka-, um-, na- ay
sadyang naghihintay ng halinhinang mga salitang banyaga o hiram
nagiging structurally flexible sa formang Taglish.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
i-zerox, pag-zerox, mag-zerox, kaka-zerox, i-solve, pag-solve, nag-solve, kaka-solve

i-text, pag-text, mag-text, kaka-text, na-text i-equate, pag-equate, mag-equate, kaka-equate

um-attend, um-increase, um-order, um-answer

Kung kaya’t multiple substitution ang pedeng gawin dito na maiaayos o mailalapat din sa pangungusap.

Hal. “I-zerox mo ang papers mo sa promotion.” “Ok na kaka-zerox ko nga lang.” Ang Tagalog/Filipino component (unlapi o
hulapi) ay laging co-dependent sa hiram na salita, subalit nanatiling buo ang salitang Ingles o ibang hiram na salita.

Wala namang ganitong halimbawa (co dependent ang Ingles sa Filipino):

Re-ayos mo na yan!

Anti-makabayan ang mga trapo sa Congress.

Pindotize (na katawa-tawa ang dating) mo yong keypad.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Hindi ang wikang Ingles ang kalaban natin. Maaaring matuto ang
isang tao ng higit pa sa dalawang wika. At kapag sinabi nating
kakayahang bilingual o multilingual, nararapat na magkapantay ang
kabihasaan ng isang tao sa pagbasa, pagsulat, pakikinig at
pagbigkas sa mga wikang ito. Hindi tingi-tingi.
Ang problema’y kapabayaan at ang pagpapaubaya na sa
darating na panahon, gugulang at uunlad din ang WF. Fatalistikong
pananaw ito. Tila si Juan Tamad ito na naghihintay sa pagbagsak
ng bayabas sa kanyang bibig.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung kaya’t nangyari ang iba’t ibang direksyon at
agendang pangwika na batay sa interes ng iilan at uso ng
panahon. Ang iba’t ibang direksyong ito ay unti-unting
nawawala’t namamatay, unti-unti nauungusan ng
malalaking diskurso tulad ng globalisasyon,
industriyalisasyon at postmodernismo. Kung kaya’t sa
ating bayan mismo, nagtatalaban ang mga ito at naiiwang
nakatindig ang mapanuksong alternatibo – ang gawing
wikang ofisyal at panturo ang Ingles

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Tingnan natin ang iba’t ibang direksyon na narating ng ating wika sa kasalukuyan:

1.) Ang WF ay Taglish – wikang bunga ng eksposyur sa midya, paimbabaw at walang malinaw na
gramatika (kung meron man contingent ito at nakabatay sa talastasang publiko), ang wikang
“maiintelektuwalisa ayon kay Bonifacio Sibayan” (sipi mula kay Sison-Buban 2006)

2.) Ang WF ay Taglish na may varayti sa iba’t ibang wika sa bansa ayon kay Isagani Cruz

3.) Ang WF ay batay sa Tagalog o ang pananaig para rin ng puristikong gahum o ng Imperial Tagalog;
walang pagkakaiba ang Filipino at Tagalog ayon kay Cirilo Bautista (pananalitang ibinigay sa lunsad-
aklat ng Galaw ng Asoge, 2005)

4.) Ang WF ay larong-wika na pinasok ng mga batang manunulat ngayon, iskolar sa iba’t ibang larang
sa akademya, na walang malinaw na alintuntunin ng laro ngunit nangingibabaw na examplar ng
kasalukuyang anyo ng wika

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
UBOD NG WIKA

Ang ubod ng wika ang unibersal na forma o kaayusan ng basikong yunit ng kamalayan na taal nang
matatagpuan sa isipan ng tao. Kumbaga ito ang template ng isipan natin na yari na – naghihintay na
mapunan, mahubog, malilok, at maisaayos ayon sa idaragdag na istruktura ng natural na wika. Kumbaga
ito ang “universal o generative grammar” ni Chomsky, ang “private language” ni Wittgenstein, “archi-
writing” ni Derrida. Bago pa man may istruktura ng wika, may nakalikha nang istruktura ang isip na
tatanggap at mag-oorganisa ng kamalayan ng tao. Kaya’t may kakayanan ang lahat ng tao na matuto ng
wika, ng kahit anumang wika, dahil sa ubod ng wikang nakahimpil sa isipan natin. Ito ang a priori
grammar. Ito rin ang nag-uudyok sa imahinatibo’t malikhaing paraan ng isip natin na ikonstrak ang wika
batay sa iba’t ibang modalidad/range/linguistikong yunit sa pagkatuto ng wika… … …

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
LALIM NG WIKA: GRAMATIKANG FILIPINO?

Lahat ng buhay na wika (natural languages) ay dumaraan sa mahabang panahon ng pagbabago at


madalas hindi developmental ang yugto ng pinagdadaanan nito kundi retardasyon at tuluyang
pagkawala. Alam natin ang magiging kahihinatnan ng maramihang puwersang pangwika na paimbabaw
na nagtatalo-talo at naghahalo-halo sa isip at kamalayan ng tao. Higit pa riyan, nagpapaubaya at
nagpaparaya ang mga ispiker-tagapakinig ng wika dahil wala silang masandigang internal na lohika o
gramatika ng wikang naririnig at nababasa nila. Alalahanin natin ang sinabi ni Emerita S. Quito
(1989/2010: 23): “Hanggang ngayon, tayo ay nasasadlak sa kabulukan ng Taglish. Ang maikling
kasaysayang ito ng wika sa ating bansa ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay. Una: pagkatapos ng 88
taon, hindi pa rin maaaring sabihin na ang Pilipino ay natuto na ng wikang Ingles; at ikalawa,
lumaganap ang isang bulok na wika, ang Taglish, na hindi Ingles at hindi Filipino.”

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Mahalaga ang lalim ng wika dahil:

Ito ang nagsasaayos ng mga signal o yunit ng ubod ng wika para maging
natural na wika,nagsisilbi itong auditing at editing facility sa isip ng gumagamit
ng wika,ito ang precursor ng imahinatibong pag-iisip ng tao ayon sa tuntunin ng
wika niya at ng daynamikong kakanyahan at kakayahan ng wika sa
pagpapakahulugannagiging transisyonal at transgenerational ang pagsasalin
ng pagkatuto ng wika na di nakadepende sa kung ano ang uso at
pinapausointralinguistic facility ito para sa transformasyon ng wika ayon sa
pagbabalanse ng internal na lohika ng kanyang wika at ng praktika/gamit ng
wika bunsod ng pagbabago sa lipunan at iba pang external factor.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pagpili ng Filipino bilang wika ay mangyayari sa kailaliman ng kanyang isip at kung magkagayon
malayong-malayong mabubuwal nang agad-agaran ang Filipino (tao at wika) sa daluyong ng pagbabago
sa mundo at lipunang ginagalawan. Ang PiliFilipino ay panimulang pagtatangka sa pagteteorya sa wika at
analisis ng WF na may sandamakmak na varayti. Inisyal na hakbang ito sa binubuong teorya ng wika at
sa implikasyon nito na ang istruktura ng WF ay dapat nakaangkla sa lalim at ubod ng wika o sa gramatika
(prescriptive) at pre-grammar (individuated inscription) ng isang tao. Ang paimbabaw na wika’y di
maglalaon ang magiging natural na wika (descriptive) na gagamitin ng mamamayan. Ang PiliFilipino ay
kritikal at istratehikong pagpili ng taong malay sa ubod at lalim ng kanyang wika upang maging kanyang
wika sa pakikipagtalastasan, pamimilosopiya, paghahanapbuhay, pagkrikritika at iba’t ibang
komunikatibong sitwasyon at pagkilos.

Kung kaya’t ibalik natin ang wika sa kaibuturan ng kamalayan natin at di lamang sa sanga-sangang
dila ng gahum.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
PAGDADALUMAT-SALITA: Kung Bakit Hindi na Hikain ang
Wika ng Teorya sa Wikang Filipino
ni Prof. Rhoderick V. Nuncio, Ph.D.
 

Nais kong buwagin ang matagal nang paniniwala na walang kakayahan ang ating wika—ang wikang
Filipino—na magamit sa larangan ng pagteteorya. Hindi pa raw ganap na intelektwalisado ang wikang
ito sa iba’t ibang larangang pang-akademya (liban na lamang daw sa panitikan) kung kaya’t
nananatiling lingua franca pa lamang ito sa kalye. Ganyan ba kababaw ang tingin natin sa wikang
Filipino? O dili kaya’y ganyan ang tingin nating nasa akademya sa wika ng mamamayan natin.Tatlong
sanaysay ni IRC ang magiging batayan sa panayam na ito: una, Kung Bakit Mas Dato Gid ang Wikang
Filipino Kaysa Wikang Langyaw; ikalawa, Kung Bakit Hinihika ang Wika sa Kritika; ikatlo’t huli, Ang
Wika bilang Ideolohiya o ang Wika ng Teorya bilang Teorya ng Wika. Hindi ko nais rebyuhin ang tatlong
sanaysay na ito, bagkus magsisilbing pananda at tagapag-usad ang mga ito upang palitawin ko ang
aking mga argumento.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Unang argumento: Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang Filipino
na magamit ito sa pagdadalumat upang higit na mapayabong ang
karunungang Filipino at Araling Filipino.
Ayon kay IRC, “Hanganrin kong ipakita na mas mayaman ang ating wika
kaysa sa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas
sa konseptong langyaw” (2003: 84). Karugtong nito ang paglalagom ng
kanyang sanaysay: “Sa madaling salita, maraming salita tayong maaaring
gamitin para pag-ibahin ang iba’t ibang kahulugan ng iisang salitang
langyaw” (93). Maraming nabigay na mga halimbawa si IRC sa sanaysay na
ito: kritika, teorya, kritisismo, pamumuna, panunuri, kasaysayang
pampanitikan, buwis, daigdig at mundo. Ngunit ihahaylayt ko lang ang isang
salita: teorya.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang teorya na galing sa literary theory o theory ay ang “pag-aaral sa
pangkalahatang isyung bumabalot sa literatura, sining, at kultura, tulad ng
papel ng literatura sa mundo, kung maaari ngang matuklasan ang kahulugan
ng isang likhang panliteratura, o ang relasyon ng literatura sa wika” (92) Ang
teorya ay isang salitang langyaw na inangkop sa baybay Filipino. Ngunit kung
susundin ang premis ni IRC mas angkop at mas wastong gamitin ang salitang
“dalumat”. Mula sa etymology ng theory: Gk. theoria “contemplation,
speculation, a looking at, things looked at,” from theorein “to consider,
speculate, look at,” from theoros “spectator,” from thea “a view” + horan “to
see.” (http://www.etymonline.com/index.php?term=theory) Kay Panganiban
(1973) ang salitang “dalumat” ay kasingkahulugan ng “paglilirip” at
“panghihiraya”. Sa Ingles na kahulugan, ayon kay Panganiban (1973), ganito
ang ibig sabihin: very deep thought, abstract conception. Ang dinadalumat ay
salita na may implikasyong abstrakto at pilosopikal. Ginagamit ang salita hindi
sa payak na paraan bagkus sa mataas na antas ng pag-iisip.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Sa ganitong paliwanag, samakatuwid, ginagamit ang salita bilang konsepto sa larangan ng
pagteteorya. Humihiwalay sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito
sa antas ng interpretasyon. Ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay upang maging malikhain
ang isang palaisip o teorista sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at
kakanyahan ng salita bilang dalumat. Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensiya ng isang
iskolar o teorista na bumuo ng bagong salita sa dinadalumat na teorya . Kung susuriin natin
ang teorya batay sa etymology nito nakatutok lamang ito tulad ng dalumat sa paglilirip o
abstraktong konseptwalisasyon. Ikalawa, ipinipahiwatig nito ang distansiya ng teorista bilang
tagamasid, tagatanghod, tagasipat. Subalit, wala rito ang kapangyarihan ng haraya at
paghihiraya na nakasahog sa konotasyon ng salitang dalumat. Samakatuwid, kung
nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang paglilirip, pagsisid sa kailaliman
ng kahulugan/penomenon at paghihiraya nito. Ibig sabihin dahil sa imahinasyon, tagakatha’t
tagasuri siya sa pagdadalumat. Hindi lamang textual ito bagkus, visual din ang saklaw ng
pagdadalumat. Visual din naman ang ipinapahiwatig ng teorya ngunit palabas ito, nakatanaw
ito.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Sa dalumat, sasabihin kong, internal ito’t nasasakop na ang pagtanaw sa
labas, dahil hiniharaya na ito sa kognitibong pagtakbo ng isip, sa loob, sa
ating kamalayan. Siyempre pa kailangang linawin din kung anong kontexto
nakatali ang kahulugan ng teorya dahil sa ngayon maraming kahulugan ito
batay sa anumang disiplinang (siyensya, agham panlipunan o humanidades)
sumususo rito. Ikalawang argumento: Hindi na bansot ang ating wika, hindi
na kulang-kulang ang ating vocubularyo para sa talastasang teoretikal. Hindi
na totoong kailangan pa nating maghintay ng isandaang taon para
maintelektuwalisa ang wikang ito. Ang Pagdalumat-Salita Sa anumang
binubuong teorya, mahalaga at makapangyarihan ang wika. Bukod sa
pagtingin na ang wika ay representasyon ng mundo ayon sa mga
nominalista, ang wika rin ay isang instrumento na maaaring makapagpabago
ng isipan ng mga tao at sa pagtagal ng panahon ng kilos ng tao. Subalit, mas
tututukan ng panayam na ito ang gamit ng wika bilang “wika ng teorya”
(Cruz, 2003: 134).
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Mas tatalab ang hamon sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino kung
gagamitin ang wikang ito sa teoretikal o pilosopikal na larangan ng mga
iskolar. Ibig sabihin nararapat na sa wikang Filipino nag-iisip nang analitikal
at kritikal at sa wikang Filipino ito naipapahayag . Ganito rin ang paniniwala
ng ibang iskolar (Cruz 2003, Lumbera 2000, Salazar 2000, Covar 1998,
Atienza 1996, Enriquez 1992, Torres-Yu) na sila mismong nagtangka’t
nagtagumpay sa masinop at mataas na paggamit ng Filipino sa akademya.
Sa ginawang paglilinaw ni I R. Cruz (2003: 134-135) sa Critical Practice ni
Belsey (1980), lumitaw ang apat na konsiderasyong ito. Ayon kay Cruz,
maaari nating: 1. …linawin ang bagong konsepto na nais ipaliwanag ng
teorista, 2. …ituro ang mga bagong salita, kung mayroon man, na nilikha ng
teorista para maipaliwanag ang kanyang bagong konsepto;

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
3. …ipaliwanag kung ano ang mga bagong palagay na naghahari sa diskors ng teorista, kung
ano samakatwid ang kanyang nais ipalit sa kababawan 4. …kung aling mga palagay na
kasama sa kababawan ang binabatikos ng diskors, hindi lamang ng nilalaman nito kundi pati
na ang estilo o estratehiya ng pagsulat nito. Isang punto lang naman ang hindi ako sang-ayon,
ang salin ng common-sense bilang kababawan. Ang wika ay isang ideolohiya, wika ni IRC
(131). Sa tingin ko ito ang diskurso ng balana. At dahil sinabing nakasahog ang kababawan sa
wika, dahil wika ang kongkretong manifestasyon nito, magiging kontradiksyon ang pagwaksi
sa kababawan o common sense upang linangin ang wika ng teorya sa wikang Filipino at
pagdadalumat-salita. Dalawa ang paliwanag ko rito: Una, ang common-sense, ang balon ng
kaalaman at kamalayan ng mga tao upang sila’y kumilos at makipagdiskurso sa pang-araw-
araw nilang buhay. Ito ang kasangkapan nila sa pag-unawa ng mga ordinaryo at maski mga
komplikadong bagay-bagay sa buhay nila. Dito nanggagaling ang sumatotal ng makabuluhang
pagkilos nila batay sa nabuong paniniwala at hinuha bunsod ng pagdanas o karanasan nila.
Common-sense na umiyak tayo sa palabas na madrama. Siyempre dahil common-sense nga
ito.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Tumawa kung talagang nakatatawa. Magdala ng payong kung makulimlim ang langit.
Sa normal at normatibong takbo ng buhay natin, napakahalaga ng pagkakaroon nito.
Di nga ba’t ang kulang sa ganito’y nababansagang mahina ang pag-iisip.
Natatanging kaloob sa atin ito dahil ito ang dahilan kung bakit nagbreakdown ang
mga riserts tungkol sa Artificial Intelligence dahil ang kaya lang iproseso ng
kompyuter o computational system ang impormasyon ngunit hindi ang common-
sense na tulad sa isang tao. Ikalawa, ang gusto kong sabihin ay ganito. Mahalaga
ang balanang pananaw dahil nakasandig dito ang pagdadalumat. Totoo ngang sa
artikulasyon at presentasyon ng dalumat/teorya pinahihirap ng mga teorista/palaisip
ang kanilang isinusulat, dahil common-sense din naman, para mag-isip ang babasa
nito at lalo pang paghusayan ang pag-unawa rito. Ika nga’y winiwindang tayo para
ang hindi obvious ang lumabas, kundi ang iba pang maaaring kahulugan. Kung
kaya’t ang function ng pagdadalumat ay hindi para idikonstrak ang balanang
pananaw, kundi bukod pa sana sa pagkakaroon ng ganitong pananaw, mabuksan
ang iba pang posibilidad ng pag-unawa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Hindi maaaring maging kababawan ang common-sense dahil sa halos lahat ng
pagkakataon, ito ang nakalitaw at nakalutang sa inaaakala nilang paraan ng pag-
unawa sa praktikal na pamumuhay nila. Ang tungkulin ng teorista’t palaisip ay
palawakin pa ang palaisipan ng buhay at realidad. Para sa karaniwang tao hadlang
nga ang balanang pananaw para usisain pa ang ibang kaisipan at palaisipan. Ito rin
ang kapangyarihan ng wika at ito nga ang layunin ng panayam kung bakit
kailangang nasa wikang Filipino ang pagdadalumat dahil sa wikang balana
manggagaling ang dalumat. Nakasanayan na kasi na ang wikang Filipino ay wika
lamang sa komunikasyon ng mga karaniwang tao, wika ng midya at showbiz, at wika
lamang sa kababawan. Subalit kailangang maging wika ito ng ating diwa, sa mataas
na antas ng pag-iisip ng mga Filipino. Hindi rin naman inosente ang wika ng teorya.
Ang lahat ng wika ay may pinagbubukalang ideolohiya. Ang wika ng teorista/palaisip
ay nagpapahiwatig ng posisyon ng kapangyarihan. Ika nga’y bunga ito ng social
capital ayon kay Bourdieu na taglay ng isang nakapag-aral, titulado, at kahit paano
mataas ang katayuan sa buhay kumpara sa iba.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung kaya’t dahil dito, natural din na magkaiba talaga ang kayarian ng wika ng balana at wika ng
akademya. Tunghayan natin kung ano ang pagdadalumat-salita. Ang pagtatangkang teoretikal,
alinsunod sa paglikha ng bagong salita at katuturan nito, ay tatawaging pagdadalumat-salita. Ano ang
pagdadalumat salita? Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng
pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan
ng mga ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito. Tinitingnan sa
paraang ito ang ugnayan ng salitang ugat at ang varyasyon ng mga pagbabanghay ng salita na
nagluluwal ng sanga-sangang kahulugan (Nuncio at Morales-Nuncio 2004: 167). Ganito ang ilang
paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko, teorista, at palaisip sa iba’t ibang disiplina. 1. Pag-
imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto: Pilipinolohiya ni Covar, Pantayong Pananaw ni
Zeus Salazar, Pamathalaan ni Consolacion Alaras, Sarilaysay ni Rosario Torres-Yu. 2. Pagsasalin at
pagdagdag ng kahulugan: kritika, anda, at gahum ni IRC, loob at labas 3.
Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez, kasaysayan bilang
“salaysay na may saysay” at “pag-uulat sa sarili”; Dating bilang pagdadalumat sa estetikang Filipino ni
Lumbera.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Dagdag pa natin ang naging ilang kontribusyon ko sa pagdadalumat-salita.
Kaakuhan-pag-ako ng sarili (ako) sa kanyang pagkatao, pagkakakilanlan
Pantawang pananaw-kapangyarihan ng tawa na tumuligsa at mang-uyam sa
mga nasa kapangyarihan; ang tawa bilang kritika Sangandiwa (kasama ang
aking asawa sa pagkatha nito)-kalikasan ng Araling Filipino bilang
multidisiplinari ang lapit, multikultural at multilinggwal ang mga konsiderasyon
sa pag-aaral nito. Pagsasanga-sanga ng mga talastasang pangkalinangan sa
loob at labas ng bansa na may lalim at lawak. Kaisahan ito ng pagkakaiba-iba
ng diwa at kabuuan din ng maramihang pakikisangkot tungo sa mapanaklaw
at malawakang kapilipinuhan ng sarili’t bansa (2004: 167). Ikatlong argumeto:
Nasa atin mismong kalinangan o kultura, sa balanang pananaw, at
makaFilipinong diskurso sa tulong ng ating wika ang pagbubukulan ng wika ng
dalumat/teorya natin. Sa bahaging ito, nais kong talakayin ang pagdadalumat-
salita ng “sanghiyang” upang ipakita sa inyo ang detalye at kabuluhan nito sa
kasalukuyang panahon, sa penomenon ng internet.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Sisimulan ko ito sa hambingan ng morpolohiya at pagdadalumat-salita. Maaaring sabihin na magkahawig
ang morpolohiya at ang pagdadalumat-salita. Ang morpolohiya ay isang sangay ng pag-aaral sa
linggwistiks. Ayon kina Santiago at Tiangco (1991) pag-aaral ito sa mga morpema ng isang wika at ng
pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Ang bawat salita ay maaaring binubuo ng
salitang-ugat at ng mga panlapi. Binanggit din nina Santiago at Tiangco (1991:108) na ang panlapi bilang
yunit ng salita ay tinatawag ding “di malayang mga morpema”, sapagkat walang sariling katuturan ang
mga salitang ito kung hindi idudugtong o ilalapi sa ibang mga yunit salita na tinatawag bilang mga
morpema. Katulad halimbawa ng salitang magbasa; binubuo ito ng dalawang yunit morperma: mag+
(unlapi, unang yunit morpema) at basa (salitang ugat, ikalawang yunit morpema). Ang mag+ ay hindi
nakakatayong-sariling salita (sa ponolohiya, ponema ito na tinatawag ding pantig), walang sariling
katuturan kung hindi ilalapi sa ibang salita. Sa ganitong mabusising pagtanaw sa wika, bubuksan ang
binubuong pagteteorya sa wika. Magkahawig man sa proseso, hindi magkatulad sa maraming bagay ang
morpolohiya at pagdadalumat-salita.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Pansinin ang talahanayan sa ibaba: Morpolohiya Pagdadalumat-salita
Tipo/kinabibilangang pag-aaral linggwistik metalinggwistik Tipo ng palabuuan
ng salita denotatibo konkreto konotatibo Abstrakto/teoretikal Uri ng pag-
unawa linggwistiko pilosopikal Pagpapakahulugan gramatikal diskursibo
Talahanayan 1.1 Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdalumat-salita Ang pag-
unawa sa salita sa morpolohikal na istruktura ay linggwistikong nakabatay sa
kumbensyonal na pamantayan. Ibig sabihin higit nang alam ng nakararami
ang salita at kahulugan nito. Samantala, ang isang katangian ng dalumat-
salita ay hindi ito matatagpuan sa anumang diksyunaryo, dahil nga sa bagong
mga salita-konsepto ito at dahil arbitraryo itong nilikha ayon sa
pangangailangang teoretikal. Sa pagpapakahulugan sa natural na wika , ibig
sabihi’y wikang ginagamit ng nakararami sa komunidad ng gumagamit
(nagwiwika) nito, hinuhugot ang kahulugan sa istruktural-gramatikal na
kaayusan ng salita.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pagpapalagay na walang sariling kahulugan ang pantig o unlaping mag+
ay nabuo bilang mga koda o batas sa pag-aaral ng wika. Samantala sa
dalumat-salita, diskursibo ang pagpapakahulugan, hindi natatali sa istruktura
ng wika o sa mga batas nito lamang ang pagpapakahulugan, bagkus winawari
ito batay sa partikular at kabuuang signifikasyon nito sa ibang usapin. Imbis
na textual (panloob-suri sa wika), intertextual (panlabas-suri) ang nagiging
hantungan ng pagdadalumat-salita. Ang panloob-suri ay tinatawag na
linggwistikong analisis, samantalang ang panlabas-suri’y diskors analisis
(Tannen 1993, Fairclough 1995, Van Dijk 1997, Georgakopoulou at Goutsos
1997). Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin
ng mga iskolar na magkatambal ang wika at kalinangan. Sa isang banda,
tama ito sa dahilang binubuhay ng bawat isa ang isa’t isa. Nasa kalinangan
mismo mahihinuha ang konteksto ng wika, kung papaano binibigyang lalim at
salaysay ang salita sa partikular na gamit, at ang wika sa kabuuang
signifikasyon nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Hindi masalimuot na relasyon ito. Ika nga’y kung gusto mong matutunan ang
isang buhay na banyagang wika o lokal na wika, nangangailangang
mamalagi sa sisidlan nitong kalinangan. Kailangang makibagay, makibahay
at makipamuhay. Sa fanksyonal na pagtingin, ang wika ang ginagamit para
sa transmisyon ng kultura, para manatiling buhay ito. Ang wika sa isang
kalinangan o kultura ay kumbensyonal na ginagamit at nauunawaan. Napag-
alaman at alam ito ng mga kabahagi ng kulturang iyon dahil na rin sa
mahabang panahong paggamit nito at dahil sa nakasahog ito sa aktibong
ritwalisasyon ng kultura.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Paksa 10: Kulturang
Popular
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Tungkol sa “kulturang popular” at “kolonyalismo”

Mga Bakas ng Popularisasyon Bilang Aparatong Kolonyal/Komersyal at ang Kapangyarihan ng


Komukunsumong Masa

(sipi mula sa aklat na Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-
Pananaliksik. Manila: UST Publishing House, 2004, nina RVNuncio at EMorales-Nuncio)

Ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipang popular.


Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng isang isipan sa
isipan ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.

—Florentino Hornedo, Kulturang Popular: Kabuluhan, Midyum, Daigdig at Paninda

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Mabisang aparato ng kolonyalismo at komersyalismo ang
popularisasyon. Sa panahon ng pananakop ng Kastila ginamit
ang krus, sandata at maskara. Pagdating ng mga bagong
kolonyalistang Amerikano, ginamit naman ang teknolohiya at mas
midya. Sa diskursong ito ang popularisasyon ay pananakop bilang
panghihimasok sa kasarinlan ng kamalayan at katawan.
Panlulupig din ito na kinukonsidera ang paggamit ng simbulo,
senyal at materyal na kumakalat dala ng mga inobasyon at
istratehiyang kolonyal at komersyal sa bansa. Ngunit sa bandang
huli mayroong tensyon, kontradiksyon, kapangyarihan at resistans
ng mamamayan ang nalilikha.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Mga Bakas ng Kolonyalismo 

Ang  pagsusuri sa kontexto ng aparatong popularisasyon ay isang mapanuring pagtingin sa naging


epekto ng kolonyalismo sa Pilipinas. Inuunawa ang salitang kolonyalismo sa papel na ito bilang texto at
kontexto ng pananakop sa Pilipinas. Ang una ay patungkol sa imahe bilang instrumento sa pagpapalawig
ng kaayusan, pananakop at paniniil sa katawan at kaisahan ng bawat Filipino. Dito sa imahe ng
kolonyalismo ipinapalabas ang pagkakaroon ng simbulong krus, espada at maskara bilang mga
natatanging simbolikong instrumentong ginamit ng mga Kastila para sa panlulupig at pagpapayapa ng
kaayusan ng mga ng mga Filipino. Ginamit ang relihiyon upang maikalat ang Kristiyanismo sa bansa.
Ginamit naman ang dahas at puwersang militar, upang maipamukha ang katatagan at kalakasan ng mga
dayuhan sa pananakop nila gamit ang istrakturang politikal at ekonomiko. Ginamit naman ang maskara
bilang pananakop sa kultural na lebel—ang paggamit ng comedia at zarzuela upang mahubog ang mga
sinakop sa kaisipan at kostumbreng dayuhan. Subalit masasabing naging mahina ang imahe ng maskara
dahil sa hindi paglaganap ng wikang Espanyol. Naging isang miskalkulasyon sa loob ng tatlong daang
taon ang hindi pag-ayon sa paglaganap ng nasabing wika.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
May  posibilidad na hindi sana sumiklab ang Rebolusyong 1896 kung naging malawakan sa
simula pa ang pagtuturo ng Espanyol sa mga mamamayan sa kolonya. Repormista ang
kamalayan ng mga edukadong nanguna sa kampanya para sa pagtuturo ng Espanyol.
Kung may pagbabago mang ibubunsod ang pagkakamit ng wika ng kolonyalista, iyon ay
tungo marahil sa pagpapatibay pang lalo sa paghahari ng Espanya sa Pilipinas. Naganap
ang radikalisasyon ng kamalayan ng mga edukadong Filipino sa panahon ng kanilang
pakikibaka para sa karapatan ng mga Filipinong matuto ng Espanyol. Sa pagtatanggi ng
mga kolonyalista na ibigay ang wika nila sa mga Filipino, naliwanagan ang mga ilustrado na
layunin ng mga kolonyalista na panatilihing mangmang ang nasasakupan upang ang mga
ito’y manatiling alipin (Lumbera 2000: 91).
 

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung  kaya’t ang maskara ay gumamit ng wika mismo ng mga Filipino; ito ang wikang nagbigay ng
sariling anyo sa dulang naging kasangkapan dapat sa programang kolonyal. Dito naisafilipino at naging
komedya at sarswela ang mga dulang ito.

Walang lantarang hangaring bigyan ng kasarinlan ang mga Filipino noon sa ilalim ng Espanya. Subalit
ang pagsasabansa ng lahing Filipino kabilang ang mga Muslim, Intsik at iba pang lahi ay isang
implikasyon ng pagbabago o pag-aaklas laban sa mga Kastila.

Kung  kaya’t aktuwalisasyon ng kamangmangan, pantasya, kahirapan at pagkaalipin ang pananakop


ng Kastila. Ang kolonisasyon ng mga Kastila ay ang pagtatalaga ng katauhan na sila mismo ang
humubog, isang katauhan ng imahen bilang indio sa paningin nila ngunit naging tensyon at kontradiksyon
na gagapi sa kanila.
 

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang MgaTunggaliang Ideolohikal 

Ngunit sa pagpasok naman ng mga Amerikano, naging isang daluyan ng pag-aaklas sa panibagong kolonisasyon ang
paggamit ng drama. Halimbawa nito ay ang pagyabong ng Drama Simbolico sa Maynila at karatig-Katagalugan (Chua
1997) at maging sa mga drama realistiko na ipinangalan ni Resil Mojares (Don Pagusara 1997:xxi) sa Cebu. Naturete at
nangamba din ang mga Amerikano sa ganitong uri ng pagsasadula gamit ang mga dramang naisulat nina Aurelio
Tolentino (Kahapon, Ngayon at Bukas), Juan Matapang Cruz (Hindi Aco Patay), Juan Abad (Tanikalang Ginto), at Tomas
Remigio (Malaya). Kung kaya’t tinurin ang mga obrang ito bilang subersibo at mapanganib. Dahil sa ang nilalaman ng
pagtatanghal ay laban sa imperyalistang Amerika, naging palaman sa publiko ang ganitong pagbabanta (Arthur Riggs,
1981):[It] inculcate a spirit of hatred and enmity against the American people and the Government of the United States in
the Philippines, and…to incite the people of the Philippine Islands to open and armed resistance to the constituted
authorities, and to induce them to conspire together for the secret organization of armed forces, to be used when the
opportunity presented itself, for the purpose of overthrowing the present Government and setting up another in its stead.
(sinipi mula kay Arsenio Manuel ni Doreen Fernandez, 377).
 

 
 
 
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
  Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Upang  maiwasan ang ganitong pagkakataon sa unang salvo ng mga
kolonyalistang Amerikano, pinalaganap ng huli ang tunggaliang ideolohikal
na hindi nakatutok sa puwersa kundi sa tinaguriang inobasyon at
benevolent assimilation. Ipinasok din ang edukasyon bilang instrumento
ng kolonisasyon sa mga Pilipino. Ang ganitong kaparaanan ng kontrol ay
mabisang naisakatuparan. Sinabi ni Renato Constantino na: “American
control of the educational system made possible the distortion and
suppression of information regarding Philippine resistance to American
rule and the atrocities committed by the American army to crush that
resistance” (1978: 68).
 
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
  Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pangkahalatang ideolohiya ay umikot sa agenda ng pagpapayapa ng resistans bitbit ng
sistemang edukasyunal na inihain ng mga Amerikano. Bukod pa rito, bilang namamayaning
pananaw, sinabi ni Priscelina Legasto (1998: 46-47) na may dalawa pang kategorya ang
ipinagmalaki ng mga Amerikano para alisin ang pagkaatrasado ng mga Pilipino: una na rito
ang sistemang pensionado at ang ikalawa ang pagtuturo ng wikang Ingles. Dito ngayon
naging masalimuot ang baybaying kaisipan at paniniwala sa isang wika at kulturang labas sa
tunay na saloobin at karanasan ng mga Filipino.

Mga Bakas ng Komersyalismo: Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at


Komodipikasyon o Pakikisangkot ng Mass Media sa Buhay ng Komukunsumo Nito

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Samantala, pumasok naman ang telebisyon bilang bahagi ng mekanismong politikal upang palakasin at
pabanguhin ang imahe ng isang Pangulong nagnanais muling tumakbo. Si Judge Antonio Quirino ang
gumawa ng paraan upang gamitin ang isang midyum na kilalang-kilala at patok na patok sa Amerika noong
dekada singkwenta. Subalit naging bigo si Elpidio Quirino sa kanyang planong politikal na mahalal muli
kahit na naging tagumpay ang pagpasok sa bansa ng telebisyon sa tulong ng kanyang kapatid. Ngunit kung
hindi naman nagtagumpay sa unang sigwa ng pagpasok ng telebisyon sa larangan ng politika, kabaligtaran
naman ito sa nangyari sa pagpapaunlad ng industriya ng mas midya at ng negosyo sa bandang huli. Ganito
ang paliwanag ni Clodualdo del Mundo, Jr. (sa Patajo-Legasto, 1998) nang sa bandang huli, napunta sa
mga kamay ng mga negosyante ang mas midya. Katulad halimbawa ng isang istasyon, napilitan silang
sumuung sa batam-batang industriya ng telebisyon. “Bolinao Electronics Corporation…not only had to set
up and maintain a TV station, but also had to arrange for the distribution and sale of TV sets. Because it
was directly responsible for the people buying TV sets, it was bound to continue operations at any cost” (del
Mundo, Jr. 1986: 74).

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Bunga nito nakisangkot ang mas midya bilang daluyan ng
impormasyon at enterteynment na kinagigiliwan ng tao. Bawat
tahanan ay nagnanais na magkaroon kung hindi man radio, tv
set o ng pareho. Pumasok na ang moda ng produksyon at
distribusyon ng mas midya sa Pilipinas. Sa simula ang
distribusyon ay nakatuon sa napripribilehiyong iilan na may
salapi at kapangyarihan para magmay-ari o magkaroon ng
akses sa mas midya. Sapagkat ang pamantayan ay negosyo,
katulad nang nabanggit iilan lamang ang nagkakaroon ng
akses dito. Subalit babaguhin lahat ito nang ang kulturang ito
na sinusustene ng iilan ay tututok sa kultura ng
komukunsumong masa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang pagkonsumo sa produkto ng mass media—radyo, telebisyon, pahayagan—ay nagtatakda ng
pagtangkilik sa kalakaran ng oras o panahon. Ang mass media ay kinokonsumo hindi dahil ito ay
mahalaga sa panapanahong yugto, kundi nagbibigay ito ng tuluyang pangagailangan ng tao sa lahat ng
yugto ng panahon. Sabi ni Philip Abrams: “Unique among the mass media, radio and television are given
opportunities by time, by the fact that they have the whole day, everyday, to dispose of, and that they can
break up the day” (sa Casty, 1973: 90). Ang prosesong ito ay domestikasyon ng mass media sapagkat ang
bawat programa sa radyo at palabas sa telebisyon ay tuluyang naihahatid nang walang puknat, nang
walang hinto sa pandinig, sa paningin at sa kamalayan ng tao. Dagdag pa ni Alice Guillermo: “Much of the
effectivity of the TV medium as a conveyor of values and hence of ideological content lies in its immediate
accessibility: with a flick of a dial, the images spring to life and all at once there is created the illusion that
these images are within us, around us and that they unfold in space as the world outside our domestic
confines” (1989: 204).

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Lahat na yata halos ng galaw, hilig, pagpapahalaga, hitsura, problema, kaalaman at
iba pa ay tumatakbo bilang mga nag-aagawang tema sa programa o produkto ng
mass media. Lahat ng ito ay nakasilid ika nga sa idiot box (TV) o talkies (radio) na
mistulang nagbebenta ng tema at produkto sa pagkonsumo ng tao. Dahil dito, ang
galaw, isip at damdamin ng tao ay nakakahon sa diskurso ng mass media. Sinusuyod
ito bilang praktika ng pang-araw-araw na pamumuhay sa lipunan. Sinasang-ayunan ito
ni Nick Couldry nang sabihin niyang: “We can understand the media’s ability to
become ‘obligatory passing points in the general circulation of images and discourse,
not as something superimposed on social practice from the outside; instead it
endlessly reproduced the details of social practice itself” (2000: 5).

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung bakit ganito ang kinahihinatnan ng mga komukonsumo ng mass media
ay sa dahilang hindi na ito tinitingnan bilang repleksyon o representasyon ng
realidad; bagkus, ang mass media mismo ay bumubuo na ng realidad ng tao.
Kalabisan mang sabihin, subalit ito ang nagdidikta kung ano ang kakainin,
iinumin, susuotin, aalamin, papanoorin, pakikinggan, sasabihin ayon kay
Rolando Tolentino (2001). At sa kaganapang ito nagiging mistulang normal at
natural lamang ang pagkonsumo sa pangkahalatang diskurso at praktika ng
mga tao.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo

Ang kulturang popular ay realidad ng tao; inaangkin ito bago ang lahat at pinapalaganap
mula sa sensibilidad ng tao dahil sa kanyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang
naghahari ang makabago, mapusok, marangya at makapangyarihan. Ang kulturang popular
ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng
tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa
popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Paano?
Dapat munang isaalang-alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang
bansa. Sinabi ni Tolentino na:

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Makikilala lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya para maipaabot
ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print, broadcast, film, computer at iba pa. Ito ay maaaring domestikong
teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay maaaring kultural na teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining (2001: 7).

Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado ay mahahalagang sangkap sa komersyo ng isang bansa. Napasimulan
ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa
panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan sa
panunungkulan ni dating pangulong Manuel Roxas. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot (at
umiikot hanggang ngayon) sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para
mapanatili pa lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang pagbubukas ng pinto sa mga
bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil
na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol
ang produksyon sa pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na nakakaraming tao—ang masa. Ayon kay Teresita Maceda (Lagda
1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa
Amerikanisasyon ang masa kahit na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang una’y
kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao.
“Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and symbolic goods of everyday life. While culture is
concerned with tradition and social reproduction, it is also a matter of creativity and change” (Barker,
2000: 35).

Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura, sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang
kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na maaaring nakabatay sa katangian, salik at
deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika, ekonomiya at kasaysayan. Sinasabi naman ni
Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan ng isipan sa
mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa afinidad
ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi namang
magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong
balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu”
(2001: 4-5).
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na
nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.” (1983: 87, salin).
Numerikal din ang isang pakahulugan ng popular. Popular ang isang bagay o tao kung
maraming tumatangkilik. Ang afirmatibong aksyon na pagtangkilik ang lumilikha ng bilang.
Sa isang banda, ang salitang popular ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus
(“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
Sa ideolohikal na usapin, sa pagsasanib ng dalawang salitang ito, ang kulturang popular ay
unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang
kabaligtaran ng mataas na Kultura (may empasis sa malaking K). Kultura ito ng
namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa lipunan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang produkto ng Kultura nila ay tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang
masa ay bakya at mababang uri (Adorno at Horkheimer, sa During 2000). Pakiwari ni Chris
Baker dito: “A variant of high-low cultural boundary, and one which reproduces the’inferiority
of the popular, is that which decries commodity-based culture as inauthentic, manipulative
and unsatisfaying” (2000: 44).
Saan nanggagaling o ano ang sentrong pinagluluwalan ng kulturang popular? Sinasabing
ang gumagawa o sumusugal sa kulturang ganito ay yaong mga transnasyunal at translokal
na kapitalista. Wala ng geopolitikal na hangganan ang pagpasok ng makabagong musika,
literatura, pagkain, damit, kaisipan, ideolohiya at marami pang iba. May rasyonalisasyon ng
pang-araw-araw na tunguhin ang mga tao na naiimpluwensiyahan ng mga bagay o komoditi
mula sa labas. Humahatak ito sa pangkalahatan na sumanib at makiuso at nagiging
pananda ng kasikatan sa panloob na geograpi ng kilos at gawi ng tao (Ritzer, 1990). Kay
Lumbera (1997) usapin ng loob at labas ito, ang kulturang popular ay galing sa labas na
kaiba sa pambansa o folk na kulturang nasa loob ng bansa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Nang tumagal, ang puwersang ito na mula sa labas ay pumasok na sa
sensibilidad, pagpapahalaga, kaugalian ng mga tao. Matatawag natin itong
kultura ng kamalayang popular na mas matindi pa sa pisikal na pagtangkilik
lamang ng produkto. Kapag napasok na ang kamalayan, nagiging bahagi na
ng kalooban ang mula sa labas.
Sa bandang huli ng spectrum, makikita ang kalagayan ng mga
komukonsumong masa. Sa ganitong sitwasyon pinaniniwalaang ang
kulturang popular ay maiintindihan, hindi sa yugto ng produksyon ng mga
produkto, bagkus sa pagkonsumo nito

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Kulturang Popular: Isang Pagsasaayos sa Kapangyarihan ng Kultura at Masa sa Panahon ng
Komersyalismo

Lubhang nakakulong sa diskurso ng kawalang kapangyarihan ang papel ng masa sa kontexto ng


kulturang kanilang nililikha at lumilikha sa kanila. Sa ganitong kadahilanan, nararapat na gamitin at
basahing muli ang pagteteorya ng terminong kulturang popular.
May tatlong kategorya ang paggamit ng mga katagang ito. Ang kulturang popular ay isang pag-aangkin
sa puntodebista ng gumagamit o komukonsumo nito. Ito ay kultura ng tao, ng masa at masasabing dikta
ng komukonsumo. Paanong mangyayaring dikta ito ng masa? Ang mga produkto ng kulturang popular
ay ginagawa kasa-kasama ang masa sa isipan ng mga kapitalista. Hindi ba’t bago lumustay ng malaking
puhunan sa isang produkto ang isang negosyante, tinitingnan at sinusuri muna kung magugustuhan ba
ito ng konsumer? “Judgments about popular culture are concerned with question not of cultural or
aesthetic value (good or bad taste) but of power and the place of popular culture within the wider social
formation” (Barker, 2000: 48). Ang produksyon sa kalakaran ng kulturang popular ay nasasapawan. Ang
mga kapitalista ay dapat na sumunod at mamalagi sa paggawa ng may matataas na serbisyo at
produkto. Sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon at paggamit ng teknolohiya
napapanatili ang kalidad at kahusayan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang produksyon sa kulturang popular ay maramihan sapagkat inaabot nito ang masa.
Subalit ang ganitong takbo o kalakaran ay naglalagay ng alanganin sa mga
kapitalista. Sapagkat gamit din ng nasabing teknolohiya at pananaw sa maramihang
produksyon, nasasapawan sila ng mga maliliit ngunit makapangyarihang retailer o
negosyante. Dito pumapasok ang mga imitasyon ng mga produkto sa merkado,
halimbawa ang mga pekeng pantalon, damit, bag; payrited na tape, cd, at dvd; suplus
na appliances tulad ng computer, tv, radio, cd player, kotse at marami pang iba. Sa
ganitong tunggalian ang may matataas na kalidad na produkto ay binibigyan ng
proteksyon ng batas. Ngunit ang kalaban nito ay ang puwersa ng mamimili na siyang
nagpapasya sa pagkonsumo kahit na ang produkto ay peke, payrited o imiteyted.
Isang kasagutan kung bakit mataas ang pagtangkilik dito ay ang presyo ng serbisyo
at produkto—lahat ito ay mura kumpara sa orihinal, awtentik at patented. Hindi rin
natin masasabing labas ito sa kalakaran ng kulturang popular. Hindi ang isyu ng
legalidad ang punto rito, kundi ang tunggalian at tensyon sa espasyo ng paggamit ng
kapangyarihang pumili at bumili.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang boses ng masa bilang konsumer ang gumagawa sa malaking bahagdan ng pagkilos
ng produkto at serbisyo sa merkado at sa lipunan sa kabuuan. Inululugar ang
kapangyarihan ng masa bilang espasyo ng tunggalian at pag-aaklas sa merkado o lipunan.
Babagsak ang isang kapitalista kung hindi patok sa masa ang kanyang produkto. Sapagkat
ang pag-aangkin ng kapangyarihan ng masa ay nakatutok sa kalayaan ng konsumer na
mamili sa produkto o serbisyong kanyang bibilhin. May kalayaan sa pagpili ang konsumer,
samantalang ang kapitalista ay nakakulong sa produksyong walang katiyakan at katatagan
pagdating sa merkado.
Ang lugar ng elit, aristokrat at burgis ay yaong gamitin ang kanilang salapi para sa
produksyon at wala ng iba pa. Samantalang ang masa mismo ang tuwirang may
kapangyarihan upang buhayin, ipagpatuloy at buuin ang kulturang popular. Maling sabihin
na ang kulturang popular ang namamayaning kaayusan na binuo ng mga elit.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Sa bahagdan ng pagbubuo ng kulturang ito maliit na porsyento lamang sila
bilang prodyuser-konsumer. Ang punto ng kulturang ito ay wala sa produksyon
kundi nasa pagkonsumo. Ang trending kung anong palabas o produkto ang dapat
pamalagiin ay dapat na nakasunod sa kagustuhan, desisyon at pagtangkilik ng
mga komukonsumo; kung hindi, ang palabas at produktong ito ay mauuwi sa
pagkalimot at pagkalugi. Kung kaya’t nawawala sa ere ang isang palabas sa
telebisyon kung hindi ito nagustuhan ng manonood. Nalalaos ang isang usong
damit kung wala nang nagsusuot. Nalalaos din ang mga artista o aktor kung
lumipat sa iba ang kanilang dating fans. Sa katapusan, nagsasara ang isang
kompanya kung ang kanilang pananatili ay wala ng saysay sa mga tao.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Ang kulturang popular ay lugar ng tensyon at kontradiksyon, kapangyarihan at
resistans. Tunay ngang nakikinabang ang mga kapitalista sa pag-ikot ng
transaksyon sa negosyo, industriya at kulturang popular. Ngunit nagiging pupugak-
pugak na mithiin na ang magkamal ng malaking kita, sapagkat magastos ang
kagustuhan ng konsumer. Ang pangunahing tungkulin ng kapitalista o prodyuser ay
pasayahin at gawing kuntento ang konsumer, ngunit alam nating walang katapusan
ito. Isa pa, kailangan nilang sustenahin ang kanilang lugar sa merkado dahil sa
kompetisyon. Kailangan din nilang magkaroon ng palagiang inobasyon sa serbisyo
at produkto, at bigyan ng maraming benepisyong libre at iba pang gimik ang
konsumer upang manatiling tapat na tagapagtangkilik. Hindi ba’t magastos ang
ganitong kalakaran ng kulturang popular? Kung may kontrol man sila iyon ay dulot
ng kanilang salapi, subalit hindi pangmatagalan ito sa dahilang madaliang guguho
ang kapital dahil sa walang hinto at hindi matigil na kagustuhan ng mga
komukonsumo. Ang kulturang popular sa mga kapitalista ay lugar ng pakikipagbuno.
Samantala sa masa ito ay isang bukas na lugar ng malayang pagpili o paghulagpos.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Maghanda para sa isang
Kasanayang Pampagkatuto

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa City, Laguna Campus
Hanggang sa
sususnof na
talakayan!
Ginoong Jeffrey Nabo Lozada
Propesor

You might also like