You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Office of the Vice President for Academic Affairs
College of Business Administration

RUBEN, JYIELCE REAL B.


BSBA MM 1-4

REPLEKSYON

Sa pag-aalis ng wikang Filipino sa curriculum sa kolehiyo, napapaisip ako sa malalim na


kahalagahan ng wika sa pagpapalaganap ng kultura at pagkakakilanlan ng isang bayan. Ang
wika ay hindi lamang isang sistema ng komunikasyon, kundi isang buhay na bahagi ng ating
pagiging Pilipino. Ipinapakita ng wika ang ating kasaysayan, ang pakikipaglaban ng ating mga
ninuno sa mga kolonyal na mananakop, at ang pag-usbong ng ating pambansang kamalayan.

Sa paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon, natututunan ng mga estudyante ang


pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan. Ang panitikan, na naglalaman ng
mga akda na sumasalamin sa karanasan ng mamamayan, ay nagiging daan upang mapalalim
ang ating pag-unawa sa sariling kultura.

Ngunit, ang pag-alis ng wikang Filipino sa curriculum ay tila pagtatanggal sa isang


mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Ang mga guro na nagtuturo ng Filipino ay
nawawalan ng trabaho, at ang mga mag-aaral ay nawawalan ng pagkakataon na makilala at
mahalin ang sariling wika.

Nakakabahala ang naging implikasyon ng kolonyal na edukasyon sa ating sistema, at tila ba


ang CHED Memo ay isang pagpapatuloy ng mentalidad na dapat tayong sumunod sa mga
pamantayan ng kanluran. Ang mga solusyon na itinutukoy ng memo ay tila mekanikal at hindi
nagbibigay halaga sa tunay na kahalagahan ng ating wika at kultura.

Sa harap ng pagbabago, itinataguyod ko ang pagsusulong ng wikang Filipino sa edukasyon.


Ang pag-aalis nito ay isang paglimos sa ating pambansang kamalayan, isang hakbang patungo
sa paglimos sa sariling kultura. Wikang Filipino, ipaglaban natin ito.

You might also like